Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ano/Ang orihinal / unang iglesya ba ang tunay na iglesya?

.Ano pong name ng Dictionary yung pinagsearchan mo po sir?
Saan po makikita sa Bibliya na may Binawtismuhan na sanggol?


sa old testament, ang paraan ng pagbibinyag o baptism noon ay ang pagtutuli

Genesis 21:4 ►
Parallel Verses
New International Version
When his son Isaac was eight days old, Abraham circumcised him, as God commanded him.

isaac = 8 days old

Acts 2:38-39New Revised Standard Version Catholic Edition (NRSVCE)

38 Peter said to them, “Repent, and be baptized every one of you in the name of Jesus Christ so that your sins may be forgiven; and you will receive the gift of the Holy Spirit.


39 For the promise is for you, for your children, and for all who are far away, everyone whom the Lord our God calls to him.”
 
Mga pre, no matter how much you all argue about these, magkakaiba po ang references natin. Starting with the Holy Bible, the reason kung bakit hindi mo po makita yung ibang section about the subject, that is because ni-remove na po ito ng inyong religion dahil redundant ito sa paniniwala (this is according to my experience though). Pero kung gusto mo talaga malaman yung ibang bagay, try reading the other Bibles from the other religions. It wouldn't hurt to see it for yourself the differences right?. Suggestion ko lang naman to pero seriously, we should not argue about our beliefs and just respect each others faith. :peace:
 
sa old testament, ang paraan ng pagbibinyag o baptism noon ay ang pagtutuli

Genesis 21:4 ►
Parallel Verses
New International Version
When his son Isaac was eight days old, Abraham circumcised him, as God commanded him.

isaac = 8 days old

Acts 2:38-39New Revised Standard Version Catholic Edition (NRSVCE)

38 Peter said to them, “Repent, and be baptized every one of you in the name of Jesus Christ so that your sins may be forgiven; and you will receive the gift of the Holy Spirit.


39 For the promise is for you, for your children, and for all who are far away, everyone whom the Lord our God calls to him.”

wala na po tayo ngayon sa ilalim ng batas ng old testament sir.
uulitin kolang po sir,
Bawtismo = lubog lahat
Binyag = binabasa lang ang ulo.

Magkaiba po iyan.

Kung ipagpipilitan niyo parin po sir.
Wala na akong magagawa diyan.


- - - Updated - - -

Mga pre, no matter how much you all argue about these, magkakaiba po ang references natin. Starting with the Holy Bible, the reason kung bakit hindi mo po makita yung ibang section about the subject, that is because ni-remove na po ito ng inyong religion dahil redundant ito sa paniniwala (this is according to my experience though). Pero kung gusto mo talaga malaman yung ibang bagay, try reading the other Bibles from the other religions. It wouldn't hurt to see it for yourself the differences right?. Suggestion ko lang naman to pero seriously, we should not argue about our beliefs and just respect each others faith. :peace:

Agree po ako sa iyo sir,

- - - Updated - - -

Lahat ba ng salitang bautismo eh lubog lang?

upo :)

At ito po ay ginagawa sa taong nakasampalataya na.
 
wala naman pinag aawayan noon kung ilubog mo ba o hindi

ang importante mabinyag ang isang tao
 
Tanging ang Bibliya lamang po ang pamantayan natin sir.
Hindi po tayo pwedeng gumawa ng sarili nating version.
 
Bakit ang sabi naman, ang iglesia ang haligi at pundasyon ng katotohanan. Hindi naman sinabing bibliya lamang ang pamantayan, ni ang salitang bibliya yata hindi man lang nabanggit sa sarili niya.


Sabi rin ng apostol sa pamamagitan rin ng mga salitang narinig o naisulat?
 
Bakit ang sabi naman, ang iglesia ang haligi at pundasyon ng katotohanan. Hindi naman sinabing bibliya lamang ang pamantayan, ni ang salitang bibliya yata hindi man lang nabanggit sa sarili niya.


Sabi rin ng apostol sa pamamagitan rin ng mga salitang narinig o naisulat?

Just to clarify lang sir.

