Ilang taon na din akong member dito sa symbianize. Ngayon lang ako napatambay sa section na to kasi na broken hearted ako. Eto kwento ko:
April 2014, nagsimula akong magtrabaho sa isang office at after ng mga 2 months lang narealize ko na mah pagtingin ako sa isang babae na kaoffice ko. Una akong naging malapit sa isang lalaki na kaibigan ng crush ko. Dahil dito, napalapit ako kay crush at naging kaibigan ko na din sya. Isa sa mga ginagawa ng office namin ay mag contribute pambili ng regalo para sa mga mag bibirthday na officemates namin. Ang palaging pumupunta sa mall para bumili ng regalo ay yung crush ko. Kadalasan tatlo kami kasama ng unang naging friend ko na lalaki para samahan sya. Pagkatapos mabili yung mga regalo, kumakain na kami ng dinner ng sabay-sabay. Doon ko na din mas lalong nakilala si crush, walang boyfriend ngayon, may naging boyfriend dati. Hindi ko sinasabi na may gusto ako sakanya.
Mga isang taon na ang lumipas mas naging close kami ni crush. May girlfriend yung friend namin nalalaki at mahirap yayaing lumabas palagi para mag dinner. Lately, kaming dalawa nalang palagi ni crush ang lumalabas kahit walang bibilhin o ibang reason para lumabas kundi kumain lang, go pa din. Minsan ako nagyayaya na lumabas, minsan sya naman ang nagyayaya, go agad. Dahil dito, di ko na mapigilang magisip na baka alam na nya na may gusto ako sa kanya. Kapag ibang lalaki ang nagyaya sa kanya para lumabas, tumatanggi sya o kaya dapat tatlo daw kami, kasama ako. May mga nagpapacute sakanya sa office pero ako lang nakakapag papayag sa kanya na lumabas after ng work sa office. Napapaisip na din akong baka may gusto din sya sa akin.
Last friday, may plan na mag dinner ang mga office mates namin at nayaya din kami. Sabi ko baka sumama ako at tinanong ko sya. Sabi nya ayaw daw nyang sumama doon at niyaya nya akong lumabas kaming dalawa nalang. Sa mga panahong yon, parang higit na sa crush kundi umiibig na ako. Syempre pinili kong kaming dalawa nalang ang lumabas.
Habang kumakain kami, nagbukas sya ng cellphone at may ka skype nakipag usap lang ng mga 1-2 minutes at ipinakilala nya ako saglit at natapos na yung usapan nila. Napatanong ako kung sino yun at ang sagot nya eh "sya yung significant other ko." Biglang sumama ang pakiramdam ko at sumakit ang dibdib. Alam kong dapat akong mag act naturally at huwag ipakita na nashock ako. Gusto ko nang umuwi nung mga sandaling yon pero di ko masabi. Nagmistulang napakabagal ng oras, wala nang sense ang mga pinagsasasabi ko habang kausap sya. Nung pauwi na kami, inihatid ko na lang ulit sya hanggang sa sakayan katulad ng palagi kong gjnagawa. Nung magisa nalang ako, naiisip ko baka panaginip lang to at pinipilit kong magising. Untiunti nang nagsisink in ang katotohan, ang inakala kong magiging pagibig ko naging parang bula na nawala.
May pasok na bukas, magkaharap lang kami ng workstation, di ko alam kung ano ang ipapakita kong ugali sa kanya. Hindi ko na kayang maging katulad ng dati. Kung may maadvise kayo pahinge, hehe! Parang pang MMK na rin tong post ko sa haba ah, sorry naman~