Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

A Jeepney Love Story

Kabanata 1:

"Anong oras na naman kaya ako makakasakay pauwi" badtrip na wika ko sa sarili habang nasa kaduluduluhan ng pila sa sakayan ng jeepney sa may guadalupe. Dumagdag pa ang mga taong tanong ng tanong kung pila ba ito. Tapos magtatanong ulit sa katabi na pinagtanungan nito hanggang sa humantong din sa pagpila sa pinipilahan ko. Jakamawatan, lalo lang umiinit ang ulo ko.

Napagpasyahan kong magsoundtrip muna habang nakapila baka sakaling mawala ang masamang espiritung unti-unting lumulukob sa katauhan ko. Kinuha ko ang earphone at sinaksak sa tenga ko, buti na lang hindi pa lobat yung i-phone ko. Nakailang kanta na din ang nai-play ko pero hindi pa din umuusad ang pila. Para kaming mga na-stranded na mga pasahero ng barko sa sobrang haba ng pila. Maghuhuramentado na sana ako ng biglang may tumulak mula sa likuran ko, natulak ko tuloy yung ale na nasa harapan ko.
Nakanang botcha!.Inis na tinanggal ko ang earphone sa tengga ko.

"Ano ba 'yan!"wika ng ale na nasa harapan ko. Nag-sorry muna ako bago ko nilingon ang tumulak, uupakan ko kapag lalaki 'yon.Pero nagulat ako ng makita ko ang isang babae na pasuray-suray .Lasing yata.

Hindi ko masyado makita ang mukha ng babae dahil halos magmukhang sadako na ito sa pagkakalugay ng mahabang buhok nito. Tama nga ang hinala ko, lango nga sa alak ang babae, amoy chico eh.Tila natauhan ito ng maramdaman ang presensya ko, umangat ang ulo nito para mapagsino ang nasa harap.Hindi ko masyado makita ang mukha ng babae dahil natatakpan ng buhok ang mukha niya.

Sinimulan kong magsalita." Hoy! Miss, Lasing ka ba?
"Teka bakit ko pa tinanong eh obvious naman." wika ko sa isip ko.

Hindi ko na hinintay na sumagot ang babae dahil umuusad na ang pila,pinabayaan ko na lang ang nangyari. Ano ba mapapala ko kung maghuramentado ako sa harap ng isang lasing na babae? Masasapak ko ba ito para makaganti ako sa ginawa nitong pagtulak sakin? Ang sagot : Wala akong mapapala. Kaya tumalikod na lang ako at nagsimulang maglakad habang umuusad ang pila.

Alas siyete na ng gabi , pumila ako pasado alas-sais pero heto nandito pa din ako sa terminal ng jeepney. Kasama ang mga pasaherong demanding at isang lasenggerang babae.Hindi naman kalayuan ang bahay ko, mga limang kalye lang naman.Pwede ko naman lakarin pero mas gusto ko sumakay ng jeep dahil alam kong mas mabilis akong makakauwi. Sa wakas nakasakay na din ako sa jeep,prente akong umupo sa unahan sa may tabi ng driver. Isasandal ko sana ang hapong katawan ko sa sandalan ng biglang may umupo pang isang pasahero,at sa kamalas-malasang pagkakataon, makakatabi ko ang lasenggerang babae kanina. Umusog ako malapit sa driver.

"Anak ng..." mahinang sambit ko sa katabi ko. Halos sakupin na kasi nito ang kinauupuan nilang dalawa. Napakabalahura ng babaeng ito, isabay mo pa ang masangsang na amoy-alak.

Sa biyahe, hindi ko mapigilan tingnan ang itsura ng babaeng katabi ko.Bukod sa parang sinabunutan ng isang dosenang bakla ang buhok niya eh mukhang disente naman ang pananamit nito, Lasing lang talaga.

"Bakit kaya walang kasama 'tong babaeng ito?Saan kaya ito bababa?" tanong ko sa aking isip habang nakatingin sa natutulog na babae. Nahagip ng mata ko ang suot nitong ID--school ID iyon at sa parehong university pa yata na pinapasukan ko nag-aaral ang babae, pasimple kong tiningnan iyon. Baka sakaling may address ng babae pero nabigo ako. Nahahabag ako sa itsura ng babae, siguro kung walang harang sa unahan ng jeep kanina pa ito nalaglag at pinagpipiyestahan na ng alikabok sa kalsada ito.

Muntik na akong lumagpas sa bababaan ko,buti na lang naka-para agad ako.Isa na lang ang problema ko. Paano ako baba kung nakaharang itong babaeng 'to.? Nilingon ko si Manong Driver.

"Teka lang Manong ah,lasing kasi itong katabi ko".wika ko dito bago bumaling sa katabi ko.
"Hoy! Miss, paraan naman. Bababa na ako." Niyugyog ko ang kaliwang braso nito.

Nagising ito sa ginawa ko, Inayos ang buhok bago lumingon sakin.Doon ko na naaninag ang mukha nito, Laglag ang panga ko dahil maganda pala ang kanina ko pa kinaiinisang babae. Kaso , turn-off agad, kasi kababaeng tao naglalasing ng ganun.

"Nasaan na ba ako" tanong ng dalaga.
"Nasa Cembo na tayo, Miss, kaya pwede ba paraanin mo ko, bababa na ako".
Imbes na paraanin ako ng babae ay nauna itong bumaba sa akin.Agad naman na sumunod ako dahil kanina pa kami pinagtitinginan ng ibang pasahero pati ng driver. Ilang saglit pa ay umalis na ang jeep.
Nilingon ko ang lasing na babae. Nakakatayo pa naman ito pero pasuray-suray na. Nauna itong naglakad sumunod ako. Ayaw niyang magpakagentleman, pero nababahala ako sa kalagayaan ng babaeng 'yon. Paano kung mapagtripan ito ng mga tambay sa tabi-tabi? eh di konsenya pa niya. Pareho pa naman kaming estudyante ng iisang univeristy na pinapasukan,baka mabalitaan ko na lang na may isang estudyanteng bababe na na-rape habang pauwi o di kaya na-salvage ng mga adik na tambay sa tabi-tabi. Napailing ako sa isiping iyon, OA ko yata masyado.

Mabagal ang paglalakad ng babae kaya naabutan ko agad, nilingon ko ito."Bakit kaya naglasing ito?" tanong ko sa isip ko.
Bigla akong nagulat ng lumingon siya sakin, nataranta ako kaya binilisan ko ang paglalakad.

"Hoy!"
"Hoy! Sinabi eh!"

Hindi ko namalayan na tinatawag pala ako ng lasing na babae mula sa likuran, napalingon ako. Nakanang botcha! sinundan ako. Pinagpatuloy ko pa din ang mabilis na paglalakad.Hindi ko na pinansin ang babae.

"Teka, hoy! mister!sandali lang!" tawag pa din nito sakin.
Medyo naiinis na ako sa kakatawag niya sakin, baka isipin ng mga taong dumadaan girlfriend ko ito. huminto ako sabay lingon.

"Bakit Miss?"
Nakasalubong kami ng babae kaya ang nangyari ay na-untog tuloy siya sa dibdib ko. Automatic na napahawak ako sa magkabilang balikat nito, baka kasi matumba na ito ng tuluyan.Ilang segundo kaming ganoon, agad akong lumayo dito. Nakaramdam kasi ako ng pagdaloy ng maliliit na boltahe sa mga kamay ko. Ang weird!.

"Ikaw yung katabi ko sa jeep di ba?"
"Oo ako nga, bakit?"

"Sa'yo ba 'to?"
Inabot niya sakin ang earphone ko.

"Sakin 'yan ah!" sabay hablot sa earphone.
Tiningnan niya ako ng masama dahil sa ginawa ko, natahimik tuloy ako. Maya-maya ay nagulat na lang ako ng bigla itong yumakap sakin, hindi agad ako nakagalaw dahil sa nangyari.

"Type yata ako ng babaeng ito" wika ko sa isip ko.Pero mali ang akala ko, naramdaman ko na lang na parang nabasa ako at sa sobrang malas, sa akin pa sumuka ito.

Napasigaw ako.

"Ay! Ano ba 'yan!Miss, Ano ba!"

Wala na akong paki kung babae siya basta ang alam ko kailangan kong ilayo ang sarili ko sa kanya. Baka gawin akong toilet bowl nito. Halos masuka na din ako dahil sa sa dami ng inilabas nitong kinain sakin umabot pa hanggang sa pantalon ko. Badtrip.

"Badtrip!Yuck!"
Inis na hinubad ko and T-shirt ko. Mabuti na lang may sando akong dala-dala, sinuot ko agad iyon.

"Sorry" hinging-paumanhin ng babae. Mapapatawad ko na sana siya eh kung hindi ko lang nakitang ngumiti.Sapakin ko kaya ito.

Habang busy ako sa pagpunas sa pantalon ko, nakarinig ako ng iyak.Inangat ko ang mukha ko at nakita ko kung sino ang umiiyak---SIYA, ang babaeng lasenggera.May sapak yata ito eh bigla-biglang umeemote.

Bigla nawala lahat ng kabadtripan ko sa babaeng kaharap ko at nagsimula akong makaramdam ng awa sa kanya. Mukha yatang problemado lang ito kaya naglasing.

Nilapitan ko siya at inabutan ng panyo.
"Hoy, Miss."

----- itutuloy......
 
woo . sarap talaga magbasa . natapos ko ang Kwento mo ng 1oras with matching interruption of internet connection. Cp mode lang kase. Haha. Ano kayang next story mo? Abangan ko yan.ü :thanks: TS sa pagbahagi nito.
 
nice story kaya lang nabitin ako hindi dahil sa tlgang bitin ang story kung hndi parang gus2 ko pa ng extension sa ganda ng story hahaha. sa guadalupe din kase sumasakay ng jeep ee kaya bka makasakay ko si loiusa haha. :clap: thanks for sharing TS. keep it up.
 
Galing :thumbsup: may talent ka TS thanks for sharing sana meron pang ibang love story
 
may upcoming new stories ako....syempre lovestory ulit. ehehe... post ko agad kapag natapos ko yung first 5 chapters.... :)
 
ganda ts..ganyan mga gusto kong basahin.romanticomedy..galing mo.
 
nice t.s galing, simple lang mga deliveration ng words pero tumatatak sa mga readers thx
 
woohhh!! dalawang cheese ring na malaki at dalawang coke sakto naubos ko dito..
ganda ng kwento TS nice one...:clap::clap:

congrats TS!
 
ang haba ng story ts.. hehe mukhang may mababasa akong astig ah, :thanks:
 
ganda ng story mo ts,daming good feedbacks,siguro writter ka talaga,noh?:clap:
nice story
:wave:
:thanks:
 
REPOST: A Jeepney LoveStory

Kabanata 1:
"Anong oras na naman kaya ako makakasakay pauwi" badtrip na wika ko sa sarili habang nasa kaduluduluhan ng pila sa sakayan ng jeepney sa may guadalupe. Dumagdag pa ang mga taong tanong ng tanong kung pila ba ito. Tapos magtatanong ulit sa katabi na pinagtanungan nito hanggang sa humantong din sa pagpila sa pinipilahan ko. Jakamawatan, lalo lang umiinit ang ulo ko.

Napagpasyahan kong magsoundtrip muna habang nakapila baka sakaling mawala ang masamang espirito na unti-unting lumulukob sa katauhan ko. Kinuha ko ang earphone at sinaksak sa tenga ko, buti na lang hindi pa lobat yung i-phone ko. Nakailang kanta na din ang nai-play ko pero hindi pa din umuusad ang pila. Para kaming mga na-stranded na mga pasahero ng barko sa sobrang haba ng pila. Maghuhuramentado na sana ako ng biglang may tumulak mula sa likuran ko, natulak ko tuloy yung ale na nasa harapan ko. Anak ng botcha.Inis na tinanggal ko ang earphone sa tengga ko.

"Ano ba 'yan!"wika ng ale na nasa harapan ko. Nag-sorry muna ako bago ko nilingon ang tumulak, uupakan ko kapag lalaki 'yon.Pero nagulat ako ng makita ko ang isang babae na pasuray-suray pala .Lasing yata.

