Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Boyfriend

BOYFRIEND

Umuwi ako sa bahay namin galing sa bahay ng lalake, na crush ng kaibigan kong babae. Una kong pasok sa loob ng bahay namin ay diretso ako umakyat sa second floor ng kuarto ko. Ni-lock ko ang pinto at sabay napahiga sa malambot kong kama.

Home sweet home.

Nakakapagod.

Ilan minuto ay bumangon ako at umupo sa harap ng computer laptop ko. Yeah. Oras na upang pagalawin ko ang imahinasyon ko sa pamamagitan ng pagsulat ng mga scripted conversation namin dalawa ng lalake na ideal ko, na ginawa ko sa MS Word. Umabot ako ng 100 plus MS Word pages at hindi ko alam kung papaano ako nakasulat ng ganito kahabang pahina. Ang alam ko ay enjoy ako na nagsusulat habang wala akong boyfriend.

Ito ang aking libangan at sa sobrang adik ko ay kahit magpalit ng damit na pambahay ay nalimutan ko gawin.

Ilan oras ako na nagtatype sa MS Word hanggang tuluyan ako napagod. Then, nag-unat ako. Sumakit ang mata ko sa kakatitig ng screen monitor ng computer laptop ko, kaya naisipan ko magpahinga.

Nang nakahiga ako ay biglang tumunog ang cell phone ko.

Istorbo.

Ito na nga ay patulog na ako sa malambot kong kama ay iniistorbo naman ako ng taong tumatawag sa akin.

Dinampot ko ang cell phone sa tabi ko at sabi ko "Hello?"

Si Mary Grace ang tumawag sa akin.

"Meron ako ibabalita sayo. Maganda ito. Punta ako diyan", sabi na sabay ibinaba ni Mary Grace ang phone niya na hindi pa ako nagsasalita.

Si Mary Grace ay matangkad at sexi. Sexi para sa akin. Mahabang ang buhok at para siyang super model.

Ako?

Aba, malay ko.

Bumalik ako sa computer laptop ko dahil nang iwan ko ito upang magpahinga ay nanatili lang siya na nakabukas. Eni-stand by ko ang computer laptop ko upang balikan ko ang ginagawa ko. Ipinagpatuloy ko ang sinusulat kong scripted conversation namin dalawa ng lalake na ideal ko sa MS Word nang mga ilan oras ay narinig ko ang boses ng katulong namin. Tinatawag ako sapagkat si Mary Grace ay nasa sala na.

Bumaba ako na pababa sa hagdan, na nagmamadali at nakita ko si Mary Grace na nakaupo sa sala. Nang nakita ako ay tumayo siya at lumapit sa akin.

"Tara sis'", sabi ni Mary Grace sa akin na halos pabulog. "Punta tayo sa kuarto mo dahil meron ako ipapakita sayo."

======

"So? Anong ipapakita mo sa akin?", tanong ko kay Mary Grace na nasa loob na kami ng kuarto ko.

"Ito", inilabas ni Mary Grace ang android cell phone niya. "Text mo ang boyfriend ko."

Ikinuha ko ang android cell phone niya at sabay naupo sa kama. Ipinagmamasdan ko ang android cell phone niya at nakita ko na ready na makipag usap ang boyfriend ni Mary Grace sa akin sa pamamagitan ng text.

"Grace, ibinibigay mo na ba sa akin ang boyfriend mo?", hindi ko natiis na magtanong.

"Hindi a", sabi niya sa akin. Umupo siya sa harap ng computer laptop ko. "Tutal, hindi ko naman siniseryoso ang lalake na iyan noh?", dagdag niya habang nakita kong binabasa niya ang mga isinulat kong scripted conversation namin dalawa ng lalake ideal ko, na ginawa ko sa MS Word. "Basta, kausapin mo lang siya. Tingnan mo lang kung kagaano ka-exciting siya kausapin."

Kinausap ko.

Nag-hello din ako sa kanya.

Tinanong ko ang edad niya.

Tinanong din niya ang edad ko.

Sweet siya.

Then- nag I love you siya.

"A... e... Mary Grace? Hin-hindi ata loyal ang boyfriend mo sayo dahil ang sabi niya he loves me", nag-aalinlangan sabi ko sa kanya.

"Okay lang iyan. Huwag mo alalahanin", sagot ni Mary Grace na kalmado at walang alinlangan. Busy siya sa kakabasa ng isinulat ko sa MS Word, kaya hindi ko malaman kung seryoso siya sa sinabi niya o hinde. Ilang segundo ay napatingin siya sa akin at sabi, "Pwede ko ba maihiram ang lahat ng mga isinulat mo sa MS Word? Ang ganda kase. Ang sweet."

Nagtaka na ako.

Ano ba talaga ang nangyayari?

Nag-isip ako at napatanong. "Saan mo ba gagamitin?"

"For inspiration", sagot niya.

Iyon lang? Sambit ng utak ko at dahil sa kaibigan ko siya ay pumayag ako sa gusto niya. "Ibalik mo na lang sa akin ang USB if natapos mo e-saved lahat sa MS Word."

Then, naalala ko ang boyfriend niya. "Mary Grace, hindi ka ba talaga concern sa boyfriend mong disloyal?"

"Hinde"

"Bakit?", tanong ko.

"Hindi ako concern sa boyfriend ko na alam kong wala siyang buhay."

Aw.




A.) Prostitute
B.) Love of Woman or Woman Hater
C.) Awkward Moment 1
D.) Artificial Intelligence 3
E.) Female Dominated Society
F.) Death Note Anime Series : Light Yagami = Adolf Hitler and/or Ferdinand Marcos
G.) Re: Libog o Pag-ibig
H.) Women Are Physically Stronger Than Men
 
Last edited:
Back
Top Bottom