Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Ang aking Peysbuk Gerprend

Salamat sa mga nagbasa nung Black Jeep:http://www.symbianize.com/showthread.php?t=1399591!

Dahil nainspire ako at naantig ang aking kalamnan eto pa... Enjoy ^_^


Ang aking Peysbuk Gerprend

Isang araw ako ay nasa computer shop, itago na lang ang aking pangalan na si Jun... Junior na lang for short, ayun nagppeysbuk lang naman ako habang nakaopen ang ragnaroks ko sa tabi. Ayun... isang boring day na naman sa prontera at walang chix na mahagilap. Nang biglang may nagappear sa aking bottom of the iscreen. Itago na lang natin ang pangalan nung nagchat sakin na... teka nanay ko pala yung nagchat sakin hahahaha weit lang...


(Chatting...)

Ma, nasa comshop ako. Oo alam kong umagang umaga pa lang e nasa comshop na ako. Myamya'y uuwi na din ako at maliligo. Ok?? Sigi na may audience pa ako. Labyu! Mwamwa chup chup!



Ayun hehehe di ko na sasabihin ang sinabi ko sa nanay ko kasi baka mapahiya pa ako sa inyo. Again... nakatambay lang ako sa shop at nakataas ang paa sa--


Tiiiiiiiiiit!!!! Tiiiiiiiiiiiiiiittt!!! Tiiiiiiiiiiiiiiiiit!!! Tiiiiiiiiiiiiiiiit!

Potek! 3 seco--


...






...




...





...





Uy! Sorry... natapos kasi ang oras ko sa comshop... naghulog lang ako ng dalawang limampiso para matagal tagal tayong magkausap. San na ba ako? Ayun... Isang araw nasa comsho-- teka... lampas na pala. Di ga nagchat ang aking ina sakin. Tapos eto na yung sunod. May nagchat sa akin at itago na lang natin sa pangalang inday. Di niya totoong pangalan yan pramis! Nagchat siya sakin... Ako'y KILIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIG!!! NA KILIIIIIIIIG!! Biruin nyo may nagkagusto sakin na babae kahit simpleng lalaki lang ako!!! XD Yiiiiiaaaaaayyyy!!! Tangina saya!! Ay! Sorry for my wordings... ayun... nagchat siya sakin sabi niya.... YIIIIEEE! X') .... Palike daw nung picture ng pinsan niya tapos may smile na ganto.. " " AAAAAAAYYY!!! Laglag brief ko e!! hahahah ayun sabi ko nalike ko na miss ganda! ... kahit hindi ko pa nalalike hahaha... tapos nagreply siya. Ahhh thenkyu!!! AAAAYYY!! Kilig ako grabe. Ako na ata ang pinakaswerteng lalaki sa balat ng mundo! Sabi ko, "Your welcum!"...." *welcome ". Walanjo ang pagkakilig ko nuon!! hahahahah!!

Sumunod na sinabi ko sa kaniya e kung pwede kaming magkita... Sabi niya nung una strict daw ang parents niya. Pero bandang huli ng sinabi kong may pera ako, pumayag din siya! Hayh! Ansaya talaga Sinabi niya sa akin kung san kami pwedeng magkita at bukas daw ng 9AM. Naglogout siya at naglogout na din ako. Hayh! Naglalakad ako papunta sa amin sobrang nakangiti ako. Binigyan ko pa yung pulubi samin ng limang piso sa sobrang saya! hahahah. Ayun nakauwi na ako at tinanong ko sa nanay ko kung ano yung AM sa 9AM... Potek umaga pala yun! E sanay akong alas dos ng hapon nagigising!!! Di bale minsan lang naman... Natulog ako ng mga alas tres ng hapon para maaga akong magising bukas. Goodnayt!!!!



... 11PM ng gabi...

Nagising agad ako??? Potek bat ang aga kong nagising??? Walanjo antagal pa ng 9AM ohh! Naligo na lang ako kasi sayang ang gising ko. Pagkatapos kong maligo natulog ulit ako...





...7AM...

Nagising na naman ako??? Wala pang 9AM ohh!! Di bale... bumyahe na ako papunta dun sa tagpuan namin. 7:05AM ako nakarating. Isang sakay lang kasi ng pedicab yung tagpuan namin. Ayun nagantay ako sa loob ng mall. Naglakad lakad... Nag-CR... Naglakad ulit... Nag-CR... Naglakad ulit ng ilang beses... Nag-CR pero wala nang lumabas e tinulungan ko na lang makaihi yung matanda gawa uugod ugod na e. Aaaaaaaaaaaaaatttt!!!!....



...7:02AM...

Potek antagal ng oras!!! Pumunta na lang ako sa isang sulok nung mall at may Fire Exit dun. Imbis na bumaba e umakyat ako. Nakarating ako sa rooftop ng mall at gumawa na lang ako ng saranggola. Nagpalipad ako ng saranggola at sobrang taas netong lumipad!!! Nakasampung saranggola ako kasi proud ako na nakakalipad ng mataas ito sa 80th floor ng mall. Pagtingin ko sa orasan ko...


...9:15AM!

Shit!!!! nasa baba na yun!!! dali dali akong bumaba sa 80th floor kaso nakalock yung pintuan sa fire exit!!! Pumunta akong elevator potek sarado!!! wala akong choice kundi bumaba sa bintana. mula 80th floor ay bumaba ako hanggang 2nd floor kung saan kami magkkita. Buti malapit lang. Eto na...


9:57AM

Sa tapat daw ng department store siya. Nakapink na dress. Nakaheadband na puti! (parang nakikita ko na siya ahh) Nakadoll shoes... Nakaponytail ang buhok? Nakamakeup??????? Na ka shoulder bag??????!!!! At ubod ng taba?????...

...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
Girl: Uy! Ikaw ba yung kachat ko sa peys---
Ako: Ha? Ano po yun Mam? Hindi ho! Janitor lang ho ako dito!
Girl: Ha? E sabi mo nakajeans ka, nakasapatos na lightgreen at nakapink na bulaklaking polo. E ikaw lang naman yung nakikita ko ditong ganun ang suot e. E di ikaw nga yu--
Ako: Putangina tumigil ka kundi gigilitan kita sa leeg!!!

(sabay walk out)

Hayh. Mga poser nga naman talaga ano? Kala mo mga magaganda sa profile picture! Hindi naman pala sila yon! Tumigil na kayo ha!!! Be you're self!!! Kala ko pa naman kasing ganda niya yung anime sa picture niya. PWE!!!


Nagsasalaysay,
Junior (<---- Hindi ko totoong pangalan yan ha!!!)


END
 
Back
Top Bottom