Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Ang Sumpa

.​


Buong akala talaga ng lahat ay isang henyo ang ipinanganak na sanggol na lalaki ni Delia. Saktong isang buwan pa lang kasi ang nakalipas mula nang iluwal ito sa sinapupunan ng kanyang ina ay nakapagsalita na agad ito.

'Mama' ang unang sinambit na kataga ng sanggol. Ngunit imbis na ikatuwa ito ng kanyang pamilya ay lungkot at pagdadalamhati ang namayani sa buong kabahayan. Noong mismong araw din kasing iyon ay namatay si Delia sa atake sa puso.

Hindi matanggap ni Sidro, asawa ni Delia, ang masaklap na pangyayari. Mahal na mahal niya si Delia at walang mapagsidlan ang pighati na bumalot sa kaniyang puso nang pumanaw ang kabiyak. Gabi-gabi na itong naglalasing at ipinaubaya na lang sa kanyang sesenta anyos na ama, si Mang Tiburcio, ang pag-aalaga sa kaniyang sanggol.

"Putang ina! Mabuhay ka para sa anak mo!" bulyaw ni Mang Tiburcio kay Sidro, isang gabing nadatnan niya itong nakahugalpak sa sahig ng kanilang kubo at naliligo sa sariling suka dahil sa kalasingan. Napuno na marahil ang matanda dahil yun na lang palagi ang halos araw-araw niyang nakikita kay Sidro.

Tila tumalab naman ang pabulyaw na sermon ng ama. Tumigil sa pag-inom si Sidro. Nagkaroon din ito ng bagong sigasig sa buhay. Itinuon na lang nito ang pansin sa pag-aalaga sa kanyang anak at pagtulong sa kanyang ama sa pagsasaka ng kanilang maliit na bukirin.

Dalawang buwan ang lumipas. Natuto ulit ng bagong salita ang sanggol.

'Lolo' ang pangalawang salitang sinambit nito. Sa araw ding iyon ay natagpuang nakahandusay sa gitna ng kanilang bukirin si Mang Tiburcio. Wala na itong buhay. Atake sa puso ang tila dahilan ng kaniyang biglaang kamatayan.

Parang mapa praning si Sidro sa dobleng dagok na ibinato sa kanya ng kapalaran. Sa loob lamang ng dalawang buwan ay naging balo at ulila ang kawawang nilalang.

"May sumpa ang anak mo, Sidro!"
ang pagdedeklara ni Bising, ang mapag-obserba at tsismosa niyang kapitbahay. "Nang unang magsalita ang sanggol, natodas si Mareng Delia. Ngayon naman at natutong salitain ang 'lolo' eh natigok naman si Ka Isyo! Sus Ginoo ko! May sa demonyo ang anak mo, Sidro!"

Mabilis pa sa alas kuwatrong kumalat sa buong baryo ang ganoong haka-haka. Halos lahat ng kabaryo niya ay kumbinsidong may sumpa nga ang sanggol. Ngunit hindi nagpabali si Sidro sa mga haka-hakang iyon. Sa halip na mawalan ng pag-asa, lalo pang lumakas ang determinasyon niyang magsumikap upang mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang anak, ang tanging natitirang ala-ala ng yumao niyang pinakamamahal na asawa.

Papatapos na ang ikatlong buwan mula nang ipanganak ang sanggol. Nabalot ulit ng bulong-bulungan ang buong baryo nang magsimulang umusal ng tila bagong salita ang sanggol.

'Pa. . .' ang narinig ng mga kabaryo sa sanggol. Tila naninibago pa ang dila nito sa bagong salitang natutunan.

'Pa. . .' ang paulit-ulit na sambit ng sanggol habang papalapit na ang katapusan ng ikatlong buwan. Padalas ng padalas na rin ang sambit nito. Tila ba sinasanay ang sarili.

Isang araw bago matapos ang ikatlong buwan ay hindi na makatulog si Sidro. At lingid sa kaalaman ng mga kapitbahay ay gabi-gabi na itong naiihi sa higaan kapag naiisip ang mga haka-haka ng kaniyang mga kabaryo. 'Diyos ko, ako na ata ang susunod!' ang mangatog-ngatog na sambit ni Sidro gabi-gabi.

Dumating ang pang dulong araw ng ikatlong buwan. Dinumog ng mga mapag-obserbang kapitbahay ang kubo ni Sidro. Tila nag-aabang sa isang eksenang bihira lang nila masasaksihan.

Natagpuan nilang inaapoy ng mataas na lagnat si Sidro. Putlang-putla at nanginginig sa takot ang kawawang nilalang. Halata ding hindi pa ito natutulog. Sa isang sulok naman ay masayang nakaupo at naglalaro sa loob ng kaniyang kuna ang sanggol.

Walang anu-ano'y nagsalita ang sanggol.

'Papa. . .'

Natigilan ang mga nakasaksi. Ibinaling ng lahat ang kanilang tingin sa kinahihigaan ni Sidro. Mas lalo itong namutla at tumindi pa ang panginginig ng buong katawan. Kung titingnan sa malayo ay animo'y nagkokumbulsyon ito.

Sampung minuto ang lumipas. Walang umiimik. Halos walang humihinga. Tahimik ang buong kabahayan. Miski ang mga dahon ng bayabas sa labas, na kani-kanina lang ay masayang pumapagaspas sa indayog ng hangin, ay nakapagtatakang biglang tumigil.

Maya-maya'y humahangos na dumating sa kubo ni Sidro ang kumpare niyang si Berting.

"Pareng Sidro! Ang kumpare ga nating si Dario! Ay pumanaw na eh! Inatake dun sa tumana!"


~Wakas~
 
maswerte si papa hindi siya ang tatay :rofl:

 
:rofl:
pasalamat nalang sya :lmao:
tapos na ang kanyang bangungot :lol:
 
:rofl: thaaaattt plot twist akala ko talaga mamatay na siya :lol:
 
If I were in Sidro's shoes, death would have been more preferable than knowing the painful truth about his son. :)

Sent from my GT-I9305 using Tapatalk
 
putrages na yan ahahahahaha!!
Bakit ngayon ko lang to nabasa,ahaha...
 
nabasa ko sir nakakabitin naman, kala ko tatay na susunod wawa naman bata walang mag aalaga kasi iniisipnila may sumpa nga..
 
Hahaha! Galing galing naman Sir. ;)

Tigil paghinga ko dun sa last few sentences eh. hehe.

:salute:
 
para siyang preview sa isang mas malawak na kwento.

walang kupas padre:salute:
 
Back
Top Bottom