Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Bintana

BINTANA

Ako'y nakatingin sa bintana,
Bintana kung saan marami kang makikita,
Bintana na sa loob ay may taong nag-aaruga,
Bintana kung saan sarili ko'y di na makita.

Ika'y isang tula sa aking panaginip,
Umaawit na para bang nang-aakit,
Tila tala sa langit,
Na mahirap abutin kahit ipilit.

Pero ngayon alam ko na,
Ika'y pantasya na ng iba,
Kaya pala ako'y di mo na alintana,
Dahil ika'y masaya na sa piling nya.

Nung nakaraang Agosto ako'y nagsabi,
Isang tinig mula sa labi.
Babalik ka pa ba?
Ang sagot mo'y di na nasabi,
Kahit alam ko na kung ano ang iyong balak ipaintindi.

Gusto kong bumalik sa nakaraan,
Nakaraan na ikaw ang laman,
Nakaraan na ayaw mo ng balikan,
Pero ang nakaraan na sadyang mapanlinlang,
Ay ang nakaraan na habang buhay ko nang binabalik-balikan.

Sampung taon na ang nakakalipas,
Simula nang umalis ka sa pinas,
Sampung taon na rin ang lumipas,
Mula nang sumama ka sa iba at ako'y naglaslas.

Ako'y nakatingin sa bintana,
Bintana kung saan marami kang makikita,
Bintana na sa loob ay di ka kasama,
Dahil ang buhay ko ay wala na.

 
Last edited:
ganda nung pagkagamit ng bintana. yung last line pwede pa isipin na bintana ng kabaong pero pwede pa ding binatana nung pangarap nya na hindi nangyari.

:thanks: for sharing!
 
salamat bossing hehe. di ko na marecover isang account ko sa sobrang tagal kaya eto nalang muna
 
salamat sa pagbabasa papsi :)
 
Gusto ko yung pag-aalon alon tila ng mga talata,parang mood swings lang o paglalaro sa emosyon. Ayos din!
 
Back
Top Bottom