Hello po.. Just wanted to share my story that haunts me until now.
We became friends ng taong ito sa fb. Last may 2014 po yun, tandang tanda ko pa. Nacutan ako sa kanya, at naging fan nya ako. She is a nursing student way back then. Nagpapansin ako 2 days after ko iaccept friend request nya. I was upset kasi parang hindi sya interested sakin. So time pass by, pagka nagpopost sya at nababasa ako, natutuwa ako. Hanggang sa noong last May 2015, hingi ko number nya then she gave it to me.. We became as close friends. Tumatawag sya everynight then we talk. I was so very happy way back then (nirerecord ko nga mga conversation nami, at nakasave sa phone ko). Every time na nagsesend ako ng qoutes sa kanya magcacallback sya. Naging ako yung taga gising nya pag madaling araw. May review sya kasi para sa Board exam nya. Pagkatapos ng exam tumatawag sya and we talk often.. One time sinabi ko sa kanya na parang mahal ko na sya. Her voice is parang kinikilig at natutuwa pagsabi ko.. I said "May pag asa ba ako sayo"?. She replied, of course madali ka namang mahalin eh, pero love takes time. Pumayag syang magpaligaw.. The feeling became deeper and deeper. Then may time din na sinabi nya sakin sa tawag na mahal nya din ako(sabay tawa sya). Pero nasa baguio parin sa time na yun. Sya lang kasi ang nandun, yung family nya andito sa Ilocos. Nung natapos na ang exam nya, nagpa ilocos na sya then nagkita na kami. It was short time lang mga 30 mins lang kami nag usap kasi nagmamadali sya, susunduin nya mama nya.. I love her very much.. Days pass, di na sya gaanu nagpaparamdam. Mas nauuna na yung mga barkada nya kesa sakin. Everytime magcomment ako sa mga post nya, magreply lang sya ng maiksi like "thanks" ganun, pero pag iba yung nagcomment ang haba ng reply nya na may pagkasweet. May time pa na tinanggal nya yung comment ko sa post nya. Parang iniiwasan na nya ako ganun..Nung july 27 start ng klase nya, nag Medicine na sya kasi. I was so happy kasi malapit lang yung school at workplace ko. Then nagpromise kasi sya na magkikita na kami more often, pero ang nangyari, di sya nagpapakita sakin.. minemessage ko sya sa fb, di naman nya binabasa sa text ganun din po. Nung last usap namin sa call is nung last week pa. Then sabi nya pa nun na sya ang tatawag, kaya di nako magpapaload pa.. Last Monday kinausap ko sya ulit prinangka ko sya bat di nya ko nirereplayan sa text at pm ko, then she said na priority nya muna ang pag aaral nya kaya di na muna nya ako masasagot palagi.. ok sabi ko naman. 4 days na ngayun na hindi na sya nagrereply sa text at pm konsa kanya sa fb. Gusto ko na syang kalimutan pero di ko kaya. Pagka sumapit na ang gabi, inaantay ko na tawag or text nya.. at mamimiss ko na naman sya.. Matagal ko nasyang gusto, pinagdasal ko nga sya eh na sana mahalin din nya akokatulad ng pagmamahal ko sa kanya..hehe.... Pero di na nya ako pinapansin at parang lumalayo na sya..