Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ano ba ang Life After Death?

viiindiagram

Recruit
Basic Member
Messages
1
Reaction score
0
Points
16
Ang Life After Death ay ang pinaniniwalaang yugto sa buhay ng isang tao pagkatapos ng isang katangi-tanging pangyayari, partikular na pagkaraan ng kamatayan o pagkatapus na pagkatapos mamuhay sa mundo. Tinatawag din itong sa kabilang buhay, kabilang daigdig, buhay pagkaraang mamatay, o buhay pagkaraan ng kamatayan.

Ito ang pinaniniwalaan ng mga tao na nangyayari pagkaraan ng kamatayan ayon sa iba't ibang mga aral ng kani-kanilang mga relihiyon.

May ilang mga pananampalatayang naniniwala sa reinkarnasyon o ang pagbabalik sa buhay na nasa ibang katawan. Kinabibilangan ito ng Budismo at Hinduismo. May ibang mga relihiyong naniniwalang napupunta ang tao sa ibang pook pagkaraang mamatay, katulad ng langit, limbo, purgatoryo, at impiyerno.

Kabilang sa mga ito ang Kristiyanismo, Katolisismo, Hudaismo, at Hainismo. May iba pang mga relihiyon na naniniwalang nagbabago ang mga tao at nagiging mga espiritung tinatawag na mga multo, aswang, o guni-guni.
 
totoo ang mga multo may pinsan ako na nakakakita at mga naka ojt ko.

Kahit ano pa ang afterlife ok lang yan hindi mo kailangan isipin kung ano ang nandun
Gusto mo gawin ka namen test subject kase mukang interesado ka na malaman :rofl:

Joke lang pre :)
 
Last edited:
Ang Life After Death ay ang pinaniniwalaang yugto sa buhay ng isang tao pagkatapos ng isang katangi-tanging pangyayari, partikular na pagkaraan ng kamatayan o pagkatapus na pagkatapos mamuhay sa mundo. Tinatawag din itong sa kabilang buhay, kabilang daigdig, buhay pagkaraang mamatay, o buhay pagkaraan ng kamatayan.

Ito ang pinaniniwalaan ng mga tao na nangyayari pagkaraan ng kamatayan ayon sa iba't ibang mga aral ng kani-kanilang mga relihiyon.

May ilang mga pananampalatayang naniniwala sa reinkarnasyon o ang pagbabalik sa buhay na nasa ibang katawan. Kinabibilangan ito ng Budismo at Hinduismo. May ibang mga relihiyong naniniwalang napupunta ang tao sa ibang pook pagkaraang mamatay, katulad ng langit, limbo, purgatoryo, at impiyerno.

Kabilang sa mga ito ang Kristiyanismo, Katolisismo, Hudaismo, at Hainismo. May iba pang mga relihiyon na naniniwalang nagbabago ang mga tao at nagiging mga espiritung tinatawag na mga multo, aswang, o guni-guni.

Sinasabi sa Biblia, “Ang buhay ng tao ay maikli at puno ng hirap. Natutuyong parang damo, namumukadkad na parang mga bulaklak na hindi nagtatagal, nalalanta at nalalagas. Ang buhay ay katulad din ng aninong lumilipas. Kung mamatay ang tao, mabubuhay pa ba siya?” (Job 14:1, 2, 14)

Katulad ni Job, lahat tayo ay may ganitong katanungan. Ano nga ba talaga ang mangyayari sa atin pagkatapos nating mamatay? Mawawala ba tayo? Iisa lang ba ang patutunguhan ng tao o magkakaibang lugar? Mayroon ba talagang langit at impiyernoo ito'y kathang isip lamang?

Sinasabi sa Biblia na ang tao ay hindi lang mabubuhay ng pansamantala sa lupa kundi maaari pa silang magkaroon ng buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos sa langit. Ayon sa kasulatan, “Hindi pa nakikita ng mata, ni naririnig ng tainga, hindi pa rin sumasagi sa isip ng tao, ang inihahanda ng Diyos sa mga umiibig sa kanya (1 Corinto 2:9).”

