Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story A Jeepney Love Story

Author's Note:
This is just my figment of imagination habang bored na bored ako nagpapatay ng oras sa OJT ko way back year 2012. I just repost it here sa Original Literature since sariling gawa ko naman ito. ENJOY READING! DON'T FORGET TO LEAVE COMMENTS :)

********​

Kabanata 1:

"Anong oras na naman kaya ako makakasakay pauwi" badtrip na wika ko sa sarili habang nasa kaduluduluhan ng pila sa sakayan ng jeepney sa may guadalupe. Dumagdag pa ang mga taong tanong ng tanong kung pila ba ito. Tapos magtatanong ulit sa katabi na pinagtanungan nito hanggang sa humantong din sa pagpila sa pinipilahan ko. Jakamawatan, lalo lang umiinit ang ulo ko.

Napagpasyahan kong magsoundtrip muna habang nakapila baka sakaling mawala ang masamang espiritung unti-unting lumulukob sa katauhan ko. Kinuha ko ang earphone at sinaksak sa tenga ko, buti na lang hindi pa lobat yung i-phone ko. Nakailang kanta na din ang nai-play ko pero hindi pa din umuusad ang pila. Para kaming mga na-stranded na mga pasahero ng barko sa sobrang haba ng pila. Maghuhuramentado na sana ako ng biglang may tumulak mula sa likuran ko, natulak ko tuloy yung ale na nasa harapan ko.
Nakanang botcha!.Inis na tinanggal ko ang earphone sa tengga ko.

"Ano ba 'yan!"wika ng ale na nasa harapan ko. Nag-sorry muna ako bago ko nilingon ang tumulak, uupakan ko kapag lalaki 'yon.Pero nagulat ako ng makita ko ang isang babae na pasuray-suray .Lasing yata.

Hindi ko masyado makita ang mukha ng babae dahil halos magmukhang sadako na ito sa pagkakalugay ng mahabang buhok nito. Tama nga ang hinala ko, lango nga sa alak ang babae, amoy chico eh.Tila natauhan ito ng maramdaman ang presensya ko, umangat ang ulo nito para mapagsino ang nasa harap.Hindi ko masyado makita ang mukha ng babae dahil natatakpan ng buhok ang mukha niya.

Sinimulan kong magsalita." Hoy! Miss, Lasing ka ba?
"Teka bakit ko pa tinanong eh obvious naman." wika ko sa isip ko.

Hindi ko na hinintay na sumagot ang babae dahil umuusad na ang pila,pinabayaan ko na lang ang nangyari. Ano ba mapapala ko kung maghuramentado ako sa harap ng isang lasing na babae? Masasapak ko ba ito para makaganti ako sa ginawa nitong pagtulak sakin? Ang sagot : Wala akong mapapala. Kaya tumalikod na lang ako at nagsimulang maglakad habang umuusad ang pila.

Alas siyete na ng gabi , pumila ako pasado alas-sais pero heto nandito pa din ako sa terminal ng jeepney. Kasama ang mga pasaherong demanding at isang lasenggerang babae.Hindi naman kalayuan ang bahay ko, mga limang kalye lang naman.Pwede ko naman lakarin pero mas gusto ko sumakay ng jeep dahil alam kong mas mabilis akong makakauwi. Sa wakas nakasakay na din ako sa jeep,prente akong umupo sa unahan sa may tabi ng driver. Isasandal ko sana ang hapong katawan ko sa sandalan ng biglang may umupo pang isang pasahero,at sa kamalas-malasang pagkakataon, makakatabi ko ang lasenggerang babae kanina. Umusog ako malapit sa driver.

"Anak ng..." mahinang sambit ko sa katabi ko. Halos sakupin na kasi nito ang kinauupuan nilang dalawa. Napakabalahura ng babaeng ito, isabay mo pa ang masangsang na amoy-alak.

Sa biyahe, hindi ko mapigilan tingnan ang itsura ng babaeng katabi ko.Bukod sa parang sinabunutan ng isang dosenang bakla ang buhok niya eh mukhang disente naman ang pananamit nito, Lasing lang talaga.

"Bakit kaya walang kasama 'tong babaeng ito?Saan kaya ito bababa?" tanong ko sa aking isip habang nakatingin sa natutulog na babae. Nahagip ng mata ko ang suot nitong ID--school ID iyon at sa parehong university pa yata na pinapasukan ko nag-aaral ang babae, pasimple kong tiningnan iyon. Baka sakaling may address ng babae pero nabigo ako. Nahahabag ako sa itsura ng babae, siguro kung walang harang sa unahan ng jeep kanina pa ito nalaglag at pinagpipiyestahan na ng alikabok sa kalsada ito.

Muntik na akong lumagpas sa bababaan ko,buti na lang naka-para agad ako.Isa na lang ang problema ko. Paano ako baba kung nakaharang itong babaeng 'to.? Nilingon ko si Manong Driver.

"Teka lang Manong ah,lasing kasi itong katabi ko".wika ko dito bago bumaling sa katabi ko.
"Hoy! Miss, paraan naman. Bababa na ako." Niyugyog ko ang kaliwang braso nito.

Nagising ito sa ginawa ko, Inayos ang buhok bago lumingon sakin.Doon ko na naaninag ang mukha nito, Laglag ang panga ko dahil maganda pala ang kanina ko pa kinaiinisang babae. Kaso , turn-off agad, kasi kababaeng tao naglalasing ng ganun.

"Nasaan na ba ako" tanong ng dalaga.
"Nasa Cembo na tayo, Miss, kaya pwede ba paraanin mo ko, bababa na ako".
Imbes na paraanin ako ng babae ay nauna itong bumaba sa akin.Agad naman na sumunod ako dahil kanina pa kami pinagtitinginan ng ibang pasahero pati ng driver. Ilang saglit pa ay umalis na ang jeep.
Nilingon ko ang lasing na babae. Nakakatayo pa naman ito pero pasuray-suray na. Nauna itong naglakad sumunod ako. Ayaw niyang magpakagentleman, pero nababahala ako sa kalagayaan ng babaeng 'yon. Paano kung mapagtripan ito ng mga tambay sa tabi-tabi? eh di konsenya pa niya. Pareho pa naman kaming estudyante ng iisang univeristy na pinapasukan,baka mabalitaan ko na lang na may isang estudyanteng bababe na na-rape habang pauwi o di kaya na-salvage ng mga adik na tambay sa tabi-tabi. Napailing ako sa isiping iyon, OA ko yata masyado.

Mabagal ang paglalakad ng babae kaya naabutan ko agad, nilingon ko ito."Bakit kaya naglasing ito?" tanong ko sa isip ko.
Bigla akong nagulat ng lumingon siya sakin, nataranta ako kaya binilisan ko ang paglalakad.

"Hoy!"
"Hoy! Sinabi eh!"

Hindi ko namalayan na tinatawag pala ako ng lasing na babae mula sa likuran, napalingon ako. Nakanang botcha! sinundan ako. Pinagpatuloy ko pa din ang mabilis na paglalakad.Hindi ko na pinansin ang babae.

"Teka, hoy! mister!sandali lang!" tawag pa din nito sakin.
Medyo naiinis na ako sa kakatawag niya sakin, baka isipin ng mga taong dumadaan girlfriend ko ito. huminto ako sabay lingon.

"Bakit Miss?"
Nakasalubong kami ng babae kaya ang nangyari ay na-untog tuloy siya sa dibdib ko. Automatic na napahawak ako sa magkabilang balikat nito, baka kasi matumba na ito ng tuluyan.Ilang segundo kaming ganoon, agad akong lumayo dito. Nakaramdam kasi ako ng pagdaloy ng maliliit na boltahe sa mga kamay ko. Ang weird!.

"Ikaw yung katabi ko sa jeep di ba?"
"Oo ako nga, bakit?"

