Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

A Jeepney Love Story

Kabanata 1:

"Anong oras na naman kaya ako makakasakay pauwi" badtrip na wika ko sa sarili habang nasa kaduluduluhan ng pila sa sakayan ng jeepney sa may guadalupe. Dumagdag pa ang mga taong tanong ng tanong kung pila ba ito. Tapos magtatanong ulit sa katabi na pinagtanungan nito hanggang sa humantong din sa pagpila sa pinipilahan ko. Jakamawatan, lalo lang umiinit ang ulo ko.

Napagpasyahan kong magsoundtrip muna habang nakapila baka sakaling mawala ang masamang espiritung unti-unting lumulukob sa katauhan ko. Kinuha ko ang earphone at sinaksak sa tenga ko, buti na lang hindi pa lobat yung i-phone ko. Nakailang kanta na din ang nai-play ko pero hindi pa din umuusad ang pila. Para kaming mga na-stranded na mga pasahero ng barko sa sobrang haba ng pila. Maghuhuramentado na sana ako ng biglang may tumulak mula sa likuran ko, natulak ko tuloy yung ale na nasa harapan ko.
Nakanang botcha!.Inis na tinanggal ko ang earphone sa tengga ko.

"Ano ba 'yan!"wika ng ale na nasa harapan ko. Nag-sorry muna ako bago ko nilingon ang tumulak, uupakan ko kapag lalaki 'yon.Pero nagulat ako ng makita ko ang isang babae na pasuray-suray .Lasing yata.

Hindi ko masyado makita ang mukha ng babae dahil halos magmukhang sadako na ito sa pagkakalugay ng mahabang buhok nito. Tama nga ang hinala ko, lango nga sa alak ang babae, amoy chico eh.Tila natauhan ito ng maramdaman ang presensya ko, umangat ang ulo nito para mapagsino ang nasa harap.Hindi ko masyado makita ang mukha ng babae dahil natatakpan ng buhok ang mukha niya.

Sinimulan kong magsalita." Hoy! Miss, Lasing ka ba?
"Teka bakit ko pa tinanong eh obvious naman." wika ko sa isip ko.

Hindi ko na hinintay na sumagot ang babae dahil umuusad na ang pila,pinabayaan ko na lang ang nangyari. Ano ba mapapala ko kung maghuramentado ako sa harap ng isang lasing na babae? Masasapak ko ba ito para makaganti ako sa ginawa nitong pagtulak sakin? Ang sagot : Wala akong mapapala. Kaya tumalikod na lang ako at nagsimulang maglakad habang umuusad ang pila.

Alas siyete na ng gabi , pumila ako pasado alas-sais pero heto nandito pa din ako sa terminal ng jeepney. Kasama ang mga pasaherong demanding at isang lasenggerang babae.Hindi naman kalayuan ang bahay ko, mga limang kalye lang naman.Pwede ko naman lakarin pero mas gusto ko sumakay ng jeep dahil alam kong mas mabilis akong makakauwi. Sa wakas nakasakay na din ako sa jeep,prente akong umupo sa unahan sa may tabi ng driver. Isasandal ko sana ang hapong katawan ko sa sandalan ng biglang may umupo pang isang pasahero,at sa kamalas-malasang pagkakataon, makakatabi ko ang lasenggerang babae kanina. Umusog ako malapit sa driver.

"Anak ng..." mahinang sambit ko sa katabi ko. Halos sakupin na kasi nito ang kinauupuan nilang dalawa. Napakabalahura ng babaeng ito, isabay mo pa ang masangsang na amoy-alak.

Sa biyahe, hindi ko mapigilan tingnan ang itsura ng babaeng katabi ko.Bukod sa parang sinabunutan ng isang dosenang bakla ang buhok niya eh mukhang disente naman ang pananamit nito, Lasing lang talaga.

