Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Ano Talaga ang nanyari nung panahon ni marcos?

lahat ng kabataan ngayon na hindi nabubuhay noon panahon ni marcos ay kulang ang kaalaman sa panahon niya (including me). Pero karamihan sa mga iyon ay gusto ang pamamalakad ni marcos. Dahil sa mga nababasa sa aklat at naririnig sa ibang tao. Masarap paniwalaan na minsan na naging Golden Age ang bansa natin, pero totoo ba? Kung totoo man, ano na ang tinatamasa natin ngayon? Walang pagbabago, karamihan satin naghihirap. KUng naging golden age ang pinas, bakit hindi napagpatuloy ang magandang plataporma nito hanggang sa ngayon. Bakit tayo nagbabayad ng utang natin kahit hindi naman tayo umutang. Matindi ang korupsyon yun panahon niya kaysa ngayon. Kaya hanggang ngayon, pilit tayong umaahon.

Bakit puro positive ang nababasa at naririnig natin? Dahil ito sa new block na pinatupad niya sa panahon niya. Papatayin o huhulihin ang sinuman na magsalita o magsabi ng negative sa pamahalaan niya. Kahit historian na sumusulat ng history books na binabasa natin ngayon ay hindi ligtas.

Kung maganda ang naidulot ng pamamalakad ni Marcos at pag deklara niya ng martial law, bakit walang taong matatalino at nakaupo sa pwesto (na nabuhay sa panahon ni marcos) ang pabor kay marcos?

Maganda magtanong sa mga taong nabubuhay sa panahon niya para sa dagdag kaalaman natin


https://www.facebook.com/historywithlourd/videos/990790937650045/?fref=nf

kasi ayaw ipagpatuloy ni cory ang mga nagawa ni marcos, hindi niya inalagaan ang mga proyektong nagawa ni marcos, kasi wala siya nagawa?, kasi galit siya kay marcos.
isipin mo, yung bataan nuclear power plant, almost three billion dollar ang nagastos dun, pero hindi ginamit.
 
From my source: Marcos time, all pictures in magazines are all smiles dahil mga nakasulat pro govt. Walang pagala-gala sa kalye tulad ng rugby kids. Walang surot na mga pelikula lahat screened ni Melds. Parang mga artista mga tao. Parang isa lang lahat ng Govt agency walang pakanya-kanya pero nakatunganga sa U.S., ang simbolo ng Democracy. Sikat siya sa tv. Military style govt. his leadership is felt.
 
Kung papipiliin ako Marcos or Aquino. Dun na ko kay Marcos ibang klase sa panahon ngayon yung mga criminal ngayon ang lalakas ng
loob parang walang takot kung papatulan mo naman ikaw pa masama dahil sa human rights na yan. Buhay nga naman.
 
dapat ang sumagot dito yong nasa 40s na, tipong may isip na noong martial law..

dito na magkakalaman kong sino ang gurang sa syb
5VX3LOHN.png
 
kwento nang mamatatanda samen nung tinanong ko kung ano ang martial law sa kanila sabi nila

*&($ #$##!! mahirap mabuhay sa takot kahit ala kang ginagawang masama lalot na napaghinalaan ka dadamputin ka nalang at itotorture ok daw sana kung ibabalik ka pa nang buhay kaso hindi na nila nakita ung mga taong dinakip nung panahon nang martial law me balitang sinemento sa drum at tinapon sa dagat
dami pang kinwento na naranasan sila ..

puro kwento nang paghihirap at takot ang nashare nila saken then tinanong ko kung ok naman ang democracy sabi nila ok naman ang sistema kaso kulang ang implementasyon tsaka nakikialam daw ang simbahan kaya madaming sablay..
 
