meron po, malaki capital dito,kasi kasama sa sisiguraduhin mo yung water supply mo, dapat malakas talaga ang tubig, so dapat meron ka 2 water source, minsan kasi nawawalan ng tubig ang deepwell,so dapat reliable ang motor at deep well mo mismo,kaya kelangan may back up ka, mahal din kasi ang bill pag nawasa.... 2/3 ng water ng R.O. process, napupunta lang sa waste...1/3 lang ang pwede ibenta.. so kung double membrane ang kunin mo mas maganda, mas mahal na package nga lang pero double din naman ang water output na pwede ibenta... then yung building mo pa kelangan mo ipaayos.. tsaka yung dalawang tricycle... kung compute mo lahat bibilhin,, kulang ang half million... kasi hindi lang naman yung may mabili ka na machine, tatakbo na yung negosyo mo...
sa tricycle palang kasi, dapat, matatag yung ipapagawa mo, mabigat kasi ang tubig, lagi napuputol mga tubo ng sidecar ko dati, subok na talaga ang honda tmx 155 kung patibayan talaga, nasa 70k nga lang isa, then 20 to 25k sidecar, halos 200k na agad dalawang tricycle palang.. pwede ka nga mag tyaga sa isang side car lang pero matagal ka nga makaka deliver sa mga customers mo, mauunahan ka lang ng mga ka kumpitensya mo,
- - - Updated - - -