Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

2016 Philippine President (Your Bet)

Your Bet

  • Binay

    Votes: 20 2.8%
  • Grace Poe

    Votes: 22 3.0%
  • BongBong Marcos

    Votes: 59 8.1%
  • R. Duterte

    Votes: 534 73.8%
  • Mar Roxas

    Votes: 18 2.5%
  • Miriam Santiago

    Votes: 55 7.6%
  • Allan Cayetano

    Votes: 2 0.3%
  • Ping Lacson

    Votes: 5 0.7%
  • Others

    Votes: 9 1.2%

  • Total voters
    724
kung gusto natin na tunay at buhay na pagbabago...duterte na guys!:)
 
Si Roxas ang pinaka realistic ang sinasabi sa kanilang lahat. Sinungaling si Duterte. Hambog si Poe. Desperado naman si Binay. Parepareho lang ung tatlong lahat na ipinangako makakuha lang ng simpatya sa masa. Si Roxas ang dapat maging pangulo. Pero as usual, maghahalal na naman ng palpak ang sambayanang Pilipino.

Realistic mo mukha mo! lahat ng kandidato na yan di natin masasabing malinis at di sinungaling at di magnanakaw. Hindi nga magnanakaw sabihin na natin, pero kung parang tuod na di naman mapakinabangang president, dbale nlng mag nanakaw basta may aksyon! gaya halimbawa ni Pnoy na di nga siguro magnanakaw pero mabubwisit ka sa mga aksyon nya, npakabagal! MRT nga na sinasakyan ko araw-araw kinakabahan ako dahil araw-araw may dipekto! pag nataong sakto lang pamasahe ko at pinababa kami sa tren dahil sira lakad ang inaabot ko! ganyan dapat ang bigyang pansin! hindi yung di ka nga magnanakaw eh di ka naman mapukaw ng kunsensya!

DU30 ako :) - magkanakawan na ayos lang bast di tayo gutom at tigil na ang krimen at droga! =
 
Ang paninira ay umiimbento ka ng maling kwento laban sa isang tao para pasamain ang imahe ng taong un. Wala akong inimbentong kwento; sinabi ko lang ang opinyon ko sa mga kandidato. At nasa demokratikong bansa tau. Hindi mo pwedeng pagbawalang magbigay ng opinyon ang ibang tao sa mga kandidato lalo na't campaign period ngaun, panahon para busisiin, batikusin. suriin ang mga kandidato. Ngaun, kung anong mga nagawa ni Mar Roxas? Mas malaki at mas marami kesa pinagsamasamang nagawa ng iba pang presidential candidates (maliban kay Santiago) na pinakikinabangan ng buong bansa hindi ng iilang tao sa isang lungsod lang.

https://4.bp.blogspot.com/-w2bQYmKKrbA/Vte-P2E51_I/AAAAAAAAANA/pS8F1hkpHNU/s1600/achievement.jpg

[1995] RA 7880, Fair Education Act
[1998] RA 8759, PESO Act
[1999] RA 8748 and RA8756 (Ecozone Incentives)
[2000] PCs for Public Schools
[2000] Explosive Growth of PH IT-BPO
[2008] RA 9501, Magna Carta for Small Business
[2008] RA 9504, Tax Exemptions for Min. Wage
[2008] Cheaper Medicines Act
[2011] Lifting of EU Ban on Filipino airlines
[2012] EO 75, Protects Seamen from Blacklists
[2012] Developing Seaports (especially Davao)
[2012] LRT-1 Extension (Baclaran to Bacoor)
[2012] LRT-2 Extension (Masinag)
[2012] Bottom-up Budgeting Program (versus local politicians)
[2012] Air Passenger Bill of Rights
[2013] Disaster Management
[2014] Oplan Lambat-Sibat
[2015] PNP Patrol Jeeps and Firetrucks
[2015] Safe KAM – CCTVs

Kung credentials ang pagbabasehan, si Mar Roxas ang may pinakamataas at xa ang pinaka-qualified maging pangulo. Kaso popularity context ang presidential election kaya malamang hindi rin xa manalo.