Ekklesia is a Greek word defined as “a called-out assembly or congregation.”

Ekklesia is commonly translated as “church” in the New Testament.

Acts 11:26 says that “Barnabas and Saul met with the church [ekklesia]”

Intidihin niyo nalang po ang posted verse. Masyadong literal lang po kasi ang pagkakaintindi niyo sa church. And it was never mentioned in the Bible that the Roman Catholic Church is the pillar and foundation of truth.
 
Tanong: "Ano ang pinakauna/ orihinal na iglesya? Ang orihinal / unang iglesya ba ang tunay na iglesya?"

Sagot:
Ang kakayahang alamin ang pinagmulan ng isang iglesya mula sa "pinakaunang iglesya" sa pamamagitan ng mga katuruan na nagmula pa sa mga Apostol ni Hesus ay isang malimit na argumento sa pagitan ng ilang mga iglesya sa paggiit na ang kanilang iglesya ang "nag-iisa at tunay na iglesya". Ang Simbahang Romano Katoliko ay isa sa mga umaangkin ng ganitong pahayag. Ilan sa mga sektang Protestante ay nagbibigay din ng ganitong pahayag. Ilan sa mga "kristyanong" kulto ay inaangkin din na sila ang tunay na iglesya. Paano natin malalaman kung alin sa mga ito ang totoo? Ang Biblikal na kasagutan ay — hindi mahalaga!

Paano natin malalaman kung alin sa mga ito ang totoo? Ang Biblikal na kasagutan ay — hindi mahalaga!

NALOKO NA! Ano ngayon ang basis mo kung hindi Bible? Wikipedia? Website/Internet???
This is the main reason why Christians lose their integrity, because of people like you. Apostle Paul clearly talks about you.

Sorry everyone!
 
hindi naman dapat tagisan ng talino / debate tungkol sa Bibliya.

kundi I-share ang Good news ni Jesus,

Matthew 28:19-20

Therefore go and make disciples of all nations, baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit, and teaching them to obey everything I have commanded you. And surely I am with you always, to the very end of the age.”
 
Actually, just to share with you, biblically speaking and biblical facts, in a sense of ano ba ang kauna-unahang iglesia na sinasabi sa biblia, Basahin natin ang Heb 12:23:

"Sa pangkalahatang pulong at iglesia ng mga panganay na nangatatala sa langit, at sa Dios na Hukom ng lahat, at mga espiritu ng mga taong ganap na pinasakdal,"

Meron palang sinasabi ang biblia na "Iglesia ng mga panganay" bakit panganay? sino yung mga panganay na sinasabi ng biblia?? basahin natin sa Exodo 4:22

22 At iyong sasabihin kay Faraon, Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang Israel ay aking anak, aking panganay:


Ito pala ang kauna-unahang iglesia sinasabi sa biblia, ito ay ang bayang Israel na pinamumunuan ni Moises. Actually, may iba pang tawag ang biblia sa "Iglesia ng mga Panganay", basahin natin ang Gawa 7:37-38

37 Ito'y yaong Moises, na nagsabi sa mga anak ni Israel, Palilitawin ng Dios sa inyo ang isang propeta na gaya ko, mula sa inyong mga kapatid.
38 Ito'y yaong naroon sa iglesia sa ilang na kasama ang anghel na nagsalita sa kaniya sa bundok ng Sinai, at kasama ang ating mga magulang: na siyang nagsitanggap ng mga aral na buhay upang ibigay sa atin:


Isa pa sa tawag ng Biblia sa "Iglesia ng mga panganay" ay "Iglesia sa Ilang". Ito yung iglesia na pinamumunuan ni Moises kung san siya tumanggap ng salita mula sa anghel sa bundok ng Sinai. Ito yung tunay na Iglesia sa panahon ng Israel, panahon ng lumang tipan. Eh kaso, nabuwal ito, nangalat ang mga tupa, iniligaw ng mga masasamang propeta, basahin natin sa Jer 23:1-4

