Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Bakit sa Family ay Lagi na Lang Mababa Ang Tingin sa Babae?

Status
Not open for further replies.
Mas matanda ka o yung kapatid mo , kaya pala parehas Kayo ,
hmmm sang ayon ako kay Suatki ang babae kasi more in feelings eh , sapalagay ko napapakita mo yung pagiging babae mo sa pag post mo rito kasi dahil umiral yung felings ng pagkababae mo kahit alam naman natin na lalali puso mo. Mali din ng family overprotective nila isa pa may kapatid ka na lesbian din kung baga hawa hawa kasi kung sya ang mas nakakatanda sayo parang nahawa ka pero kung mas nakakababata sya sayo marahil na pa apekto ka sa mga tao sa paligid mo. Minsan ang Utak natin nililinlang tayo , tapos yung puso natin masyado namang uto uto sa mga bagay na naririnig mo , nararamdaman mo , pwede mong pagsabayin gamitin sila . Pero alam mo kung ganun tingin mo sa girl na mahina sya edi sana pinayuhan mo Gf mo na mahina sya kaya dapat maging malakas dinnsya. Gusto mong maging Guy kasi di dahil mahina ang mga babae bat mo magugustuhan ang babae kung mahina nga ito ,Ang pinaka rason kung bakit ka nag kaganyan ay pwedeng nahawa ka sa kapatid mo pwede ring di ka masaya maging babae kasi lalaki ka sa puso't isip ganun Ikaw na nag sabi Na laging ginagawang mahina ang babae kaya tanungin mo ts sarili mo bakit mo pa gugustuhin mahalin ang babae kun mahina ito , Kasi nga kaya mo sya gusto kasi LALAKI KA TALAGA DI DAHIL MAHINA ANG GENDER NG BABAE KA MO MAS PINILI YAN .

Yun Lang Update mo kami kung tatanggapin ka sa pipiliin mong landas (hahaha asarin mo sila sinasabihan ka nila wag mag bf edi gf na lang lol). Goodluck . sayo nawa tanggapin ka nila .
 
WakaTok;

Ako ang mas nakakatanda sa magkapatid na babae.

Ang mga lalake at ang mga babae ay meron feelings at emotion. Ito ay ayon sa scientific research. Sobra parehas ang level ng feelings at emotion ng mga lalake at ng mga babae. Iyon nga lang ay ayaw ilabas ng mga lalake ang feelings at emotion nito pero ang mga babae ay nakakayanan ito ipakita. Iyon ang ipinagkaiba ng mga lalake at ng mga babae sapagkat pinipigilan ng mga tao sa lipunan ang mga lalake na huwag ilabas ang feelings at ang emotion nito sapagkat ang pagiging machonismo raw ay hindi ipinapakita dapat ang feelings at emotion sa mga tao.

Iyon ang rason na bakit sa research ay mataas ang suicidal rate galing sa mga lalake. Ang pinakamataas na suicidal rate ay nanggagaling sa Japan. Ang Japan ay 90% macho society na almost 100% . Ang Pilipinas ay macho society din. Ang mga lalake sa Japan ay prone sa suicidal at sa top ten ng bansa na meron suicidal rate ay prone sa mga lalake at less than sa mga babae.

Iyon ang isa rason na bakit mataas ang bilang ng mga lalake pagdating sa criminal record sapagkat ang mga lalake ay nabibilang sa emotional insecure at emotional unstable. Ang mga babae ay mataas ang anxiety rate sapagkat ang mga lalake ang umaatake sa mga babae at ganoon din sa mga lalake.

Nang nagsalita ang isa babae ambassador ng feminist movement ay isinali nito ang karapatan ng mga lalake dahil tumaas ang crisis sa suicidal rate ng mga lalake. Binibigyan nito na kalayaan ang mga lalake na ihayag ang kanila feelings at emotion sapagkat ang mga lalake lalo sa mga old beliefs o ang mga conservative na paraan na pag-iisip ay limit ang feelings at emotion nito.