Si Hesu Kristo, ang Diyos na nagkatawang-tao ay dumating sa mundo upang bigyan tayo ng buhay na walang hanggan. “Sinugatan siya dahil sa ating mga pagsuway, binugbog siya dahil sa ating kasamaan. Ang parusang kanyang tiniis ang nagpabuti sa ating kalagayan, at sa pamamagitan ng kanyang mga latay, gumaling tayo (Isaias 53:5).”

Tiniis ni Hesus ang parusang dapat sana ay sa atin at inihandog niya ang kanyang buhay para sa atin. Ngunit pagkatapos ng tatlong araw nabuhay Siyang mag-uli. Ito'y isang patunay na napagtagumpayan na niya ang kamatayan. Nanatili siya sa mundo sa loob ng 40 araw at nasaksihan ng libu-libo ang Kanyang pag-akyat pabalik sa langit. Sinasabi rin sa Roma 4:25, “Ipinapatay siya dahil sa ating mga kasalanan at muling binuhay upang tayo ay mapawalang sala.”

Ang muling pagkabuhay ni Kristo ay isang pangyayaring hindi mapapasubalian. Hinamon ni Apostol Pablo ang mga tao na imbestigahan nila ang mga nakasaksi sa mga pangyayari upang mapatunayan kung ano ang katotohanan, subalit walang sinumang makapagpabulaan sa mga nangyari. Ang muling pagkabuhay ni Hesus ang napakahalagang pundasyon ng pananampalatayang kristyano. Dahil sa muling nabuhay si Kristo mula sa mga patay, tayo rin ay naniniwala na mabubuhay tayong muli.

Sinabi ni Pablo sa mga taong hindi naniniwalang may muling pagkabuhay, “Ngayon, kung ipinangangaral namin sa inyo na si Kristo'y muling nabuhay, bakit sinasabi ng ilan sa inyo na walang muling pagkabuhay? Kung totoong walang muling pagkabuhay, nangangahulugan na maging si Kristo ay hindi rin muling nabuhay. At kung si Kristo'y hindi muling nabuhay, walang katuturan ang aming pangangaral, at wala ring silbi ang inyong pananampalataya” (1 Corinto 5:12-14).

Si Kristo ang una sa mga maraming susunod pa na bubuhaying muli. Ang kamatayan ay dumating sa tao dahil sa pagkakasala ni Adan na siyang ating pinagmulan. Ngunit ang lahat na naging kabilang na sa pamilya ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya kay Hesu Kristo ay bibigyan ng bagong buhay (1 Corinto l5:20-22). Kung paanong muling binuhay ng Diyos si Hesus, tayo ay muling bubuhayin din naman sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan (1 Corinto 6:14).

Kahit na muling mabubuhay ang tao, hindi lahat ay pupunta sa langit. Ang bawat isa sa atin ay dapat magdesisyon para sa buhay na walang hanggan. Sinasabi ng Biblia, “itinakda sa tao ang mamatay ng minsan lamang at pagkatapos, hahatulan siya (Hebreo 9:27). Ang mga itinuring na matuwid ay pupunta sa langit para mamuhay doon ng walang hanggan, ngunit ang mga masasama at hindi sumampalataya kay Hesus ay itatapon sa impiyernopara sa kaparusahang walang hanggan (Mateo 25:46). Ang impiyernoay hindi isang kathang isip lamang. Ito ay isang pisikal at tunay na lugar. Ito ang lugar kung saan daranas ang mga masama ng walang hanggang kaparusahan ng Diyos. Mararamdaman ng mga taong pupunta roon ang paghihirap ng damdamin, pag-iisip, at katawan, pati na ang kahihiyan at panghihinayang.

Inilalarawan ang impiyerno na isang hukay na ang lalim ay walang hangganan (Lukas 8:31; Pahayag 9:1), at gaya sa isang lawang apoy na may kumukulong asupre. Ang mga naroroon ay pinahihirapan araw-gabi magpakailan man (Pahayag 20:10). Nag-iiyakan sila doon at nagngangalit ang mga ngipin (Mateo 13:42). Ito'y lugar din kung saan ang uod at apoy ay hindi namamatay (Markos 9:48). Ang Diyos ay hindi natutuwa sa sinumang namamatay sa kanilang kasamaan, kundi nais Niyang talikuran nila ang kanilang kasamaan at magbalik loob sa kanya upang sila'y mabuhay (Ezekiel 33:11). Ngunit hindi niya tayo pipiliting sumunod sa kanya kung ayaw natin. Kung itatakwil natin siya sapagkat iyon ang gusto natin, ibibigay Niya tayo sa ating kagustuhan na mamuhay ng hiwalay sa kanya.

