I just wanna ask, do you think may chance pa syang magbago? Kasi he already lied to me twice. Ung first is di naman ganun kalala. Kasi nagpunta sila tagaytay sabi niya di nalang sya pupunta kasi gabi na daw. Okay lang naman sakin na sumama sya. Walang kaso yun. Kaso the next day nakita ko sa fb pumunta nga sya. Then nagdedeny pa kahit kitang kita ko na. Pero umamin din. Tapos ngayon yung hiking naman na tinatago sakin na andun yung pinagseselosan ko. He even risked our relationship na magbreak man tayo di ko sya kasama tas kasama din pala. 2 weeks na kami na parang cool off. Parang kasi di kami masyado nagkakatext. Kung magka text man awayan lang. He cant even see kung gaano sya kamali. After i said that to him sorry sya ng sorry. Kupal talaga. Do you think he deserves another chance? Gusto ko lang malaman opinion nyo. Pero as of now naiisip ko parang ayoko na. Nagmukha na kasi akong tanga.
Tia.
Sabi nila, everyone deserves a second chance. Sa case mo, nabigyan mo na ng chance right after the Tagaytay issue. Sa simpleng bagay di man lang masabi kung aalis o hindi. Kadalasan, sa mga ganyang klase ng tao may ginagawang kalokohan. Ang nakakatawa lang e buking na ayaw pa umamin. Anyway, para sakin mas okay na magkapatawaran pero tigil na ang relasyon. May tendency na uulit at uulit at uulit lang yan. Just my opinion.