Ang mga tao naglilabel na ang mga lalake ay malakas dahil tao lang nagkacategorize na ano ang malakas sa mga tao. Hindi totoo raw ang mga lalake ay malakas. Ayon sa isa lalake na nagsulat ng libro.

Sabi ng inspirational speaker na lalake, "it is okay to be called gay" kahit hindi gay. Be strong daw. Makita ng mga tao na isa lalake umiiyak ay huwag matakot na sabihan bakla.

Ang kapatid ko na babae ay parehas kami na sinasang-ayunan patungkol sa nakikita namin. Una sambit ng kapatid ko na babae na kapag na in love raw ang babae sa lalake ay hindi malapitan ng babae ang lalake dahil masasabihan raw ng malandi. Madami ipinapaliwanag ang kapatid ko na babae.

Ang kapatid ko babae ang una nabisto na meron girlfriend, kaya nagkagulo.

Hindi ako nagkakagusto sa mga babae dahil mahina sila. Nagkakagusto ako sa mga babae dahil ang pumapasok sa isip ko na parehas kami malakas. Meron kami compatible strenght na tangi babae lang ang nagkakaunawa sapagkat kapag lumabas na sa babae-to-babae premises ay hindi na ganoon ang tingin ko. Magkaiba ang na peperceive ng mga tao kase kapag sa lalake at sa babae. Mas mataas ang favorable sa mga lalake at ang strength ng lalake ang tangi nakikita.

Meron sense of equality without discrimination.

Halimbawa.

Sa mga lalake ay meron karunungan na ito babae ay virgin at hindi na virgin. Sa lalake ay na peperceive na ito babae ay nalalaspag at marami iba pa. Mahirap ipaliwanag.

Sa mga babae ay wala ganoon. Wala na iisipin kung meron mawawala sa amin o ano. Wala worries. Wala anxiety. Wala diskriminasyon na sino ang una manligaw, sino una manlandi, kung ano isusuot, una karanasan sa sex, una manlilibre, una magbrebreak up- wala lahat except madidiscriminate ang mga babae-to-babae sa iba tao dahil hindi kami pumatol sa mga lalake.

Ganoon lang.

Ang anak ay pwede naman magkaroon sa pamamagitan ng test tube baby na ang mga semen ng mga lalake at ang mga egg cells ng mga babae ay isasama na wala sex sa lalake kung gusto namin magkababy. Magkakaroon kami ng baby na parehas kami babae. Iyon nga lang ay bawal o forbidden sa Pilipinas sa ganoon paraan kahit meron na ata.

Impossible iyon.

Sabi ng mga religious leader, ang ganoon paraan ng test tube baby ay tinatanggalan daw ng karapatan sa mga lalake na wala pagtatalik sa mga babae dahil kinukuha lang ang semen ng mga lalake.

Sa biblia, ang mga lalake ang binigyan authority sa mga babae. Ang mga babae ay mahihina (raw) at ang mga lalake ang meron kapangyarihan o karapatan magkaroon ng authoridad sa mga babae.
 
Last edited:
Sa ngayon magtiis na lang muna kung wala kang maisip na solution na kaya mong gawin agad. Nasa huli pa rin ang pagsisisi.

Pamilya mo sila at sasabihin nila kung ano gusto nila dahil sa protektive sila. Ang masakit lang dito eh sana sa loob lang ng bahay ang argumento at huwag na ilabas pa sa mga kapitbahay. Mabigat di ba? Patunayan mo man o hindi na kaya mo lahat at makakaangat ka rin ay may maririnig ka pa rin sa kanila.

Alam kong na-ishare mo na rin ito sa mga friends mo at nabigyan ka nila ng napakaraming motivations and solutions. Too much promises from your bf/gf na pinanghawakan mo pero truth is tinakbuhan na lang na parang maibabaon mo sa limot dahil sa may new freedom ka na. New chapter of your life lang in case pero maalala at mararanasan mo rin yan kapag may sarili ka ng pamilya.

