Bakit wala ng Bata ngayon?
Nung kabataan mo, naaalala nyo pa ba ang mga larong eto?
Patintero
Langit-lupa
Agawan base
Teks
Dampa
Sabong ng gagamba
futbol at basebol sa kalye
BangSak
Taguan
Luksong baka at luksong tinik
Sumpit
etc etc etc...
Eto yung mga laro noong kabataan ko. Kung mapapansin mo, ang layo na ng mga laro ng kabataan ngayon,
kumpara sa laro noong bata pa ako.
Pagkagaling sa skwela, tanghali... pilit kang papatulugin ng magulang mo or yaya mo...
Gigising ka ng alas tres ng hapon, kung saan magsisimula na ang saya ng araw mo...
Sa mga oras na eto, magmemeryenda ka, madalas tinapay or bananaQ na may kasamang malamig na Sarsi.
Pagkatapos kumaen, ayan na! Lalabas kana ng bahay, kung saan makikita mo ang mga kababata mo, mga kalaro mo, babae man o lalake
na nagaantay na sayo para simulan ang napili nyong laro para sa araw na iyon.
Kung papansinin mo, ang daming bata sa kalye, lahat naglalaro, pinagpapawisan, nadudungisan, na parang ayaw ng umuwi ng bahay at gusto lang maglaro sa kalye buong araw.
Naalala ko, kapag sumitsit na ang nanay ko, automatic, may pingot ako papasok ng bahay, pero ok lang, masayang masaya ako sa paglalaro ko sa kalye.
Kahit nasugatan, narungisan, enjoy na enjoy ka padin sa paglalaro sa kalye kasama ang mga kaibigan mo.
Iba ang samahan ng mga kabataan noon, kung baga, sanggang-dikit. May kanya kanyang bansag at grupo pa ang kabataan noon. Iba gumagawa ng mga grupo tulad ng Power Ranger,
iba naman sa banda tulad ng Moffats, Backstreetboys o Spice Girls. Meron din naman solo artist, tulad ni Tarzan... dahil yung kabitbahay ko nun mahilig lumabas ng bahay ng nakabrief lang
Dahil sa mga samahan at grupo na eto, minsan pa nga e nagkakaron pa ng costumes ang mga bata noon, kanya kanyang gawa ng espada, maskara at kapa. Meron iba parang si FPJ kung makadala ng baril,
pero walang tatalo sa isa kong kapitbahay na si Rambo, daming baril na dala, may uling pa yung mukha (oh diba kapitbahay ko si Tarzan at Rambo ).
Dati, may kuryenta o wala masaya ang bata... maraming pwedeng gawin lalo na kamo kapag walang kuryente at gabi na. Dito madalas nilalaro ang Taguan. Naalala ko yung kaibigan kong si Norlan,
sa itim nya, kahit hindi na sya magtago basta gabi at walang kuryente, tatayo lang yan sa isang lugar at di mo na makikita, pwera lang kung ngingiti dahil sa puti ng ipin nya.
Isa pa sa mga nagawa ko noon, nung nauso ang flute, umaakyat ako sa puno ng mangga at doon tumutugtog. Minsan napapagkamalan akong baliw, meron naman din natutuwa at nakikikanta habang tinitugtog ko ang flute.
Pagdumataing ang summer, nakakatuwang isipin at maalala na sabay sabay pala kayo nabinyagan/natuli ng mga kalaro/kaibigan mo. Sabay sabay kayo nagsuot ng palda, nangamatis
Isa sa mga magandang karanasan ng mga kabataan noon kasama na ako ay tuwing umuulan. DIto, kanya kanyang takbo sa kalye, pwesto sa alulod kung saan babagsak ang malakas na tubig na parang shower.
Lalo na pagbumaha, kanya kanyang swimming, kanya kanyang hanap ng styro or kahoy na malaki para gawing bangka/salbabida. Minsan, kasama mo pa ang alaga mong aso maligo sa ulan at baha, masaya lang talaga
Ang hindi ko malilimutan noon, tuwing sasapit ang pasko. DIto, kasama ang mga kalaro at kaibigan, sabay sabay kame gumagawa ng instrumento para sa pangangaroling. Tansan, lata, stick, goma, iniipon namin,
para magmukha kameng may banda. Lahat ng bahay nililibot namin at kinakantahan, minsan pa nga ginagawa naming remix, beatbox with rap para maiba naman. Nakakaipon kame, para kinabukasan, alas tres ng hapon, may pangmeryenda kame
Ngayon, napapansin ko, "Bakit wala ng Bata ngayon?"
Yan ang tanong na pumapasok sa isip ko, ayon na din sa aking pansariling obserbasyon.
Kung mapapansin mo, halos wala ng batang naglalaro sa kalye tuwing hapon, makikita mo nalang ang bata sa kalye dahil nangangalakal ng basura, kahoy at plastik para kumita ng pera ng may maipangkaen sa araw na iyon...
Mapapansin mong, unti unti na o halos patay na talaga ang mga lumang laro na nabanggit ko sa itaas. Eto ay pinalitan na ng modernong teknolohiya, kung saan, kahit nasaan ka at magisa ka lang, makakapaglaro ka.
Mapapansin mong, ang laro ng bata sa computer ay nilalaro din ng matanda, ang laro ng matanda sa computer ay kaya din laruin ng bata, may larong pambata pa ba?
Mapapansin mong, halos wala ng grupo ng kabataan ang gumagaya sa mga boy band, anime, or mga superhero sa TV, bagkus, gumagawa sila ng grupo para sa kanilang
proteksyon, para mang-away ng ibang grupo.
Mapapansin mong, konti nalang ang batang tumutugtog ng instrumento sa kalye o bahay, kundi, ang hawak ng kabataan ngayon ay computer, psp or mp3 player na. Halos wala ng nagsisikap mag-aral ng musika at instrumento.
Mapapansin mong, ang mga kabataan ngayon, lalabas lang ng bahay kapag nawalan ng kuryente para magpalamig, pero yung iba, dala dala padin ang mga wireless gadget para magenjoy.
Mapapansin mong, halos wala ng naliligo sa ulan, kundi mas ikakatuwa pa nila eto, at makahiga sa kama at maglaro ng computer.
Mapapansin mong, ang kabataan sa inyong lugar lalo na yung mga mayayaman ay halos di magkakakilala, dahil hindi sila lumalabas ng bahay para maglaro, pinapanatili nalang sila sa loob para maglaro ng computer at iba pa.
Mapapansin mong, pagsasapit ang pasko, kokonti nalang ang mga batang nangangaroling, kung meron man, hindi eto nageffort gumawa ng instrumento, palakpak at mabilisang kanta nalang para mabigyan agad ng pera.
Dahil sa pagbabago ng teknolohiya, nagbago din ang ating kabataan ngayon. Masasabi nateng ang ibang aspeto neto ay nakabuti, pero ang ibang aspeto ay nakasama.
Andyan ang karahasan, riot at pagiiba ng ugali. Nakikita ko madalas ang mga ganitong bata sa loob ng mga computer shop. Kung sino pa ang bata, sya pa ang malakas magmura.
Dito na ba talaga papunta ang henerasyon ng mga kabataan ngayon? Sa modernong teknolohiya nakaasa? Subsob sa mga magagarang gadget ng buong araw? Hindi na pinapagpawasin dahil kakaen at hihiga habang hawak ang kanya kanyang gadget?
Unti unti na bang mamamatay ang mga tradisyonal na laro ng mga batang Pilipino? Kinalimutan na ba eto?
Kung ano tatanungin, ibabalik ko eto, sa paraan ng pagturo sa mga magiging anak ko sa hinaharap, ituturo ko ang mga larong kinalakihan ko... Dahil para saken, ang panahon na iyo ay ang pinakamagandang panahon para maging bata ka
Just sharing, thanks for reading!
-Ronell