Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Serial Story At sana mabasa ni Contessa

Yung panahon na ginawan mo ng cartoon version ang taong kakikilala mo lang sa isang Christmas Party. Yung mukhang di mo malimutan, mga labing kay sarap halikan at ang boses niyang nagpapanginig sa kalamnan. Sa bawat halakhak mula sa elevator dahil nga parehong mataba hindi kinaya kung isasama namin ang aming mga dala. Mga pagkakataong natitikman ang langit sa mala-impyernong init ng Dubai.

At eto na nga nagsimula na ang tagay, noong una'y halos walang maupuan ang iba hanggang sa ang mga bangko'y iniwanan na. May unang umalis na dalawa, sinundan ng isa, tumayo at di na nakabalik pa ang iba. Naging parang roller coaster ride ang mga pangyayari, usog ako dito, palapit ng palapit sa pwesto mo habang patuloy sa pagtagay ng alak na ipinapasa ko sa iba't ibang tao kung sino man ang may gusto. Hindi ko pa masyadong kilala lahat ng nakainuman ko maliban sa mga taong kasama ko sa kwarto.

Lumalim ang gabi at ang ingay at napalitan ng pighati, nagsimula ka nang umiyak dahil nga sa boyfriend mong palpak. Nagsimula ka nang magkuwento tungkol sa buhay mo at kung bakit ka andito. Nakakamangha, nakakabilib na may mga tao pa palang kagaya mo na uunahin ang kapakanan ng pamilya kesa sa sariling gusto. Nailista ko ang sampung puntos na yun sa puso ko. Hindi ako nakalingon sayo sapagka't nabibihag mo na itong puso. Pero ikaw tong unang humampas sa likod ko, "Aray!" sabi ng utak ko pero ang puso ko'y sigaw "Ituloy mo!", nagreklamo ang isang kupal sa harap natin na baka masakit na ang ginagawa mo pero agad sagot ko, "Ok lang" sabay ngiting matamis na kahit sampung kilong tsokolate ay walang kapares.

Masaya, nagkukuwento ka pa. Tumatawa habang ang sipon at luha ay nagpapaligsahan sa mga labi mong kay pula. At doon na nabuhay si Bimbi sa bakulaw na tanggero ng gabi. Naging isang palayaw sa akin ng mga dumalo noong gabi. Hindi ako lasing ng gabing yon, hindi nga ako halos makainom sa kakatitig sayo. hindi nga ako halos umihi wag lang maipagpaliban ang pagsilbi sa tagay mo. Magkasakit na ako sa pantog, mapaglingkuran ko lang ang tinuring kong prinsesa ng gabi na to.

Hanggang pag-uwi inaaalala ko ang itsura mo at eto na nga nagawa ko na ang cartoon version mong halos pareho simula sa suot mo hanggang sa pisngi mong gustong gusto ko. Sana pala ang "CJ" na nabunot ko naging "Contessa", Sayang! nagkamali lang sa isa, dalawa, tatlo, pitong letra! Edi sana hndi na lang damit ang binili ko kundi isang kilong bigas at singsing, aayaain kang maging asawa ko, hooo! hanggang ngayon ang galing ko pa rin gumawa ng panaginip ko, pero isa lang ang maipapangako ko kung naging tayo. Magiging masaya ang bawat minuto ng buhay mo kapag ako ang pinili mo, kaso alam nating pareho hindi pwedeng may mantsa ang puti tela.


Itutuloy pa ba?..
 
Back
Top Bottom