"Bakit kaya walang kasama 'tong babaeng ito?Saan kaya ito bababa?" tanong ko sa aking isip habang nakatingin sa natutulog na babae. Nahagip ng mata ko ang suot nitong ID--school ID iyon at sa parehong university pa yata na pinapasukan ko nag-aaral ang babae, pasimple kong tiningnan iyon. Baka sakaling may address ng babae pero nabigo ako. Nahahabag ako sa itsura ng babae, siguro kung walang harang sa unahan ng jeep kanina pa ito nalaglag at pinagpipiyestahan na ng alikabok sa kalsada ito.

Muntik na akong lumagpas sa bababaan ko,buti na lang naka-para agad ako.Isa na lang ang problema ko. Paano ako baba kung nakaharang itong babaeng 'to.? Nilingon ko si Manong Driver.

"Teka lang Manong ah,lasing kasi itong katabi ko".wika ko dito bago bumaling sa katabi ko.
"Hoy! Miss, paraan naman. Bababa na ako." Niyugyog ko ang kaliwang braso nito.

Nagising ito sa ginawa ko, Inayos ang buhok bago lumingon sakin.Doon ko na naaninag ang mukha nito, Laglag ang panga ko dahil maganda pala ang kanina ko pa kinaiinisang babae. Kaso , turn-off agad, kasi kababaeng tao naglalasing ng ganun.

"Nasaan na ba ako" tanong ng dalaga.
"Nasa Cembo na tayo, Miss, kaya pwede ba paraanin mo ko, bababa na ako".
Imbes na paraanin ako ng babae ay nauna itong bumaba sa akin.Agad naman na sumunod ako dahil kanina pa kami pinagtitinginan ng ibang pasahero pati ng driver. Ilang saglit pa ay umalis na ang jeep.
Nilingon ko ang lasing na babae. Nakakatayo pa naman ito pero pasuray-suray na. Nauna itong naglakad sumunod ako. Ayaw niyang magpakagentleman, pero nababahala ako sa kalagayaan ng babaeng 'yon. Paano kung mapagtripan ito ng mga tambay sa tabi-tabi? eh di konsenya pa niya. Pareho pa naman kaming estudyante ng iisang univeristy na pinapasukan,baka mabalitaan ko na lang na may isang estudyanteng bababe na na-rape habang pauwi o di kaya na-salvage ng mga adik na tambay sa tabi-tabi. Napailing ako sa isiping iyon, OA ko yata masyado.

Mabagal ang paglalakad ng babae kaya naabutan ko agad, nilingon ko ito."Bakit kaya naglasing ito?" tanong ko sa isip ko.
Bigla akong nagulat ng lumingon siya sakin, nataranta ako kaya binilisan ko ang paglalakad.

"Hoy!"
"Hoy! Sinabi eh!"

Hindi ko namalayan na tinatawag pala ako ng lasing na babae mula sa likuran, napalingon ako. Nakanang botcha! sinundan ako. Pinagpatuloy ko pa din ang mabilis na paglalakad.Hindi ko na pinansin ang babae.

"Teka, hoy! mister!sandali lang!" tawag pa din nito sakin.
Medyo naiinis na ako sa kakatawag niya sakin, baka isipin ng mga taong dumadaan girlfriend ko ito. huminto ako sabay lingon.

"Bakit Miss?"
Nakasalubong kami ng babae kaya ang nangyari ay na-untog tuloy siya sa dibdib ko. Automatic na napahawak ako sa magkabilang balikat nito, baka kasi matumba na ito ng tuluyan.Ilang segundo kaming ganoon, agad akong lumayo dito. Nakaramdam kasi ako ng pagdaloy ng maliliit na boltahe sa mga kamay ko. Ang weird!.

"Ikaw yung katabi ko sa jeep di ba?"
"Oo ako nga, bakit?"

"Sa'yo ba 'to?"
Inabot niya sakin ang earphone ko.

"Sakin 'yan ah!" sabay hablot sa earphone.
Tiningnan niya ako ng masama dahil sa ginawa ko, natahimik tuloy ako. Maya-maya ay nagulat na lang ako ng bigla itong yumakap sakin, hindi agad ako nakagalaw dahil sa nangyari.