Hindi ko masyado makita ang mukha ng babae dahil halos magmukhang sadako na ito sa pagkakalugay ng mahabang buhok nito. Tama nga ang hinala ko, lango nga sa alak ang babae, amoy chico eh.Tila natauhan ito ng maramdaman ang presensya ko, umangat ang ulo nito para mapagsino ang nasa harap.Hindi ko masyado makita ang mukha ng babae dahil natatakpan ng buhok ang mukha niya.

Sinimulan kong magsalita." Hoy! Miss, Lasing ka ba?
"Teka bakit ko pa tinanong eh obvious naman." wika ko sa isip ko.

Hindi ko na hinintay na sumagot ang babae dahil umuusad na ang pila, pinabayaan ko na lang ang nangyari. Ano ba mapapala ko kung maghuramentado ako sa harap ng isang lasing na babae? Masasapak ko ba ito para makaganti ako sa ginawa nitong pagtulak sakin? Ang sagot : Wala akong mapapala. Kaya tumalikod na lang ako at nagsimulang maglakad habang umuusad ang pila.

Alas siyete na ng gabi , pumila ako pasado alas-sais pero heto nandito pa din ako sa terminal ng jeepney. Kasama ang mga pasaherong demanding at isang lasenggerang babae.Hindi naman kalayuan ang bahay ko, mga limang kalye lang naman.Pwede ko naman lakarin pero mas gusto ko sumakay ng jeep dahil alam kong mas mabilis akong makakauwi. Sa wakas nakasakay na din ako sa jeep, prente akong umupo sa unahan sa may tabi ng driver. Isasandal ko sana ang hapong katawan ko sa sandalan ng biglang may umupo pang isang pasahero,at sa kamalas-malasang pagkakataon, makakatabi ko ang lasenggerang babae kanina. Umusog ako malapit sa driver.

"Anak ng..." mahinang sambit ko sa katabi ko. Halos sakupin na kasi nito ang kinauupuan namin dalawa. Napakabalahura ng babaeng ito, isabay mo pa ang masangsang na amoy-alak.

Sa biyahe, hindi ko mapigilan tingnan ang itsura ng babaeng katabi ko.Bukod sa parang sinabunutan ng isang dosenang bakla ang buhok niya eh mukhang disente naman ang pananamit nito, Lasing lang talaga.

"Bakit kaya walang kasama 'tong babaeng ito?Saan kaya ito bababa?" tanong ko sa aking isip habang nakatingin sa natutulog na babae. Nahagip ng mata ko ang suot nitong ID--school ID iyon at sa parehong university pa yata na pinapasukan ko nag-aaral ang babae, pasimple kong tiningnan iyon. Baka sakaling may address ng babae pero nabigo ako. Nahahabag ako sa itsura ng babae, siguro kung walang harang sa unahan ng jeep kanina pa ito nalaglag at pinagpipiyestahan na ng alikabok sa kalsada.

Muntik na akong lumagpas sa bababaan ko,buti na lang naka-para agad ako.Isa na lang ang problema ko. Paano ako baba kung nakaharang itong babaeng 'to.? Nilingon ko si Manong Driver.

"Teka lang Manong ah,lasing kasi itong katabi ko".wika ko dito bago bumaling sa katabi ko.
"Hoy! Miss, paraan naman. Bababa na ako." Niyugyog ko ang kaliwang braso nito.

Nagising ito sa ginawa ko, Inayos ang buhok bago lumingon sakin.Doon ko na naaninag ang mukha nito, Laglag ang panga ko dahil maganda pala ang kanina ko pa kinaiinisang babae. Kaso , turn-off agad, kasi kababaeng tao, lasenggera.

"Nasaan na ba ako" tanong ng dalaga.
"Nasa Cembo na tayo, Miss, kaya pwede ba paraanin mo ko, bababa na ako".
Imbes na paraanin ako ng babae ay nauna itong bumaba sa akin.Agad naman na sumunod ako dahil kanina pa kami pinagtitinginan ng ibang pasahero pati ng driver. Ilang saglit pa ay umalis na ang jeep.
Nilingon ko ang lasing na babae. Nakakatayo pa naman ito pero pasuray-suray na. Nauna itong naglakad sumunod ako. Ayaw ko magpakagentleman, pero nababahala ako sa kalagayaan ng babaeng 'yon. Paano kung mapagtripan ito ng mga tambay sa tabi-tabi? eh di konsenya pa niya. Pareho pa naman kaming estudyante ng iisang univeristy na pinapasukan, baka mabalitaan ko na lang na may isang estudyanteng bababe na na-rape habang pauwi o di kaya na-salvage ng mga adik na tambay sa tabi-tabi. Napailing ako sa isiping iyon, OA ko yata masyado.

Mabagal ang paglalakad ng babae kaya naabutan ko agad, nilingon ko ito.
"Bakit kaya naglasing ito?" tanong ko sa isip ko.
Bigla akong nagulat ng lumingon siya sakin, nataranta ako kaya binilisan ko ang paglalakad. Inunahan ko na siyang maglakad.

"Hoy!"
"Hoy! Sinabi eh!"

Hindi ko namalayan na tinatawag pala ako ng lasing na babae mula sa likuran, napalingon ako. Nakanang botcha! sinundan ako. Pinagpatuloy ko pa din ang mabilis na paglalakad.Hindi ko na pinansin ang babae.

"Teka, hoy! mister!sandali lang!" tawag pa din nito sakin.
Medyo naiinis na ako sa kakatawag niya sakin, baka isipin ng mga taong dumadaan, girlfriend ko ito. Huminto ako sabay lingon.

"Bakit Miss?"
Nagkasalubong kami ng babae kaya ang nangyari ay na-untog tuloy siya sa dibdib ko. Automatic na napahawak ako sa magkabilang balikat nito, kasi matutumba na ito ng tuluyan kapag hindi ko ginawa iyon. Ilang segundo kaming ganoon, agad akong lumayo dito. Nakaramdam kasi ako ng pagdaloy ng maliliit na boltahe sa mga kamay ko. Ang weird!.

"Ikaw yung katabi ko sa jeep di ba?"
"Oo ako nga, bakit?"

"Sa'yo ba 'to?"
Inabot niya sakin ang earphone ko.

"Sakin 'yan ah!" sabay hablot sa earphone.
Tiningnan niya ako ng masama dahil sa ginawa ko, natahimik tuloy ako. Maya-maya ay nagulat na lang ako ng bigla itong yumakap sa’kin, hindi agad ako nakagalaw dahil sa nangyari.

"Type yata ako ng babaeng ito" wika ko sa isip ko.Pero mali ang akala ko, naramdaman ko na lang na parang nabasa ako at sa sobrang malas, sa akin pa sumuka ito.

Napasigaw ako.

"Ay! Ano ba 'yan!Miss, Ano ba!"

Wala na akong paki kung babae siya basta ang alam ko kailangan kong ilayo ang sarili ko sa kanya. Baka gawin akong toilet bowl nito. Halos masuka na din ako dahil sa sa dami ng inilabas nitong kinain sakin umabot pa hanggang sa pantalon ko. Badtrip.

"Yuck!"
Inis na hinubad ko and T-shirt ko. Mabuti na lang dala-dala ko yung basketball jersey ko na ginamit ko kanina sa basketball practice, sinuot ko agad iyon.

"Sorry" hinging-paumanhin ng babae.
Mapapatawad ko na sana siya eh kung hindi ko lang nakitang ngumiti.Sapakin ko kaya ito.

Habang busy ako sa pagpunas sa pantalon ko, nakarinig ako ng iyak. Inangat ko ang mukha ko at nakita ko kung sino ang umiiyak---SIYA, ang babaeng lasenggera. May sapak yata ito eh bigla-biglang ume-emote.

Bigla nawala lahat ng kabadtripan ko sa babaeng kaharap ko at nagsimula akong makaramdam ng awa sa kanya. Mukha yatang problemado lang ito kaya naglasing.

Nilapitan ko siya at inabutan ng panyo.
"Hoy, Miss."



 
Re: REPOST: A Jeepney LoveStory

Kabanata 2:
Kapag nakakakita ako ng babaeng umiiyak, medyo nakakaramdam ako ng lungkot sa hindi ko malamang dahilan. Katulad ngayon, may umiiyak na babae sa harapan ko pero wala akong magawa.

“Miss, okey ka lang?”
Ang tanga ko talaga, nagtanong pa ako kung okey lang ito eh alam ko namang hindi ito okey.
Umiling lang ito sa tinanong ko.At umiyak ulit. Mabuti na lang at walang masydo dumadaang tao sa kalye, iwas iskandalo iyon para sakin.

Nagpasya akong tanungin ulit ang babae, gusto ko na kasing matapos ito at makauwi. Inaantok na kasi ako.

“Miss, Alam mo kasi medyo nakakaabala ka na sa’kin. Kaya kung pwede lang sa susunod na maglasing ka, siguraduhin mong may kasama ka kasi baka mapahamak ka sa ginagawa mo eh.”

Sayang ang ganda nito kung mapapahamak lang ito. Type ko pa naman.

“Ganito na lang, pahiram ng cellphone mo para matawagan natin yung magulang mo o kaibigan mo. Kasi hindi din kita maiwanan dito dahil sa itsura mo eh.”

Hindi naman pala mahirap kausapin ito dahil binigay agad nito ang cellphone niya sa’kin. Agad kong hinanap sa phonebook ng cellphone niya ang number ng kung sino man ang nakakakilala dito. Sinubukan kong tumawag sa cellphone nito pero sa malas eh wala pala itong load kaya sa cellphone ko na lang tatawagan. May nakita akong number ng kaibigan nito na naka-save, obvious naman dahil Grace-Friend ang nakalagay na pangalan. Sinimulan kong tawagan iyon.

Mukha hindi ako minalas sa pagkakataong iyon dahil agad na may sumagot. Babae iyon, malamang si Grace.

“Hello?”
“Yes, Hello? Who’s this?”.ani ng babae sa kabilang linya.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at sinabi ko dito ang nangyari sa kaibigan nito.

“Nasaan ka’yo? Susunduin ko kayo, okey lang ba siya?”suno-sunod na tanong nito na halatang nag-aalala. Sinabi ko kung nasaan kami.

“Sige dyan lang kayo.” Wika nito bago mawala sa linya.

Nakahinga ako ng maluwag. Binalingan ko ang babae, nakaupo pa din ito at nakatungo.

“Ahm.. Miss, ito na yung cellphone mo,natawagan ko na yung friend mo, si Grace, tumayo ka na diyan kasi maya-maya dadating na iyon para i-uwi ka.”

Nagtaka ako dahil hindi ito sumagot. Anak ng tokwa! Tinulugan ako.

“Miss?, hoy ,miss” niyugyog ko ang balikat nito para gisingin. Pero talaga maoy na ito.
Kaya no choice ako kundi buhatin ito, Piggy back ride.

Ang hindi ko mawari eh ang payat naman ng buhat-buhat ko pero walanghiya ang bigat. Halos 30 minutes na akong naghihintay habang buhat-buhat ang babae. Tiningnan ko ang oras sa relos ko , alas-diyes na. Patay ako, siguradong hinahanap na ako ni Tsong Macoy.

Maya-maya ay may nakita akong babae na naglalakad papalapit sakin. Sa wakas dumating na din ang hinihintay ko---si Grace.

Napakunot ang noo ko dahil ng mapagsino ko na ang babae ay pamilyar ito sa’kin. Alam ko madaming Grace na pangalan sa Pilipinas pero hindi ko akalain na kilala ko pala ang Grace na kaibigan ng babaeng ito. Nang makalapit ito at nagulat din ito ng makita niya ako.

“Grace?”
“Arvin?”
Sabay pa naming sambit sa isat-isa. Highschool classmate ko si Grace at kapitbahay ko dati, matagal na kaming hindi nagkikita dahil after grumadweyt kami sa highschool ay lumipat na ito ng ibang tirahan.
“Ikaw yung tumawag?”
Tumango lang ako.