Hindi makikita o mababasa sa papel ang tunay na kwento ng mga nagawa ni Roxas kundi sa tunay na estado at uri ng buhay na meron ang isang Juan dela Cruz ngayon.
 
E di si Duterte ang iboto niyo, walang pumipigil sa inyo. Hindi niyo kelangang maging abrasive sa ibang taong kasalungat niyo ng opinyon. Gaya ng sabi ko popularity contest lang ang presidential election sa Pilipinas. Kung sinong bago at sikat dun makiki-bandwagon ang karamihan ng mga tao, Wala silang pakialam jan sa mga republic act at bill of rights na yan.
 
Wala namang masama dun sa sinabi ko at lalong di ako sumalungat sa opinion mo , maybe you just took it negatively.

Pag pabor sa kandidato mo ang nakararami ngayon, masasabi mo pa rin bang popularity contest LANG ang Presidential Election?

I am just asking ha :)
 
panalo na Duterte, grabe sa lahat2x na ng nakita kong mga poll LUZON VISAYAS AT MINDANAO pananlo na talaga si DU30... nice
 
duterte laaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaabbbbaaaaaaaaaaaaaaaaaaan

- - - Updated - - -

duterte laaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaabbbbaaaaaaaaaaaaaaaaaaan

nadaya na naman yan pagnatalo taga nyo sa bakal at stainleess maging sa platinum o sa lahat ng matibay na component sa periodic table makikita nyo.alam nyo daya ang tatalo
kay duterte.kung madaya ang kalaban asahan patay ang taong bayan..be as one tayo du30
 
Last edited:
Yan ang sinasabi ng lahat ng natatalo na nadaya sila. Kung manual voting system pwede ka pang magdudang nadaya ka pero mahirap dayain ang automated election system. Polarizing si Duterte. Marami xang supporters pero marami ring ayaw sa kanya. Hindi landslide ang suporta sa kanya ng taumbayan di gaya ni Erap na~25% ang lead sa ibang mga kandidato, o ni Pnoy na ~16% ang lead sa iba. ~5% lang ang lamang ni Duterte kay Poe sa mga survey. Pwede pa silang magkapalit o maging ni Binay o Roxas ng posisyon sa actual election day dahil hindi pa covered ng survey ang lahat ng sektor. At maging ang mga survey ay hindi 100% na repleksyon ng magiging resulta ng eleksyon.
 
Hindi ako naniniwala sa survey lalo na sa SWS at Pulse Asia. At lalong lalo na sa survey ng mainstream media sa Pinas. Ito'ng mga companies na ito ang polarizing, pinapalabas nila na leading kung sino man ang gusto nilang iboto ng taong bayan. Matagal na tayong minamanipula ng mga iyan. Tumitingin ako sa output ng kandidato, para sa akin output speaks louder than words. Kahit ano pang dinadaldal ng mga kandidato titingnan ko ay yung output o nagawa nila at icocompare ko yun isa't isa. Ayaw ko ng katwiran na iboboto ko siya dahil hindi siya magnanakaw, maganda nga na hindi magnanakaw ang isang kandidato pero sana HINDI LANG YUN ang dahilan ng taong bayan para iboto ang kandidato.

Mas maganda siguro kung gagawa tayo ng survey about "Natanong ka na ba ng SWS at Pulse Asia" :lol: Makagawa nga.. :lmao:
Sa tinagal tagal ko nang nabubuhay ni minsan hindi ako natanong ng mga nagsusurvey na iyan, o kahit man lang sana may kakilala akong tinanong ng SWS o pulse asia..
 
tama to... imbento lang yang pulse asia na yan... mgabayaran angsurvey na yan... kung totoo yan, dapat kahit isa sa madami kong kakilalana interview na... lalo na manila... peke... hehhehe
 
Yan ang sinasabi ng lahat ng natatalo na nadaya sila. Kung manual voting system pwede ka pang magdudang nadaya ka pero mahirap dayain ang automated election system. Polarizing si Duterte. Marami xang supporters pero marami ring ayaw sa kanya. Hindi landslide ang suporta sa kanya ng taumbayan di gaya ni Erap na~25% ang lead sa ibang mga kandidato, o ni Pnoy na ~16% ang lead sa iba. ~5% lang ang lamang ni Duterte kay Poe sa mga survey. Pwede pa silang magkapalit o maging ni Binay o Roxas ng posisyon sa actual election day dahil hindi pa covered ng survey ang lahat ng sektor. At maging ang mga survey ay hindi 100% na repleksyon ng magiging resulta ng eleksyon.