"Type yata ako ng babaeng ito" wika ko sa isip ko.Pero mali ang akala ko, naramdaman ko na lang na parang nabasa ako at sa sobrang malas, sa akin pa sumuka ito.

Napasigaw ako.

"Ay! Ano ba 'yan!Miss, Ano ba!"

Wala na akong paki kung babae siya basta ang alam ko kailangan kong ilayo ang sarili ko sa kanya. Baka gawin akong toilet bowl nito. Halos masuka na din ako dahil sa sa dami ng inilabas nitong kinain sakin umabot pa hanggang sa pantalon ko. Badtrip.

"Badtrip!Yuck!"
Inis na hinubad ko and T-shirt ko. Mabuti na lang may sando akong dala-dala, sinuot ko agad iyon.

"Sorry" hinging-paumanhin ng babae. Mapapatawad ko na sana siya eh kung hindi ko lang nakitang ngumiti.Sapakin ko kaya ito.

Habang busy ako sa pagpunas sa pantalon ko, nakarinig ako ng iyak.Inangat ko ang mukha ko at nakita ko kung sino ang umiiyak---SIYA, ang babaeng lasenggera.May sapak yata ito eh bigla-biglang umeemote.

Bigla nawala lahat ng kabadtripan ko sa babaeng kaharap ko at nagsimula akong makaramdam ng awa sa kanya. Mukha yatang problemado lang ito kaya naglasing.

Nilapitan ko siya at inabutan ng panyo.
"Hoy, Miss."

----- itutuloy......
 
:waiting:


:think:


baka naman hindi pa niya talaga tapos ang story.. let's give some espasyo :D
 
Pasensya na sa mga nabitin sa kwento ko medyo naging busy lang kaya hindi agad nakapagpost, salamat sa mga nakaapreciate, i-popost ko na po yung ibang sunod na kabanata .
 
ok lang yun ts :D yes!! magkaka update na :happy:


bukas ako bibisita at babasa habang nakasakay sa shuttle :naughty:
 
kindly visit my own blog site, dito na lang ung continuation ng jeepney lovestory.bago lang yung blog ko kaya yan palang yung napost ko,.


kwentomobrad.blogspot.com
 
wag niyo kalimutang magcomment :) dito at sa blogsite ko
 
kamusta mga tagasubaybay ng kwento
 
Unavailable yung blog. Dika na ba magpopost dito ts? Obserbasyon ko lang ha, mas maraming abangers at comments pag ganitong forums compared sa blog. Liban nalang kung maraming gumugulong sa blog rolls mo. :)
 
s40 cp ko mortal na kaaway ng blogging.. :D
 
Kabanata 4:

Kaharap ko ngayon ang babaeng naging dahilan kung bakit nadadagdagan ang eyebags ko. Nakangiti sakin habang naglalakad sa Rizal Park. Oo doon, nga,kasi nagdodocument na kami ng buhay ni Rizal. Mag-iisang buwan na kami, as in KAMI. Habang busy sa pag-picture si Louisa sa monument ni Rizal, ako naman ay nakatangin sa kanya. Napangiti ako, nakakatuwang pagmasdan ito para kasing batang ngayon lang nakapunta sa lugar na iyon. Sa totoo lang, Masaya kasama si Louisa, noon akala ko seryosong tipo ito pero mali ako, mas madaldal pa ito sakin, naiku-kwento na nga nito ang tungkol sa buhay kahit onti. Napansin ko lang hindi siya masyadong nakukwento tungkol sa past relationship nito, kapag tinatanong ko kung bakit. Sinasagot nito, past is past dapat ng kalimutan. ‘Yan tuloy na-curious ako.
“Louisa!” tawag ko dito.
Lumingon ito. Nakangiti. Anak ng, bakit bas a tuwing ngingiti ito para akong matutunaw.
Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin.
“Bakit?”
“Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo?Tara pahinga muna tayo. Nagugutom na ako ‘eh”
Sumimangot ito sa akin.
“Bakit ka ganyan makatingin sakin?”
Imbes na sumago ay lumapit ito, isinabit ang professional camera na gamit nito sa leeg ko at sunod na ginawa niya ay sumalabay siya sa akin.
“Hoy! Ano ba?! Louisa bumaba ka nga.”saway ko dito.
Natigil lang ako ng yakapin niya ako mula sa likuran habang nakasalabay sa akin.
“Bumaba ka na , nakakahiya eh” pakiusap ko sa kanya.
“Buhatin mo muna ako, masakit na mga paa ko kanina pa eh.” Malambing na wika nito sa akin.
Bakit ba hindi ko magawang humindi sa babaeng ito? Sa huli ayde sinunod ko din ang sinabi nito, sinalabay ko siya kahit na halos pagtinginan na kami ng mga tao. Kapag kasama ko itong babaeng ito nawawalan talaga ako ng hiya sa sarili eh.
Habang naglalakad ay nakakita ako ng bench. Kanina pa ako bigat na bigat sa payatot na ito.
“Umupo muna tayo dito, nabibigatan na ako sa’yo eh” wika ko sa kanya.
Naghintay ako na bumaba ito mula sa likuran ko pero isang marahang hilik lang ang narinig ko.
Nakatulog na pala ito ng hindi ko namamalayan.
“Ano bay an?! Ngayon pa natulog ito”
Ginawa akong kama ng babaeng ito.
Para matapos na ang paghihirap ko sa pagbuhat sa mabigat na babaeng ito ay dahahn-dahan ko itong inupo sa bench. Mabuti at hindi ito nagising sa ginawa ko. Nang maiayos ko ito ay umupo na din ako.Lumapit ako sa kanya sabay unat sa braso ko, inilapit ko siya sa akin at inihilig sa aking balikat. Para talaga kaming lovers sa itsura namin. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok nito hinahangin sa maganda at maamo nitong mukha. Hanggang sa dumako ang mata ko sa mapulang labi nito.
Santisima! Parang may demonyong bumulong sa akin na halikan ko ang mga labing iyon.
Pumikit ako at lumunok sabay dilat. Tulog naman sya , hindi niya mararamdaman kung halikan ko siya ng padampi. Unti-unting lumapit ang mukha ko sa mukha nito, nandoon na ako sa momentum ng paghalik ko ng biglang suiningit ang isang batang lalaki na nagbebenta ng mineral water.
“Sir, bili na po kayo ng mineral.” Alok nito sa akin.
Naman! Naudlot pa. Takte!.
Binalingan ko ang batang nagtitinda ng mineral water.
“Bigyan mo ko ng dalawa.”
Makainom na nga lang ng malamig na tubig.
Ilang saglit lang ay naramdaman kong nagising si Louisa kaya lumayo agad ako sa kanya.
“Sorry nakatulog ako.”
Ngumiti ako.”Okay lang, tubig?”sabay abot ng isang bote ng mineral water na binili ko.
