Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

2016 Philippine President (Your Bet)

Your Bet

  • Binay

    Votes: 20 2.8%
  • Grace Poe

    Votes: 22 3.0%
  • BongBong Marcos

    Votes: 59 8.1%
  • R. Duterte

    Votes: 534 73.8%
  • Mar Roxas

    Votes: 18 2.5%
  • Miriam Santiago

    Votes: 55 7.6%
  • Allan Cayetano

    Votes: 2 0.3%
  • Ping Lacson

    Votes: 5 0.7%
  • Others

    Votes: 9 1.2%

  • Total voters
    724
100% DUTERTE..

Nakakasawa na kasi yung kandidatong santo sa panahon ng eleksyon. Ito nagpapaka totoo, sabi pa nga nya " putang ina, kukunin ko yan" yan ang mga term na gusto kung mangyari. Nakarating ako ng DAVAO last year iba talaga ang daming project pero walang DUTERTE na nakalagay. di gaya ng iba anak ng teting kapirasong pader lang ang pinagawa parang mas malaki pa yung pangalan ng kandidato kesa sa pader na pinagawa nya. Isa sa mga dahilan kung bakit pinag iinitan ng mga taga HUMAN RIGHTS itong si mayor eh malamang maraming kapalpakan din na pweding masilip sa ahensya nila pagnagkataon. Wala na yatang malinis na ahensya ang gobyerno natin ngayon. sige nga mga kapatid dito sa forum anung ahensya ng gobyerno ang alam nyong malinis sa panahon ngayon? Kahit ung kasalukuyang presidente natin ngayon di ko alam kung pihikan pa ba ang tawag sa kanyan oh talagang BADING yan.
 
Duterte parin.... Human rights pa clang nalalaman... Naawa kau sa kriminal? Bakit cla ba naawa sa biniktima nila?? Mamamatay tao? Human rights pa kaung nalalaman
 
Duterte din, dahil kaya ko ding magbago, tumawid sa tamang daan, mag-hintay ng green light bago tumawid sa kalsada, mag park sa tamang lugar, pumili sa tamang pilahan at maghintay kahit na mahaba ito. Lahat tayo gusto ng pag-babago, lahat gusto ng pag-unlad na nararanasan sa ating pang araw-araw na buhay, pero handa na rin ba tayong magbago ara sa kaunlaran? handa naba tayong magbayad ng tamang buwis, sumunod sa batas trapiko sa batas ng lipunan, na hindi mag yosi sa pampublikong lugar, hindi mag-ingay at mag-iskandalo sa kalsada, handa na ba tayong hindi gumamit ng paputok sa baong taon, hindi umasa sa palakasan para mabigyan ng pabor, handa na ba tayong mag-download ng may bayad, iwasang bumili ng pirated na kahit ano, damit dvd, sapatos, laruan. Handa na ba tayon mag-trabahao at mag-sumikap ng patas? Yung tipong hindi ka mag-oover stay sa starbucks o mcdonalds o 711 para mag palamig at hindi magbigay ng upuan sa lrt o mrt para sa nangangailangan. Handa na ba tayo? Dapat nating tandaan hidni lang corruption ang kayang mabawasan o mapatigil nang ating pambato, dapat din nating tanggapin na ang ating pambato ay naniniwala sa disiplina, at ang disiplina ay nag sisimula sa sarili..maging totoo tayo sa sarili natin.. Na-realize ko lang to kanina, patawid ako ng kalsada may mga estudyante ng isang sikat na pamantasan ang nag-uusap na iboboto daw nila si duterte. Syempre natuwa ako sa kanila, pero bigla silang tumawid at hinarangan ang mga sasakyan na nag-dulot ng trapiko kahit na naka-signal ng pula ang trapik light sa pedestrian lane. Bigla akong nalungkot naisip ko na akala ng karamihan politiko lang ang kurap, na ang politiko lang at mga tao sa gobyerno ang dapat mag-tino, na ang mga tao lang sa gobyerno ang magbabago pag naging presidente na si duterte... Sana maging tapat din tayo sa ting hangarin, hindi lahat kaya ng gobyerno kailangan nating makiisa. Katulad sa Davao, hindi magagawa ni mayor Duterte kung ano mang nagawa niya doon kung hindi nakiisa ang tao, noong panahong mahalal kasi siya doon ay magulo pa ang davao at ang mga mismong taga doon ang pumili ng pag-babago..sana tayo rin :)
 
Grabe nangunguna si duterte..Mas maganda kung ki mirriam nalng tayo.:lol::dance::dance:
 

Attachments

  • 12391279_10205643957766684_6703541117740746701_n.jpg
    12391279_10205643957766684_6703541117740746701_n.jpg
    27.5 KB · Views: 13
:ranting: para sa akin if matuloy si Grace Poe malamang na si Poe ang mananalo.,
pero pag di sya matuloy sa pagtakbo., siguradong si Duterte talaga
ang manalo.. kasi alam ng mga taong bayan kong sino ang MALINIS at TAPAT sa trabaho...
kasi dati pang puro palpak ang pamumuno sa ating bansa.,
puro abuso nalang ang nangyare sa kaban ng bayan.. at laging may anumaliya
ang pamamalakad nito.. kaya KATARUNGAN at HUSTISYA ang tanging hiling
ng sambayan.. at sinu bang hindi gusto sa salitang PAGBABAGO

at TAPAT sa SERBISYO...
syempre tayong LAHAT.. di ba..? kaya PANAHUN NA PARA SA PAGBABAGO.. :ranting:

sa daang matuwid alam na natin na WALANG PAGBABAGO :upset:
sa daang matuwid alam na natin na DI TAPAT SA SERBISYO :upset:
sa daang matuwid alam na natin na WALANG HUSTISYA :upset:
sa daang matuwid alam na natin na DI MALINIS AT MATINUNG PAMAMALAKAD :upset:


ngayun IBUBOTO NYU PA BA..? :upset:
 
Duterte pa din po :champ:
 
Last edited:
presidential survey 33% n c binay tapos c duterte 23% nadagdag pa ung 2nd disqualification issue sa kanya..... nakakalungkot... panu kung madisqualified sya


du30 padin pag nadisqualified mirriam na ko....
 
Hanggang ngayon nag iisip parin ako mukha kasing parang lahat puro pasikat lang.
 
Hanggang ngayon nag iisip parin ako mukha kasing parang lahat puro pasikat lang.

Oh pasikat din pala si Mirriam? at si Duterte. Kung nag babasa ka ng mga profile ng mga kandidato hindi mo masasabi yan ngayon :) :peace:
 
Back
Top Bottom