Ang buhay sa mundo ay isang pagsubok - isang paghahanda para sa hinaharap. Para sa mga mananampalataya, ito ay magwawakas sa isang buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos. Ngunit paano tayo magiging matuwid sa paningin ng Diyos upang magtamo ng buhay na walang hanggan? Ang tanging paraan lamang ay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu Kristo na Anak ng Diyos. Sinabi mismo ni Hesus, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang nananalig sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay. At sinumang nabubuhay at nananalig sa akin ay hindi mamamatay kailanman” (Juan 11:25-26).

Ang kaloob na ito na buhay na walang hanggan ay kaloob na walang bayad. Ngunit kinakailangang pagsisihan natin ang ating mga kasalanan, ihandog natin ang ating sarili sa Diyos at magbagong buhay (Roma 12:1, 2). Sinasabi rin sa Juan 3:36, “Ang sumasampalataya sa Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan. Ngunit ang hindi sumusunod sa kanya ay hindi magkakaroon ng buhay na walang hanggan kundi mananatili sa kanya ang galit ng Diyos.” Wala ng pagkakataon pa na makapagsisi sa ating mga kasalanan pagkatapos nating namatay. Gusto niyang lumapit tayo ngayon sa Kanya. Kung tatanggapin natin na ang kamatayan ni Hesu Kristo ang siyang naging kabayaran para sa ating mga pagsuway sa Diyos, tinitiyak ng Diyos sa atin na magkakaroon tayo ng makahulugang buhay dito sa lupa at buhay na walang hanggan sa piling ni Kristo sa langit pagkatapos ng kamatayan.

Kung nais mong tanggapin si Hesu Kristo bilang iyong Tagapagligtas, narito ang isang simpleng panalangin. Tandaan mo lamang na hindi ang panalanging ito ang makapagliligtas sa iyo. Ang Diyos lamang ang makagagawa nito sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Sabihin mo sa Kanya ng buong puso, “O Diyos, inaamin kung nagkasala ako laban sa iyo at nararapat lamang na ako'y Iyong parusahan. Ngunit inako ni Hesus ang aking kasalanan at tiniis ang parusa na ako ang dapat dumanas. Nagtitiwala ako na sa aking pagsampalataya sa kanya ay mapapatawad mo ako. Pinagsisihan ko at tinatalikuran ang aking mga kasalanan at nagtitiwala ako kay Hesus para sa aking kaligtasan. Salamat po sa iyong kahanga-hangang biyaya at kapatawaran. Salamat din sa buhay na walang hanggan. Amen!”
 
Ang life after death ay totoo na meron. Ang heaven after life ay hindi place. Ito ay state. State of mind. Feelings, emotions at mental.

Meron ka sabihan kapag na mumuhay tayo ng heavenly life katulad ng love at peace, mag re reflect ito sa heaven after life at kapag na mumuhay tayo ng hellish life katulad ng hate at wala peace, mag re reflect ito sa after life. Iyon ang itinatawag ng mga tao na impyerno.

Meron variations o iba-iba vision ng impyerno at ang pagka kaalam ko ay depende sa level ng hellish life na naranasan ng tao noon na bu buhay.

Ang tao na pa ka sama sa kapwa tao ay wala na pag asa makarating sa heaven after life. Sarado na kase ang puso, distorted ang mental pati ang inner spirit nito ay full of hate.

Kung baga na ka block ang heart nito sa true love mismo.

Kaya pansin natin, sa mga tao nagsaliksik ng mga tao na nakaranas ng after life experience na ipinagkuhanan nito galing sa iba-iba bansa, iba-iba kultura at iba-iba tradisyon, at iba-iba relihiyon ay iba-iba ang karanasan pagdating sa heaven after life.