“Mabuti ikaw ang nakakita sa kanya. Salamat talaga.”
“Kung hindi lang talaga ako mabait, iniwan ko na itong kaibigan mo eh.”
Tutal nandoon na ako sa sitwasyong iyon, nilubos-lubos ko na ang pagtulong . Sinamahan ko na hanggang sa makauwi ang dalawa. Malapit lang pala ang tinutuluyan ng mga ito. Isang boarding house iyon.
“Nandito na tayo.” Huminto kami sa tapat ng gate.
“Paano pala ito?” sabay turo sa akay-akay kong babae.
“Ibaba mo na siya, ako na bahala sa kanya.”
Sinunod ko naman ang sinabi nito at dahan-dahang ibinaba ang babae.Inalalayan naman ito ni Grace.
“Pasensya ka na dito sa friend ko ah,kanina ko pa hinahanap ito.Hindi ko alam na uminom na mag-isa.”
“Problemado ba ‘yan?” tanong ko. Nagiging tsismoso na naman ako.
“Bakit mo natanong?”
“Ah, wala lang kasi---” naputol ang pagsasalita ko ng biglang.
“Anong nangyari dyan?!” biglang sulpot ng isang matandang babae.
“Tita, naglasing eh, mabuti may nakakita sa kanya.”
“Diyos ko, ang babaeng ito,hala bilis ipasok natin siya sa loob .”
Agad na pumasok ang mga ito sa loob. Naiwan ako, na-isnob ako doon ah.
Aalis na sana ako ng biglang lumabas si Grace.

“Arvin, pasensya na kanina ah, thank you nga pala ulit sa tulong mo,ahm.. hindi na kita masasamahang umuwi kasi hindi na din ako papayagan ni Tita Judit . Thank you talaga ng madami.”
“Okay lang iyon, sige una na ako.”paalam ko dito.
“Sige, ingat”
Minalas man ako dahil sa kaibigan ni Grace eh mukha swerte na din dahil nakita ko ulit ito.
Matagal ko na kasi crush si Grace, highschool pa kami. ‘Yun nga lang may boyfriend ito noon kaya hindi na ako nakaporma. Pero matagal na iyon, Masaya lang ako dahil nakita ko ulit siya.
Umuwi akong nakangiti dahil sa nangyari kanina.
***
Kinabukasan. Tinadtad ako ng sermon ng Tsong Macoy ng umagang iyon, pero dahil sanay na ako eh , labas masok lang sa magkabilang tengga ko ang mga sinasabi nito. Sarap tapalan ng pandesal ang bunganga ni Tsong.
Tipikal na nagsisimula ang araw ko sa pagsakay ng jeep. Nakasanayan ko na iyon mula noong highschool pa ako. Paborito kong spot sa jeep eh ang upuan malapit sa driver, wala lang trip ko lang. Sakto may na-ispotan akong jeep na may isang bakante sa unahan, agad ko itong pinara.
Sumakay ako at prenteng umupo. Muntik pa akong hindi magbayad sa driver. Napatingin ako sa babaeng katabi ko na mukhang natutulog, napansin ko lang, maganda ito kahit nakasunglasses.
“Bakit ka tumitingin sakin?”
Nagulat ako ng sa biglaang pagsasalita nito. Akala ko tulog.
“Hindi kita tinitignan , Miss, yung sunglasses mo kasi ang ganda, san mo nabili yan?”
Tinanggal ng babae ang sunglass na suot nito. Napanganga ako, tama ang hinala ko maganda ito. Pero napakunot-noo ako, kasi pamilyar sakin ang mukha ng babae. Tama, siya yung lasenggerang babae kahapon.
“Gusto mo magka-blackeye, Mister?” tinitigan ako nito ng masama.
Syempre medyo natakot ako kaya natahimik na lang ako. Napagtawanan pa ako ng driver.
Ang sungit naman ng babaeng ito. Kung sabihin ko kaya na ako ang tumulong sa kanya noong lasing siya, bumait kaya sakin ito? Looks can be deceiving talaga. Sayang type ko pa naman.
Pagkahinto ng jeep sa tapat ng university ng pinapasukan ko ay bumaba na ako. Syempre kasabay ko si Miss Sungit.
“Louisa!”
Tawag ng isang pamilyar na boses. Sabay pa kami napalingon sa tumawag na iyon- si Grace.
“Ui Grace, anong ginagawa mo dito?” wika ni Miss Sungit na Louisa pala ang pangalan.
Lumapit si Grace dito, maglalakad na sana ako papasok ng gate ng bigla akong tinawag nito.
“Arvin?”
Lumingon ako at kunwari nagulat.
“Ui Grace ikaw pala yan” maang-maangang sagot ko.
“Kamusta? Thank you pala kagabi ah, kung hindi mo tinulungan itong si Louisa baka napahamak na ito.” Ani nito.
“Siya yung tumulong sakin?” gulat na tanong ni Louisa kay Grace.
“Oo siya yun.”
Nginitian ko siya pero tinitigan naman ako ng masama.
“Sige na Grace, papasok na ako.”
Naglakad na ito papasok ng gate ng university.Naiwan kami ni Grace.
“Bakit ang sungit ng kaibigan mo? Hello, tinulungan ko kaya siya.”
Natawa ito. “Pasensya ka na talaga ah, Galit lang sa guwapo ‘yon”
Alam kong nagbibiro lang si Grace pero halos mapunit na ang labi ko sa sobrang laki ng ngiti ko.
“Thanks sa compliment”
“Hindi ka pa din nagbabago, ang yabang mo pa din.”
“Siya nga pala, Ano ginagawa mo dito?”
“Ah, hinatid ko lang yung boyfriend ko, malapit lang naman yung school ko sa school niyo. Diyan din siya nag-aaral, Psychology kinukuha niya.”
Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa narinig ko. Sa pangalawang pagkakataon , bigo na naman ako. Malas talaga. Ma-hunting nga lahat ng Psych student mamaya.Hindi din nagtagal ang paguusap naming ni Grace, nagpaalam na din ito.
Nawala na ang good mood kong aura kanina. Ni hindi ako nakikinig sa professor kong dakdak ng dakdak sa harapan. Natulala ako. Blanko ang isip dahil kay Grace.
“Mr. Noble?”
“Mr. Noble?”
Saka lang ako natauhan ng lumapit na sakin ang professor ko.
“Mr.Noble, are you listening?” wika nito sakin.
“Y-yes ,Sir.”
Patay tayo diyan, Bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.
“Really, Mr. Noble, so can you explain what I’ve just said a while ago?”
Sinasabi ko na nga ba eh. Napalunok ako at dahan-dahang tumayo. Bahala na si Batman.
Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang babae.Lahat ng atensyon ay biglang nabaling sa pumasok na babae. Lalo na ako dahil kilala ko kung sino iyon—si Louisa. Si Ms. Sungit at si Ms. Malas.
“Sorry, Sir. I’m late” anito bago umupo sa bakanteng silya sa likuran ko.
“Well,Are you the new student of my subject?
“Yes, sir” tumayo ito.
Bakit magiging classmate ko ang babaeng ito? O hinde!
“What’s you’re name? Please , introduce yourself ”
“Ahm, I’m Louisa Marie Navarro, Fine arts major”
“I see, so you’re the only one who is not engineering major here. Okay, you can sit down. Thank you. ”
English subject ba itong napasukan ko? Bakit English ng English itong professor na ito eh, Filipino naman ang subject na tinuturo niya.At hindi ko akalaing magiging classmate ko ang masungit na babaeng iyon.
“ at ikaw Mr. Noble, na wala yata sa sarili ngayon, hindi ka nakikinig kanina. Sit down”
Pagkaupo ko ay agad na Inexplain ng professor ang gagawin para sa midterm project pero hindi ako nakikinig. Wala ako sa wisyong makinig. Ni hindi ko narinig na by partner ang magiging grupo para doon.
“Ms. Navarro?”
“Yes, sir”
“Since ngayon ka pa lang naman pumasok sa klase ko, ako na ang magbibigay ng ka-partner mo para sa midterm project”

Bumaling sakin ang professor ko.
“Mr. Noble, since hindi ka nakikisali sa discussion ko tungkol sa midterm project,pakitanong mo na lang kay Ms. Navarro ang mga gagawin dahil siya ang magiging ka-partner mo for this.”
“Ho?”gulat na reaksyon ko. Sabay baling kay Louisa.
“Siya?”
“Oo siya nga, any questions?”
“Wala po, Sir” iling na sagot ko.
Natapos ang klase na hindi ko ina-aaproach si Louisa tungkol sa midterm project. Baka kasi isnobin lang ako nito gaya ng ginawa niya sa’kin kanina.
“Pare! Suwerte mo ah, ganda ng partner mo.” Tudyo sakin ni Jeff ng makalabas kami ng room.
“Tumigil ka nga diyan.”
“Teka, mukhang nandyan na date mo.”
“Anong date?”
“Siya.”
Bumaling ako sa itinuro nito. Nakita ko si Louisa na papalapit sa amin.
“Ikaw ka si Arvin ‘di b a?”seryosong tanong nito pagkalapit.
“Ako nga. Ako yung---”
Hindi ko natapos ang sinasabi dahil nagsalita ulit ito.
“Sa library, 3pm sharp” anito sabay layas sa harapan ko.