Hindi pa doon natapos ang lakwatsa namin ni Louisa. Kinagabihan ay pumunta kami sa isang bar para dumalo sa isang birthday party ng kaibigan nito.s
Sa totoo lang hindi ako nagpupunta sa mga ganoong lugar, mas gusto ko pang nakukulong sa kwarto ko at natutulog.
Umupo ako sa high chairs na malapit sa bartender. Si Louisa naman ay agad na pumunta sa mga kakilala nito na bisita din ng birthday celebrant. Hinayaan ko na lang siya.
Nag-order lang ako ng Mangom juice dahil ayokong maglasing, hindi naman ako problemado at kung gustuhin ko man dapat ako lang mag-isa. Nakasampung mango juice na ako ng bumalik si Louisa.
“Enjoy much?”
Halatang tipsy na ito dahil sa namumulang pisngi nito.
“Syempre naman”
“Eh kung sabihin ko sa’yo na umuwi na tayo dahil ayokong maghatid ng taong kulay kamatis na ang mukha sa kalasingan.”
“Hindi pa nga ako lasing, maya na tayo uwi.”
Umupo ito katabi ko at nag-order sa bartender ng alak.
“Sasali ka bas a palakasan ng mga manginginom? Grabe ka, ang lakas mong uminom.”
Isa sa nakaka-turnoff na pinakaayaw ko sa mga babae ay ang pag-inom , lalo na kapag mas malakas pa uminom kaysa sa akin. As in major turn-off.
“Ganun talaga, we should enjoy a little bit.”
Tiningnan ko siya habang nilalagok ang pang-limang baso ng tequila na inorder niya. Napailing na lang ako, sa lahat ng nakilala kong babae , ito lang ang kakaiba. Ininom ko muna ang natitirang mango juice bago ako bumaling uli dito pero nagtaka ako dahil bigla itong nawala sa kinauupuan nito.
“Nasaan na naman napunta ‘yon?”
“Arvin..” isang mahinang tawag sa akin. Si Louisa iyon at hulaan niyo kung nasaan siya, nasa sahig na sa sobrang kalasingan.Bagsak na ang reyna ng tumadera. Sinasabi ko na nga ba eh.
Pasado alas-dos na ng madaling araw.Nagdadalawang-isip nga ako kung diretso ko bang ihahatid ito sa boarding house o sa bahay ko muna patulugin. Nagpasya akong sa bahay muna ito manatili, at saka ayokong i-uwi ito sa kanila ng ganoong ayos.
“Sino ‘yang kasama mo? At saka bakit ngayon ka lang umuwi?” Tanong agad sa akin ni Tsong Macoy.
“Mamaya ko na sasabihin . tsong. Maghanda muna po kayo ng mainit na tubig at bimpo para dito.”
Dumiretso agad ako sa kwarto ko at inihiga si Louisa. Nagising ito.
“uhm.. na-saan ako?”
“Nandito ka sa bahay ko.”
Napaupo ito sa sahig.”Bakit?”
Napakunot-oo ako.
“Bakit mo pa ako tinulungan sana pinabayaan mo na ako.”
Sira nab a tuktok nito, Anong pinagsasabi nito?
“Anong pabayaan, lasing ka tapos pababayaan kita.Baliw ka ba?”
Humikbi ito. Umiiyak na naman siya.Bakit kaya? Nag-panic ako, ano gagawin ko? Aaluhin ko ba ito o pupunasan ko ang luha niya?
“2 years ago..”nagsalita ulit ito.
Ano ba nangyayari sa babaeng ito?Nagsasalita na mag-isa.
“2 years ago, nagkaboyfriend ako. Nagkakilala kami sa isang painting exhibit.”
Hinayaan ko lang itong magkwento.
“He was my first boyfriend. I’m so inlove with him, halos umikot ang mundo ko sa kanya.”
Tumingin siya sa akin.Tila may nakita akong sakit sa mga mata nito.
“’Di ba lagi mong tinatanong yung past relationship ko.”
Tumango lang ako. Nagpatuloy ulit ito.
“Almost 2 years ang itinagal namin”
Sa pagkakataong iyon ay umiyak na ito.
“Akala ko…siya yung Mr. Right para sa akin…pero …akala ko lang pala …dahil isang araw, iniwan din niya ako.”
Umiyak na ito ng umiyak. Niyakap ko siya dahil alam kong iyon lang ang magagawa ko sa mga oras na iyon.Gusto kong alisin ang sakit na nararamdaman nito sa pamamagitan ng yakap ko. At sa mga oras din iyon na-realize kong Mahal ko na pala si Louisa.


