Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Adik Sa'yo

Sabi nila ina at ama ay lumayo daw ako saiyo. Hindi ka daw magandang ihemplo. Ngunit di ko sila sinunod. Dahil sa twing kasama kita ay masaya ako. Masayang masaya. Nalilimutan ko ang mga problema ko. Ligaya lang ang nadarama mo. Nawawala lahat ng hinanakit sa buhay ko.

Natatandaan ko pa nuong una pa lamang tayong nagtagpo. Nasa Highschool pa lamang ako nuon. Malungkot ako ng mga sandaling iyon. Tila tinalikuran ako ng mundo ng mga panahong iyon.

Pinakilala ka sa akin ng isa sa aking mga kaibigan. Sino nga bang hindi mahahalina sa iyong pangalan. "JM" Tila napatitig ako sa kawalan. Naibsan ang akingkalungkutan. Pinawi mo iyon sa isang iglap lang.

Ang dating di gaanong kumakain ay naging masagana na. Dahil sa iyo natuto na din akong magtanim ng halamang aking aanihin sa oras ng pangangailangan o kagipitan.

“Tigilan mo na yan” Bulalas sa akin ni Ama ng makitang magkasama tayong dalawa. Gigil nagigil ito sa galit.

“Bakit mo ba ako pinipigilan sa kaligahan ko” Katwiran ko sa kanya.

“Gago! Anong kaligayahan? Sisirain lamang nyan ang punyetang buhay mo!” Sigaw nya sabay undayog ng suntok sa aking mukha. Masakit. Ngunit mas masakit ang sinabi nya sa iyo.


Kay tagal kitang itinago sa kanila. Sa aking ama’t ina, sa mga taongmapanghusga. Mahal kita. Hindi ko kayang kung tayo’y papaghiwalayin nila.Gumanti ako ng suntok kay Ama. Nagulat sya.

“Tignan mo na! Lumalaman ka na sa akin ngayon! Nababaliw ka na!” Sigaw ni ama saka ako pinagsusuntok na may kasama pang tadyak. Napaupo ako sa gilid. Lumuluha.

“Ama maawa ka. Pakiusap, Siya lamang ang nakakaunawa sa mga problema ko. Siya lamangang nakakapagpasaya sa akin sa twing ako ay malungkot. Patawad Ama” Dumaloy naang masaganang luha sa aking mga pisngi.

“Hindi mo pa rin ba naiintindihan? O talagang nilamon na ng punyetang iyan ang kokote mo? Sinisira mo lang ang buhay mo!” Bulyaw sa akin ni ama.

Bumukas ang pinto. Niluwa nito si ina na tarantang pumunta sa kwarto ko. Mabilis din itong lumabas saka dala nito ang malaking bag na may lamang tila mga damit.

“Umalis ka na dito! Magmadali ka!” Utos nito sa akin na may lungkot sa mga mata. Taka syangtinignan ni Ama. “Umalis ka na ano ba!” sigaw nito ramdam ko na ang galit sa kanyang mga mata.

“I-ina?!Patawad.” Kinuha ko sa kanya ang bag na hawak nito. “Patawad, Ama’t Ina” tumitig ako sa kanilang dalawa.

“Umalis ka na!” Isang sigaw ni Ina.

Nagmadali akong kumilos. Umiiyak ako. Lumuluha. Binuksan ko ang pintuan ngunit tumambadsa akin ang mga lalaking tila handa akong patayin sa isang maling galaw ko lamang.

“Mga pulis ito. Sumama ka sa amin.”
 
noong na sa kalagitnaan na ako, iniisip ko na lesbo ang jowa kaya galit yung tatay :lol: medyo tenbits ang isang 'to, sana may karugtong :naughty: keep writing! :salute:
 
Back
Top Bottom