1 Sa aba ng mga pastor na nangagpapahamak at nangagpapangalat sa mga tupa sa aking pastulan! sabi ng Panginoon.
2 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, laban sa mga pastor na nangagpastol ng aking bayan, Inyong pinangalat ang aking kawan, at inyong iniligaw sila, at hindi ninyo sila dinalaw; narito, dadalawin ko sa inyo ang kasamaan ng inyong mga gawa, sabi ng Panginoon
3 At aking pipisanin ang nalabi sa aking kawan mula sa lahat na lupain na aking pinagtabuyan sa kanila, at aking dadalhin sila uli sa kanilang mga kulungan; at sila'y magiging palaanak at magsisidami.
4 At ako'y maglalagay ng mga pastor sa kanila na kakandili sa kanila; at hindi na sila matatakot, o manglulupaypay pa, o kukulangin ang sinoman sa kanila, sabi ng Panginoon

Dahil sa iniligaw ng mga masasamang pastor ang Israel (Iglesia ng mga Panganay, Iglesia sa Ilang), ibabangon muli ng Dios ang bayan niya, maglalagay ang Dios ng pastor para tipunin ang mga tupa at dalhin muli ang tupa sa kulungan na siya namang naganap sa pagdating ni Cristo dito sa lupa. Basahin natin sa Isa 45:13, Mat 15:24, Mat 16:18

Isa 45:13 Aking ibinangon siya sa katuwiran, at aking tutuwirin ang lahat niyang lakad; kaniyang itatayo ang aking bayan, at kaniyang palalayain ang aking mga natapon, hindi sa halaga o sa kagantihan man, sabi ng Panginoon ng mga hukbo

Mat 15:24 Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi, Hindi ako sinugo kundi sa mga tupang nangaligaw sa bahay ni Israel

Juan 10:16 At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor.

Mateo 16:18: At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya


Hindi kagaya ng Iglesia sa Ilang na may nangalat na tupa, nabagsak, napanaigan ng mga masasamang pastor, ang itatayong ng Dios na Iglesia ay hindi na pananaigan ng pintuan ng Hades. Hindi na kayang pasukan ng masasamang pastor o ng Demonyo.

At hindi lang Israelita ang magiging kasangkap ng Iglesiang itinayo ng Dios, kundi pati rin mga Gentil na siya nating mababasa sa Efeso 3:6 at Gawa 2:39

Efeso 3:6 Na ang mga Gentil ay mga tagapagmana, at mga kasangkap ng katawan, at mga may bahagi sa pangako na kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng evangelio

Gawa 2:39 Sapagka't sa inyo ang pangako, at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa malayo, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya

Sa Iglesiang itinayo ng Dios sa pamamagitan ni Cristo, Hindi lang israelita ang kasangkap, pati din ang mga Gentil ay kasangkap na din ng Katawan. To elaborate it further, ano ba yung Katawan na sasangkapan din ng mga Gentil? sa Colosas 1:18

18 At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia;...

To summarize it all, biblical principles and facts, ang kauna-unahang iglesia na sinasabi sa Biblia ay ang "Iglesia ng mga Panganay", ito din ay tinatawag na "Iglesia sa Ilang", which is ang bayang Israel na pinamunuan ni Moises na sa kanila ibinigay ang sampung utos ng Dios mula sa Ilang, sa bundok ng Sinai, kaso kalaunan ay nabuwal dahil iniligaw ng mga masasamang propeta. Sinugo ng Dios si Cristo sa lupa upang muling itayo, tinipon niya ang mga naligaw na tupa, at mas matibay ito dahil naitayo, hindi na ito babagsak dahil itinayo sa ibabaw ng bato na si Cristo at hindi na rin ito pananaigan ng pintuan ng Hades. Noon ang Israel lang ang kasangkap, sa Iglesiang itinayo ng Dios kasama narin kasangkap ang mga Gentil. Ito ang tunay na Iglesia, yung itinayo ng Dios kay Cristo Jesus, maliban doon sa itinayo, hindi na tunay na Iglesia. Awit 127:1 "Malibang itayo ng Panginoon ang bahay, walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo: ..."

