Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem CAMP SAWI Present "Kahinaan" - Valentines Day Special Release





"Kahinaan"

Hindi ko na alam anong gagawin ko,
Para magpatuloy sa laban na ito.
Dahil bangungot ang anyo ng iyong anino.
at hindi ko makalimutan ang amo ng mukha mo.

xxx

Sa kabilang banda ay nakalimuta ko na,
Lahat ng masasaklap at di magandang alaala.
pangalan mo'y masakit na tunog sa tenga,
nakakabingi, at ayaw ko ng marining pa.

xxx

Hindi ko maitangi, na meron pang natitira,
Na pag-asa o pagibig sa ating dalawa,
pero hindi ko lubos maisip na,
Tayo talaga o makakasama pa kita.

xxx

Dahil sa pait ng delubyo ng kahapon
winasak ang mga alala at dapat ng itapon,
unti-unti ko itong ililigpit at ikakahahon,
Kasabay ng pagibig upang ako'y muling makabangon.

xxx

Wag kang mag alala, kasi dapat kong makaya.
para sa ating kahapon ako'y makalaya.
Wag kang babalik, baka hindi ko makaya,
kun'di baka masaktan lang ulit tayong dalawa.

xxx

Sana naisip mo ang aking nararamdaman
noong panahon na siya ang iyong pinapatahan,
Sana nalaman mo na ikaw ang aking kahinaan.
sa panahon na siya ang iyong kailangan.

 
Last edited:
Back
Top Bottom