Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Others Ang Istorya Ng Apat Na Sigarilyo

nagsindi ng unang sigarilyo
tumawag ng waitress, umorder ng iced tea...
tumingin sa malayo, humithit, bumuga...
maraming nagdadaanang mga sasakyan, taong naglalakad...
may isang babae ang umupo sa kabilang table...
makinis, maputi at maganda...
umorder ng isang bote ng beer, nagsindi ng sigarilyo..
uminom sa bote ng beer, napakasexy ng bawat paglagok...
pati ako ay napapalunok...
nagkatingin ang aming mga mata, na parang naguusap...
lumapit ang babae sa akin, tinabihan ako sa aking pwesto..
tinanong ang pangalan ko, nakahawak siya sa aking hita...
napalakas ang hithit ko sa una kong sigarilyo...
hinalikan nya ako sa pisngi papuntang aking labi...
nagpalitan kame ng matitinding halik...
tumayo at bumalik sa kanyang pwesto at paginom ang babae...
ubos na ang una kong sigarilyo...

nagsindi ako ng pangalawang sigarilyo...
biglang umulan, malakas...
maraming tao ang sumilong para hindi mabasa ng ulan...
isang babae ang dinukutan ng bag...
papalapit sa pwesto ko ang mandurukot...
napalakas ang hithit ko sa pangalawa kong sigarilyo..
ako ay tumayo, at pinigil ang mandurukot...
sipa, suntok, tinuhod at siniko...
Bagsak sa sahig ang mandurukot, tumilapon ang bag na kanyang dinukot...
Pinulot ko ang bag, binalik sa may ari...
Palakpakan ang mga tao, tuwang tuwa ang may ari...
Inabutan ako ng limang libong pisong pabuya, ako'y tumanggi...
Ngunit nagpumilit ang may ari, tinanggap ko, wala ng libreng limang libong piso ngayon...
Humithit ako ng sigarilyo hanggang sa maubos na ang pangalawa...

nagsindi ako ng pangatlong sigarilyo...
nakatanggap ako ng text, nanalo ako ng isang sasakyan, Porsche 911
dinala eto sa lugar kung saan ako nakatambay...
binigay saken ang susi, agad ako napahithit ng sigarilyo ko...
sumakay ako at tinest drive ang aking sasakyan, napakaganda at matulin...
pinagtitinginan ako ng tao, lalo na ang mga kababaihan...
ang gwapo ko tuloy, hithit uli ng sigarilyo...
lumabas ako ng sasakyan, at humithit ng sigarilyo, napakasarap sa pakiramdam...
ubos na pla ang pangatlo kong sigarilyo...

nagsindi ako ng pang-apat na sigarilyo...
nakaupo, habang nakikinig sa tugtugin...
biglang tumugtog ang paborito kong kanta...
agad agad ako napahithit ng todo sa aking sigarilyo upong kumuha ng lakas ng loob...
umakyat ako sa stage, pinahinto ko ang radyo...
may banda, nirequest kong kantahin ang paborito kong kanta na pinatugtog sa radyo...
agad agad tinugtog ng banda ang kanta, ako naman ay naghahanda na sa lyrics ng kanta...
sinimulan kong kumanta, lahat at naghihiyawan sa tuwa... papalakpakan.. hiyawan ng mga babae...
may babae na umakyat sa stage at hinalikan ako sa pisngi, kinilig ako...
nang, maya-maya may narinig akong tinig...
"sir last order na po, meron pa po kayong oorderin"
ako ay nagising sa aking imahinasyon, tumungo nalang ako sa waitress, sabay hithit sa pang-apat kong sigarilyo...
nagbayad at umalis na ako sa lugar kung saan ako tumambay, at nanaginip ng gising...
napansin kong wala na ang dalaga sa kabilang table, wala na din ang ulan, walang nakapark sa parking lot, at ang stage ay nililinis na...
ubos na ang aking pang-apat na sigarilyo...

Masarap din minsan tumambay, manigarilyo at umorder ng paborito mong inumin... at mag-imagine ng mga bagay...
Para kang nagtatransform tuwing nafifeel mo ang sarap, kumportable sa isang bagay at lugar...

Nashare ko lang :lol:
 
Last edited:
...at dahil sa pagbabasa ko, naubos ko na ang una kong sigarilyo.
 
^
hehe salamat sa pagbabasa mga bossing...

minsan kasi masarap din mag "day dreaming" habang umiinom or nagyoyosi ka... napakalikot kasi ng ating imahinasyon :lol:
 
nice! namiss ko yung ganitong form ng pagsulat :D salamat sa kwento :salute: tambay din minsan.
 
haha.. ganyan ako pag problemado.. pumupunta sa tindahan.. umiinom ng isang beer saka sigarilyo.. uupo sa isang tabi at mag d-daydream.. :thumbsup:
 
haha.. ganyan ako pag problemado.. pumupunta sa tindahan.. umiinom ng isang beer saka sigarilyo.. uupo sa isang tabi at mag d-daydream.. :thumbsup:

hehe mas astig yan may beer pa :lol:

lawak ng utak naten e, kung saan saan tayo nakakaabot haha
 
kakabasa ko , napaso na ang labi ko.. upos na pala na hi hithit ko..!
Nice TS..
 
madalas ako magdaydream, pag nasaunahan ako nakasakay sa jeep :lol:
 
salamat sa mga bumasa :)
 
Ang sarap humithit ng sigarilyo at managinip, mag-isip at maglakbay sa aking diwa.
Ang ganda sir! Patok sa mga smoker :clap:
 
Ang sarap humithit ng sigarilyo at managinip, mag-isip at maglakbay sa aking diwa.
Ang ganda sir! Patok sa mga smoker :clap:

salamat :)

maraming nakakarelate din dito lalo na tuwing nagsisindi ng sigarilyo :)

naglalakbay ang ating utak tuwing nagsisigarilyo...

nagiisip ng mga bagay....

nagbabaliktaw sa nakaraan...

minsan bigla ka na lang mapapangiti sa mga alaalang naibalik sa iyong isipan ng dahil sa sigarilyo...
 
Back
Top Bottom