Bata pa lang ako, medyo mahilig na ko mag-drawing-drawing kaya sabi sakin, pwede daw ako maging
architect kaya during those times, architect ang sinasagot ko pag tinatanong ako about dyan...
Pagdating naman ng bandang grade 2, I remember parang naastigan ako sa car racing at racers that time, kaya nung isang instance na tinanong ako ng nanay ng classmate ko, sabi ko naman gusto ko maging
taxi driver ayun nagtawanan sila maski si mama haha. Even at that time kasi na bata pa lang ako, alam ko nang malabong maging car racer ako eh dahil di naman kami mayaman tapos yung pagiging taxi driver, work siya na saktong nasa linya din ng pagda-drive ng kotse kaya yun tuloy yung nasabi ko hahaha
Pagdating ng highschool, nawala na yan eh. Mas naging realistic na lang din siguro ako mag-isip kaya imbis magkaroon ng ambisyon, nag-focus na lang ako sa kung anong mga gusto ko at the present time. Kaya ayun, napa-take ako ng IT nung magka-college na ko dahil sa hilig ko sa computers....which is hindi ko din naman pinursue dahil habang nagti-thesis kami and sa tulong na din nitong Symb, na-realize ko na mas gusto ko pa lang maging digital artist at graphic designer, in short mas trip ko mapabilang sa creative industry. Kaya yan ako ngayon hehe.
So galing sa architect, napunta sa taxi driver lol, tapos ngayon napunta na talaga sa pagiging digital artist & graphic designer.