Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Cantenna for 3g modem signal booster (beta project)

panu ba mag attach ng image..hindi ko talaga magets.. :((((
 
Magandang araw mo mga kaSB ito po ang first major tutorial ko dito sa Symbianize kaya pagpasensyahan niyo na kung may konting flaws anyway open naman po ako sa mga questions and opinion niyo..

Let's start!!!:excited::excited::excited:

Malamang katulad ko marami din sa inyo ang namomroblema bout sa 3g signal dito sa ating bansa kaya ang goal ng project na ito eh imaximize yung available 3g signal especially dun sa mga remote areas. BTW taga Pampanga po ako at problema din dito samin yang 3g signal na yan. Tignan niyo na lang yung SS ko nung wala pang antenna yung modem ko.
before.jpg

Hirap kasing makapasok yung 3g signal sa loob ng bahay kaya nga nagresearch ako ng solusyon.
CANTENNA! familiar na siguro kayo dito kasi ginagamit itong signal booster ng WiFi devices kaya naisip if applicable ba sya sa 3g modem and EUREKA! after some researches napagalaman ko na pwede pala siyang gamitin din sa pagboost ng 3g signal. Let's start building the project na.

Ingredients:
Lata - kahit anong lata pwede basta perfectly round and smooth siya mga size ng malaking del monte pineapple juice can)
Coaxial cable - ito yung gamit sa antenna ng TV kayo na bahala kung gano kahaba basta abot hanggang bubong niyo
Steel pole - mas mataas mas maganda

Ito lang yung major na requirements para sa Cantenna sasabihin ko na lang sa inyo yung mga dinagdag ko mamaya. OK.

First of all paano ba naten icoconect yung coaxial cable sa usb modem naten? Salamat na lang sa mga mababait nating masters dito sa SB at sa tutz nila kung paano maglalagay ng wire sa usb modem naten. Bisitahin niyo na lang sila

For modem with crc9 connector http://www.symbianize.com/showthread.php?t=126490 courtesy of Sir_bullydog22 :thumbsup:
For modems w/o crc9 connector http://www.symbianize.com/showthread.php?t=157497 courtesy of Sir_diegobayo :thumbsup:
For zte usb modems http://www.symbianize.com/showthread.php?t=200161 courtesy of Sir_anglelsv :thumbsup:

Note: yung gitnang wire lang ng coaxial cable yung gagamitin naten tanggalin niyo na yung nakapalibot na wire

Ganito yung magiging resulta niya
GEDC6139.jpg


Ngayon gawin na naten yung mismong Cantenna...

Note: importante tong computation kasi dito nagiging effective yung Cantenna kaya hindi pwedeng i-skip to..

Madali lang naman siya may online calculator naman punta kayo sa website na to para sa computations ng antenna may guide picture din siya para hindi kayo malito
http://www.changpuak.ch/electronics/cantenna.php

Gumawa din ako ng SS para mas maexplain ko sa inyo ng maayos
cantenna2.jpg

Input niyo lang yung diameter ng lata dun sa first box at yung frequency ng 3g 2100mHz dun sa fifth box tapos yung ibang values dun sa picture gamit na lang kayo ng calculator madali lang naman siya basic algebra lang po yan :salute:
Important values:
a.) Length nung wire na nakausli dun sa loob ng lata
b.) Distance nung wire mula sa back portion ng lata

Pag ok na yung values mo pwede na tayong magbutas sa lata. Pwede kahit pako lang ang gamitin basta dapat hindi masyadong mayuyupi yung lata.
Unang butasin yung pagpapasukan na wire as seen on the SS make sure na tamang tama yung distance nung butas mula dun sa base ng lata
GEDC6144.jpg

Next yung dalawang butas naman dun natin ima-mount yung screws para mailagay natin yung Cantenna sa pole mismo.

Gumamit lang ako ng 2 small nuts and bolts tsaka yung pangpadlock sa pinto as seen on the picture..
GEDC6145.jpg


Bale ganito yung resulta niya..
GEDC6146.jpg


Pagkatapos ilalagay na natin yung lata sa pole mismo, paganahin niyo na lang po yung creativity at pagiging maparaan niyo wala naman specific na technique sa paglalagay ng antenna sa pole, pwedeng niyong itali, idikit kahit welding pwede rin basta hindi masisira yung form ng lata.

Ganito yung ginawa ko..
GEDC6148.jpg


Next ilalagay na natin yung wire sa loob ng lata make sure na yung nakausli lang na wire sa loob ang babalatan natin. Dapat tama rin yung haba ng wire as shown dun sa computations naten kanina..
GEDC6140.jpg

Dapat perfectly vertical din yung nakausling wire sa loob para effective.
GEDC6151.jpg


Next idikit yung wire sa pole para hindi nagagalaw yung nakausling wire sa loob ng lata..
GEDC6150.jpg


AND WE'RE DONE!!!

