Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Annie

Annie


Balita? Ano na? ano na nangyari?
Paumanhin hindi na madalas ang lagi
Ang dating Parati ay di gaya ng dati,
Nagbago ang lahat dahil sa isang mali.

xxx

Balita? Ano na? pano nga nangyari?
Maubos ang dahilan ng aking pag-ngiti
Ang dating halakhak at mga tili,
ay natuyo kasabay ng ating mga labi.

xxx

Balita? Ano na? Bakit nga nangyari?
Ano ang dahilan bakit siya ang 'yong pinili?
Ang dating ligaya ngayon ay puno ng hapdi,
Naglaho ang lahat at Ika'y nasawi.

xxx

Balita? Ano na? Tama bang tong nangyari?
Paumanhin dahil dyan ka mananatili.
Sa hukay na puno ng bulaklak palagi
Akin ka lang, di kalalayo, mahal kong Annie.

xxx

 
Last edited:
Gusto ko yung effect nung huling linya.. Parang biglang nag karoon ng bagong dimension yung tula.

Keep writing!
 
Gusto ko yung effect nung huling linya.. Parang biglang nag karoon ng bagong dimension yung tula.

Keep writing!

uyy aydol salamat, nainspired lang ako sa Annabel Ni edgar allan poe :)
 
Back
Top Bottom