"Sa'yo ba 'to?"
Inabot niya sakin ang earphone ko.

"Sakin 'yan ah!" sabay hablot sa earphone.
Tiningnan niya ako ng masama dahil sa ginawa ko, natahimik tuloy ako. Maya-maya ay nagulat na lang ako ng bigla itong yumakap sakin, hindi agad ako nakagalaw dahil sa nangyari.

"Type yata ako ng babaeng ito" wika ko sa isip ko.Pero mali ang akala ko, naramdaman ko na lang na parang nabasa ako at sa sobrang malas, sa akin pa sumuka ito.

Napasigaw ako.

"Ay! Ano ba 'yan!Miss, Ano ba!"

Wala na akong paki kung babae siya basta ang alam ko kailangan kong ilayo ang sarili ko sa kanya. Baka gawin akong toilet bowl nito. Halos masuka na din ako dahil sa sa dami ng inilabas nitong kinain sakin umabot pa hanggang sa pantalon ko. Badtrip.

"Badtrip!Yuck!"
Inis na hinubad ko and T-shirt ko. Mabuti na lang may sando akong dala-dala, sinuot ko agad iyon.

"Sorry" hinging-paumanhin ng babae. Mapapatawad ko na sana siya eh kung hindi ko lang nakitang ngumiti.Sapakin ko kaya ito.

Habang busy ako sa pagpunas sa pantalon ko, nakarinig ako ng iyak.Inangat ko ang mukha ko at nakita ko kung sino ang umiiyak---SIYA, ang babaeng lasenggera.May sapak yata ito eh bigla-biglang umeemote.

Bigla nawala lahat ng kabadtripan ko sa babaeng kaharap ko at nagsimula akong makaramdam ng awa sa kanya. Mukha yatang problemado lang ito kaya naglasing.

Nilapitan ko siya at inabutan ng panyo.
"Hoy, Miss."

----- itutuloy -----

- - - Updated - - -

Kabanata 2:

Kapag nakakakita ako ng babaeng umiiyak, medyo na nakakaramdam ako ng lungkot sa hindi ko malamang dahilan. Katulad ngayon, may umiiyak na babae sa harapan ko pero wala akong magawa.

“Miss, okey ka lang?”
Ang tanga ko talaga, nagtanong pa ako kung okey lang ito eh alam ko namang hindi ito okey.
Umiling lang ito sa tinanong ko.At umiyak ulit. Mabuti na lang at walang masydo dumaadaang tao sa kalye, iwas iskandalo iyon para sakin.

Nagpasya akong tanungin ulit ang babae, gusto ko na kasing matapos ito at makauwi. Inaantok na kasi ako.

“Miss, Alam mo kasi medyo nakakaabala kana sakin. Kaya kung pwede lang sa susunod na maglasing ka, siguraduhin mong may kasama ka kasi baka mapahamak ka sa ginagawa mo eh.”

Sayang ang ganda nito kung mapapahamak lang ito. Type ko pa naman.

“Ganito na lang, pahiram ng cellphone mo para matawagan natin yung magulang mo o kaibigan mo. Kasi hindi din kita maiwanan dito dahil sa itsura mo eh.”

Hindi naman pala mahirap kausapin ito dahil binigay agad nito ang cellphone niya sakin.
Agad kong hinanap sa phonebook ng cellphone niya ang number ng kung sino man ang nakakakilala dito.
Sinubukan kong tumawag sa cellphone nito pero sa malas eh wala pala itong load kaya sa cellphone ko na lang tatawagan. May nakita akong number ng kaibigan nito na naka-save, obvious naman dahil Grace-Friend ang nakalagay na pangalan. Sinimulan kong tawagan iyon.

Mukha hindi ako minalas sa pagkakataong iyon dahil agad na may sumagot. Babae iyon, malamang si Grace.

“Hello?”
“Yes, Hello? Who’s this?”.ani ng babae sa kabilang linya.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at sinabi ko dito ang nangyari sa kaibigan nito.