Kabanata 3:
Sakto alas-tres nakarating ako sa Library, agad ko naman nakita si Louisa. Nilapitan ko siya.
“Umupo ka.”seryosong wika nito.
Lumunok muna ako. Bago umupo, para akong sisistensyahan ng garrote tingin pa lang ng babaeng ito.
“A-anong pag-uusapan natin? Tungkol bas a midterm project?” agad kong tanong. Baka isipin nito wala akong pakialam sa project na gagawin namin.
“Sorry nga pala sa inasal ko kanina at Thank you kagabi.”
Umaliwalas bigla ang mukha nito.
“Okey lang ‘yon at walang anuman.Sana’y na ako sa masusungit.” mahinang sambit ko sa huling sinabi ko.
“Anong sinabi mo?”
Naku bumalik na naman ang magkasalubong na kilay nito.
“Wala” nginitian ko siya ng kay tamis baka sakaling bumait.
“Akala ko may sinasabi ka eh,…Bueno,Simulan na natin ang plano natin para sa midterm project natin as partners.”
Anito saka nagsimulang dumakdak sa harapan ko,nakatitig lang ako sa kanya. Kung titingnan, hindi naman mukhang masungit ito, actually ang amo nga ng mukha nito. At kung ikukumpara ko kay Grace ang ganda nito, aaminin ko walang sinabi ang ganda ni Grace dahil pang-Ms. Universe ang tipo nito. Bakit kaya hindi ito sumali sa beauty pagent baka sakaling maging masugid niya akong tagahanga. May boyfriend na kaya ito?
“Wala ka na bang ibang gagawin kundi ang titigan ako? Makinig ka nga.”
Napailing ako. Hindi na ako nagsalita pa, baka sakmalin na ako nito ng buhay. Nagpatuloy na ito sa pag-discuss ng plano para sa project namin. Halos isang oras na kami nakatambay sa library mabuti na lang wala na akong subject napapasukan ng hapo na iyon.
Sa wakas natapos na din ang planning stage na napagusapan namin ni Louisa. Nagpaalam na ito dahil may klase pa ito ng 6pm.
“This weekend sisimulan na natin yung project kaya dapat ihanda mo na lahat ng kailangan.”
Medyo bossy naman nito, president ba ito student council ng school.Grabe ang leadership spirit nito.
“Sige.”
“Sino ka nga ulit?” tanong nito.
Anak ng botcha, halos isang oras kami nagkasama , alam ko nabanggit na niya ang pangalan ko, may amnesia ba ito?.
“Arvin Noble.”
“Ah..yeah right.Sige, mauna na ako.”
Paalam nito bago ako layasan.
***
Habang naghahantay ng masasakyang Jeep,hindi ko maiwasang isipin ang status ng lovelife ko bakit kaya ang malas ko pagdating sa chicks. Gusto ko lang naman makakilala ng taong pwede kong maging inspirasyon sa buhay. Yung kagaya ng napapanood ko sa mga romantic love story movie. Pero mukhang kinalimutan na yata akong panain ni kupido. Mag-pari na lang kaya ako.
Napabuntong –hininga ako at marahang pumikit.
“Lord! Bigyan mo ko ng sign, please!” sigaw ko sa isip ko.Idinilat ko ang mga mata ko, sabay lingon sa paligid. At laking gulat ko ng makita ko kung sino ang nasa harap ko---si Louisa.
Siya na ba ang sign ko?
Magsasalita na sana ako ng may biglang humintong jeep. Sumakay ito, syempre sumunod na ako dahil pareho lang naman ang daan namin pauwi. Sa kauna-unahang pagkakataon ay sumakay ako sa likuran ng jeep. Medyo lumayo ako mula sa kinauupuan ni Louisa. Hindi pa din niya ako napapansin.
Nagsimula ng mapuno ang jeep pero nakapako pa din ang mata ko kay Louisa. Naisip kong isang bagay na alam ko imposibleng mangyari. Bakit kaya nagkita pa ang landas namin ng babaeng ito? May ipinahihiwatig ba si kupido sakin? Ano naman kaya iyon? Mukhang nangangamoy lovelife.
Nagtaka ako dahil biglang pumara ito,pagkababa nito ay bumaba na din ako. Hindi naman halatang stalker ako sa ginagawa ko. Nakita ko siya pumasok sa isang malaking gate, kung hindi ako tumingala eh hindi ko makikita na Sementeryo pala ang pinasukan nito.
“Anong gagawin niya sa sementeryo?” takang tanong ko. Naisip ko, baka dadalawin lang nito ang kamag-anak na nakalibing doon. Dahil sa matigas ang ulo ko sinundan ko sa loob si Louisa.
Nakita ko siya na bumili ng isang basket ng bulaklak. Naglakad ito , hindi naman kalayuan, mukhang nahanap na nito ang puntod ng kamag-anak. Nagtago ako sa ilalim ng punong mangga na nandoon baka kasi makita niya ako.
Mula sa kinatatayuan ko, nakita ko si Louisa na tila tahimik na umiiyak habang nakaupo sa damuhan ng sementeryo. Bakit kaya? Siguro namimiss niya lang kung sino man nakalibing doon. Eto na naman yung pakiramdam ko, pakiramdam na gusto ko siyang aluin sa pagdadalamhati niya.
Pinagmasdan ko lang siya , medyo mag-iisang oras na akong nakatayo at nakatanghoy sa kanya. Muntik na akong lamukin. Nakita ko na tumayo na ito mula sa damuhan at naglakad paalis sas puntod. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas ito ng sementeryo. Sinundan ko lang siya ng sinundan hanggang sa makauwi ito sa boarding house na tinutuluyan nito.
Nang makauwi na din ako ay naisip ko ulit si Louisa at ang puntod na iyon. Siya siguro ang dahilan kung bakit ganun yung babaeng iyon. Kaano-ano kaya niya iyon? Natigil ako sa pag-iisip ng may kumatok mula sa pintuan ng kuwarto ko. Si Tsong Macoy iyon, tinatawag ako.
Binuksan ko ang pinto. “Bakit po tsong?”
“May tawag ka sa telepono. Babae”
Sumilay ang isang pilyong ngiti mula dito.
“May chicks ka no?”
“Chicks? Joke yon tsong? Sino po daw iyon?”
“Le-rissa yata.”
“Lerissa? ”
Napaisip ako, wala naman akong kilalang babae na Lerissa ang pangalan eh.
Pumunta ako sa sofa at sinagot ang tawag.
“Hello?Si Arvin na ito, Sino po sila?”
“Arvin” mula sa kabilang linya. Babae nga ang tumawag. Ganda ng boses , sarap pakinggan.
“Yes ako nga po? Sino po ba sila?”ulit na tanong ko.
“Si Louisa ito, remember?”
Napaayos ang upo ko sa sinabi nito. Paano nalaman ni Louisa ang telephone number ko at bakit niya ako tinawagan? Sinasabi ko na nga ba eh, type niya ako.
“Ikaw pala ‘yan,oo naman.Sabi ko na nga ba –“
Bakit ba sa tuwing magsasalita ako pinuputol ng babaeng ito.
“Pumunta ka dito sa dorm ko.”
“Hah?”
“Bingi ka ba? Sabi ko pumunta ka sa dorm ko.”
“Ngayon?”
“Basta pumunta ka.”
End call.
Anak ng tokwang tuyo! Papupuntahin ako tapos hindi sasabihin kung kailan tapos binabaan pa ako ng telepono.
Nagmamadali akong bumalik ng kwarto ko para magbihis, pupuntahan ko ngayon si Louisa.Wala pang 15 minutes ay nasa tapat na ako ng gate ng boarding house nito. Pinindot ko ang doorbell at agad na lumabas ang isang babae.Hindi si Louisa, siguro isa din nagboboard doon.Pinagbuksan ako nito ng gate. Mukhang expected yata ako.Humakbang ako papasok ng gate at sinundan ang babae papasok sa Boarding house.
Unang bumungad sakin ang isang matandang babae sumunod si Louisa.
Ngumiti sakin si Louisa bago lumapit sakin. Parang may mali. Kinutuban ako na may hindi magandang mangyayari ngayon.
“Ang bilis mo ah, tara doon tayo sa sofa.”
Umupo kami sa may sofa kasama ang matandang babae na nalaman ko na tiyahin ni Louisa.
“So ikaw pala si Arvin?”
“Opo”
Anong meron? Bakit ang seryoso tumingin nito sa’kin? Tiningnan ko si Louisa. Bakit nakangiti ito?
“Alagaan mo ang pamangkin ko ah, huwag na huwag mong paiiyakin ‘yan.Ngayon lang ulit nag-boyfriend yan.”
“Po?”
Nawindang ako sa sinabi nito. Boyfriend? Sino ako? Huwatt!!
Tinignan ko ulit si Louisa. Pinandilatan niya ako ng mata. Sinasabi ko na nga ba eh.
“O-Op-o, aalagaan ko si Louisa huwag po kayo mag-alala”
Sinakyan ko na lang mga pangyayari pero sa totoo lang sa mga sandaling iyon, gusto ko ng maluha. Ano ba itong pinasukan ko.
***
“Bakit mo sinabi na boyfriend mo ko?” tanong ko kay Louisa. Nasa labas kami ng boarding house.
“Wala lang, ayaw mo ba?”
Napataas ang kilay ko. Assuming yata ito akala patay na patay ako sa kanya. Oo inaamin ko type ko talaga si Louisa una pa lang na magkita ang landas naming pero ibang kaso ito.
“Hindi ko kukunsintehin ‘yang kalokohan mo , Miss”
“Sige,aaminin ko na, I like you. Okay na ba ‘yon”
Masarap sana pakinggan ang mga katagang iyon kung totoo eh.
“Sige, ganito na lang since sinabi mo sa lahat ng nakatira sa boarding house niyo na boyfriend mo ko, sige paninidigan ko pero hindi sa’yo. ”
“Okay deal! Sige na umalis kana.”anito bago nalakad papasok sa boarding house.
Ano ba kasalanan ako bakit ako pinaparusahan ng ganito. Hindi naman ako nakasakit ng mga babae. Bakit ba nakilala ko pa itong babaeng ito.Gagawin yata nitong miserable ang buhay ko. Ang bilis ng mga pangyayari sa buhay ko.
 
Re: REPOST: A Jeepney LoveStory

Kabanata 4:
Kaharap ko ngayon ang babaeng naging dahilan kung bakit nadadagdagan ang eyebags ko. Nakangiti sa’kin habang naglalakad sa Rizal Park. Oo doon, nga,kasi nagdodocument kami ng buhay ni Rizal. Mag-iisang buwan na kami, as in “KAMI”. Habang busy sa pag-picture si Louisa sa monument ni Rizal, ako naman ay nakatangin sa kanya. Napangiti ako, nakakatuwang pagmasdan ito para kasing batang ngayon lang nakapunta sa lugar na iyon. Sa totoo lang, Masaya kasama si Louisa, noon akala ko seryosong tipo ito pero mali ako, mas madaldal pa ito sakin, naiku-kwento na nga nito ang tungkol sa buhay kahit onti. Napansin ko lang hindi siya masyadong nakukwento tungkol sa past relationship nito, kapag tinatanong ko kung bakit. Sinasagot nito, past is past dapat ng kalimutan. ‘Yan tuloy na-curious ako.
“Louisa!” tawag ko dito.
Lumingon ito. Nakangiti. Anak ng, bakit ba sa tuwing ngingiti ito para akong matutunaw.
Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin.
“Bakit?”
“Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo?Tara pahinga muna tayo. Nagugutom na ako ‘eh”
Sumimangot ito sa akin.
“Bakit ka ganyan makatingin sakin?”
Imbes na sumagot ay lumapit ito, isinabit ang professional camera na gamit nito sa leeg ko at sunod na ginawa niya ay sumalabay siya sa akin.
“Hoy! Ano ba?! Louisa bumaba ka nga.”saway ko dito.
Natigil lang ako ng yakapin niya ako mula sa likuran habang nakasalabay sa akin.
“Bumaba ka na , nakakahiya eh” pakiusap ko sa kanya.
“Buhatin mo muna ako, masakit na mga paa ko kanina pa eh.” Malambing na wika nito sa akin.
Bakit ba hindi ko magawang humindi sa babaeng ito? Sa huli ay sinunod ko din ang sinabi nito, sinalabay ko siya kahit na halos pagtinginan na kami ng mga tao. Kapag kasama ko itong babaeng ito nawawalan talaga ako ng dignidad.
Habang naglalakad ay nakakita ako ng bench. Kanina pa ako bigat na bigat sa payatot na ito.
“Umupo muna tayo dito, nabibigatan na ako sa’yo eh” wika ko sa kanya.
Naghintay ako na bumaba ito mula sa likuran ko pero isang marahang hilik lang ang narinig ko.
Nakatulog na pala ito ng hindi ko namamalayan.
“Ano ba yan?! Ngayon pa natulog ito”
Para matapos na ang paghihirap ko sa pagbuhat sa mabigat na babaeng ito ay dahan-dahan ko itong inupo sa bench. Mabuti at hindi ito nagising sa ginawa ko. Nang maiayos ko ito ay umupo na din ako.Lumapit ako sa kanya sabay unat sa braso ko, inilapit ko siya sa akin at inihilig sa aking balikat. Para talaga kaming lovers sa itsura namin. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok nito hinahangin sa maganda at maamo nitong mukha. Hanggang sa dumako ang mata ko sa mapulang labi nito.
Santisima! Parang may demonyong bumulong sa akin na halikan ko ang mga labing iyon.
Pumikit ako at lumunok sabay dilat. Tulog naman sya , hindi niya mararamdaman kung halikan ko siya ng padampi. Unti-unting lumapit ang mukha ko sa mukha nito, nandoon na ako sa momentum ng paghalik ko ng biglang sumingit ang isang batang lalaki na nagbebenta ng mineral water.
“Sir, bili na po kayo ng mineral.” Alok nito sa akin.
Naman! Naudlot pa. Takte!.
Binalingan ko ang batang nagtitinda ng mineral water.
“Bigyan mo ko ng dalawa.”
Makainom na nga lang ng malamig na tubig.
Ilang saglit lang ay naramdaman kong nagising si Louisa kaya lumayo agad ako sa kanya.
“Sorry nakatulog ako.”
Ngumiti ako.”Okay lang, tubig?”sabay abot ng isang bote ng mineral water na binili ko.
Hindi pa doon natapos ang lakwatsa namin ni Louisa. Kinagabihan ay pumunta kami sa isang bar para dumalo sa isang birthday party ng kaibigan nito.
Sa totoo lang hindi ako nagpupunta sa mga ganoong lugar, mas gusto ko pang nakukulong sa kwarto ko at natutulog.
Umupo ako sa high chairs na malapit sa bartender. Si Louisa naman ay agad na pumunta sa mga kakilala nito na bisita din ng birthday celebrant. Hinayaan ko na lang siya.
Nag-order lang ako ng Mango juice dahil ayokong maglasing, hindi naman ako problemado at kung gustuhin ko man dapat ako lang mag-isa. Nakasampung mango juice na ako ng bumalik si Louisa.
“Enjoy much?”
Halatang tipsy na ito dahil sa namumulang pisngi nito.
“Syempre naman”
“Eh kung sabihin ko sa’yo na umuwi na tayo dahil ayokong maghatid ng taong kulay kamatis na ang mukha sa kalasingan.”
“Hindi pa nga ako lasing, maya na tayo uwi.”
Umupo ito katabi ko at nag-order sa bartender ng alak.
“Sasali ka ba sa palakasan ng mga manginginom contest? Grabe ka, ang lakas mong uminom.”
Isa sa nakaka-turnoff na pinakaayaw ko sa mga babae ay ang pag-inom , lalo na kapag mas malakas pa uminom kaysa sa akin. As in major turn-off.
“Ganun talaga, we should enjoy a little bit.”
Tiningnan ko siya habang nilalagok ang pang-limang baso ng tequila na inorder niya. Napailing na lang ako, sa lahat ng nakilala kong babae , ito lang ang kakaiba. Ininom ko muna ang natitirang mango juice bago ako bumaling uli dito pero nagtaka ako dahil bigla itong nawala sa kinauupuan nito.
“Nasaan na naman napunta ‘yon?”
“Arvin..” isang mahinang tawag sa akin. Si Louisa iyon at hulaan niyo kung nasaan siya, nasa sahig na sa sobrang kalasingan.Bagsak na ang reyna ng tumadera. Sinasabi ko na nga ba eh, taga-buhat na naman ako.
Pasado alas-dos na ng madaling araw.Nagdadalawang-isip nga ako kung diretso ko bang ihahatid ito sa boarding house o sa bahay ko muna patulugin. Nagpasya akong sa bahay muna ito manatili, at saka ayokong i-uwi ito sa kanila ng ganoong ayos.
“Sino ‘yang kasama mo? At saka bakit ngayon ka lang umuwi?” Tanong agad sa akin ni Tsong Macoy.
“Mamaya ko na sasabihin . tsong. Maghanda muna po kayo ng mainit na tubig at bimpo para dito.”
Dumiretso agad ako sa kwarto ko at inihiga si Louisa. Nagising ito.
“uhm.. na-saan ako?”
“Nandito ka sa bahay ko.”
Napaupo ito sa sahig.”Bakit?”
Napakunot-oo ako.
“Bakit mo pa ako tinulungan sana pinabayaan mo na ako.”
Sira na ba tuktok nito, Anong pinagsasabi nito?
“Anong pabayaan, lasing ka tapos pababayaan kita.Baliw ka ba?”
Humikbi ito. Umiiyak na naman siya.Bakit kaya? Nag-panic ako, ano gagawin ko? Aaluhin ko ba ito o pupunasan ko ang luha niya?
“2 years ago..”nagsalita ulit ito.
Ano ba nangyayari sa babaeng ito? Nagsasalita na mag-isa.
“2 years ago, nagkaboyfriend ako. Nagkakilala kami sa isang painting exhibit.”
Hinayaan ko lang itong magkwento.
“He was my first boyfriend. I’m so inlove with him, halos umikot ang mundo ko sa kanya.”
Tumingin siya sa akin.Tila may nakita akong hinanakit sa mga mata nito.
“Di ba lagi mong tinatanong yung past relationship ko.”
Tumango lang ako. Nagpatuloy ulit ito.
“Almost 2 years ang itinagal namin”
Sa pagkakataong iyon ay umiyak na ito.
“Akala ko…siya yung Mr. Right para sa akin…pero …akala ko lang pala …dahil isang araw, iniwan din niya ako.”
Umiyak na ito ng umiyak. Niyakap ko siya dahil alam kong iyon lang ang magagawa ko sa mga oras na iyon. Hindi ko alam kung bakit biglang ikinuwento ni Louisa ang tungkol sa past relationship nito. Gusto kong alisin ang sakit na nararamdaman nito sa pamamagitan ng yakap ko. At sa mga oras din iyon na-realize kong mahal ko na pala si Louisa.

