Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Alin o Sino nga po ba ang Tunay na Pananampalataya o Iglesia?...

blackice08

Novice
Advanced Member
Messages
27
Reaction score
0
Points
26
Alin o Sino nga po ba ang Tunay na Pananampalataya o Iglesia?...

tama po,dapat magtali ang history na nasa Bible...sa dami ng secta alin na ba talaga ang tamang aral na pinakamalapit sa Bible...marami po kcng nag-aangking sila ang tama,pero hindi naman sumusunod ng tama sa Banal na Kasulatan...kung ating papansinin halos lahat naman may tama eh...kulang nga lang sa pagsunod batay sa turo ng Banal na Kasulatan...kung babasahin po kc natin ang Bible wala po tayong mababasang binanal,binasbasan,ipinag pahinga at ipinangilin ang Unang Araw o Sunday...ang mababasa po natin ay ang ikapitong Araw o Araw ng Sabbath...yan din po ang nakalagay sa 10 Utos ng Panginoon...Exodo:20 yan nga pong 10 Utos na ito ang hindi na pinapansin o winawalang halaga na po ng iba...sabi nga po sa Juan,kung akoy inyong inibig,tutuparin ninyo ang aking mga Utos...malinaw po yan,ang sabi pa po ng Bible,ang nagsasabing nakikilala ko siya at hindi naman tumutopad ng aking mga Utos ay sinungaling,at ang katotohanan ay wala sa kanya...kahit po ang mga Alagad ng Panginoon nangingilin din po ng Araw ng Sabbath...Mismong ang Panginoong Jesus nga po nangingilin ng Sabbath Lukas:4 :16...ilang mga patunay lang po yan... ^_^ ^_^ ^_^

Sharing po tayo mga Master kahit sa text po pwede naman kung may tanong o kaya po ay sharing ok lang po...ito ang aking number: 09107666295...
 
friendly reply lang TS,,
mali ang sinabi mong nangilin si Jesus ng sabbath sa Luc 4:16, WALANG NAKASULAT na nangilin,,huwag po nating dagdagan ang nakasulat

Luc 4:16 At siya'y napasa Nazaret na kaniyang nilakhan: at ayon sa kaniyang kaugalian, siya'y pumasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagtindig upang bumasa.

katunayan nyan, sinira nga ng Panginoong Jesus ang sabbath:

Juan 5: 16 At dahil dito'y pinagusig ng mga Judio si Jesus, sapagka't ginagawa niya ang mga bagay na ito sa araw ng sabbath. 17Datapuwa't sinagot sila ni Jesus, Hanggang ngayo'y gumagawa ang aking Ama, at ako'y gumagawa.

18Dahil dito nga'y lalo nang pinagsikapan ng mga Judio na siya'y patayin, sapagka't hindi lamang sinira ang araw ng sabbath, kundi tinatawag din naman na kaniyang sariling Ama ang Dios, na siya'y nakikipantay sa Dios.
 
Tama po kaibigan, pero napansin u po ba ung salitang "ayon sa kaniyang kaugalian"...ibig sabihin po nya nakagawian o simula po pagkabata nya,kung hindi po ako nagkakamali... ibig sabihin yan po ang itinuro sa kanya ng kanyang mga magulang d po ba...saka pansinin po natin ang kasunod na talata 4:17 ng Lucas sulat po ni Propeta Isaias ang kaniyang Binabasa, galing pa po sa Lumang Tipan...

saka hindi po nya sinira ang Sabbath,, paratang lang po sa kanya yan ng mga Paraseo.... kasi po eh pinahirap po kasi ng mga pariseo ang pangingilin ng sabbath ng kanilang kapanahonan, at hindi na po naaayon sa paraan na nais ng Diyos, kaya po sya ang gumanap kung paano po ba ipinapangilin ng tama ang araw ng sabbath... katunayan po nyan sa Mateo 5:17-18 17 "Huwag ninyong isipin na ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin. 18 Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, hanggang sa mangawala ang langit at lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay...

Kung atin pong papansinin, nandirito pa po ang langit at lupa... kaya po hindi po basta mawawala ang sabbath na nakapaloob sa sampong utos,,,

- - - Updated - - -

kaibigan, mali po kung sasabihin nating pagdbatihan nalang yan kung meron bang tama... nandito po tayo para magkaroon tayo ng sharing... tayo po ay magbabasa lang, kung ano po ang sinasabi ng Bible, ako po kc ay naniniwala na mapagkakatiwalaan natin ang Bible,, na hindi po nagsasalungatan ang sinasabi ng Banal na Kasulatan... hayaan po natin na ang Bible ang mag paliwanag at magpa unawa sa atin...

maging open lang po tayo, kung nais po natin ng katotohanan 0 dagdag kaalaman... malaki po kc ang kinalaman nito sa ating kaligtasan... Natural po meron mas tama iba po kc ang turo ng mga tao kumpara sa turo ng Panginoon... iba po ang kagustohan ng tao,, kumpara sa kagustohan ng Dios kung paano sya sambahin ng kanyang mga nilalang...
ano nga po ba ang kagustohan ng Panginoon,, John 14:15 Kung ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos... ^_^ ^_^ ^_^
 
