Ang Kape at Pag-Ibig
May matapang, may mapait,
Yung hindi ka pipikit.
Meron may suntok, may sipa,
Yung handa kang ipaglaban sa tuwina.
May mainit at umuusok,
Na para kang dumadaan sa pagsubok.
Meron din namang nagyeyelo sa lamig,
Mapa-iihi ka sa kilig.
May simpleng hindi ka patutulugin,
Meron namang dahandahan kang patatabain,
Merong nakita mo,
At merong natikman, merong hindi pa,
Meron namang nakakaadik,
kasasabikan mong pilit.
Walang iisang timpla ang pag-ibig,
Ang mahalaga'y alam mo ang iyong hilig.
At alam mong lasapin ang sarap nitong hatid,
Isang ligayang walang patid.
Handa kang mapaso upang matutung umihip,
Handa kang mamaos kung kaligayahan ang kapalit,
Matutong hindi sa presyo nakabase ang lahat,
Hindi dahil mahal, worth it.
Tandaang hindi sa iisang tasa umiikot ang mundo,
Kung hindi sakto ang timpla
Huwag mo nag subukang ipilit at humirit.
Baka panahon ng tikman mo naman ang aking timpla.
Tara na't magkape tayo?��
for reading
Last edited: