bossing, naa koy pangutana, bwisit na bwisit na talga ako sa rr150 ko ba..
since Monday pa tong problema na toh.
PROBLEM:
nung umulan ng malaks, basa ang motor, as in super basa ang motor, overnight ang ulan from 6pm to 5am..pagout ko pinaandar ko, and di talga umandar so solution, pinahila ko nlng sa sikad para makauwi. pagdating naman sa bahay, umandar naman ang motor and back to normal. so inisip ko nlng na ay okay baka nabasa lang ang sparkplug and natuyo nlng ulit kaya umandar.
next.
marumi na masyado ang motor, so i decided na ipawashing. after ng washing ayaw na talga umandar ng motor.
so ginawa namin, check spark plug, check carb, check CDI, check starter coil, check wiring, check ang gas baka napasukan ng tubig. lahat ng possibilities chineck naman, ang the result? "okay naman lahat".
so after ng check up, umandar nanaman ang motor. sympre tuwang-tuwa nanaman ako.. hanggang sa nakauwi ako, okay lahat.
since 4pm nako nakauwi ang panggabi ang trabaho ko, sympre natulog nako nun.
tumapak ang 8pm.
ano ginawa ko?
Ligo, kain, bihis, and next? yes tama, pinaandar ko ang motor, umandar naman.
idle sya 1.4k umaandar sya and i was like "okay na ang motor, tara let's go!"
then after some 10 - 15 minutes, nung mainit na ang makina, sympre may trabaho pa kami, alis na kami (normal na ginagawa namin every night).
di pa nakakalayo, pumupugak nanaman ang motor, na parang nabibila-ukan, and then suddenly, patay nanaman ang motor. so ano ginawa ko? tinulak ko nanaman ang motor pabalik sa bahay and naglakad hanggang sa highway and sumakay nlng ng tricycle.
1 night passed.
6:30 AM ~ kakaout ko lang and kakauwi na rin naman, pinaandar ko ang motor okay naman umandar. i decided since umandar naman dinala ko ulit sa Mechanic namin.
and then di pa ako nakakalayo sa bahay, aba pumupugak nanaman and namatay, buti nlng, inclined slope yung daanan ng bahay namin so konting tulak ko nlng para free willy nlng ako hanggang sa makaabot ng main road. so hanap naman ako tricycle, nagpahila hanggang sa mechanic.
iniwan ko ang motor ko sa mechanic, ng 10:00 AM and then binalikan ko mga 3:00 PM, aba okay nanaman ang motor andar naman sya, test drive pa nila, tinest drive ko rin, di namna namatay, so uwi nanaman ako and then natulog, pagising ko, sympre, normal naman namin na ginagawa. gising, kain, ligo, bihis, paandar motor hanggang sa uminit ang makina. and then BOOM! pumugak nanamn ang motor, hanggang sa namatay.
so i decided pag sapit ng kinabukasan, iwan ko nlng sa mechanic.
so TRICYCLE nanaman!!!!!
6:30am ~ pagout and kakauwi ulit namin. umandar nanaman ang motor, ginawa ko muna mga dapat ko gawin sa bahay and by 10:00 AM dinala ko na ang motor sa mechanic, so papano ko dinala? hahaha tama kayo, pinahila ko nanaman sa tricycle, since nung umandar ang motor di pa kalayuan sa bahay namatay nanaman.
so 10:30 AM nasa mechanic na ang motor, iniwan ko na dun hanggang sa kinabukasan.
so 9:30 AM kanina (thursday) pinuntahan ko nanaman ang motor, so okay nanaman sya umandar na, back to normal nanaman.
napaandar daw nila ang motor since nung iniwan ko sa kanila overnight, tinestdrive daw ng kasama nya umabot pa daw ng 145kph. and tinest drive din raw ng mechanic kinaumagahan to make sure na umaaandar ang motor.
pagkakuha ko ng motor, umaandar ng matino, since 9:30 AM yun, nakarating pa kami sa mga remittance center, banko, malls and nakakain pa kami sa labas and nakauwi pa kami.
nung nakauwi na kami, park ang motor sa bahay (take note ang bahay may sariling garage so di sya nababasa or naiinitan directly), may ginawa lang ako ng 1 oras sa bahay and i decided na umalis para bumili ng gamot (that was around 1:00 PM) napawarm up ko ang motor, and di kalayuan ulit sa bahay namatay nanamn ang motor. sa laki ng bwisit ko do nako nagpahila, lagi akong sinasabihan ng guard sa amin, "OH SIR SIRA NANAMAN? PAPAHATAK KA? GUSTO MO TAWAGAN KITA NG TRICYCLE?", so anung ginawa ko? tinulak ko ang motor from 50 meters away from our house papuntang shop which is 3-kilometers away.
so tulak and then starter, and then andar motor, and then takbo, and then after ilang 50 - 100meters, patay naman ang motor, and then tulak nanaman and then, and then andar nanaman ang motor and then takbo, and then after 50 - 100meters ulit patay naman. PAULIT-ULIT LANG YAN MGA BOSSING HANGGANG SA NAKARATING AKO SA SHOP, i was so pissed off, mainit, nakakapagod, and higit sa lahat, NAKAKAHIYA, parang everyday nalang ako nakikita ng mga tao sa lugar namin na nagtutulak. di naman ako taga tulak ng mga motor hahahha!
so kinahapunan the same day mga around 2:00 PM, pinalitan namin ang start/ignition coil, pinalitan ang spark plug, from iridium to ordinary but reliable, pinalitan ang fuel filter. and then. nagstart nanaman ang motor. amazing! kala ko wala na ko problema.. nakapagikot ikot pa ko sa buong city for almost 1-hour. and then uwi nako and natulog.
aba pagkagising ko ginawa ko, start agad ang motor, umandar nanaman and eto ang matindi, namatay nanaman nung umalis kami so ginawa ko hinatid ko naman ang motor sa bahay ang nag tricycle nalang ulit kami.
ano kaya ang prob nito mga bossing..
mahabang story, ewan ko ba natype ko ata toh dahil sa inis ko hahahah
parts replaced:
starter coil
sparkplug
from 28mm carb to standard carb
from yoshi pipe to standard pipe
fuel filter
no problem ang CDI, BATTERY, CAP and etc.
plano ko nga papabuksan ko nlng ang makina baka may lamat na dun sa loob. wew!