Buhay mo yan. Magpasalamat ka.
 
azter;

Tama ang sinabi mo. Sa katunayan ay pamilya ko ang motivational ko. Hindi ako susuko. Gusto ko magkaroon ng sarili buhay. Ang tangi inspirasyon ko ay ang girlfriend ko at ang pusa ko. Ang pusa ko ang nagligtas ng buhay ko nang nagkaroon ako ng anti-men syndrome noon. Ngayon, inaappreciate at tinotolerate ko ang mga lalake. Nabawasan ang pagka-inggit ko sa mga lalake.

Totoo. Pamilya ang motivational ko. Totoo din kapag magkakahalo ang lesbian, bisexual female at mga femme sa isa komunidad. Masarap dahil wala fear. Kakaiba kaysa social norms na meron sa kultura patungkol sa mga lalake at sa mga babae, na kahit sub-culture ang mga lesbian, bisexual female at femme ay wala fear at wala anxiety.......... basta feeling heaven at extremely secured. Sabagay, ang mga babae lahat na andoon at I believe na women are strong gender.

para sa lahat ng nakaka-basa ng post ko;

Agree ba kayo na ang mga babae ay mahina? Naekonekta ko ito sa biblia na narinig ko minsan na ang mga babae ay mahihina daw.

Ang pamilya ko ang nakatulong sa akin para ma-enlighten sa utak ko na ganito ang trato ng mga tao sa mga babae. Babae na pangalawa lang pala sa mga lalake. Ang atin pamilya ay maituturing lipunan. Maliit na lipunan. Makikita natin ang mga paraan ng mga tao sa pagbehave nito sa mga babae at sa mga lalake at magkapareha o maihahalintulad ito sa malaki lipunan. Iyon ang social norms. Ang social norms ay meron label na men are strong gender at women are weak gender.

Nang lumabas ang resulta galing tao na bihasa sa pag-aaral ng iba-iba lipunan ay favorable ang mga lalake pa rin.

Hindi ako mag-aasawa ng lalake bagkus gusto ko baguhin ang paraan ng paniniwala ng pamilya ko sa mga babae. Iyon ang motivational ko. Mabago ang old beliefs at matanggal.

Aasenso ako at magkakapera ako.

Salamat.

Close na ito.

Hindi ako marunong mag lock.
 
Last edited:
pakibasa muna ito... kayong mga babae ang price. you are the gift given to men kind. You are the reason we wake up, we bathe, we work and succeed. No man can live without a woman in his life. try to under stand bakit ganun na lang depensa sayo ng mga lalake sa pamilya mo. dahil alam nila kalakaran ng mga kalalakihan sa mundo.
 

Attachments

  • Act Like a Lady, Think Like a Man.pdf
    838 KB · Views: 2
macedonian;

Tama ka. No man can live without a woman. Meron ako nabasa patungkol sa matriarchal culture. Ang matriarchal culture ay head of the family ang mga babae. Puros mga mothers ang mga head of the family.

Ang mga ama ay less role o wala role o wala ama sa lipunan. Ang ibig ko sabihin ay hindi na napapansin o hindi pinapansin ang mga ama o ang mga lalake. Totoo nakakayanan ng mga babae na mag-isa na wala mga lalake. Ang mga lalake ang hindi nakakayanan na wala mga babae. Ang rason, ang mga babae ay meron kapangyarihan na mabuntis pero ang mga lalake ay wala kapangyarihan na mabuntis sapagkat gawain ng mga lalake ay magbigay ng semen upang makabuo ng bata sa loob ng sinapupunan ng mga babae.

Ang mga ama o mga lalake na nagbigay ng semen sa mga babae upang makabuo ng bata sa sinapupunan nito ay wala role ang mga lalake sa mga bata o bigay respeto lang na katulad ng dalaw o pagbigay ng regalo sa bata galing ama o lalake. Ang mga babae na kakayanan mag-isa ay meron mga anak ang mga babae para mapagkuhanan ng lakas at upang hindi malungkot. Mahalaga ang mga bata sa sinapupunan ng mga babae na kahit marami bata o marami anak sa loob ng lipunan ay nagtutulong-tulong ang buo angkan ng pamilya upang mapalaki ang mga bata ng maayos. Extended family na kung tawagin. Ito ang rason bakit wala rape na gaganap sa lipunan sapagkat wala mawawala sa mga babae sapagkat mas pinahalagahan ang mga babae ang sinapupunan ng bata mismo.