Maraming nagsabi na hindi totoong masama si marcos tulad ng mga tinuturo ng mga teacher sa school. Kahit ako yun na ang tumatak sakin na ang mga aquino ang mabuti at marcor ang masama. Pero base sa mga nabasa ko sa reasearch at mga napanood na documentary isang magaling na lider si marcos at talagang mahal nya ang pilipinas. Oo nga at umabot sya ng 20yrs sa panunungkulan kaya madami syang nagawa. Yung mga sumunod sa kanya ano ginawa pra sa bansa? Kahit siguro pagsama-samahin pa yung mga nagawa nung mga sumunod sa kanya e hindi nito matutumbasan yung lahat ng pinagawa at nagawa ni mar os. Nakakahanga sya dahil lahat sumusunod sa batas noon dahil may takot sila. E ngaun? Asan ang batas? Yung iba pag may nagawang kasalanan nagsosorry lang. At ngaun nagkalat ang mga adik rapist at masasamang loob na hindi man lang natatakot sa pwedeng mangyari sa kanila dahil lahat ngaun nababayaran na at nababaliktad dahil sa pera di tulad noon desiplinado ang mga tao pag bawal bawal. Pag nagkasala sa batas parusahan. Kaya bilib din ako kay duterte eh isa sa safest place ang davao dahil desiplinado ang leader desiplinado ang mga tao parang nung panahon ni marcos.
 
makikisali na din ako sa discussion... hindi ko inabot ang panahon ni marcos pero sabi ng tiyo ko mapakaunlad ng panahon ni marcos ang piso katumbas ng 1 dollar. ang unuuna talaga ni marcos ay ang mas makakabuti sa maliliit na mamamayan. pagdating naman sa estado ng teknologiya tayo ang nangunguna alam ba niinyong tayo ang may kauna unahang LRT sa buong Asia... at hindi lang iyon napakadaming ipinatayong mga gusali hindi lang 100 kundi daan daan na mga gusali na talaga namang may kabuluhan gaya ng mga gusaling ito ang Manila International Airport na inangkin na at ipinangalan kay Ninoy Aquino International Airport at kung ano ano pa. ang mga kumpanya ng kuryente di makapagtaas ng singil kasi kontrolado ng gobyerno kasi alam ni marcos ang maapektuhan ay ang mga maliliit na mamamayan. ito na lang ianalisa ninyo si marcos sa loob ng 20 years na panunungkulan nakapagpatayo ng mga gusali na para sa maliliit ma mamamayan at talaga namang maunlad ang pilipinas kumpara sa 30 years simula kay cory hanggang kay pinoy na wala kang makita na mga gusali na makapagbibigay ng magandang serbisyo at kapakipakinabang sa mga maliliit na tao. kung may project man sila puro pang mayaman eh samantalang ng panahon ni marcos puro para sa mahihirap na tao.

- - - Updated - - -

ang isa sa hinangaan ko kay marcos iyong pinatupad nya talaga ang batas. di ko lang matandaan kung ano apelyido nitong anak ng isang kilalang tao at talagang mayaman kung ikukumpara natin sa mga kilalang tao pwede natin ihalintulad kina ayala at lucio tan. nahatulan ng bitay binitay talaga. dapat ganun ang lider walang sinisino maging maliit ka man o malaking tao pag nagkasala sa batas dapat ipatupad. kaya iyang mga tutol sa death penalty mga tanga iyan, kaya madaming taong adik ngayon kasi ang mga drug lord binibeybe nga mga politiko imbes na bitayin.
 
Panoorin nyo lahat ng video ni Karen Hudes world bank whistleblower.
Tumindig Balahibo ko sa mga revelation nya. Lalo na kai Marcos.
Ito mga Videos nyo tungkol kai Jose rizal at Marcos.

Karen Hudes; Jesuits Running America ,Currency Wars and Gold in the Philippines.
https://www.youtube.com/watch?v=fexQw-0TbiA

THE MARCOS GOLD
https://www.youtube.com/watch?v=7FyvgbTGoFE

PHILIPPINES GOLD OUT OF HIDING 2014

https://www.youtube.com/watch?v=FKejRA60050

https://www.youtube.com/watch?v=-YvNbfEI5z0



Search nyo nlang ang ibang videos sa youtube.

Keyword "Karen Hudes"

Take note tingnan nyo ang mga dates kung kailan ito na publish. tiyak ma bibigla kayo.

at take note sa sinabi ni George W. Bush sa interview na kung sino ang pinakamayaman na bansa sa buong mundo until now?

Ang sagot nya: "The Philippines" sabay smile.
 
Last edited:
Back
Top Bottom