Kabanata 5:
Hindi ko maiwasang magalit sa lalaking minahal ni Louisa. Kahit wala na ang mga ito. Nasasaktan pa din si Louisa. Sinaktan niya ang babaeng mahal ko na.
Medyo nakakaingit ang lalaking iyon dahil hanggang ngayon ay mahal pa din siya nito. Ako kaya kailan? Kahit official boyfriend ako ni Louisa , alam ko naman palabas lang iyon. Alam ko din panakip-butas lang ako_Ouch!
“Kapag nakita ko yung lalaking ‘yon, bubugbugin ko talaga iyon hanggang sa malumpo.”gigil na wika ko sa sarili ko.
Umalis ako saglit para bumili ng almusal para kay Louisa pero ng makabalik ako ay sinabi sa akin ni Tsong Macoy na umalis na ito.
“Umamin ka nga sa akin, bata ka. Girlfriend mo ba yung chicks na ‘yon?”
“Po?...ah..eh..”
Expected ko na sesermunan niya ako dahil nag-uwi ako ng babae sa bahay.
“Magaling ka pumili.. ehehe..”
“Tsong . naman eh..”
***
Simula nung pangyayaring iyon ay hindi na nagpakita sa akin si Louisa, ni hindi ko na ito nakikitang pumapasok sa klase. Sinubukan kong pumunta sa boarding house nito pero sinabihan ako ni Grace na huwag ng pupunta doon. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko alam kung anong dahilan ni Louisa para umiwas sa akin. Puro bakit ang tanong ko sa aking isipan.
Halos isang buwan din ng walang Louisa sa buhay ko, walang nag-uutos sa akin, walang nag a-under at walang nagpapabuhat sa akin kapag masakit ang mga paa. Natawa ako, nakaramdam ako ng kalayaan pero parang may kulang. Pinilit kong maging normal ang pang-araw-araw na buhay ko na walang Louisa. Ang hirap pala lalo na kapag alam mo sa sarili mo na yung taong iyon lang ang magkukumpleto sa mundo mo. Sawi na naman ako sa pag-ibig, hindi si Louisa ang sign ko.

***
Mukhang nakasanayan ko ng hindi umupo sa tabi ng driver ng jeepney o sadyang bitter lang ako dahil doon ko unang nakilala si Louisa. Para hindi ko na masyado isipin ang bagay na iyon ay nag-soundtrip na lang ako. Nai-play ko ang kantang, I MISS YOU LIKE CRAZY ng moffats.
“Nanadya ba ‘to.” Wika ko sa isip ko sabay tangal earphone sa tenga ko. Wala na ako sa mood makinig ng music.
Dahil medyo matagal pa naman ang biyahe ko papunta sa University belt ay nagpasya akong umidlip muna. Halos gabi-gabi kasi napupuyat ako kakaisip kay Louisa. At bakit ba si Louisa na lang bukambibig ko. Jakamawatan.
Naramdaman ko na may sumandal sa balikat ko. Mukhang isang pasahero na nakatulog , idinilat ko ang mata ko para mapagsino ito , babae. Hindi ako masyado makayuko dahil sa ulo ito.
“Huwag ka nga malikot” nagulat ako ng magsalita ito.
“Aba, nagdemand pa.”wika ko sa isip ko.
Huli ko na na-realize na pamilyar sa akin ang boses na iyon at hinding-hindi ako nagkakamali kung kay nino ang boses na iyon. Si Louisa.
Biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Sana nga si Louisa na iyon.
“Kamusta ka na? Na-miss mo ba ako?” iniangat ng babae ang ulo nito at tama nga ako, si Louisa nga iyon.
Hindi ako nakapagsalita. Tumitig lang ako sa kanya.Gusto kong sampalin ang mukha ko para maniwala akong totoo ang nasa harap ko. Na totoo ang Louisa na nakangiti sa akin ngayon. OMG! Naiiyak ako.
“Hoy!ano ba hindi ka ba magsasalita?”
Sunod na ginawa ko ay niyakap ko siya, wala akong pakialam kung pagtinginan kami ng ibang pasahero nandoon sa jeep basta ang gusto ko lang mayakap ang babaeng ito. I really missed her.
 
Re: REPOST: A Jeepney LoveStory

Kabanata 6:
Kung tutuusin napakamalas kong tao dahil sa babaeng ito. Bakit? Wala siyang awa, niyurakan niya ang pagkatao ko. Isa siyang malaking kontrabida sa buhay ko.
Dinaig pa ang nanay ko sa sobrang higpit sa akin. Lahat yata ng ayaw nito, ayaw ipagawa sa akin. Ultimo , yung dapat kong inumin, suotin at kung kailan pwede ko siyang hawakan sa kamay.
Hindi ko alam kung ano ako sa kanya, Masaya siya kapag binubully niya ako, Ako naman si uto-uto sunod lang ng sunod. Tatlong buwan na kami, para ngang M.U. lang , walang pakialamanan basta kapag trip niya na kasama ako pupuntahan niya ako. Pwede na akong humawak ng titulo ng Most Guillable Guy dahil sa medyo uto-uto kong sarili. Pero sa dami ng reklamo ko, heto ako masaya. Masaya ako dahil may Louisa sa buhay ko. Limited Edition lang ito kaya sinusulit ko na.
Bday q n sa Linggo… alm mo n ga2win mo ah.
Text iyon ni Louisa sa akin.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi nito nililinaw ang sinasabi nito sa tuwing may ipapagawa siya sa akin. Halos i-decipher ko ang mga sinasabi nito para lang malaman ko ang gusto niyang iparating. Ang gulo ng babaeng ito sa totoo lang.Dati bang hacker ito.
Kpg ndi mo nagwa espesyal ang bday q, lagot ka sa akin.
Sunod na text nito na may halong pagbabanta.
Hindi talaga halatang demanding ang babaeng ito.
Kinagabihan hindi ako makatulog, bakit? Dahil nag-iisip ako kung ano yung bagay na pwedeng ika-espesyal ng birthday ni Louisa. Naglista ako ng ilang pwede pero baka sumablay.
1. Bigyan siya ng bouquet of flowers
- pero baka ihampas lang nito sa mukha ko ‘yon dahil , allergic ito sa lahat ng uri ng bulaklak.
2. Haranahin siya sa labas ng bahay niya
- Pero baka buhusan ako ng mainit ng tubig nito dahil nakakabulabog ako ng ibang nakatira doon.
3. Ipasyal siya sa amusement park
- Epektib ito pero baka masapak niya ako dahil dinala ko siya sa horror house.
4. A candlelight dinner sa isang fine-dining restaurant
- Wag ito baka hindi na ako bigyan ng parents ko ng allowance.
5. Write her a birthday letter
- Pangelemtary naman ito. Baduy.
Nakailang draft na ako sa kakaisip at kakasulat pero ito lang lima ang napili ko sa 101.5 na naisulat ko, yung point five, yun yung napunit kong papel sa kalahati.
“ahrghhh!!!!!!!!!!!!!!” inis na nilukot ko ang panghuli papel na nasulatan ko sa yellow pad paper ko. Takte, mas mahirap pa ito kaysa sa mga math subjects ko. Ano bang formula para dito?
8 hours and 33.5 minutes ang lumipas bago ako nakaisip ng perfect birthday present para sa baliw na babaeng iyon. Ang daming requirements nito. Butas ang bulsa ko.
***
Today is the day. Birthday ni Louisa, coat and tie ang motif ko,gumaganon pa ako eh halos mamulubi ako sa pesteng birthday gift ko sa kanya. Labag na talaga sa aking kalooban ito.
Sinimulan kong padalhan ng sulat si Louisa , nakalagay doon ang procedure papunta sa lugar na kinatatayuan ko. Hindi ko siya tinext at tinawagan para ma-miss niya naman ako ng onti. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti dahil sa sobrang perfect ng naisip ko.
Sinabihan ko ang bandang inupahan ko para sa music, I want to serenade her, hindi ko kasi nagawa iyon sa kanya. Itinago ko sa likuran ko ang bouquet of flowers , plastic iyon at least flowers pa din. Handang-handa na ako sa mangyayari. Hindi naman palpak ang plano ko dahil dumating din si Louisa gaya ng instructions ko sa kanya kanina.
“Para saan ang mga ito?”takang tanong niya.
Hindi ko alam kung may short memory lost ito o nagmamaang-maangan lang siya na hindi niya alam na birthday niya ngayong araw.
“Tuktukan ko kaya ulo mo, birthday mo ngayon.”
“Ah.. Oo, nga pala”
“Surprise!”
“Nice effort, thanks.”
“Sorry ha ,ito lang nakayanan ko, hiyang-hiya naman ako sa’yo”
Umeffort na nga ako ng bongga tapos yun lang masasabi ng demonyitang ito.
Ngumiti ito at lumapit sa akin.
“Kain na tayo gutom na ako.”
Inabot ko sa kanya ang bouquet of flowers na binili ko sa divisoria.
“Plastic huh?”
“Kung gusto mong magpaconfine sa ospital baka pede pa ko palitan ng totoong bulaklak.”
Tumawa ito. Hindi pala tawa iyon halakhak. Ngayon ko lang nakita ang totoong tawa ni Louisa. Ang sarap pakinggan.
Past 2am na pero nandoon pa kami ni Louisa, masayang nagkukwentuhan. Naubos na nga namin lahat ng Maria Clara na wine na binili ko, sampu kaya ‘yon.
“Alam mo ang saya mo kausap.” Wika ni Louisa.
“Weh? Di nga? ”
“Seryoso ako, sa tuwing kasama kita, you make me smile every single seconds.”
“Ansabehh!!!”
Biglang sumeryoso ang mukha nito at tiningnan ako. Hindi lang basta tingin, tinititigan niya ako. Muntik na akong matunaw.Promise.
“Arvin..can I have a favor?”
“Sure, ano ‘yon?”
“Can you be my bestfriend? I mean, alam ko pinakilala kita sa tita ko as my boyfriend pero gusto ko maging magkaibigan tayo, ayoko mag-assume ka, alam mo na ‘yon..”
Na-gets ko ang point niya, sabagay mas maganda ng maging magbestfriends kami kaysa maging fake boyfriend niya ako. Less emotional iyon sa parte ko.
“Deal, Just bestfriends, kasi hindi ko pinangarap maging girlfriend kita dahil abusado ka.”
Hinampas niya ako sa balikat. “ah ganon? Since bestfriend na kita mas to-torturin pa kita ”
“Pasalamat ka mabait ako”
Kahit ilang torture pa gawin ni Louisa sa akin, hinding-hindi ako aangal basta kasama ko lang siya palagi.
“Teka, anong oras na?” tanong nito.
Sinipat ko ang wristwatch ko. 2:30am na.
“2:30am na”
“Hah!?” napatayo ito mula sa pagkakaupo sa damo.
“Bakit?”
“Anong bakit?! Kailangan ko ng umuwi.Patay ako kay Tita.”
Oo nga pala, strikto sa oras ang tita nito.Gusto ko pa sana magtagal kami doon pero baka pulbosin ako ng tiyahin ni Louisa. Tumayo na din ako at inayos ang sarili.
Sa malas ay walang palang taxi na dumadaan sa lugar na iyon, umupo kami sa may waiting sched. Maghihintay na lang kami ng masasakyang jeep. Wala pang limang minuto ay may humintong jeep. Sumakay kami.
Napansin ko na iilan lang kami na pasahero ng jeep, kami ni Louisa, dalawang babae at may dalawang pang lalaking pasahero. Kinutuban ako dahil iba ang aura ng dalawang lalaking iyon. Mukha silang goons. Nasa kahabaan kami ng biyahe at sumunod na nangyari.

“Holdap ‘toh!!!”sigaw ng isang pasaherong lalaki na balbas sarado at may bonnet na suot sa ulo. Itinutok nito ang hawak na kutsilyo sa aming dalawa ni Louisa. Nagsimula ng mag-panic ang lahat ng pasahero. Pati ako.
“Akin na mga gamit niyo! Bilis!” wika naman ng isang lalaking kasama ng nakabonnet.
Bukod sa pouch na dala ni Louisa , wala na kaming ibang gamit.
“Kayo! Akin na mga gamit niyo!”
Agad na binigay ni Louisa ang pouch nito.
“ah.. Boss.., wala akong dala.. kung gusto mo eto na lang pera ko, 50 pesos” medyo nanginginig pa ako ng i-abot ko dito ang pera ko.
Ang natitirang pera ko sa bulsa ko hindi pinatawad ng mga ito.
“Pera din yan, akin na!” hinablot nito ang pera sa kamay ko.
Bakit ba napakadesperado na ng mga holdaper ngayon, siguro kahit piso na lang pera mo eh nanakawin pa din ng mga ito.
“Hoy! Driver! Ihinto mo ang jeep! “ utos ng mga ito sa jeepney driver.
Nang huminto ang jeep ay agad na bumaba ang mga holdaper at tumakbo papalayo. Pareho kami ni Louisa na na-shock sa nangyari kanina at dahil wala na kami pera pambayad sa jeep, pinababa kami ng driver.
“Paano tayo makakauwi?” tulalang wika ni Louisa sa akin.
“Malamang maglalakad tayo”
Binagtas namin ang daan pauwi. Walang imikan.Hanggang sa makarating kami sa may police checkpoint. Hinarang kami ng isang armadong pulis.
“Teka, saan ang daan niyo? Ilan taon na kayo?”
Agad akong sumagot.
“21 na po ako, siya 20 po, diretso po kami sa lugar na ‘yon” sagot ko.
Mukhang hindi naniniwala ang pulis sa sinabing kong edad dito.
“ID niyo? Mukha kayong mga estudyante eh.”
Patay. Wala akong dalang kahit anong ID. Binalingan ko si Louisa. Umiling lang ito.
“Sir, wala po akong dalang ID eh.”
“Ako din po.” Si Louisa.
Umiling ito. “Sumama kayo sa akin.”




Kabanata 7:
“Magkakilala ba kayo?” tanong iyon ng pulis na nasa helpdesk. Sa isang police station kami dinala nung pulis na nasa checkpoint kanina.
Sabay kaming tumango ni Louisa.
“Taga-saan kayo?”
“Makati po” wika ko.
“Anong ginagawa niyo ngayon dis-oras na ng madaling-araw? Bakit naglalakad kayong dalawa ng ganyan ang ayos?”
Ano ba ito? may krimen bang naganap, wagas makapagtanong si sarhento. At anong masama sa ayos namin. Mukha ba kaming taong grasa.
“Naholdap po kasi kami kanina noong sumakay kami ng jeep.” Sabad ni Louisa.
“Totoo po ‘yon”
“Tsk! Kayong mga kabataan talaga kapag ganitong madilim na, talamak ang holdapan sa mga jeepney.At ikaw, lalaki. May kasama kang babae dapat hindi kayo nagpapagabi.”
“Sorry po.”
“Teka, at amoy alak kayo ah.”
“Wine lang po yung ininom namin at saka hindi po kami lasing, nakainom lang”
“Pwede na po ba kami makaalis?” wika ni Louisa.
“Hindi pwede, ibigay niyo sa akin ang number ng mga magulang niyo, tatawagan namin sila at sila na mismo maghahatid pauwi sa inyo”
Wala na kami nagawa kundi ibigay ang numero ng telepono ni Tsong Macoy, sigurado ako ibibitin ako ng patiwarik niyon. Tumambay lang kami ni Louisa sa police station hanggang mag-umaga kausap ang mga presong naka-vibes na din namin ng ilang oras. Kung sasali sa beauty pagent si Louisa , malamang grandslam na ito sa Ms. Friendship award. Kakosa na niya pati mga SPO sa station.
Pareho na kaming zombie ni Louisa ng pumatak sa alas-sais ng umaga ang orasan doon. Mukhang prone na ang mga tao doon sa presinto sa zombie virus. Pilit ko man ipikit ang mata ko eh hindi ko magawa dahil mas nauna pang matulog sa akin si Louisa, ginawa pang unan ang balikat ko , makatulog lang.
“Arvin!”
Nandoon na ako sa momentum na papikit na ang mata ko ng marinig ko ang boses na iyon. Si Tsong Macoy iyon. Sumunod na nangyari ay umuwi na kami. Si Tsong Macoy na ang naghatid kay Louisa, ako dumiretso na ng bahay para matulog, bahala na si batman pagdating ni Tsong.
Sampung pingot ang lumatay sa tenga ko pagkagising ko. Nabingi na yata ako dahil doon sumabay pa ang armalite na bunganga ni Tsong Macoy, basag ang earlobes ko.
Sinabi sa akin ni Tsong Macoy na huwag na muna akong makipagkita kay Louisa, sabi daw ng Tita nito. Agad kong tinawagan si Louisa para kamustahin siya. Sigurado akong napagalitan ito.
“Hello?”
“Mabuti tumawag ka, kanina ko pa hinihintay tawag mo.” Wika ni Louisa.
“Napagalitan ka ba?”
Tumawa ito. “Hindi nga eh”
“Weh? Baka sinasabi mo lang yan para hindi ako makonsyensya”
“Ang totoo niyan, inamin ko na kay Tita na hindi kita talaga boyfriend, hayun,nagalit.”
“Mabuti na sinabi mo kaso nagsinungaling ka sa kanya.”
“Okay lang yon, minsan lang naman magsinungaling”
“Pagsisinungaling pa din ‘yon, baliw”
“Pero, honestly, nag-enjoy ako. Salamat sa birthday gift mo ah.”
Na-touch naman ako sa sinabi nito. Worth it naman pala ang effort ko. Kahit na humantong kami sa overnight sa police station.
***
After three days normal na naman ang lahat pero hindi kami nagkita ni Louisa dahil nga sa pakiusap ni Tsong na huwag muna akong makipagkita dito. Buong araw ko siyang inexpect na Makita pero hindi ko siya nakita. Nang matapos ang klase sa last subject ko ay agad kong naisipang umuwi, wala naman akong extra-curricular activities ng araw na iyon.
Naghintay ako ng jeep na masasakyan sa labas ng campus. Sa waiting sched nakita ko si Grace, lumingon ito sa gawi ko at ng Makita niya ako ay agad itong lumapit sa akin.
“Kanina pa kita hinihintay”
“Ako?”
Nagtanong pa ako eh ako na nga yung nilapitan nito. Minsan may pagkaengot din ako.
“May kailangan ka ba?”
“Oo, gusto ko sana mag-usap tayo”
Weird naman. Si Grace makikipag-usap sa akin. Ano naman kaya ‘yon?
“Tungkol saan”
“Kay Louisa”

Kabanata 8:
Dinala niya ako sa Starbucks para doon kami mag-usap. Wala akong ideya kung ano ang sasabihin nito tungkol kay Louisa. Na-cucurious tuloy ako.
Nag-order muna ng kape si Grace bago simulan ang pag-uusap namin dalawa.
“Pasensya ka na sa abala ah”
“Okey lang nilibre mo naman ako ng starbucks eh.Kahit araw-araw mo pa ako abalahin.”
“Palabiro ka talaga.”
“So.. anong tungkol kay Louisa?” agad kong tanong.
Biglang sumeryoso ang mukha nito. Diretsong tumingin sa akin at nagsimula ng magsalita.
At ikinuwento nito ang isang bahagi ng buhay ni Louisa na hindi ko alam.