Tama po kaibigan, pero napansin u po ba ung salitang "ayon sa kaniyang kaugalian"...ibig sabihin po nya nakagawian o simula po pagkabata nya,kung hindi po ako nagkakamali... ibig sabihin yan po ang itinuro sa kanya ng kanyang mga magulang d po ba...saka pansinin po natin ang kasunod na talata 4:17 ng Lucas sulat po ni Propeta Isaias ang kaniyang Binabasa, galing pa po sa Lumang Tipan...

kaibigan suriin po natin,
ang sabi po, "ayon sa kaniyang kaugalian"
ibig sabihin, ayon sa kaugalian ni Jesus, hindi sa kaugalian ng magulang niya o ng sinomang tao
sinabi din po ng talata kung ano yung kaugalian na iyon, "siya'y pumasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagtindig upang bumasa"
ang point ko lang kaibigan, hindi conclusive na magkaroon tayo ng isipin na tumupad ng sabbath si Jesus ayon sa talatang ito,
Luc 4:16 At siya'y napasa Nazaret na kaniyang nilakhan: at ayon sa kaniyang kaugalian, siya'y pumasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagtindig upang bumasa.

saka hindi po nya sinira ang Sabbath,, paratang lang po sa kanya yan ng mga Paraseo....

may basehan po ang mga Fariseo kaya nila yun sinabi.
nakasulat na po sa Juan 5:16 na ang mga ginawa ni Jesus sa araw ng sabbath, labag iyon sa kautusan ng sabbath na inutos sa panahon ni Moises, bawal po ang gumawa sa araw ng sabbath, kahit ang pagdampot ng panggatong eh bawal po, malinaw po na nilabag ito ni Jesus
Juan 5: 16 At dahil dito'y pinagusig ng mga Judio si Jesus, sapagka't ginagawa niya ang mga bagay na ito sa araw ng sabbath. 17Datapuwa't sinagot sila ni Jesus, Hanggang ngayo'y gumagawa ang aking Ama, at ako'y gumagawa.

kasi po eh pinahirap po kasi ng mga pariseo ang pangingilin ng sabbath ng kanilang kapanahonan, at hindi na po naaayon sa paraan na nais ng Diyos, kaya po sya ang gumanap kung paano po ba ipinapangilin ng tama ang araw ng sabbath... katunayan po nyan sa Mateo 5:17-18 17 "Huwag ninyong isipin na ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin. 18 Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, hanggang sa mangawala ang langit at lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay...

talagang ginanap ni Lord Jesus ang mga isinulat ng mga propeta, katunayan nyan na natupad sa kaniya ang lahat ng hula na patunay na siya ang Cristo
tanong lang po, kung sinasabi mo na itinama ni Jesus ang sabbath, ano po ba ang mali at ang tamang paraan?

Kung atin pong papansinin, nandirito pa po ang langit at lupa... kaya po hindi po basta mawawala ang sabbath na nakapaloob sa sampong utos,,,
ibig ko pong malaman mo na sang-ayon ako na nagtuturo si Jesus ng sabbath, PERO hindi ito ang sabbath na tinupad sa panahon ng lumang tipan,
hindi na lang ako magpapalawinag ng detalyado kaibigan,,,
 
kaibigan...yan na rin po ung sabbath na nasa sampong utos... yan narin po ung pinagtibay ng Panginoon... mas maganda po kung iyong ipapaliwanag ng maayos para po mas maunawaan po natin... ilang sabbath po ba ang pagkakaalam mo sa Bible?... mahirap po kc ang palapalagay lang mas mganda po kung nakalagay... paliwanag mo po ng maayos kaibigan...

may tatlong sabbath po kcng binabangit sa Bible... pero ung dalawa po ay naalis na, napako napo na kasama ng ating Panginoon... ngunit hindi po kasama sa naalis ang sabbath na nasa sampong utos... sabi nga po sa Heb 4: 9 May natitira pa ngang isang pamamahingang sabbath, ukol sa bayan ng Dios...

yan na nga po ung nasa sanpong utos ng Dios na nananatili po hanggang ngayon... :peace: :peace:

- - - Updated - - -

ang sabi po sa juan 14: 15 Kung ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos...

ang sabi pa po dito 1 Juan 2: 4 Ang nagsasabing, Nakikilala ko siya, at hindi tumutupad ng kanyang mga utos, ay sinungaling, at ang katotohanan ay wala sa kanya; ...
 
ano po yung dalawang sabbath na yun kaibigan?

magandang verse po yang ginamit nyo na Heb 4:9,,tapusin ko lang ginagawa ko dito sa opisina
 
Ok po kaibigan... Una po ay ang Sabbath ng Panginoon. Yan po ung nasa sampong utos Exodo 20: 8,,, na nanatili hanggang ngayon.. Ito nman po ung naalis na o napakong kasama ng ating Panginoon sa Krus; ayon sa Colosas... Ang sabbath po ng mga hudyo... Livetco 16: 29-31... At ang Sabbath ng Lupain... Livetico: 25: 1-5...masap po mag aral ng salita ng ating Panginoon basta maging open lang po tayo... :peace:
 
ayon po sa kasulatan, may sabbath na ika-pitong araw (exo 20:8) at mayroon din hindi natatapat ng ikapitong araw Lev 16:29), meron din sinasabing dakilang sabbath Juan 19:31.

Exo 20:8 Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin. 9Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain. 10Nguni't ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong tagaibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan:

Lev 16:29At ito'y magiging palatuntunan magpakailan man sa inyo: sa ikapitong buwan nang ikasangpung araw ng buwan, ay pagdadalamhatiin ninyo ang inyong mga kaluluwa, at anomang gawain ay huwag gagawa ang tubo sa lupain, ni ang taga ibang bayan na nakikipamayan sa inyo: 30Sapagka't sa araw na ito gagawin ang pagtubos sa inyo upang linisin kayo; sa lahat ng inyong mga kasalanan ay magiging malinis kayo sa harap ng Panginoon. 31Sabbath nga na takdang kapahingahan sa inyo, at papagdadalamhatiin ninyo ang inyong mga kaluluwa; ito'y palatuntunang magpakailan man.

Juan 19:31Ang mga Judio nga, sapagka't noo'y Paghahanda, upang ang mga katawan ay huwag mangatira sa krus sa sabbath (sapagka't dakila ang araw ng sabbath na yaon), ay hiniling nila kay Pilato na mangaumog ang kanilang mga hita, at upang sila'y mangaalis doon.

lahat po ito nasasakop ng mga kautusan ni Moises kaibigan, iba po ang kautusan ni Cristo, may hula sa pagpapalit ng kautusan:

Deut 18:18 Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya.
Gawa 3:22 Tunay na sinabi ni Moises, Ang Panginoong Dios ay magtitindig sa inyo ng isang propetang gaya ko mula sa gitna ng inyong mga kapatid; siya ang inyong pakinggan sa lahat ng mga bagay na sa inyo'y sasalitain niya.

dumating si Cristo at nagbigay ng mga bagong kautusan kasama na ang sabbath na pinalitan:

Heb 7:12Sapagka't nang palitan ang pagkasaserdote ay kinailangang palitan naman ang kautusan.

kaibigan kung atin pagaaralan ng sulat ni Pablo sa mga Hebreo, mga mga sinasabi ito sa pagpapalit ng kautusan mula kay Moises patungo kay Cristo
mababasa din sa sulat na ito kung bakit kailangan palitan ang mga unang kautusan, dahil ang mga ito ay kautusan lamang sa laman, ang mga kautusan po ni Cristo ay mga kautusan sa espiritu

ang ibig ko pong sabihin, ang sabbath na sinasabi ni Cristo sa Hebreo 4:9 ay sabbath na nauukol sa espiritu, hindi ito sa ikapitong araw katulad ng utos kay Moises

medyo malalim na po kung ipapaliwanag ko kung ano ang sabbath na ukol sa espiritu
kaibigan, subukan mo ang mga link na ito:

http://angdatingdaan.org/sabadista/...ilang-sabbath-day-at-ang-pagbibigay-ng-ikapu/
http://angdatingdaan.org/sabadista/totoo-po-ba-na-ang-sabbath-day-ay-sabado/
http://angdatingdaan.org/sabadista/...rth-ang-pagsamba-po-bay-gaganapin-sa-sabbath/
http://angdatingdaan.org/sabadista/...apahingang-sabbath-na-tinutukoy-sa-hebreo-49/
http://angdatingdaan.org/pangkalahatang-tanong/sabado-ba-o-linggo-ang-araw-ng-kapahingahan-cebuano/

more info pa dito kaibigan:
https://www.untvweb.com/live-stream/
https://www.untvradio.com/
angdatingdaan.org/
 
maraming salamat po kaibigan sa magagandandang paliwanag... saka po sa mga link...kaibigan ilang kautusan po ba ang alam mo sa Banal na Kasulatan,,, ang isa po ay ang kautusan ni Moises na tinatawag na Seremonyal Law at ang isa nman po ay ang Kautusan ng Dios na tinatawag na Moral Law...
kaibigan linawin ko lang po, hindi po kc kasama sa pinalitan ung sabbath na binabangit ko na nasa sampung utos... un po ay nananatili parin hangang ngayon Mateo 5:17-18 Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin... si Cristo po mismo ang nagsabi kaibigan... 1 John 2:4-5... kaya nga po kaibigan nabangit sa Hebreo 4:9 May natitira pa ngang isang pamamahingang sabbath, ukol sa bayan ng Dios... kaya po may natira sa dahilan pong may naalis o inalis... :peace: :peace: :peace: kaibigan basahin mo po itong nasa Deut 31: 24-26 mapapansin mo po kaibigan ang pagkakaiba ng dalawang Kautusan...
 
Back
Top Bottom