Yung maraming supporters nya, siguradong boboto sa kanya.

Yung sinasabi mong maraming ayaw sa kanya, mahahati ang mga
boto ng mga iyon kina Poe, Mar, Binay at Santiago....

Hindi naman majority ang kailangan para manalo sa election kundi plurality....
Hindi mo kailangan ng 50%+1.. Lalamangan mo lang ang mga kalaban...
 
Un mismo ang point ng survey. Hindi na kelangang tanungin ang lahat ng botante bagkus kukuha lang ng maliit na sample mula sa populasyon ng mga botante para malaman mo ang pulso ng taumbayan, pero hindi pa rin xa 100% accurate kaya nga may margin of error at confidence level ang mga survey.

Sa kaso ngaun, konti pa lang ang lamang ni Duterte kay Poe sa mga survey (gaya nina Gloria at FPJ noon) hindi gaya nina Erap at Pnoy dati na double digit ang lead sa mga survey sa ibang presidential candidates kaya hindi pwedeng sabihing sigurado na ang panalo ni Duterte o dinaya xa kapag natalo xa.
 
Hindi nga totoo yang mga survey na iyan. Kung totoo iyan sana kahit isa man lang sa kakilala ko o kakilala ng kakilala ko eh natanong na? Ika nga ni Lourd De Veyra "Hindi ako tinanong sa survey na iyan". Huwag magpapaniwala sa mga iyan, ginugulo lang ang isip nang taong bayan ng mga iyan alang alang sa pansariling kapakanan.. Heto isa sa mga survey na ginawa ng NAIA sa lahat ng terminal nila, buti pa ito may kakilala akong nagfill up mismo sa survey na ito.

View attachment 268105

Tanong lang, konti ba ang lamang ni Duterte kay Poe based dito sa NAIA survey?? :noidea:
 
Attachments

  • 12987088_1032760293477311_1704654910291472264_n.jpg
    12987088_1032760293477311_1704654910291472264_n.jpg
    49.3 KB · Views: 14
Hindi niyo nauuunawaan ang sampling sa statistics. Kung ~50 million ang population ng electorate, malaki ang tsansang hindi ka nga makasali sa random sample dahil may sample size ang mga survey. Narito kung paano malalaman kung ilan ang dapat maging sample size. 2,400 lang ang sample size na kelangan para sa 50 million na population size kung gusto mo ng 2% margin of error at 95% confidence level. Kung gusto mo ng mas maliit na margin of error at mas mataas na confidence level, lakihan mo ang sample size mo. Pero walang nagssurvey na hundred thousand o million ang sample size dahil time consuming ung ganun at magiging pointless na ang survey. Totoo ang mga survey hindi lang xa 100% accurate.
 
You don't get the point. No need to explain the method as I believe some people here already know that.
I think, they are not questioning the theory but the credibility of the company doing the survey.
If you know what i mean, SWS and Pulse Asia.
 
So mas reliable ang NAIA survey kesa SWS at Pulse Asia? The best way to check the reliability of these survey firms is to check their final results with that of the election. And if we're going to based it on the previous presidential election, the polling of the 2010 election correctly predicted the actual election result. Wala nang mas reliable at scientific na PH-based survey firm kesa dalawang yan. Sila ang counterpart ng PEW at WIN/Gallup sa Pilipinas. At hindi ko alam kung anong isyu niyo sa SWS at Pulse Asia e parehong #1 si Duterte sa mga survey nila?
 
Back
Top Bottom