binasa ko kanina yung fan page natin at napansin ko yung isang post about sa camera ng blaze natin. share ko lang yung way ko ng pagkuha sa camera ng blaze natin. marami kasi nagsasabi na sa umaga lang maganda ang reso ng camera ng blaze. kapag gabi, malabo na daw.
kapag gabi, wag kayo umasa sa autofocus ng camera. ang gawin nyo ganito:
1. set the camera scene to theatre or any scene na magiging maliwanag yung view.
2. then tap lang sa screen yung bagay na gusto nyo i-focus. makikita nyo mag-o-autofocus ulit sya pero mas malinaw na kasi may led flash sya while nag-autofocus.
3. kapag malinaw at maliwanag na, makikita nyo magiging blue na yung shutter ng cam. pwede nyo pa pindutin. hintay lang ng mga 2-3 seconds kasi medyo delay ang capturing nya. after that, makikita nyo maliwanag at malinaw ang kuha kahit gabi at low light.