Salamat sa Dios
 
Last edited:
NALOKO NA! Ano ngayon ang basis mo kung hindi Bible? Wikipedia? Website/Internet???
This is the main reason why Christians lose their integrity, because of people like you. Apostle Paul clearly talks about you.

Sorry everyone!

Hindi batayan na kung sino ang nauna ay iyon ang totoo. Hindi Kristiyanismo ang nauna kundi Judaismo, Hinduismo, Zoroastrianism, Buddhism, Confucianism, Taoism at Jainism. Ngunit hindi nangangahulugan na totoong sa Diyos ang mga ito (Maliban sa Judaismo). Ang Judaismo ang naging pundasyon ng Krisatiyanismo ngunit kulang ang Judaismo dahil hindi nila tinatanggap si Cristo bilang tagapagligtas. The same argument can be used sa relihiyong Kristiyanismo. Hindi porke nauna ay yon ang totoo. Kabilang sa mga naunang alagad si Judas pero hindi siya totoo. Isa siyang impostor at huwad na mananampalataya. Ang nauna sa lahat ng iglesya sa sekta ng Kristiyanismo ay ang iglesya sa Jerusalem (Basahin ang Gawa 2). Ang unang pangalan ng kaunahunahang sekta ng Kristiyanismo ay "Ang mga tagasunod ng Daan" (hindi tagasunod ng "Dating" Daan kundi ng "tagasunod ng daan"). Una itong ginamit sa Gawa 9:2. Pagkatapos tinawag silang "Kristiyano" sa Gawa 11:26 at tinawag din silang "Sekta ng Nazareno" sa Gawa 24:25. Ngunit ang pinakaunang tawag sa kanila ni Jesus ay "Mga Tupa" sa Juan 10:27-28 bago pa man sila tawagin sa ibang tawag.

Hindi paunahan sa history o sa pangalan ang basehan ng totoong Kristiyano. Ang basehan ng totoong Kristiyano ay kung totoo silang ligtas at kung ang kaligtasan nila ay hindi sa relihiyon, hindi sa gawa at lalong hindi sa pangalan ng kanilang iglesya o grupong kinabibilangan. Ang kanilang kaligtasan ay sa biyaya. Ito ang sabi sa Efeso 2:8-9, "Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y kaloob ng Diyos at hindi mula sa inyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang maipagmamalaki ang sinuman." Sila ang mga tupa na kinamatayan ni Jesus. Sinabi ni Jesus patungkol sa kanila, “Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa" (Juan 10:11). Kahit na miyembro pa ang isang tao ng pinakaunang relihiyon o kahit na ang pangalan pa ng kanilang relihiyon ay aktwal na nakasulat sa Bibliya ngunit hindi naman siya tupa ng Diyos na kinamatayan nio Jesus ay wala pa ring kaligtasan ang taong iyon dahil hindi naman ang batayan ng kaligtasan ay ang pagiging miyembro ng kauna-unahang iglesya o kung ang pangalan ng kanyang iglesya ay nakasulat pa sa Bibliya. Hindi grupo at lalong hindi pangalan lang ng grupo ang tinubos ni Jesus kundi ang kanyang mga TUPA kung kanino Niya inialay ang Kanyang buhay. At nakikilala ni Jesus ang Kanyang mga tupa at nakikilala naman Siya ng Kanyang mga tupa at sumusunod silang lahat sa Kanya hindi sa turo ng kung sinumang pontio pilatong nagpapanggap na pastol ngunit bulaang pastor at propeta pala.
 
Kayo ata ang di orihinal, sa makatwid fake, kaya kayo nag ha hanap ng original.
 
"iglesia" sa Greek "icclesia" sa English "church" na ang meaning "called out once", grupo ng mananampalataya kay Jesu-Cristo. Maliwanag na ang tinitukoy dito ay "mga taong naligtas na dahil kay Cristo" hindi Building, at lalong hindi organization.
 
hinduism (2300 BCE) po ata boss, dahil yung judaism around 600BCE na which is magulang ng kristyanismo (1CE) at islam (570CE)
 
Last edited:
Back
Top Bottom