Iba-iba heaven afterlife ang na witness ng mga tao nakaranas ng afterlife. Meron white light, meron boses, meron literal na anghel, meron bundok na nasa tuktok kuno sila, ang sabi ng iba ay nasa loob daw ng kastilyo, sabi ng iba ay lugar na meron city at meron nag sa sayawan at marami iba pa. Meron Jesus, meron din maganda babae (kutob ko si Mama Mary iyon - meron babae chinese kase na hindi Christian na namatay at muli na buhay. Nakasalubong daw niya ang maganda babae. Ngumiti at sabi sa kanya, huwag na siya magkasala uli. Marami ganoon witness sa non Christian na sinasalubong sila ng maganda babae. Ang tangi binabanggit lang ay " maganda babae " pero wala pangalan)....... meron pa lalake balbas na ka upo sa gitna ng maliit na bahay pagkatapos meron book.... dami nga.

...nang sinurvey ng mga tao nagsasaliksik patungkol sa experience ng tao namatay na nabuhay ay ayon sa resulta, mas marami nakakakita ng white light pagkatapos na ramdaman nila na true love na hindi kailangan ng syota, asawa, kaibigan at marami iba pa unlike sa earth ay naghahanap pa tayo ng ganoon tao para maka survive. Meron Jesus din. Basta... marami.

Ang iba religious ay siyempre, hindi na naniniwala sa ganoon dahil naniniwala ang iba na outside religion ay no salvation, kaya yeah, ang mga ganoon karanasan ay hindi paniniwalaan. Paniniwalaan lang iba religious na kung ano ang concept of heaven sa mismo bible. Outside nun, wala na.

Ako, naniniwala na meron life after death talaga. Lahat ay equal ang iba-iba relihiyon pagdating sa after life experience.
 
Last edited:
Sana meron or sana puwede pa tayo pabalik2x sa mundo ng walang katapusan....ang sarap magjng tao.....dba?
 
Well according to Dr. Sam Parnia who is known for his work on near-death experiences and cardiopulmonary resuscitation. He said that human Consciousness survive after death even if there were no brain activity ng mangyari ang eksaktong pagkamatay ng mga pasyente na na revive.

- - - Updated - - -

Ang life after death ay totoo na meron. Ang heaven after life ay hindi place. Ito ay state. State of mind. Feelings, emotions at mental.

Meron ka sabihan kapag na mumuhay tayo ng heavenly life katulad ng love at peace, mag re reflect ito sa heaven after life at kapag na mumuhay tayo ng hellish life katulad ng hate at wala peace, mag re reflect ito sa after life. Iyon ang itinatawag ng mga tao na impyerno.

Meron variations o iba-iba vision ng impyerno at ang pagka kaalam ko ay depende sa level ng hellish life na naranasan ng tao noon na bu buhay.

Ang tao na pa ka sama sa kapwa tao ay wala na pag asa makarating sa heaven after life. Sarado na kase ang puso, distorted ang mental pati ang inner spirit nito ay full of hate.

Kung baga na ka block ang heart nito sa true love mismo.

Kaya pansin natin, sa mga tao nagsaliksik ng mga tao na nakaranas ng after life experience na ipinagkuhanan nito galing sa iba-iba bansa, iba-iba kultura at iba-iba tradisyon, at iba-iba relihiyon ay iba-iba ang karanasan pagdating sa heaven after life.

Iba-iba heaven afterlife ang na witness ng mga tao nakaranas ng afterlife. Meron white light, meron boses, meron literal na anghel, meron bundok na nasa tuktok kuno sila, ang sabi ng iba ay nasa loob daw ng kastilyo, sabi ng iba ay lugar na meron city at meron nag sa sayawan at marami iba pa. Meron Jesus, meron din maganda babae (kutob ko si Mama Mary iyon - meron babae chinese kase na hindi Christian na namatay at muli na buhay. Nakasalubong daw niya ang maganda babae. Ngumiti at sabi sa kanya, huwag na siya magkasala uli. Marami ganoon witness sa non Christian na sinasalubong sila ng maganda babae. Ang tangi binabanggit lang ay " maganda babae " pero wala pangalan)....... meron pa lalake balbas na ka upo sa gitna ng maliit na bahay pagkatapos meron book.... dami nga.

...nang sinurvey ng mga tao nagsasaliksik patungkol sa experience ng tao namatay na nabuhay ay ayon sa resulta, mas marami nakakakita ng white light pagkatapos na ramdaman nila na true love na hindi kailangan ng syota, asawa, kaibigan at marami iba pa unlike sa earth ay naghahanap pa tayo ng ganoon tao para maka survive. Meron Jesus din. Basta... marami.

Ang iba religious ay siyempre, hindi na naniniwala sa ganoon dahil naniniwala ang iba na outside religion ay no salvation, kaya yeah, ang mga ganoon karanasan ay hindi paniniwalaan. Paniniwalaan lang iba religious na kung ano ang concept of heaven sa mismo bible. Outside nun, wala na.

Ako, naniniwala na meron life after death talaga. Lahat ay equal ang iba-iba relihiyon pagdating sa after life experience.

Meron isang case ng near death experience ng isang hired killer pero hinde hellish ang na eksperyensa nya.. pero tama ka na kung anu ang deepest belief mo while you are alive will also be your experience when you die.
 
Last edited:
Opo.

State of mind ng tao. Heaven state or hell state. Hindi naman talaga place ang heaven at hell.

Iyon ang reason bakit meron tatlo na kinakailangan pahalagahan.

Physical, mental at spiritual. Ka gaano ka healthy ang tatlo.

Pagkatapos meron tinatawag na spirit. Low o high spirit. Feelings at emotions. Love at hate. Mental na meron peace of mind, confused o ano at kagaano pinapahalagahan ng tao ang physical katulad ng binababuy ba o healthy ba ito o ano.

Ang mga abrahamic written style ay tinutukoy ng tao na spirit at soul. Katulad ng Christian, Judaism at Islam. Meron denomination ang tatlo although lahat ng relihiyon ay purpose na para magkaroon ng spiritual improvement.

Naaalala ko na meron isa nagsasabi na we need to meditate pero wala nakakaalam kung papaano mag meditate sa isa simbahan ng Christian denomination. Matatagpuan lang ang step by step process ay sa Buddhism.

Meditation na andoon ko na realize na apply rin pala sa buo relihiyon.

Diba? Kapag magdarasal ang tao ay ememeditate ang prayer na tagos sa puso mismo? Kahit saan religion ay inaapply iyon pero wala nagtuturo kung papaano. Ang itinuro lang ay salvation, spirit at soul.

Sa Buddhism din ay itinuturo papaano e train ang mind para magkaroon ng peace of mind unlike sa iba relihiyon ay tinuturo sa iba tao na kailangan magkaroon ng peace sa kapwa tao pero hindi alam ng tao na kung papaano ba magkaroon ng peace para sa sarili at sa kapwa tao although meron mediator katulad ni Jesus, Allah at iba pa.

Sa Buddhism ay meron related sa field of science katulad ng conscious mind and subsconcious mind at ego. Inexperiment nga ng tao ang mga buddhist monk ang utak at nakita ng tao kung papaano nagkaroon ng compassionate at normal ang brain ng mga ito.

Hindi ko sinasabi na magpa convert ang mga tao sa Buddhism o ano. Sinasabi ko na lahat kase ay nasa state of mind. Ke Christian, Judaism, INC, ADD ba o ano.

---

Dagdag ko lang na naunawaan ko na bakit meron semi-buddhist na tao.

Halimbawa.

Buddhist Christian, Buddhist Islam.... mga ganoon. Ginagamit ng iba tao ang iba pang buddhismo paraan para iapply sa Christian faith, Islam faith o ano.

Andoon rin ang meditation how to remove stress, how to forgive, how to love, how to healed a broken heart, how to focus goals... ang dami-dami...

...kaya naunawaan ko din bakit sina Steve Job ay convert sa Buddhism pati ang iba pa famous at mayayaman na tao although hindi lahat ng mayayaman. Tinitrain ang brain mismo.

Sabi.

Lahat raw nasa mind.

...pero siyempre if people believe in Jesus, Allah o kung sino diety na ay no need to become Buddhist dahil nasa heart at nasa mind na nila ang winoworship nila diety. Ang iba lang ang itinutukoy ko tao na sarado ang heart at mind na hindi magawa ipasok si Jesus o any diety kung baga.

Andoon kase ang etetrain ang mind dahil lahat raw nasa mind.
 
Last edited:
Back
Top Bottom