“Nasaan ka’yo? Susunduin ko kayo, okey lang ba siya?”suno-sunod na tanong nito na halatang nag-aalala. Sinabi ko kung nasaan ang kami.

“Sige dyan lang kayo.” Wika nito bago mawala sa linya.

Nakahinga ako ng maluwag. Binalingan ko ang babae, nakaupo pa din ito at nakatungo.

“Ahm.. Miss, ito na yung cellphone mo,natawagan ko na yung friend mo, si Grace, tumayo ka na diyan kasi maya-maya dadating na iyon para i-uwi ka.”

Nagtaka ako dahil hindi ito sumagot. Anak ng tokwa! Tinulugan ako.

“Miss?, hoy ,miss” niyugyog ko ang balikat nito para gisingin. Pero talaga maoy na ito.
Kaya no choice ako kundi buhatin ito, Piggy back ride.

Ang hindi ko mawari eh ang payat naman ng buhat-buhat ko pero walanghiya ang bigat.
Halos 30 minutes na akong naghihintay habang buhat-buhat ang babae. Tiningnan ko ang oras sa relos ko , alas-diyes na. Patay ako, siguradong hinahanap na ako ni Tsong Macoy.

Maya-maya ay may nakita akong babae na naglalakad papalapit sakin. Sa wakas dumating na din ang hinihintay ko---si Grace.

Napakunot ang noo ko dahil ng mapagsino ko na ang babae ay pamilyar ito sakin. Alam ko madaming Grace na pangalan sa Pilipinas pero hindi ko akalain na kilala ko pala ang Grace na kaibigan ng babaeng ito. Nang makalapit ito at nagulat din ito ng Makita niya ako.

“Grace?”
“Arvin?”
Sabay pa naming sambit sa isat-isa. Highschool classmate ko si Grace at kapitbahay ko dati, matagal na kaming hindi nagkikita dahil after grumadweyt kami sa highschool ay lumipat na ito ng ibang tirahan.
“Ikaw yung tumawag?”
Tumango lang ako.

“Mabuti ikaw ang nakakita sa kanya. Salamat talaga.”
“Kung hindi lang talaga ako mabait, iniwan ko na itong kaibigan mo eh.”
Tutal nandoon na ako sa sitwasyong iyon, nilubos-lubos ko na ang pagtulong . Sinamahan ko na hanggang sa makauwi ang dalawa. Malapit lang pala ang tinutuluyan ng mga ito. Isang boarding house iyon.
“Nandito na tayo.” Huminto kami sa tapat ng gate.
“Paano pala ito?” sabay turo sa akay-akay kong babae.
“Ibaba mo na siya, ako na bahala sa kanya.”
Sinunod ko naman ang sinabi nito at dahan-dahang ibinaba ang babae.Inalalayan naman ito ni Grace.
“Pasensya ka na dito sa friend ko ah,kanina ko pa hinahanap ito.Hindi ko alam na uminom na mag-isa.”
“Problemado ba ‘yan?” tanong ko. Nagiging tsismoso na naman ako.
“Bakit mo natanong?”
“Ah, wala lang kasi---” naputol ang pagsasalita ko ng biglang.
“Anong nangyari dyan?!” biglang sulpot ng isang matandang babae.
“Tita, naglasing eh, mabuti may nakakita sa kanya.”
“Diyos ko, ang babaeng ito,hala bilis ipasok natin siya sa loob .”
Agad na pumasok ang mga ito sa loob. Naiwan ako, na-isnob ako doon ah.
Aalis na sana ako ng biglang lumabas si Grace.

“Arvin, pasensya na kanina ah, thank you nga pala ulit sa tulong mo,ahm.. hindi na kita masasamahang umuwi kasi hindi na din ako papayagan ni Tita Judit . Thank you talaga ng madami.”
“Okay lang iyon, sige una na ako.”paalam ko dito.
“Sige, ingat”
Minalas man ako dahil sa kaibigan ni Grace eh mukha swerte na din dahil nakita ko ulit ito.
Matagal ko na kasi crush si Grace, highschool pa kami. ‘Yun nga lang may boyfriend ito noon kaya hindi na ako nakaporma. Pero matagal na iyon, Masaya lang ako dahil nakita ko ulit siya.

Umuwi akong nakangiti dahil sa nangyari kanina.

Kinabukasan. Tinadtad ako ng sermon ng Tsong Macoy ng umagang iyon, pero dahil sanay na ako eh , labas masok lang sa magkabilang tengga ko ang mga sinasabi nito. Sarap tapalan ng pandesal ang bunganga ni Tsong.
Tipikal na nagsisimula ang araw ko sa pagsakay ng jeep. Nakasanayan ko na iyon mula noong highschool pa ako. Paborito kong spot sa jeep eh ang upuan malapit sa driver, wala lang trip ko lang. Sakto may na-ispotan akong jeep na may isang bakante sa unahan, agad ko itong pinara.
Sumakay ako at prenteng umupo. Muntik pa akong hindi magbayad sa driver. Napatingin ako sa babaeng katabi ko na mukhang natutulog,napansin ko lang, maganda ito kahit nakasunglasses.
“Bakit ka tumitingin sakin?”
Nagulat ako ng sa biglaang pagsasalita nito. Akala ko tulog.
“Hindi kita tinitignan , Miss, yung sunglasses mo kasi ang ganda, san mo nabili yan?”
Tinanggal ng babae ang sunglass na suot nito. Napanganga ako, tama ang hinala ko maganda ito. Pero napakunot-noo ako, kasi pamilyar sakin ang mukha ng babae. Tama, siya yung lasenggerang babae kahapon.
“Gusto mo magka-blackeye, Mister?” tinitigan ako nito ng masama.
Syempre medyo natakot ako kaya natahimik na lang ako. Napagtawanan pa ako ng driver.
Ang sungit naman ng babaeng ito. Kung sabihin ko kaya na ako ang tumulong sa kanya noong lasing siya, bumait kaya sakin ito? Looks can be deceiving talaga. Sayang type ko pa naman.
Pagkahinto ng jeep sa tapat ng university ng pinapasukan ko ay bumaba na ako. Syempre kasabay ko si Miss Sungit.
“Louisa!”
Tawag ng isang pamilyar na boses. Sabay pa kami napalingon sa tumawag na iyon- si Grace.
“Ui Grace, anong ginagawa mo dito?” wika ni Miss Sungit na Louisa pala ang pangalan.
Lumapit si Grace dito, maglalakad na sana ako papasok ng gate ng bigla akong tinawag nito.
“Arvin?”
Lumingon ako at kunwari nagulat.
“Ui Grace ikaw pala yan” maang-maangang sagot ko.
“Kamusta? Thank you pala kagabi ah, kung hindi mo tinulungan itong si Louisa baka napahamak na ito.” Ani nito.
“Siya yung tumulong sakin?” gulat na tanong ni Louisa kay Grace.
“Oo siya yun.”
Nginitian ko siya pero tinitigan naman ako ng masama.
“Sige na Grace, papasok na ako.”
Naglakad na ito papasok ng gate ng university.Naiwan kami ni Grace.
“Bakit ang sungit ng kaibigan mo? Hello, tinulungan ko kaya siya.”
Natawa ito. “Pasensya ka na talaga ah, Galit lang sa guwapo ‘yon”
Alam kong nagbibiro lang si Grace pero halos mapunit na ang labi ko sa sobrang laki ng ngiti ko.
“Thanks sa compliment”
“Hindi ka pa din nagbabago, ang yabang mo pa din.”
“Siya nga pala, Ano ginagawa mo dito?”
“Ah, hinatid ko lang yung boyfriend ko, malapit lang naman yung school ko sa school niyo. Diyan din siya nag-aaral, Psychology kinukuha niya.”
Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa narinig ko. Sa pangalawang pagkakataon , bigo na naman ako. Malas talaga. Ma-hunting nga lahat ng Psych student mamaya.Hindi din nagtagal ang paguusap naming ni Grace, nagpaalam na din ito.

Nawala na ang good mood kong aura kanina. Ni hindi ako nakikinig sa professor kong dakdak ng dakdak sa harapan. Natulala ako. Blanko ang isip dahil kay Grace.
“Mr. Noble?”
“Mr. Noble?”
Saka lang ako natauhan ng lumapit na sakin ang professor ko.
“Mr.Noble, are you listening?” wika nito sakin.
“Y-yes ,Sir.”
Patay tayo diyan, Bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.
“Really, Mr. Noble, so can you explain what I’ve just said a while ago?”
Sinasabi ko na nga ba eh. Napalunok ako at dahan-dahang tumayo. Bahala na si Batman.
Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang babae.Lahat ng atensyon ay biglang nabaling sa pumasok na babae. Lalo na ako dahil kilala ko kung sino iyon—si Louisa. Si Ms. Sungit at si Ms. Malas.
“Sorry, Sir. I’m late” anito bago umupo sa bakanteng silya sa likuran ko.
“Well,Are you the new student of my subject?
“Yes, sir” tumayo ito.
“What’s you’re name? Please , introduce yourself ”
“Ahm, I’m Louisa Marie Navarro, Fine arts major”
“I see, so you’re the only one who is not engineering major here. Okay, you can sit down. Thank you. ”
English subject ba itong napasuka ko? Bakit English ng English itong professor na ito eh, Filipino naman ang subject na tinuturo niya.At hindi ko akalaing magiging classate ko ang masungit na babaeng iyon.
“ at ikaw Mr. Noble, na wala yata sa sarili ngayon, hindi ka nakikinig kanina. Sit down”
Pagkaupo ko ay agad na Inexplain ng professor ang gagawin para sa midterm project pero hindi ako nakikinig. Wala ako sa wisyong makinig. Ni hindi ko narinig na by partner ang magiging grupo para doon.
“Ms. Navarro?”
“Yes, sir”
“Since ngayon ka pa lang naman pumasok sa klase ko, ako na ang magbibigay ng ka-partner mo para sa midterm project”

Bumaling sakin ang professor ko.
“Mr. Noble, since hindi ka nakikisali sa discussion ko tungkol sa midterm project,pakitanong mo na lang kay Ms. Navarro ang mga gagawin dahil siya ang magiging ka-partner mo for this.”
“Ho?”gulat na reaksyon ko. Sabay baling kay Louisa.
“Siya?”
“Oo siya nga, any questions?”
“Wala po, Sir” iling na sagot ko.
Natapos ang klase na hindi ko ina-aaproach si Louisa tungkol sa midterm project. Baka kasi isnobin lang ako nito gaya ng ginawa niya saki kanina.
“Pare! Suwerte mo ah, ganda ng partner mo.” Tudyo sakin ni Jeff ng makalabas kami ng room.
“Tumigil ka nga diyan.”
“Teka, mukhang nandyan na date mo.”
“Anong date?”
“Siya.”
Bumaling ako sa itinuro nito. Nakita ko si Louisa na papalapit sa amin.
“Ikaw ka si Arvn dib a?”seryosong tanong nito pagkalapit.
“Ako nga. Ako yung---”hindi ko natapos ang sinasabi dahil nagsalita ulit ito.
“Sa library, 3pm sharp”

----- itutuloy -----
 
Last edited:
Hindi pa pala tapos,nakakabitin Author,keep writing please. Ipagpatuloy natin ang pagmamahal sa sining. Aabangan ko iba mo pang akda,salamat dito.
 
may completong kwento to sa stories and essay kung nabitin ka.
 
wait nabitin ako haha! :lol:more pa ts! :D :excited:
 
Back
Top Bottom