Hello sana may makapagexplain ng mga panaginip ko.. Salamat in advance.
Background: namatay po ang papa ko last september.
6 times ko na sya napanaginipan..
1. Nakahiga daw si papa at patay na sya... Ako naman ay nakahiga sa tabi hya, pero mas mataas ang hinihigaan nya so pero lilingon ako sa side nya, nasa kaliwa sya, tanaw ko naman sya.... May tinatanong daw ang kapatid ko, hindi ko maalala kung anong bagay yun or kung ano mismo, basta parang ang tanong nya is "pwede na ba ito galawin or may gumalaw na ba nito", hindi ko alam kung ano yun,,, pero alam namin na patay na si papa, pero bigla daw sya nagsalita, ng hindi naman sya dumidilat, nagsalita lang sya at sinabing "sabi ko sa inyo nagalaw ko na yan"... Ano kaya ang ibig sabihin nun.. Iniisip ko baka yung alkansya ni papa dahil a few nights before ask ko sya kung pwede galawin yung alkansya nya at ililipat ko kako yung pera... Althoug baka hindi rin, so please help explain.
2. Hindi ko sure kung sa panaginip ngyari ito or gising na ako, basta natutulog ako at pakiramdam ko nagising kasi ako kasi narinig kong tinawag nya ako... Pagdilat ko akala ko pa nga nakita ko sya pero ng idilat ko mabuti ang mata ko wala naman, so pumikit na lng ako ulet kasi medyo natakot ako. Ano kaya ibig sabihin non. (naalala ko pa na nanannginip ako ng masama, medyo nakakatakot pero hindi about sa papa ko), so inisip ko na lang baka ginising nga nya talaga ako dahil yun nga nanaginip ako ng nakakatakot. Possible kaya yun?
3. Lagi ko pinagdarasal na sana okay na sya at hindi naghihirap (may liver cancer sya, yun ang cause of death nya), so isang gabi napanaginipan ko na sinasabi daw nya saken na wag ko na sya masyado isipin at okay lang daw sya. Napapraning ako kung ano ibig sabihin ng panaginip na to.... Kung totoo ba yung sinabi ni papa, or kabaligtaran... Sabi kasi ng iba ang ngyayari daw sa panaginip eh kabaligtaran ng ngyayari sa totoong buhay... Isa pang iniisp ko baka napanaginipan ko lang yun kasi yun ang gusto ko mangyari, so baka lang sa sobrang pagiisip... Please pakiexplain po.
Dreams 4-6 happened in 3 consecutive nights.
4. Nanunuood daw ako ng tv at kinuha saken ni papa ang remote control. Umangal pa daw ako at sinabing "oh pa, nanunuod ako eh".. Tapos sagot daw nya, "oh manunuod din ako".. Tapos ayun na nagising na ata ako, may meaning ba yun?
5. Nakita ko si papa na nakaupo sa wheelchair nya at nakaharap sa tv, so ewan ko kung nanunuod sya kasi nasa likod ako.. Pero ang pansin ko ay nakatabingi ang ulo nya, yung parang kapag nakatulog ka at nakabend na ang ulo mo, so either parang tulog sya or patay
6. Eto ang pinakaweird at hindi ko talaga maintindihan, pasintabi na din sa mga kumakain.. Hindi ko masyado maalala kung ang ang ngyari, basta yung small detail lang na naalala ko is parang sinasabi daw saken ni papa na nakakain/nakatikim sya ng pupu.... Parang ganon... Although hindi ko sya nakita pa panaginip ko, parang narinig ko lang sya or ewan hindi ko masyado maalala.... Pero ano kaya meaning nun..
Sana po may magexplain... Lagi ko naiisip papa ko kasi namimiss ko sya... Ako din kasi nagalaga sa kanya habang may sakit kaya madalas ko maisip na sana buhay pa sya...
Salamat po...