......itutuloy
 
ayan magpost na din ako dito, takot ko lang sa mga tagasubaybay ko. muah
 
Kabanata 5:

Hindi ko maiwasang magalit sa lalaking minahal ni Louisa. Kahit wala na ang mga ito. Nasasaktan pa din si Louisa. Sinaktan niya ang babaeng mahal ko na.
Medyo nakakaingit ang lalaking iyon dahil hanggang ngayon ay mahal pa din siya nito. Ako kaya kailan? Kahit official boyfriend ako ni Louisa , alam ko naman palabas lang iyon. Alam ko din panakip-butas lang ako_Ouch!
“Kapag nakita ko yung lalaking ‘yon, bubugbugin ko talaga iyon hanggang sa malumpo.”gigil na wika ko sa sarili ko.
Umalis ako saglit para bumili ng almusal para kay Louisa pero ng makabalik ako ay sinabi sa akin ni Tsong Macoy na umalis na ito.
“Umamin ka nga sa akin, bata ka. Girlfriend mo ba yung chicks na ‘yon?”
“Po?...ah..eh..”
Expected ko na sesermunan niya ako dahil nag-uwi ako ng babae sa bahay.
“Magaling ka pumili.. ehehe..”
“Tsong . naman eh..”

Simula nung pangyayaring iyon ay hindi na nagpakita sa akin si Louisa, ni hindi ko na ito nakikitang pumapasok sa klase sa Rizal. Sinubukan kong pumunta sa boarding house nito pero sinabihan ako ni Grace na huwag ng pupunta doon. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung anong dahilan ni Louisa para umiwas sa akin. Puro bakit ang tanong ko sa aking isipan.
Halos isang buwan din ng walang Louisa sa buhay ko, walang naguutos sa akin, walang nag-uunder at walang nagpapabuhat sa akin kapag masakit ang mga paa. Natawa ako, nakaramdam ako ng kalayaan pero parang may kulang. Pinilit kong maging normal ang pang-araw-araw na buhay ko na walang Louisa. Ang hirap pala lalo na kapag alam mo sa sarili mo na yung taong iyon lang ang magkukumpleto sa mundo mo. Sawi na naman ako sa pag-ibig, hindi si Louisa ang sign ko.

Mukhang nakasanayan ko ng hindi umupo sa tabi ng driver ng jeepney o sadyang bitter lang ako dahil doon ko unang nakilala si Louisa. Para hindi ko na masyado isipin ang bagay na iyon ay nag-soundtrip na lang ako. Nai-play ko ang kantang, I MISS YOU LIKE CRAZY ng moffats.
“Nanadya ba ‘to.” Wika ko sa isip ko sabay tangal earphone sa tenga ko. Wala na ako sa mood makinig ng music.
Dahil medyo matagal pa naman ang biyahe ko papunta sa University belt ay nagpasya akong umidlip muna. Halos gabi-gabi kasi napupuyat ako kakaisip kay Louisa. At bakit ba si Louisa na lang bukambibig ko. Jakamawatan.
Naramdaman ko na may sumandal sa balikat ko. Mukhang isang pasahero na nakatulog , idinilat ko ang mata ko para mapagsino ito , babae. Hindi ako masyado makayuko dahil sa ulo ito.
“Huwag ka nga malikot” nagulat ako ng magsalita ito.
“Aba, nagdemand pa.”wika ko sa isip ko.
Huli ko na na-realize na pamilyar sa akin ang boses na iyon at hinding-hindi ako nagkakamali kung kay nino ang boses na iyon. Si Louisa.
Biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Sana nga si Louisa na iyon.
“Kamusta ka na? Na-miss mo ba ako?” iniangat ng babae ang ulo nito at tama nga ako, si Louisa nga iyon.
Hindi ako nakapagsalita. Tumitig lang ako sa kanya.Gusto kong sampalin ang mukha ko para maniwala akong totoo ang nasa harap ko. Na totoo ang Louisa na nakangiti sa akin ngayon. OMG! Naiiyak ako.
“Hoy!ano ba hindi ka ba magsasalita?”
Sunod na ginawa ko ay niyakap ko siya, wala akong pakialam kung pagtinginan kami ng ibang pasahero nandoon sa jeep basta ang gusto ko lang mayakap ang babaeng ito. God! I really missed her.



.........itutuloy
 
tokwa.. maya na ulit ako magpost.... pigain ko muna cerebellum ko
 
ts isa na ko sa mga taga subaybay nito. Salamat d2 ganda po ng kwento.
 
ano na naman kayang kwento ang ipopost ko pagkatapos nito???? hmmmmmm?
 
Ilocano ka TS? Sallabay kasi sa iloco yung piggy backride. :clap:
 
Back
Top Bottom