Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Novel Ang paglalakbay ni Apo Laki

"Simula sa lupain ng Ma-i"

Sa pag sibol ng bagong binhi, ay isang madugong digmaan ang nagaganap; buhay, dugo, paghiyaw, at pagsabog ang nagaganap sa kasalukuyan, sugatan si Bathala, isang haring mandirigma na nagtataglay
ng lakas na maihahalintulad sa kumukulong putik ng bulkan, taglay ang kapayarihan ng araw, maging ang pagiging isa sa kalikasan, maituturing siya ay immortal dahil sa kakayanan niya maghilom ng lahat ng sugat at mapigilan ang kanya pagtanda, sinasabi na siya ang araw, karagatan, daigdig at maging ang hangin, siya ang pinuno ng Devata.

Ngunit sa puntong ito, mabagsik at masiyadong makapangyarihan ang kalaban, siya ay sugatan dahil sa paghinto ng paghilom;pilit lumalaban para sa mga tao, upang gapi-in ang Bakunawa,
ang kumain sa anim na pitong buwan ng daigdig, nais niyang pagharian ang kadiliman, sa pagkain ng huling buwan pinaniniwalaan magkakaroon siya ng kapangyarihan kainin maging ang araw, maglalaho ang lahat kakainin ng dilim ang liwanag, lahat ng tao sa daigdig ay mabubuhay sa panaginip, panaginip na ang kaluluwa nila ay maluluto, maglalaho ang lahat, at magiging bangungot.

Ngunit,
Sugatan din si Bakunawa, sa digmaan sa pagitan nilang dalawa ni Bathala,
Lumiban sa laban ang halimaw at nag bigay ng isang babala.

"Liliban ako, ngunit ako ay bahagi ng sankatauhan, sa aking pagbabalik ay ang paghuhukom"


Matatandaan, sa kanlurang bahagi ng Karagatan ng Lupain ng Ma-i, ay paglusong ng malahiganteng halimaw na animo'y ahas dagat na si Bakunawa.


Lumindol ng malakas dahil sa kapangyarihan ni Bathala, sinubukan niyang pigilan ang halimaw sa huling pagkakataon ngunit ang lupain ng Ma-i, ay nahati sa tatlong bahagi, sa lakas ng pinsala, ito ay tinawag na:

Lusong
Sebu
Mindanao

Natapos ang Digmaan, ang mga tikbalang, Kapre, aswang at mga maligno ay nigsabalik sa kadiliman ng mawala ang kanilang pinuno,

Nagdiwang ang mga tao, sa pagaakalang silay nailigtas ni Bathala, ngunit ito pa lang ang simula,



Sa pag dapo ng bukang liway-liway, isang sanggol ang isinilang, sa kadiliman ay paghahapis ni Maria Makiling, at panibagong simula dala ng sangol na ang ngalan ay "Apolaki",.*itutuloy*
 
Last edited:
Back
Top Bottom