Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Short Story Charcoal Pencil


attachment.php


Unang araw ng pasok namin sa napili kong electives nang fourth year high school. Kung tutuusin hindi naman masasabing napili dahil wala naman akong choice dahil drafting din ang naging electives ko noong 3rd year. Gusto ko sana na computer ang pasukan kaso nga lang ay puno na daw ang slot kaya heto ako at papunta na ngayon sa aking klase.

Hilig ko rin naman ang pagdrawing kaya pabor na rin na dito ako napunta, atleast may nakakarelate naman sa hobby ko. Masaya ang naging experience ko as a drafting student. Natuto ako mag lettering, perspective drawing, t-shirt printing at rubber stamp. Hayyss.. ang sarap balikan ng mga panahong gumagamit ako ng broad na pentel habang nililikha ang pangalan ng crush ko sa dingding ng aking kwarto. Pinagmamasdan ang husay ng pagkakakurba ng linya na dulot ng pahilig nitong tapyas bilang panulat. Nakakamiss yung effort namin sa mabusising pag-gawa ng gagamitin naming logo at silk screen para sa t-shirt printing. Pati na rin yung klasmeyt kong di sinasadyang nalagyan ng rugby sa mata na maiyak-iyak dahil mahapdi at natakot siyang magdikit ang talukap ng kanyang mga mata at tuluyang di makakita dahil sa kalokohan nila, na kung sino ay limot ko na. Basta naalala ko lamang ay guilty ako dahil ako ang naghahati-hati ng rugby sa mga classmate ko noong gumagawa kami ng rubber stamp. Ang pagninilaynilay kong ito ay tuluyang natigil ng katabi kong kanina pa pala ako kinakalabit.

Dumating na pala ang guro namin sa drafting at di gaya ng inaasahan kong medyo may katandaan tulad ng aming guro noong 3rd year. Syet makalaglag p... siya! haha. Matangkad at maputi. Malinis manamit at hindi mo pag-iisipang isa syang guro. Hindi lalo na sa drafting na madalas nadudumihan ang kamay sa pag gamit ng charcoal pencil at cray-pas. Kaya pala may nakaguhit na ngiti sa mga labi ng mga babae kong classmates mula sa ibang room. Nakalimutan ko, kasali rin pala ako sa mga may ganoong ngiti, ikaw ba naman ang maupo sa harapan kung saan naroroon ang kanyang lamesa. Para kaming dinalaw ng isang artista na nagpopromote ng isang produkto. Pagkatapos niyang magpakilala sa amin ay ipinalabas na sa amin ang charcoal pencil na tinagubilin sa amin bago kami pumasok. Ang lapis na kanina lamang ay hawak hawak ko habang nagmumuni na hindi ko namalayan na naglaho na sa aking palad. Tinanong ko pa sa aking katabi pero wala naman akong napala.

Kinakabahan ako dahil ayaw kong makita ng crush kong walang ginagawa ( crush na agad ) habang ang lahat ay abala sa pag-gawa ng boarder sa aming isusubmit na unang plate. Syet, bakit ngayon pa! Mabuti na lang at abala din ang guro naming papa-lisyus sa pagsusulat sa pisara ng mga detalyeng ilalagay namin sa oslo. Umupo ulit ako at nag isip habang nakatingin sa kanya na tila hinuhubaran ang adonis na nasa harapan dahil sa pagkakatitig ko mula ulo hanggang paa. Sa paa.. nasa gilid malapit sa kanyang paanang may suot na makintab na sapatos ko nakita ang charcoal pencil na kung tao lang ay sinakal ko na. Dahan-dahan akong tumayo at lumapit. Hindi naman ako umaasa na tulad sa mga napapanood kong eksena sa pelikula na kapag may nahuhulog na gamit o kung anu-anong ek-ek ay pupulutin ng lalake. Unang-una hindi naman niya alintana na may nalaglag pa lang gamit mula sa akin at pangalawa hindi ko talaga ilusyon yun. Hindi talaga, pramis! Hindi na ako gumawa ng anomang pagpapaalam. Kukunin ko lang naman ang lapis wala namang iba. Hindi ko inaasahan ang pagharap niya habang pinupulot ko ang lapis na kanina lang ay kinaiinisan ko. Napagtanto kong hindi lang pala siya papa-lisyus.. Amoy-delisyus din.. Isa ang rumihistro sa isip ko ng mga oras na yon. "Ang ano"..

Alam na..


---------------------------------
 
Last edited:
Back
Top Bottom