Dominated ang mga babae pagdating sa sekswal, feritily, children at mga mothers. Wala criminal na bubuo dahil dominated by mothers at women. Malaya ang mga babae at wala kinakatakutan sa mga lalake. Most influential roles at matatawag na strong gender sa lipunan ang mga babae. Noon una panahon iyon na meron existing iba matriarchal culture.

Natural. Hindi na apply ngayon.

Totoo independent, strong at lonely women ayon sa libro na kahit pamagat ito at hindi ko pa nababasa pero hindi lahat ng mga babae ay ganoon. Nasa atin na paano tayo liligaya. The road of happiness ay nanggaling sa atin.

Ang mga babae ngayon ay kailangan (daw) ng proteksyon o kailangan ng depensa galing sa mga lalake. Ang mga babae ay mahina ayon sa iba tao dahil nakatira tayo in a cruel world. Hindi maganda sa mga babae ang na buntis na wala ama sapagkat sabi ng isa tao dito sa thread topic ay diskriminasyon ang aabutin ng mga babae galing sa mga mata ng lipunan. Meron libro patungkol sa paano na evolve ang matriarchal clan to a modern patriarchal family. Ang iba inpormasyon ay naandoon sa libro.

Meron book na patungkol sa diety who was once a female. Dagdag ay meron ako nabasa na how polytheist became monotheist sa lipunan. Noon meron God at Goddess pero moderno na tayo ngayon at malamang ay tinanggal ang Goddess. Inangat ang God.

Tama.

Karapatan ng mga lalake kase din iyon. Nauunawaan ko. Sobra. Tama nga siguro bakit tinuruan ng mga tao sa mura edad ng mga bata na ang mga babae ay mahina (daw) at ang mga lalake ang meron authoridad at kapangyarihan mag control sa mga babae. Ang ibig sabihin influential role and strong gender ang mga lalake katulad ng mga role na ginagampanan sa politics, religion, sa pro creation at sa paternal law.

Huwag na tayo magtaka na bakit ang iba pamilya na meron anak na babae ay mataas ang paghigpit o ang pagbawal nito kung ano man ang sitwasyon na gusto gawin ng babae. Babae kase. Medio limited beliefs ang resulta. Ito ang rason bakit pagdating sa mga iba businesses at pagdating sa kitaan ng pera raw ay nangunguna ang mga lalake. Ganoon talaga.

Patriarchal culture o nasa patriarchal society tayo. Ang law ay favorable to men. Ang influential role ay sa mga lalake din. Meron label na men are strong gender and women are weak gender. Meron patriarchal family na katawagn na ama ng padre de pamilya at ilaw ng tahanan si ina at pagkatapos ang moral authority ay men. Puros men.

Ang society ay masculine characteristic din ang lipunan. Iyon. Wala natira sa amin mga babae. Ayos lang kapag meron babae think like a man dahil dagdag abilidad at strength ng babae.

Halimbawa.

Lesbian o babae transgender na naging lalake but, kahit ganoon ay napapaloob pa rin ito sa feminine aspect o ang feminine essence at / o feminine characteristic. Ang masculine characteristic ay ban ang homosexual at ginawa less than ang feminine talaga. Ang ginawa ay itinaas ang status ng men at nagkaroon ng strict rules na stereotypical na men at women only kahit meron nagbre-break sa ganoon rules ng iba tao.
 
Last edited:
Sa loob ng family namin ay nagkaroon ng argument. Ang sabi kase sa akin na bawal ako magka syota dahil marami manloloko lalake. Ipinalabas na emotionally mahina ako. Ipinalabas na hindi ko mahahandle raw ang manloloko lalake. Nang sinabi ko ang katwiran ko upang edepensa bilang isa ako babae na huwag ako diktahan sa disisyon ng buhay ko ay ang sabi sa akin, mali ang katwiran ko.

Ang nagsabi ay kaibigan ng family ko na relihiyosa babae.

Bakit ganun? Nasa isip pa rin ng family ko na I am weak? Babae o lalake if ever meron kayo kasama babae ay nakaranas ba kayo ng ganoon pagtrato sa loob ng family?

Nakakainis lang naman.

Nang sinabi ko na diskriminasyon ang ginagawa sa akin ay ang sabi naman sa akin, pinoprotektahan lang ako. Hindi raw diskriminasyon iyon. E parang ganoon na rin iyon. Alam ng family ko na mahina at hindi ko maproprotektahan ang sarili ko galing manloloko lalake so bawal ako magka syota.

Nagtataka ako na ang family pa na inis sa akin dahil ang katwiran ko ay mali daw.

Nasaan ang katarungan?

Kanina lang nangyari. Masama ang loob ko ngayon.

Kahit noon, kapag nag-uusap sa loob at labas ng bahay ay nadadala ang usapan na ang mga babae ay kaawa-awa at mahina.

Sa loob ko nga ay negatibo ito dahil ini-inpluwensyahan ako na keyso mahina tayo babae pero hindi ako nagpapadala sa kanila. Ako ang nag didis-agree pero hindi nila tanggap.

Ginagawa ko ang lahat para makalayas lang sa bahay namin. Hindi ko na makakaya mag-stay pa sa amin.
lahat ng tao may karapatang maging masaya.gawin mo gusto mo nasa palagay mo ikaliligaya m.ingat lang at dapat handa ka tanggapin ano man ang magiging resulta.
 
karamihan kasi sa babae masama ang ugali hahahaha realtalk po yan :D
 
karamihan kasi sa babae masama ang ugali hahahaha realtalk po yan :D

Ano tawag natin sa mga lalake na nambubogbog, nanggagahasa at pumapatay ng kapwa tao sa alin man criminal record na meron? Good?

Meron mga masasama ugali ang iba babae ay ganoon din ang mga lalake. Talaga.

Mas napaghahalata ang iba lalake. Hindi sa gusto ko laitin ang mga lalake na isa masama nilalang pero base sa gumagawa ng criminal ay nanggagaling sa mga lalake. Mababa sa mga babae ang gumagawa ng karumal-dumal sa kapwa tao.

Pagmasdam mo. Binoto ng mga filipinos si Rodrigo Duterte bilang isa simbolo ng machonismo na pati death penalty ay ninais na ilagay diba?

Bakit gusto ng mga filipinos na magkaroon ng death penalty? Gusto ng iba filipinos na meron death penalty sa Pilipinas dahil ang karamihan ng mga lalake ay gumagawa ng krimen sa kapwa lalake at sa mga babae.

Ang gulo-gulo ng mundo natin kaya?

Nagtataka ako na sinabi mo na karamihan ay ang mga babae na meron masama ugali. Meron man pero hindi lahat ng mga babae.
 
Last edited:
Mag rereply sana ako dun sa reply mo saakin kaso nakalimutan ko ang sasabihin ko hahahaha,,,,,, basta eto pala sabi mo mas prone ang lalaki sa suicide dahil di nilalabas nila ang emotion nila kahit halos parehas lang ng level ng emotion . Tama ka dyan pero di mo ba nakita na dun palang eh lumalabas ang kalakasan ng babae ang lalaki mahina sa ganyan , Kahit alam natin na ang mga nag susuicide ay dahil sa pride din nila lalo na sa japan. Kaya wag mong sasabihin na mahina ang babae dun sa sinabi mas malakas ang babae na ilabas ang emotion nila di tulad ng lalaki. Nakadenpe ang tingin mo rito depende sa sitwasyon at aspeto ang lakas ng dalawang gender. Kung titignan mo lang ang Kahinaan ng babae parang di fair yun diba kaya wag mong sasabihin na mahina ang babae .
 
