Good Day mga kaSB. ask ko lang po sana sino sa inyo ang may asthma ano ang mga nakakapagtrigger nito sa inyo? masama ba sa may asthma ang aircon? kasi ako simula ng ipaaircon ko yung kwarto ko nagsimula ung hirap ko sa paghinga at panay ang ubo ko tuwing gabi. di ko alam kung dahil ba ito sa aircon or dahil sa paglilinis ko ng kwarto bago ko ikabit ung aircon kasi nung naglinis ako daming alikabok. bale kakabili ko lang ng aircon last thursday. at mga sir ung nga palang aircon ramdam ko ng buga ng hangin sa kama ko so talagang ramdam na ramdam ko ang lamig isa kaya ito sa nakagtrigger? di naman po talaga ako hikain. pag umatake ang hika sakin after 1 day or after ilang oras wala agad wala akong iniinom na gamot or inhaler maliban sa lagundi tablet. badtrip lang kasi lagi akong puyat sa gabi dahil di ako mapakali sa pagkakahiga dahil sa hirap ko sa paghinga. sa office naman kahit may aircon d naman ako inaatake asthma tska tuwing matutulog lang ako tsaka siya umaatake. tsk badtrip naman kung dahil sa aircon un edi sayang lang pagkakabili ko