Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Balik-bayan box

Maaga akong ginising ni tatay para magasikaso papuntang airport. May katagalan na din nang umalis si nanay para mangibang bansa. Palihim kong tinago sa bag ang kartolinang pinagpuyatan ko. Sinulat ko ang malaking pangalan ni nanay at nilagyan ko ng mga sticker na binili ko sa tapat ng school. Gamit ulit namin ang van ni ninong na nirentahan din namin dati nung umalis si mama. Excited na ako makita si mama at syempre ang mga pasalubong nya.

Mataas na ang sikat ng araw ng makarating kami. Alam kong nasa airport na kami dahil natanaw ko sa bintana ang mga nakaparadang mga higanting eroplano. Nang makababa at tatakbo na sana ako pero hinawakan ni papa ang kamay ko. Maya maya pa ay may lumapit na sa amin at hinatid ang balik-bayan box na hugis kabaong at si mama ang nagsilbing pasalubong.
 
salamat sa kwento :salute:
 
Back
Top Bottom