Ano tawag natin sa mga lalake na nambubogbog, nanggagahasa at pumapatay ng kapwa tao sa alin man criminal record na meron? Good?

Meron mga masasama ugali ang iba babae ay ganoon din ang mga lalake. Talaga.

Mas napaghahalata ang iba lalake. Hindi sa gusto ko laitin ang mga lalake na isa masama nilalang pero base sa gumagawa ng criminal ay nanggagaling sa mga lalake. Mababa sa mga babae ang gumagawa ng karumal-dumal sa kapwa tao.

Pagmasdam mo. Binoto ng mga filipinos si Rodrigo Duterte bilang isa simbolo ng machonismo na pati death penalty ay ninais na ilagay diba?

Bakit gusto ng mga filipinos na magkaroon ng death penalty? Gusto ng iba filipinos na meron death penalty sa Pilipinas dahil ang karamihan ng mga lalake ay gumagawa ng krimen sa kapwa lalake at sa mga babae.

Ang gulo-gulo ng mundo natin kaya?

Nagtataka ako na sinabi mo na karamihan ay ang mga babae na meron masama ugali. Meron man pero hindi lahat ng mga babae.

Sabi ko nga karamihan sa babae masama ang ugali realtalk po.. hahaha :D may kunting joke may kunting 22o... alam mona ibig kong sabihin
may mga ate ako at nanay babae po rin un... nd ko po nilalahat :p
lilinawin ko lang po ung mga sabi mo na rape,criminal ADIK po un sure akong adik may gawa non.. pero may tama ka karamihan lalake,

PERO KARAMIHAN SA BABAE MASAMA ANG UGALI.. 22O YAN KAHIT BALIKTARIN MO MUNDO 22O YAN HAHAHAHA
 
Last edited:
Mag rereply sana ako dun sa reply mo saakin kaso nakalimutan ko ang sasabihin ko hahahaha,,,,,, basta eto pala sabi mo mas prone ang lalaki sa suicide dahil di nilalabas nila ang emotion nila kahit halos parehas lang ng level ng emotion . Tama ka dyan pero di mo ba nakita na dun palang eh lumalabas ang kalakasan ng babae ang lalaki mahina sa ganyan , Kahit alam natin na ang mga nag susuicide ay dahil sa pride din nila lalo na sa japan. Kaya wag mong sasabihin na mahina ang babae dun sa sinabi mas malakas ang babae na ilabas ang emotion nila di tulad ng lalaki. Nakadenpe ang tingin mo rito depende sa sitwasyon at aspeto ang lakas ng dalawang gender. Kung titignan mo lang ang Kahinaan ng babae parang di fair yun diba kaya wag mong sasabihin na mahina ang babae .

Hindi ko sinasabi na mahina ang mga babae. Iyon ang rason na bakit puros mga babae ang mga nakikita at ang mga nakaka-salamuha, at ang mga ipinipili ko. Meron lalake na nagsisimbolo sa loob ng girl-to-girl relationship pero feminine pa rin ito. Nanggaling ako sa eskwelahan ng exclusive school for girls. Alam ko ang pakiramdam. At ease sa utak at wala inaabala. Buo pagkatao bilang babae ang itinutukoy ko at hindi lang ang feelings at emotion ng mga babae ang sinasabi ko kalakasan o strenght.

Ang mga lalake sa bansa Japan na prone sa suicide ay hindi lang sa pagiging ma-pride nito. Ang bansa Japan na meron head of the family na puros mga lalake ay bread winner. Ang iba trabaho sa bansa Japan ay tadtad. Hindi nakakayanan ng iba tao na magtrabaho sa iba mismo company ng bansa Japan. Mahirap at bigatin ang mga iba na andoon. Iyon ang resulta na meron iba lalake na ang opstion lang ay mag-suicide.

Ina-allowed ang mga babae at hindi ito pinipigilan na magtrabaho sa bansa Japan ngunit sa sobra bigatin at sobra hirap ay mas pinipinili ng iba babae na magtrabaho sa bahay na lang.

