Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Adik (kwento ng mga cancer sa laro)

Isa isang binibilang ni Pahi ang mga baryang kinita sa pagpapatapon ng basura. Inip at paulit ulit nyang tinatanaw ang eskinita. Maya maya pa ay natanaw na nya si Tapog na tumatakbo palapit sa kanya.

"Kuya mo?" Tanong ni Tapog

"Kasama nila kenneth" mahina nyang sagot

"Magso-solvent nanaman yun. Magbago na kamo, Duterte na. Papatayin yang kuya mo."

"Gago mga nagsha?????????? lang yun."

"Tanga adik ang pinapatay hindi lang mga nagsha?????"

Di na sumagot si pahi. Kilalang snatcher si Kenneth sa lugar nila na sumaside line nang pagtitingi ng solvent pag walang dilihensya.

Sabay tumakbo ang magkaibigan papunta sa kumpyuteran. Nagmamadali dahil baka maunahan nang mga istudyanteng pauwi galing iskwelahan.


"Boss J.C tag 2hrs." sabi ni Pahi habang inaabot ang mga barya.

"Tang ina mo maligo ka muna. Amoy putragis ka." bulyaw ng mapang asar na bantay.

" Dali na boss, mamaya mauunahan nanaman ako eh."

"Tang ina mo bawal ka mag headset at mouse pad ah. Bumabaho eh"

"Ok lang boss" nakangising sagot ng marungis na bata.


Mainit ang laro ng dalawa. Nagsisigawan kahit magkatabi lang naman.

"Long A!! Long A !!" sigaw ni Tapog

" Patay na!!! Spotted Spotted!!! Sagot ni Pahi

"Tae-tae lang tayo . . Abang lang"

Pumwesto ang magkaibigan habang binabantayan ang bombang nahulog ng namatay na kalaban. Maya maya pa ay nakita na ni Na ni Pahi na may pumasok sa bombsite. .

"Ayan na pumasok na.!!" babala ni Pahi, pero hindi sumagot si Tapog.

Isang malakas malakas na sampal ng tsinelas ang bumulabog sa konsentrasyon ni Tapog. Umugong ang tenga nya at mabilis na gumapang ang mga luha.

"Putang ina kang bata ka!! Dito mo pala inuubos yung hinihingi mo perang putang ina ka. Buong araw kana dito. Gusto mo dalhin ko na damit mo dito at dito kana tumira.?

Tahimik lahat ng bata sa kompyuteran habang kinakaladkad ni aling Lourdes sa buhok ang anak papalabas. Nang masigurong nakalayo na ang mag-ina ay tsaka nagtawanan ang mga parokyano.

"Puta na-SS-san ni aling Lourdes eh hahaha Monster kill!!" sabi ni J.C

Nagunahan ang mga bata sa upuan ang naiwang kompyuter ni Tapog.

"Boss J.C akin nalang to" sabi ng isang bata.

"Boss stop time mo muna" sabi ni Pahi

"Walang stop time" sigaw ng bantay sabay patay ng pc mula sa server.

"J.C ang damot." nanghihinayang na maktol ng batang umupo sa kompyuter ni Tapog

"Putang ina mo buraot ka? Laumabas ka nga. Oi labas mga tambay putang ina nyo ang init!!.

Ilang minuto lang ang lumipas ay naubos na din ang oras ni Pahi. Paglabas nito ng shop ay dun nya lang naramdaman ang gutom.pero ok lang. Para sa kanya mas ok ng busog ang mga mata nya.

Gustong gusto nyang naglalaro ng kompyuter. Sa laro magaling sya. Sa laro malakas sya. Sa laro malinis sya. Sa laro may mga kampi syang rumirespeto sa kanya.

Pag uwi nakita nya ang kuya nya na nakatitig sa pader. Gumagalaw ang bibig pero walang salitang lumalabas.

" Kuya kumain kana? May kanin pa?."

"Wag mo ako guluhin. Nanonood ako ng kamandag" sagot ng kuya nya.

Sabog nanaman ang kuya nya. Tinakasan nanaman ang problema. Normal na ang ganto para sa kanya.

Pumunta sya sa kusina para maghanap ng makakain. Wala syang nakita. Lumabas sya ng bahay dala ang sako para mangalakal. Para may pang kompyuter ulit sya. Pag sinwerte. Baka may sumobra pang kain nya. Parehas lang silang tumatakas sa problema. Magkaiba lang ng pamamaraan.
 
Last edited:
Back
Top Bottom