Last thing is yung pagposition ng antenna sa bubungan natin.
NOTE: INGAT LANG PO SA PAGAKYAT SA BUBONG AT MAGPATULONG KAYO SA MGA NAKATATANDA.
Dapat may alalay ka rin na nakaharap sa computer at nagsasabi kung magangda na yung signal. :thumbsup::thumbsup:
Kung alam niyo yung location ng cellsite ng ISP niyo dun mo itutok yung cantenna. Kung hindi naman take your time para iadjust yung position ng Cantenna.

GEDC6137.jpg


Note: Prevent niyo lang po yung ganitong scenario kasi mawawalan ng silbi yung antenna.
notright.jpg

If ever na napapalibutan kayo ng matataas na gusali iadjust niyo na lang yung cantenna vertically at rotationally


And at last yung resulta ng pinaghirapan naten mula sa walang kabuhay-buhay na 3g nagboost yung signal ko sa ganito. Lumakas na yung reception gumanda pa yung quality ng signal also known as your RSSI as seen dun sa diagnostics ng dashboard.

download.jpg


Benefits:
a.) Mas stable yung connection ko kahit peak hours as seen dun sa dinodownload ko na torrent.
b.) Hindi na nagsisignal drop yung modem ko as a result of several interferance sa atmosphere naten.
c.) Sobrang satisfied na rin ako sa browsing hindi tulad date na facebook lang aabutin pa ng 5 mins para lang magload yung homepage.

Alternatives:
Pwede rin yung ganitong setup kung ayaw niyong buksan yung modem niyo.
cantenna1.jpg

Same principles lang siya ang mahalaga yung proper placing ng usb modem sa loob ng lata (yung computations na ginawa naten kanina)
Ganito siya nun kung sakali mang usb modem yung nakalagay.
cantennainside2.jpg


Beta pa lang tong project na to wait niyo na lang yung mga modifications at updates ko..

TAPOS NA PO!!!

Sana nakatulong yung mumunti nating proyekto sa pagpapalakas ng signal niyo.
Feedback na lang po dun sa mga gagawa nito very willing akong sagutin yung mga tanong niyo.
P.S. Tuwing gabi lang po ako OL kasi may pasok ako sa school basta free to post your comments, suggestions, kahit violent reaction tatanggapin ko...
MABUHAY ANG SYMBIANIZE!!!
Dont forget to hit :thanks: if nakatulong sa inyo:salute::salute::salute:
:clap::clap::clap::beat::beat::beat::clap::clap::clap::beat::beat::beat:

:thumbsup: pa subscribe. ^ ^ tska bookmark nadin, meron nadin kasi ako nagawa nito e, iba ibang trick dn . hehe sama ko ito. try ko nlng dn :thumbsup: tnx
 
kung 5 meters po b pde prin magamit s laptop o pra s pc lng tlga gat maari ang size n un? :noidea:
 
sir dpat po b mkinis ang loob ng lata??? hndi po kasi mgkaroon ng signal.:weep:
 
may chance bang maging 3g sa 2g na area using that?
 
boss master me tanong ako..

yung pc ko at tv ko magkatabi lang sa kwart ko..
yung tv ko meron xa antenna s bubong pede ko kaya yun gamitin s broadband ko?
para crc9 nlng hahanapin ko
 
ts alin ba dito yung rf receiver? E153 po yan

usb.jpg
 
haha wala talagang imposible sa pinoy kaya im proud to be pinoy nice tu t sir :thumbsup::salute:
 
TS successful sa kin.. isang lata lang ng malaking NIDO,Boom stable na signal ko.. una ko kasing gamit eh kaserola..may signal nga kaya lang konting ihip lang ng hangin eh nawawala signal.. eh ngaun lakas ng hangin..aus pa rin,.. diretso ang download.. salamat sa share..
 
parang yung isang alternative na lang ang gagawin ko.hehe ayaw ko kalikutin yung modem ko..hehe TS :thanks: for sharing try ko to later.. patulong na lang po.. :salute:
 
Hayyy! out of stock sa CD-R king yung USB-extension w/ signal booster.. ginawa ko may maiksi akong extension. mga 12-15 inches lang..tapos kuha ako ng aluminum na palanggana..ayun lumakas connection ng internet ko..hehehe!! :thanks: sa pag-share TS!! :thumbsup: konting diskarte lang pala katapat ng mahinang internet connection..heheh :yipee::dance:
 
Back
Top Bottom