Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Bakit?


BAKIT?


"Bakit?" Yan ang tanging tanong na naglalaro sa isip
Simula nung iniwan mong ang dahilan ay ipinagkait
Nagtataka bakit ganito bigla ang sinapit
Gayong ang pagmamahal ay ipinaramdam kong pilit

Naiwang gulantang at nagtataka
Kung bakit bigla mo akong iniwang nag-iisa
Patuloy na tinatanong ang sarili
Ano ba ang dahilan bakit hindi mo masabi?

Ang dating paru-paro na nadarama sa sikmura
Napalitan ng sakit at mga gabing puno ng luha
Ang dating suot na matamis na ngiti
Tinapalan ng lungkot at mga hikbi

Pero wala naman ng magagawa
At alam kong ikaw ay masaya na
kaya paalam na aking sinta
Hanggang sa muli nalang natin na pagkikita

Walang magagawa kundi patuloy na lumakad
Gaya ng oras na walang tigil sa pag-usad
Ngayon ko lang nadama na ganito pala kasakit
Ang maiwan na may tanong na "bakit?"​

:sigh:
 
Last edited:
Wow ang galing :thumbsup: ........Bakit kasi napakasakit umibig....?
 
Wow ang galing :thumbsup: ........Bakit kasi napakasakit umibig....?

hindi naman siguro ung umibig ang masakit.. ang masakit ay kapag ung pag-ibig na nilaan ay napunta sa maling tao.. o di kaya nasa maling oras..
 
Back
Top Bottom