Sinasabi ko na mahina ang mga babae sapagkat nasa macho society tayo. Ang Pilipinas ay patriarchal culture at / o society. Tinitingala ng mga tao na ang mga lalake ay strong gender at ang mga babae ay weak gender. Ang facts ay iyon kase e. Ang mentalidad ng mga tao ay naka-fix na ito dahil simula-sapul iba ang itinuturo sa mga anak o sa mga bata. Na-cultivate kung baga sa utak ng bawat nilalang sa Pilipinas.

Makikita ito sa pamilya ko at sa pamilya ng iba tao. Makikita ito sa lipunan. Makikita ito sa loob ng politics, wages katulad ng mataas ang paternal leave ata. Meron nagsulat ng blog patungkol sa paternal leave na mataas ang wages nito kaysa sa maternal leave. Pagkatapos sa social media at mass media, relihiyon at marami iba pa ay obvious na nakikita. Meron pagbabago sa mass media ng kaunti ay makikita natin ang iba tao na meron negative reactions.

Hindi ko sinasabi na mahina ang mga babae. Sinasabi ko na mahina ang mga babae sapagkat nakikita ay ang kalakasan at / o strenght ng mga lalake lang. Ang kalakasan at / o strenght ng mga babae ay hindi na nakita muli sapagkat iba ang panahon natin ngayon.

Meron sinasabi na ang mga babae ay moderno ngayon ay hindi iyon ang basehan para masabi sa mga tao na " oi, ito mga babae ay malakas sa panahon ngayon " o ano pa man dahil isipin man natin na meron kalakasan ang mga babae ay resulta ng paningin ng iba tao na mali, masama, hindi fit-in sa ganoon norms, pangit, nakakatakot......... alam mo ba na negative vibes ang pwede ihagis sa babae. General.

Sabi ko nang una, ang essence ay favorable to men pa rin. Tao lang ako para e-give up ang ganoon klase kaisipan na " oh yeah, kapag palagi lalake then, fine. i accept na sa lalake na ang lahat at kami mga babae ay less than " No need to waste energy at time upang meron patunayan sa buo sanlibutan na ang mga babae ay meron kalakasan din.

Majority wins.

Ang sinasabi ko na motivational ko ang pamilya ko ay isa lang iyon. Mabago ko man o hindi ang paniniwala ng pamilya ko patungkol sa amin mga babae na bakit kami lagi napipigilan at keyso vulnerable o weak, o fragile o ano pa man na hindi katulad sa mga lalake ay hindi ibig sabihin na malakas na ang mga babae vs sa million mga tao sa Pilipinas na ang favorable na nakikita na meron kalakasan ay lalake pa rin.

Ang bansa Pilipinas ay balita ko na paloob ito sa top 10 modern matriarchal society ngunit kapag sinaliksik base sa sagot ng mga tao sa Pilipinas ay nangangarap ang mga tao na lalake at lalake pa rin daw. Resulta na bakit ayon sa iba tao na nagsaliksik patungkol dito na hindi matatawag na ang Pilipinas ay matriarchal.

Sabi ko nga karamihan sa babae masama ang ugali realtalk po.. hahaha :D may kunting joke may kunting 22o... alam mona ibig kong sabihin
may mga ate ako at nanay babae po rin un... nd ko po nilalahat :p
lilinawin ko lang po ung mga sabi mo na rape,criminal ADIK po un sure akong adik may gawa non.. pero may tama ka karamihan lalake,

PERO KARAMIHAN SA BABAE MASAMA ANG UGALI.. 22O YAN KAHIT BALIKTARIN MO MUNDO 22O YAN HAHAHAHA

Okay. Sa iyo karanasan na bakit nasasabi mo ang ganoon.

- - - Updated - - -

Isasarado ko na ito thread topic ko. Importante. Marami ako gagawin. Busy. Meron lock-up dito. Ngayon ko lang nakita.
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom