Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Chicken Adobo - A Love Story

a.jpg


image credit : komwari​


boy meets girl story. 500 days of summer inspired

a must a read!!! - CNN

ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim

pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal

ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown

Chapter I

Kung may babalikan akong parte ng buhay ko siguro noong nakilala ko si Kathy. Dumating siya sa buhay ko noong mga panahong nag-iisa ako. Literal na nag-iisa. I hate being alone pero wala naman akong choice.

Sa bawat araw na lumipas naalala ko ang aking magulang. Minsan hindi ko namamalayan may luha na pala sa mata ko. Ilang beses may nakapapansin sa akin sa mga ganoong pagkakataon, napuwing ang gasgas na linya kong palusot. My mom died a year ago. The last year of her life was in and out of the hospital due to diabetes complications. After 2 months of mourning, Dad died of heart attack.

Nagresign ako sa trabaho dahil sa depression. Inisip ko kung magbabyahe ako mawawala lahat. Liliparin ng hangin ang sakit na pilit na ipinapasan sa akin. Tatangayin ng agos ang pangungulila ko sa aking mga magulang. Iniwan ko ang ang lugar na kinalakihan para tanggapin ang lahat. Ang bawat hakbang ko palabas ang pintuan ay ubod ng bigat. Tila walang katapusang hakbang bago makalabas ng pintuan.

Bumili ako ng music album, nanonood ng concert at nalasing sa Malate. Pero may kulang pa din. Hindi ako masaya. Binisita ko ang mga magaganda at sikat na lugar para maalis ang lungkot na bumalot sa aking puso. Pero sa huli, hinahanap-hanap ko ang daan pauwi.

Naisipan kong pumasok sa isang Art Class. Sabi nila kapag nasa lowest moment ka ng buhay mo, lalabas ang artistic side ng isang tao. Hilig ko ang drawing kaya painting ang pinili ko para ibalik ang kulay na noo'y nawala sa aking mundo.

"I am Ms. Jheana Reynaldo, your instructor. I know lahat ng nandito may reason kung bakit gustong mahasa sa pagpipinta. May naglilibang, gustong makalimot, gustong may maalala, hasain ang sarili at kumita." Kung titingnan si Ms. Reynaldo mas iisipin kong isa siyang call center agent sa porma niya. Nakajacket kahit mataas na ang araw sa labas. "Oh ngayon pwede ko bang malaman kung ano ang dahilan ng pagpunta ninyo dito?"

Tumayo ang lalaki sa unahan at sinabing gusto niyang matutunan ang sekreto sa likod ng still image. Kesyo, buhay na buhay daw kung pagmamasdan. Iyong isa naman gusto niyang sundan ang tapak ng kanyang ama, sceneries naman ang gusto niyang ipinta. Ang babaeng malapit sa bintana marunong na daw magpinta gustong hasain lang ang skills at matuto ng iba pang techniques. Naaliw ako sa pakikinig sa sagot ng bawat isa. Malalim ang kanilang pinaghuhugutan. Hindi ko alam kung tama bang pumasok ako dito. Naghihintay ako ng sunod na sagot, hindi ko namalayan na lahat ng mata ay nakatingin sa akin. Naghihintay na pala sa aking sagot.

"You, Mr. Bautista? Anong gusto mong ipinta at bakit?"

"Chicken Adobo." Nagtawanan ang buong klase. Sa tipo ko hindi ko gawain ang magbiro. Lalo na kapag inaantok ako.

"Tulala 'yan kanina pa! Akala siguro lunch na!" Bahagya lang akong nagkunot ng noo sa babaeng malapit sa aking upuan.

"I guess you are staring at me?"

"Kapal mo ha?!"

Ibinaling ko muli ang atensyon ko kay Ms. Jheana. "My Mom is a good cook. Mahalaga ang role ng Chicken Adobo sa amin kasi lahat kami paborito iyon. Ito iyong time na magkakasama kaming kumakain at masayang nagkukwentuhan. My parents are in the hands of our Heavenly Father, ang chicken adobo ang magpaparemind ng connection namin tatlo. Sa palagay ko, kung ibubuhos ko sa painting ang feelings ko, makakagawa ako ng magandang obra."

"Thank you, Mr. Bautista."

"Deep. Pwede ka ng dramatic actor. Adobong nagsasalita," pabulong na wika ng babae. Sa natatandaan ko, wala akong taong sinaktan o nilamangan nitong mga nakaraang araw para magkaroon ako ng isang hater.

"Ms. Kathy Belarmino, right?" Hindi ako interesado sa mga sasabihin niya para kasing sumasabog na granada ang boses. May pagkapolitician na aktibista ang dating. Reality at pait ng buhay ang gusto niya. Kaguluhan sa Mindanao, ginigilitang manok, stampede sa Ultra, Rambol sa Mediola pati lalaking umiihi sa gulong ng sasakyan kasali. Mas malaki pa siguro Spoliarium iyon, sasakalin ko ang babaeng ito kapag abstract ang kalalabasan.

Matapos niyang magsalita tinitigan niya ako ng matagal na pwedeng makamatay tapos ay tinaasan niya ako ng kilay. Now I know, may sira ito o galit siguro sa lalaki.



-itutuloy..



chapter 2|3 4 5

 
Last edited by a moderator:
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 2

ako yung gumagawa ng caricatures nilang dalawa na naghahug...hahaha
i-insert mo na ako sa scene papa P:lmao:

napatawa ako sa angry birds na yun:laugh:

abang abang na naman:more:

:megaphone:mga graphics artists jan na kinikilig sa mga gawa ni papa P gawan nyo na xa ng banner:dance:
 
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 2

Nakakabitin ulit!!hahaha =)
 
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 2

:wow: nag update ang Papa P :lol: san ba makakanood nung 500 days of summer :unsure:

para maka relate :lol:
 
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 2

mag uupdate ako agad kapag may tumupad ng hiling ko .. :rofl:

jef di naman need manood nun para makarelate iba ang flow nito, natuwa lang ako sa way ng pagkukwento ng lalaking bida dun..hehe
 
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 2

ay ganun pala :lol: ano bang banner ang gusto mo :unsure:

pagawa tayo dun sa tatlo :lol:
 
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 2

kahit anong banner..

Sang part kaya maisingit si recci.
 
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 2

melala, gawa na ng banner!
 
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 2

May naiisip nako heheh.. Nakakachallenge haha..
 
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 2

ayos 2.. hhe.. mas mganda cguro kung may ksmang pictures pra style manga na. hha..
 
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 2

..more more more... hehehehehe..maganda..
 
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 2

:salute:nice story chapter 1 pa lang astig na thanks po


edit: napakaganda ng story napanigiti ako habang nagbabasa ang galing antayin ko na yung kasunod:lol:
 
Last edited:
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 2

:rofl: :rofl: :rofl:
gusto ko lang ay tumawa...:lmao:
 
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 2

part 3!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! :excited:
 
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 2

wait tayo ng gagawa ng banner/logo/pic :D
 
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 2

sinusubaybayan ko
ang mga susunod pang kabanata :salute:

iba talaga ang dating ng
chicken adobo.. - masarap!
 
Last edited:
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 2

Nice story abangan ko ang susunod na kabanata
 
Back
Top Bottom