Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[One shot ] Burol :(

Pambihira ang gabing ito. Halos mapuno ang basketball court para sa isang ordinaryong tao sa baryo namin. Burol ni Bert. Ang taong pumuno ng blotter ng barangay sa dami ng ginawang kalokohan at panlalamang sa kapwa. Sanggano. Lasenggo. Tarantado. Patapon. Pagpatay na lang siguro ang hindi niya ginagawa para tuluyang makulong.

Burol ni Bert.

Nandoon si Elder Chiz, Ka Bado, Bro Ken, Kapatid Basha, Pastor Rero at Konsehala Vhing Go upang magbigay ng huling pagpupugay.

"Isa po itong patotoo na gaano man kasama ang isang tao, may nanatiling kabutihan sa kanya puso," panimula ni Elder Chiz.

"Kaya huwag po nating sarahan ang ating puso. Bigyan natin ng pagkakataon magbago ang bawat isa atin. Lalo na ang may nagawang mali sa atin," ani Ka Bado habang hawak ang kanyang dibdib.

Sumunod si Kapatid Basha. "This heroic act restores our faith in humanity. Be kind kahit walang nakatingin. Tumulong kahit walang kapalit."

"Ihingi natin ng tawad ang ating kasamahan na naligaw ng landas. Ngunit siya ay nagbalik loob. Tulad ng kwento ng alibughang anak." Naluha ang lahat habang nagsasalita ang Pastor.

Ako man ay guilty sa panghuhusga sa mga kamalian ni Bert. Lumaki siyang basag ulo at hindi kinakitaan ng kabutihan sa katawan. Ultimo bata ay inaagawan niya ng lolipop.

Si Bert ang dahilan kung bakit kami nagpalagay ng CCTV. Doon siya madalas magtago sa taniman ng saging ni Goring. Katabi noon ang aming manukan. Sa duda ni Erpat ay balak nitong chibugin o ipuslit ang aming mga alaga.

Nag-abot ng kendi at kape si Konsehala. Siya rin ang nagmungkahi na sa court ganapin ang burol. "Lalakarin po natin sa taas upang hindi makalimutan ang kanyang kabayanihan. Nais po nating ideklara ang araw na 'yon maging kanya. Ng kabayanihan niya. At tatawagin natin itong Bert Day!" Palakpakan ang mga tao sa nais ni Konsehala Vhing Go.

Napakaganda ng idea. Mamaya pag-uwi ko, kukuha ako ng kopya ng CCTV upang gamiting katibayan sa pinamalas ni Bert.

Panghuli ay tumayo ang pamilyang sinagip sa bingit ng kamatayan. Apat na buhay kapalit ng isa.

"Pinalilikas na po kami noon pero hindi po kami umalis sa tabing ilog. Ambon lang ba. Kaya di po kami naniwala na may bagyo. Nong tanghali mamser, sobrang lakas po ng ulan at pasira na po ang aming bahay. Noong humupa po, napagdesisyunan na po naming umalis. Karga-karga ko po ang aking panganay. Sa asawa ko naman po ang bunso namin. Malapit na po kami sa dulo ng tulay nang dumulas po ang aking paa. Nawalan ng balance ba. Nahawakan po ako ni misis kaya lang po. Nadala. Nag-fall ba." Naiyak ang padre pamilya sa pangalawang buhay na ibinigay sa kanila.

"Inanod po kami. Dasal lang po talaga. Nakita ko na lang po na may parating na tulong. Hindi po namin namukhaan pero si Bert pala. Pagapang siya bumaba sa ilog hawak ang tinibang puno ng saging. Humawak po kaming lahat doon. At isa-isang nakaahon. Napansin ko pong amoy alak si Bert kaya siguro hindi agad siya makaahon. Walang lakas. Pilit namin siya iniaakyat sa ligtas na lugar pero may kabigatan hanggang sa nahampas siya ng parating na agos ng tubig. Hindi na namin siya nakita matapos noon," turan ng babae habang hinahaplos ang buhok ng dalawang anak. Nakita ang bangkay ni Bert na nakabuhol sa pinaghalong sanga at water lilly sa may dulo ng irrigation.

Umuwi akong naiiyak. Hindi mo nga naman masabi ang buhay. Tragic ang ending pero meaningful. May purpose. Parang pinili niya ang ganoong katapusan. Equalizer sa mga sablay.

Binuksan ko ang computer upang icheck ang CCTV footage ng aksidente. Mahahagip naman siguro.

Yun! Perpekto.

Si Bert lasing na lasing papunta sa taniman ng saging. Napatigil siya saglit noong humupa ang ulan.

Pasugod niyang niyakap ang patumbang puno ng saging. Iyon na siguro ang moment. Ililigtas na niya ang pamilya. Sobrang exciting!

Doon ay napatapik na lang ako sa mesa. Napanganga. Nailuwa ko pa ang libreng fistbomb kendi ni Konsehala. Naguluhan.

Natiba ang saging. Hanggang sa dumulas pababa ng ilog noong tinangka niyang alisin ang sout na short. Habang hinahalikan.

-oO0Oo-
 
Last edited:
hahaha laptrip sa bert day.. sakto.. pero kyuryus ako sa nakita sa cctv hahaha
 
Back
Top Bottom