Limang oras na akong nakatitig sa kisame ng kwarto ko pero blangko pa din ang isip ko, kahit anong pilit kong isipin ang nalaman ko tungkol kay Louisa eh hindi ko talaga ma-gets ng utak ko. Madami na naman tanong ang nagpa-popout sa earlobes ko. Isa na ang tanong na, BAKIT?
Natauhan lang ako ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Agad ko iyon dinampot at sinagot, hindi ko nga alam na si Louisa pala ang tumawag.
“Yes, hello?”
“Nasaan ka?”
“Louisa?”
Sinabi nito na pumunta daw ako sa isang restaurant sa may morato, nandoon daw siya. Kailangan niya daw ako makausap. Ano bang nangyayari sa mundo, lahat na lang gusto akong kausapin.
Hindi ko naman kayang tiisin si Louisa kaya agad akong pumunta sa sinabi nitong lugar. Isang fine-dining restaurant pala ‘yon. Mukha akong gusgusing bata sa get-up ko. Plain gray t-shirt at maong pants. Kamusta naman yon.
Pumasok ako sa loob, agad akong iginiya ng waiter sa isang table. Nandoon si Louisa at isang lalaki na sa tingin ko kasing edad ko lang din. Mas guwapo lang ako.
Sinalubong ako ni Louisa.
“Akala ko hindi ka na dadating eh, tara upo ka” yaya nito.
Walang akong ideya kung ano ang nagaganap sa mga oras na iyon, pati ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Hindi naman siguro ito yung ex ni Louisa na nang-iwan dito.
“So, Louisa… siya pala yung sinasabi mong bestfriend mo?” tanong agad ng lalaki.
“Oo, Arvin, si Mike, Mike si Arvin” pakilala ni Louisa.
Nagkamay kami ni Mike.
“Sino ba siya?”agad kong binulungan si Louisa.
“Blind date ko.”
Bigla akong natahimik sa sinabi ni Louisa. Blind date? Gusto na ba nitong magkaboyfriend agad. Naka-move na agad ito. Paano na ako? Hanggang bestfriend na lang ba ako?
Sampung minuto ako nanahimik. Tinitigan ko lang si Louisa at si Mike habang masayang nagkukwentuhan ng kanilang buhay. Medyo na OP ako ng onti kaya yung orange juice na lang ang binalingan ko. Ilang saglit pa ay nagpaalam muna na mag-CR si Louisa. Ako at si Mike ang naiwan.
“Arvin right?”
Bingi ba ito, kakapakilala lang ni Louisa sa akin nakalimutan agad pangalan ko. Grrr!
Tumango lang ako at nanahimik ulit.
“I heard a lot about you, ikaw lagi bukambibig ni Louisa. I guess you two really are bestfriends. Buti ka pa”
Makapag-English naman ito wagas, Pwede naman mag-tagalog. Pinahirapan niya lang sarili niya.
“Malamang… ah eh este oo.”
“Pare, pwede bang makahingi ng pabor sa’yo?”
Aba pumapare na ang loko, sorry hindi tayo close.
“Anong pabor?”
“Gusto ko sanang malaman yung gusto at ayaw ni Louisa, since ikaw ang bestfriend niya, alam kong alam na alam mo ‘yon..you see, I like her at gusto kong mas makilala pa siya”
First Blood! Ouch! Ito na yung kinakatakot ko eh yung may kakompitensya ako sa babaeng mahal ko.
Sa huli ay ibinigay ko din ang hinihingi nitong pabor.
After 2 minutes bumalik na si Louisa.
Tumayo ako para salubungin siya.
“Louisa pwede ba tayong mag-usap saglit”
Nagpaalam muna kami kay Mike. Lumabas kami ng restaurant at sa parking lot kami nag-usap.
 
Re: REPOST: A Jeepney LoveStory

Kabanata 9:
“Anong sasabihin mo? Hindi ba pwedeng doon na lang sa loob?” tanong ni Louisa.
Umiling ako at bumuntong-hininga.
“May problema ba? Kung tungkol kay Mike, sorry kung hindi ko nasabi sayo.”
“Ah.. hindi yon,ano kasi… hindi ka pa nakamove-on nakikipag-date ka na agad.”
“Anong ibig mong sabihin?”
Kinuha ko ang kanang kamay niya. “Obvious na hindi mo pa din siya makalimutan noh? ”
Tinanggal ko ang singsing na suot-suot nito.
“Sa kanya galing ito di ba?”
“Paano mo nalaman na sa kanya yan?”
“Ang mga bagay na mahalaga sa atin, lagi nating iniingatan kahit anong mangyari.”
Inilagay ko sa palad niya ang singsing.
“Palagi kong nakikita na suot mo yan kaya nalaman ko,hindi mo naman susuotin yan kung wala lang di ba? Hindi ka mahilig sa alahas di ba? Bakit magsusuot ng isang singsing ang isang taong kung hindi naman ito mahilig sa alahas?”
Umiwas ito ng tingin sa akin.
“Sorry kung…”
Ngumiti ako. “Kung desidido ka na magka-boyfriend ulit, huwag mo ng suotin yan. Oo nga pala, mukhang matino naman si Mike, give him a chance. At masaya ako kasi makakamove-on na ang bestfriend ko. Paano? Sige , mauna na ako. ” paalam ko dito.
Mahirap aminin sa sarili ko na ayoko talaga ng mga ganoong eksena sa buhay ko—ang magparaya. Naiinis ako dahil hindi ko binigyan ng chance ang sarili ko na ipaglaban ang nararamdaman ko para kay Louisa. Ni hindi nito alam na mahal ko siya, wala kasi akong lakas ng loob para sabihin. O sadyang natatakot lang ako. Natatakot na hindi tugunan ni Louisa ang nararamdaman ko para sa kanya dahil all this time alam kong hindi pa din ito nakakalimot sa totoong lalaking minahal nito at isabay mo pa si Mike na may gusto dito.
Hay buhay nga naman! Bakit ba kailangan may magsakripisyo para may sumayang tao? Yan tuloy broken-hearted ako.
At dahil sawi ako sa pag-ibig natural na maglasing ako. Mabuti na lang pumayag si Tsong Macoy na makipag-inuman sa akin. At least may kausap ako.
Nakakalimang bote pa lang ako ng Red Horse kaya hindi pa ako lasing, kapag nakaisang case na siguro baka gumapang na ako.
Tahimik kong nilagok ang panglimang bote ng red horse na iniinom ko. Matagal na din akong hindi umiinom ng ganon, kapag basted lang. Katulad ngayon.
“Babae noh?” biglang basag ni Tsong sa tahimik naming pag-iinuman.
Hindi ko na kailangan sagutin ang tanong na iyon, obvious naman. Sinimulan kong ikwento sa kanya ang tungkol kay Louisa.
“Hayy! Ang mga tao talaga ngayon, ginagawang kumplikado ang pag-ibig. Yan tuloy nahawa na pamangkin ko. ”
Natawa ako sa sinabi ni Tsong.
“Pinapatawa lang kita, kanina ka pa nakasimangot dyan eh. Hayaan mo na yon, madami pang bebot dyan. Ihahanap na lang kita.”
Kung meron nga lang carbon copy ni Louisa bakit hindi.
“Tsong, nainlove ka na ba?” hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.
“Oo naman.”
“Eh bakit single ka pa din hanggang ngayon?”
“Sira-ulo ka talaga pati lovelife ko pinapakialaman mo.”
“Bakit nga Tsong?”
Seryoso ako sa tanong ko kay Tsong Macoy. Gusto ko lang malaman kung bakit hindi na ito nag-asawa pa at nanatiling single.
Tinitigan ako ni Tsong Macoy bago ulit ito magsalita.
“Matagal tagal na din yon, pero sige ikukwento ko.”
Umayos ako ng pagkakaupo. Para akong batang sabik sa kwento.
“Bente anyos ako noong umibig ako, katulad mo.. nagmahal din ako, si Maria, anak ng punong-barangay. Nagkakilala kami noong nasangkot ako sa isang gulo, nakipag-away kasi ako sa isang sigang kapitbahay, nakipagsapakan ako. Hayun, diretso kami kay kapitan. Bugbog sarado ako kaya madami akong natamong sugat sa mukha. Si Maria ang gumamot sa akin. Hayy! Nalove at first sight ako sa kanya noon.”
“Tapos?”
“Hindi ko na siya nilubayan, palagi ko siyang binibisita sa bahay nila, hinahatid ko siya kapag pauwi na siya sa eskwelahan. Sa madaling salita, niligawan ko siya. Pero…”
“Pero ano?”
“Ayaw sa akin ni Kapitan, at saka masyado pa daw kaming bata. Pero binalewala ko yon. Palihim kaming nagkikita ni Maria noong naging kami, itinago namin ang relasyon naming dalawa sa ama nito. Umabot ng isang taon ang relasyon namin ng malaman ni Kapitan na magkasintahan na kami ni Maria. In short, pinagbawalan na si Maria ni Kapitan na makipagkita sa akin, naghiwalay kami.”
“Tapos ano pa nangyari?”
In fairness, mala-nobela ang lovelife ni Tsong Macoy.
“Wala na,the end.. nalaman ko na lang na ikakasal na ito sa anak ng kaibigan ni Kapitan, sumuko ako kasi, wala naman akong magagawa eh… hindi na ako nagpakita sa kanya. ”
“Ganun lang yon? Hindi mo man lang pinaglaban Tsong?”
“Ah ‘yon ang isang katangahang hindi ko nagawang gawin. Kaya ito single pa din ako.”
Tama si Tsong, katangahan nga. Wala na naman mangyayari kung ipaglaban mo pa. Tanggapin ko na lang sa sarili ko na hindi para sa akin si Louisa. Na isipin ko na lang na isa siyang panaginip na hinding-hindi magiging totoo.
Lesson learned. Huwag masyado assuming pagdating sa love. Baka madismaya ka lang kapag nalaman mong pinaasa mo lang ang sarili mo sa isang bagay na walang kasiguraduhan. I made a decision: Get rid of Louisa.

Kabanata 10:
Tinotoo ko ang desisyon ko na huwag ng magpakita kay Louisa. Hindi ko na ito tinetext at tinatawagan dahil binura ko na ang number nito kahit kabisado ko naman. Hindi na din ako nagfa-facebook para hindi ko mabasa ang mga message niya sa akin, kung meron man. At hindi na ako sumasakay ng jeep dahil naalala ko lang siya.
Lahat ng makakapagpaalala sa akin kay Louisa ay inilayo ko na . Ipinokus ko na lang ang sarili ko sa mga bagay katulad ng pag-aaral. After 2 months ga-graduate na din ako. Mabilis lang ang 2 months, lumipas na ito at ngayon graduate na ako.
“Arvin, may sulat galing sa mga magulang mo” iniabot ni Tsong ang isang sobre sa akin. Agad ko iyon kinuha at binasa.
Isang magandang balita galing sa mga magulang ko. Napetisyon na pala ako at legal na akong US Citizen. Pwede na daw akong pumunta sa New York at doon tumira. Siguro kung si Tsong iyon malamang buong barangay imbitado sa Farewell party nito, sino ba naman hindi sasaya kung malaman mong titira ka sa America dahil US Citizen ka na.
Obviously Masaya ako dahil makakasama ko na mga magulang ko sa wakas, halos sampung taon nila akong ipinakupkop kay Tsong Macoy. Sampung taon hindi ko sila kasama sa buhay ko. Kaya yung panibagong sampung taon ng buhay ko ay igugugol ko sa magulang ko, pupunta ako sa New York at doon na ako titira kasama nila.
Paano ba yan, goodbye pinas na ako. Goodbye na din kay Louisa. Actually wala na akong balita sa kanya. Pakialam ko, malamang boyfriend na nito yung Mike na naka-blind date nito.
Umupo ako sa sofa, tinigan ko lang ang papel na kakabasa ko lang.
“Habang buhay kong pagsisihan ang isang bagay na hindi ko nagawa sa buong buhay ko”--- hindi ko akalaing mare-realize ko yon ng isang minuto lang.
“Tama! ”
Napatayo ako at dali-daling umalis ng bahay. May kailangan akong dapat gawin.

Ayokong magaya sa tiyuhin kong walang lovelife at age 40, ayokong maging malungkot buong buhay ko, ayokong dumagdag sa mga tangang lalaking pinakawalan ang pag-ibig nila dahil natakot silang ipaglaban iyon at higit sa lahat ayokong mawala si Louisa dahil she is the one for me, nakakahawa din pala ang english speaking kong professor noon sa subject ko na Filipino.
Kailangan ko ng aminin kay Louisa ang feelings ko bago pa magbago isip ko at bago pa ako tumulak papuntang New York.
Dumiretso ako sa tinitirhang boarding house ni Louisa, doon naghintay ako hanggang sa makauwi siya. Sa labas ako naghintay.
Tik tak tik tak
After 8 hours of waiting……. May nai-spotan akong kotse na huminto sa tapat ng boarding house. Nagtago ako sa may poste, ng iniluwa ng kotse ang sakay nito, nakita ko si Louisa pero hindi lang siya may kasama pa siya at kilala ko kung sino iyon---si Mike. Masayang niyakap at hinalikan sa pisngi ni Louisa si Mike. Bigla akong nakaramdam ng selos, ayokong may ibang nagpapasaya sa Louisa ko. Bwisit na Mike yan.
Pumasok na sa loob ng boarding house si Louisa kasabay noon ay ang pag-alis ko. Ayoko ng gawin ang dapat kong gawin, malinaw sa akin ang lahat. Akala ko may something kami ni Louisa pero wala talaga kahit anong piga ko. Kainis!



Kabanata 11:
Nakahanda na akong lisanin ang Pilipinas at pumunta sa America. Iniayos ko na ang dapat kong dalhin, nai-empake ko na lahat ng gamit ko. Medyo hindi naman ako excited dahil next week pa naman ang alis ko.
Nagkulong ako sa kwarto ko buong araw. Iniisip ko kung paano ako magpapaalam kay Louisa. Tatlong paraan ang naisip ko: Una, sa personal, pero baka hindi ako makapagsalita dahil mukhang iiyak ako kapag ginawa ko yon. Pangalawa, email na lang, pero naalala ko wala pa lang email si Louisa. Pangatlo, Sulat.
Sa huli ay yung pangatlo ang pinili ko. Kumuha ako ng malinis na yellow pad paper at ballpen.
30 minutes ko ng tinititigan ang yellow pad paper pero ni isang patak ng tinta ng ballpen ay hindi pa sumasayad dito. Takte, wala akong maisip na farewell words.
Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim. Ito ang ginagawa ng mga writers kapag humuhugot sila ng inspirasyon para makapagsulat.
“Bahala na, kahit ano lang.”
Sinimulan ko ng magsulat.
***
This is it! This is really is it is it! Bon Voyage.
“Wala ka na ba nakalimutan dalhin?” tanong ni Tsong Macoy sa akin.
Nasa NAIA na kami at naghihintay ng flight ko.
“Wala na po”
“Mag-iingat kayo doon ah.”
“Opo kayo din po”
Niyakap ako ni Tsong Macoy. Nagpapasalamat ako dahil naging pangalawa kong ama ito for the past ten years na nasa poder niya ako. Wala na itong makakasama kapag umalis na ako.
“Sige na, bago pa ako umiyak dito,aalis na ako. Mag-iingat ka doon ah”
“Opo, hayaan niyo tsong padadalhan kita ng chicks galing new york”
“Sira-ulo!”
“Ay! Teka , Tsong pwede ba makahingi ng pabor sayo?” mula sa bulsa ay kinuha ko ang nakatuping sobre. Iniabot ko ito dito.
“Pakibigay naman kay Louisa ito.”
“Sige ba.”
“Salamat po.”
Iyon ang huling sandali ko sa Pilipinas. Sa isang iglap nakatira na ako sa sopistikadong lungsod ng New York.
Major major culture shock ang inabot ko, inabot ako ng dalawang taon para makapag-adjust sa uri ng pamumuhay doon. Sa tulong ng magulang ko ay nagkaroon ako ng trabaho, nakapag-ipon na din ako kahit onti sa kinikita ko. In short, naging successful ako sa buhay ko. Madami na din akong nakarelasyon dito, yung iba pinay, yung iba kano at hindi tumatagal iyon,mga isang buwan lang pinakamatagal. Flirt lang sigurong matatawag iyon, ewan, hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ganoon.
Bigla kong naalala si Louisa, natanggap kaya nito yung sulat ko para sa kanya. I missed her, so badly. Sana okay lang ito at sana masaya ito sa piling ni Mike. Naiiyak tuloy ako, napaka-emo kong tao.
Nakatanggap ako ng isang hindi inaasahang sulat mula sa Pilipinas, hindi galing kay Tsong Macoy kundi kay Louisa. Mukhang naawa na sa akin si Kupido, narindi na yata sa kakahiling ko magkaroon ng matinong lovelife.

Kabanata 12:
Nagpasya akong bumalik ng Pilipinas hindi dahil ayokong makasama ang mga magulang ko, sa katunayan kasama ko silang babalik . Balak na nilang permanenteng tumira sa Pilipinas, nakabili na naman ng sariling bahay at lupa ang mga ito kaya bakit hindi.At isa pa, Filipino Citizen pa din kami kahit US Citizen kami sa America.
“Arvin!”masaya akong niyakap ni Tsong Macoy ng bumisita kami sa bahay nito.
“Namiss kita Tsong!”
“May ipapakilala ako sayo”
Mula sa kusina ay nakita kong lumapit ang isang babaeng na sa tingin ko kasing edad lang ni Tsong Macoy. Mukhang may lovelife na si Tsong.
“Siya si Maria”
Nagulat ako.
“Di nga?”
“Asawa ko na siya”
“Paanong…”
“Mahabang kwento” sabad na wika ni Maria.
Nice.Ngayon napatunayan ko na totoo ang true love. Isang malupit na example ang lovelife ni Tsong Macoy.
Nagpaalam ako na kay Tsong Macoy muna matulog ng araw na iyon.
“Bakit gising ka pa?” takang tanong ni Tsong ng madatnan niya ako sa sala habang mag-isang nagkakape. Hindi ako makatulog dahil nag-iisip ako ng sorpresa kay Louisa.
“Hindi po kasi ako makatulog eh, iniisip ko kung paano kami magkikita ni Louisa. May balita ka po ba sa kanya?”
“Siya pa din pala hanggang ngayon ah.”
“Syempre naman, mana kaya ako sa inyo. Isa akong malaking tanga ”
Natawa ito.
“Doon pa din sa boarding house nakatira si Louisa”
“Sa tingin niyo ba single pa din siya hanggang ngayon?”
Binatukan ako nito. “Aray! Bakit niyo ginawa yon?!Aw!”
“Sa tingin mo , bakit ka pa susulatan ni Louisa kung taken na siya?”
Oo nga ano, ang engot ko talaga hindi ako nag-iisip. Sa mga oras na iyon ay napuno ako ng pag-asa at sa mga oras din na iyon ay may biglang pumasok sa isip ko. Hulaan niyo.
***
“Bayad po!” isang boses na pamilyar na pamilyar sa akin—si Louisa.
Nasa isang jeep kami. Katapat ko siya . Walang bakanteng upuan dahil puno ito ng mga pasahero kasama kami. Kanina sinundan ko siya mula sa boarding house hanggang sa makasakay siya sa jeep.
Nagdisguise ako, nagsuot ako ng fake na balbas at sombrero habang may hawak na bouquet of roses na plastic. Pasimple ko siyang tinititigan. Hindi pa din nagbabago ang ganda nito katulad pa din noong dati, diyan ako na-inlove sa kanya eh. Habang papalapit na kami sa destinasyon namin ay isa-isang nagsisibabaan na ang mga pasahero hanggang sa ako, siya at ang jeepney driver na lang ang natira. Parte pa lang yan ng plano ko.
“Nandito na tayo, Boss.”wika ng driver.
“Manong, hindi po dito ang baba ko.”
Imbes na sumagot si Manong driver ay pumailang ang kanta ni Noel Cabangon, Di na natuto sa stereo ng jeep. Bumaba na din ang driver at kami na lang dalawa ni Louisa ang naiwan.
“Nandyan ka na naman, tinutukso-tukso ang aking puso…”
Isa-isa kong tinanggal ang disguise outfit ko habang nagpe-play ang kanta.
“Teka, sino ka?” wika ni Louisa.
“Ilang ulit na ba,iniiwasan ka di na natuto…”
“Kapag hindi ka nagpakilala, sisigaw ako”
“Sulyap ng iyong mata, aking nadarama,kahit malayo”
“Nahihirapan na,lalapit-lapit pa, di na natuto”
“Isang ngiti mo lang at ako’y napapaamo….mo wohoo”
“Nawala lang ako ng dalawang taon, nakalimutan mo na agad ako.”wika ko ng matanggal ko na ang disguise ko.
Napatigil ito. Tila nagulat ng Makita ako.
“Hindi mo na din siguro naalala kung paano nagtagpo ang landas natin, dito.. sa jeep na ito…. Una kong nakilala ang malas na babaeng iyon”
“Yakapin mong minsan, at muling magbabalik sayo…na walang kalaban laban”
“Noong una, turn-off talaga ako sa kanya dahil kababaeng tao naglalasing… akala ko hindi na kami magkikita… pero nasundan yon…ng madaming araw…hanggang sa yung unang impression ko sa kanya eh nawala…”
“Ang puso ko’y tanging iyo…. Lamang…”
Nakita ko ang unti-unting pagpatak ng luha sa mga mata ni Louisa habang nagsasalita ako.
“Lalo na ng maging fake boyfriend niya ako….. nalaman ko na may dahilan pala kung bakit siya naglasing ng ganoon…at nung nalaman ko yon…unti-unti akong nahulog sa kanya…pero.. nung sinabi niya sa akin na maging bestfriends kami, saka ko lang na-realize na hindi pala pwede…dahil alam kong hindi pa siya nakakamove-on sa lalaking minahal niya….pero nagulat ako ng may ipinakilala siya sa akin, ka-blind date niya daw….Sa totoo lang … sobrang sakit yon dahil….. nandito naman ako bakit kailangan pa niya makipag-date sa iba…. Naalala ko , hindi pa pala niya alam na gusto ko siya…”
“oh heto na naman, laging nananabik…ang aking puso”
“Muling bumabalik..sa’yong mga halik…di na natuto….”
“Noong araw din iyon… sumuko ako…kasi ayokong umasa na isang araw akodin pala ang masasaktan…gusto kong maging masaya siya… kasi alam ko, naging masakit sa kanya ang pagkamatay ng lalaking mahal niya…gusto ko lang palaging may ngiti sa labi niya….kahit hindi ako yung dahilan ‘non”
“Isang ngiti mo lang at ako’y napapaamo..wohoo”
“Ngayon.. bumalik ako..umaasa na masasabi ko ng harapan sa kanya na….. ”
“Yakapin mong minsan at muling magbabalik sa’yo…na walang kalaban laban”
“Louisa, Mahal na mahal kita.”
“Ang puso ko’y tanging iyo ….lamang….”
“Arvin!” umiiyak na niyakap ako ni Louisa.
Isang mahigpit na yakap ang itinugon ko sa kanya.

EPILOGUE:
“Paano mo nalaman na siya yung may-ari ng singsing?” tanong ni Louisa.
Nandoon kami sa sementeryo kung saan nakalibing si Miguel--- ang ex-boyfriend ni Louisa. Nalaman ko ‘yon dahil sa ikinuwento ni Grace sa akin.
“Si Grace… sinabi niya sa akin ang tungkol sa kanya…pati na ang dahilan kung bakit palagi mong suot ang singsing niya.”
“Sorry kung hindi ko inamin sa’yo..kasi..”
Pinitik ko ang noo niya.
“Aray! Bakit mo ginawa ‘yon?!”
“Praning !”
“Anong pra----”
Isang halik ang iginawad ko kay Louisa. My first real kiss sa totoong mahal kong babae. Kinikilig ako.
“Praning na praning ako sa’yo” wika ko ng maghiwalay ang mga labi namin.
“Sinabi ko bang halikan mo ko!” isang malakas na hampas sa balikat ang pinakawalan ng kamay ni Louisa at masakit ‘yon.
“Aray! Grabe ka na naman, bakit hindi ba pwede… girlfriend na naman kita di ba..sakit ‘non ah!”
“Hala! Sino may sabi na girlfriend mo na ako? Ni hindi ka pa nga nanliligaw eh.”
Isang hampas ulit ang pinakawalan nito at sa mukha ko dumapo ‘yon.
“Aray!!! Ayoko ng nga….. wag na lang… binubugbog mo ko…hindi na tayo bati.. babalik na ako ng New York…”para akong batang nagtampo, nagpapadyak ako habang patalikod na naglakad palayo sa kanya. Kunwari tototohanin ko.
“Teka! Sama ako!”
Nagulat ako ng mag piggy backride si Louisa sa likuran ko. Mabigat talaga ito. Muntik na nga kami matumbang dalawa sa damuhan.
“Baboy ka ba?”
“Hindi ..bakit?”
“Ang bigat mo kasi eh..”
Binatukan niya ako. “Corny mo!”
Hindi naman ako matuturing na masokista, manhid, tanga at praning. Isa lang naman ako sa milyong-milyong tao sa mundo na nangangarap ng matinong lovelife. At salamat kay kupido dahil ibinigay niya sa akin si Louisa. Ngayon, natapos na ang chapter ng lovelife ko. Totoo ang happy ending.
THE END.
 
hayyy ts ang galing mo ang ganda ng kwento..
hintayin ko mga gagawin mo pa
:excited::excited::excited:
 
wala pa inspirasyon eh ahaha wala pa ako nagagawa..
 
ang galing mo TS. sana gawa ka ulit ng LOVESTORY. gifted ka talaga TS. more power!
 
Back
Top Bottom