Eto panaginip ko nung bata ako na hindi ko makalimutan,,, bukod tangi itong panaginip ko kaya hindi ko makalimutan,
Mahangin,,, gray clouds,,, mukhang uulan,,,at tila may bagyo,,, pero hindi naman uumuulan,,, tapos mahamog ng konti
Madamo luntiang mga damo at patag,,, mga damo na hindi naman katangkaran umuugoy sa hangin,,, wala nang iba kundi damo lang.
Nakaupo ako sa malaking batong itim, may kalakihan yong bato at yun lang ang bato sa panaginip ko,,,at ibang klaseng pagkaitim ng batong iyon at tila napakatibay
May mamang naka puti sa harapan ko at nakatalikod siyang nakikipag-usap sa akin,,, sakto lang ang kahabaan ng buhok ng mama at galak na galak akong nakikipag-usap sa kanya, masarap siyang makipag-usap, malumanay at mahinahon,
HIndi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siyang nakikipag-usap sa akin,,, at yong mga kamay niya ay nasa likod,,, hindi naman siya kalayuan sa akin,,,
noong bata ako hindi ko nauunawan tong panaginip ko na parati kong nasa isip, pero ngayon alam ko na,, Ang gusto lang maalala ay yong pinag-uusapan namin,,, kasi hindi ko na talaga maalala at sigurado ako mahalaga ang pinag-uusapan naming dalawa,,,
Pangalawang panaginip na parati kong napapanaginipan,,, hanggang ngayon,,,
Sa lahat ng tema ng panaginip ko parating may ilog,,, na ako mismo ay nagtataka,,, hindi naman threatening yong ilog sa akin, sa panaginip ko, galak ang nararamdaman ko kapag nakakakita ako ng ilog sa panaginip ko,,, minsan kulay brown, crystal as in malinaw,,, masayang nagtatampisaw sa ilog,,, minsan marami kami,,, minsan naman nag-iisa ako sa ilog na iyon,,, kahit naglalakbay ilog pa rin ang nakikita,,, kahit nasa syudad na ako sa panaginip ko may ilog pa rin na hindi ko matiis na tignan at maligo,,,