Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others Aking Tag-Araw


Aking Tag - araw..


Matingkad pa sa sinag ng araw, tadhana ang nagpasya.
Iginuhit ng kapalara’t saksi’y tanging piping kalawakan.
Ang ako at ikaw ay maging tayo.
Sa malapad na kapaparangan.

Habang

Hinaharana ng nag-aawitang mga ibong nakadapo sa sangang napapayid ang dahon.
Ang mayuming suyo’t indak ng mga bubuyog sa tuktok,
Nang mga bulaklak na mayayabong.

Tunay kang


Dinidikta ng hangin...
Binubulong ng isip….
Sinisigaw ng puso….

Na

Ligaya ang ika’y mamasdan.
Katuparan ng panaginip ang ikaw ay makamtan.


Kung kaya’t




Ang pag - ibig ko sa’yo ay katulad ng saranggolang lumilipad,
sa kalagitnaan ng tag - araw.
Gaano man kalayo’t katayog mapadpad,
ay mananatiling hawak ng iyong palad.


Sa ilalim ng sumisikat na araw.
O sa pambihirang pagkakataong -- tila mahiwaga’t bumuhos ang ulan.


Nag - aabang mo’ng mga bisig ang parati’y babalikan.
 
Ang pag - ibig ko sa’yo ay katulad ng saranggolang lumilipad,
sa kalagitnaan ng tag - araw.
Gaano man kalayo’t katayog mapadpad,
ay mananatiling hawak ng iyong palad.

:salute:

nice
 
ganda nito panyerow! :thumbsup: aabangan kita sa next contest, bagay na bagay ang ganito sa hinahain namin.
 
Back
Top Bottom