Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Chicken Adobo - A Love Story

a.jpg


image credit : komwari​


boy meets girl story. 500 days of summer inspired

a must a read!!! - CNN

ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim

pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal

ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown

Chapter I

Kung may babalikan akong parte ng buhay ko siguro noong nakilala ko si Kathy. Dumating siya sa buhay ko noong mga panahong nag-iisa ako. Literal na nag-iisa. I hate being alone pero wala naman akong choice.

Sa bawat araw na lumipas naalala ko ang aking magulang. Minsan hindi ko namamalayan may luha na pala sa mata ko. Ilang beses may nakapapansin sa akin sa mga ganoong pagkakataon, napuwing ang gasgas na linya kong palusot. My mom died a year ago. The last year of her life was in and out of the hospital due to diabetes complications. After 2 months of mourning, Dad died of heart attack.

Nagresign ako sa trabaho dahil sa depression. Inisip ko kung magbabyahe ako mawawala lahat. Liliparin ng hangin ang sakit na pilit na ipinapasan sa akin. Tatangayin ng agos ang pangungulila ko sa aking mga magulang. Iniwan ko ang ang lugar na kinalakihan para tanggapin ang lahat. Ang bawat hakbang ko palabas ang pintuan ay ubod ng bigat. Tila walang katapusang hakbang bago makalabas ng pintuan.

Bumili ako ng music album, nanonood ng concert at nalasing sa Malate. Pero may kulang pa din. Hindi ako masaya. Binisita ko ang mga magaganda at sikat na lugar para maalis ang lungkot na bumalot sa aking puso. Pero sa huli, hinahanap-hanap ko ang daan pauwi.

Naisipan kong pumasok sa isang Art Class. Sabi nila kapag nasa lowest moment ka ng buhay mo, lalabas ang artistic side ng isang tao. Hilig ko ang drawing kaya painting ang pinili ko para ibalik ang kulay na noo'y nawala sa aking mundo.

"I am Ms. Jheana Reynaldo, your instructor. I know lahat ng nandito may reason kung bakit gustong mahasa sa pagpipinta. May naglilibang, gustong makalimot, gustong may maalala, hasain ang sarili at kumita." Kung titingnan si Ms. Reynaldo mas iisipin kong isa siyang call center agent sa porma niya. Nakajacket kahit mataas na ang araw sa labas. "Oh ngayon pwede ko bang malaman kung ano ang dahilan ng pagpunta ninyo dito?"

Tumayo ang lalaki sa unahan at sinabing gusto niyang matutunan ang sekreto sa likod ng still image. Kesyo, buhay na buhay daw kung pagmamasdan. Iyong isa naman gusto niyang sundan ang tapak ng kanyang ama, sceneries naman ang gusto niyang ipinta. Ang babaeng malapit sa bintana marunong na daw magpinta gustong hasain lang ang skills at matuto ng iba pang techniques. Naaliw ako sa pakikinig sa sagot ng bawat isa. Malalim ang kanilang pinaghuhugutan. Hindi ko alam kung tama bang pumasok ako dito. Naghihintay ako ng sunod na sagot, hindi ko namalayan na lahat ng mata ay nakatingin sa akin. Naghihintay na pala sa aking sagot.

"You, Mr. Bautista? Anong gusto mong ipinta at bakit?"

"Chicken Adobo." Nagtawanan ang buong klase. Sa tipo ko hindi ko gawain ang magbiro. Lalo na kapag inaantok ako.

"Tulala 'yan kanina pa! Akala siguro lunch na!" Bahagya lang akong nagkunot ng noo sa babaeng malapit sa aking upuan.

"I guess you are staring at me?"

"Kapal mo ha?!"

Ibinaling ko muli ang atensyon ko kay Ms. Jheana. "My Mom is a good cook. Mahalaga ang role ng Chicken Adobo sa amin kasi lahat kami paborito iyon. Ito iyong time na magkakasama kaming kumakain at masayang nagkukwentuhan. My parents are in the hands of our Heavenly Father, ang chicken adobo ang magpaparemind ng connection namin tatlo. Sa palagay ko, kung ibubuhos ko sa painting ang feelings ko, makakagawa ako ng magandang obra."

"Thank you, Mr. Bautista."

"Deep. Pwede ka ng dramatic actor. Adobong nagsasalita," pabulong na wika ng babae. Sa natatandaan ko, wala akong taong sinaktan o nilamangan nitong mga nakaraang araw para magkaroon ako ng isang hater.

"Ms. Kathy Belarmino, right?" Hindi ako interesado sa mga sasabihin niya para kasing sumasabog na granada ang boses. May pagkapolitician na aktibista ang dating. Reality at pait ng buhay ang gusto niya. Kaguluhan sa Mindanao, ginigilitang manok, stampede sa Ultra, Rambol sa Mediola pati lalaking umiihi sa gulong ng sasakyan kasali. Mas malaki pa siguro Spoliarium iyon, sasakalin ko ang babaeng ito kapag abstract ang kalalabasan.

Matapos niyang magsalita tinitigan niya ako ng matagal na pwedeng makamatay tapos ay tinaasan niya ako ng kilay. Now I know, may sira ito o galit siguro sa lalaki.



-itutuloy..



chapter 2|3 4 5

 
Last edited by a moderator:
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 2

"Bakit laging ako?" naiiritang wika ni Kathy habang pakaikot-ikot sa upuan. Gusto ko sanang tumutol para sabihing hindi lang siya ang biktima.

"Ako nga kasama din diyan hindi ako nagrereact na parang may nawala. At sino ba namang may gustong ang makasama ang isang warfreak?"

"Sinong warfreak?"

"Ako. Ako warfreak. Hindi naman pwedeng siya," pilosopong sagot ko habang itinuturo ang katabi ko.

"Wala ka na bang magawa kaya idadamay mo ako sa boring na buhay mo?!"

"Ayaw mo nun sumisikat ka dahil sa akin?"

"Ayaw na ayaw ko ng mauulit ito, please lang."

Tumingin ako sa kaliwa at sa kanan. Sinubukan ko din tumingin sa ilalim baka may naiwang traces ang salarin. May bagay sa likod ng isip ko na nagtulak para alamin ang tao sa likod ng caricature. Dumaloy sa dugo ko ang napanood kong pelikula ni Sherlock Holmes. Hindi ako makikipagbagaan ng galit kay Kathy Belarmino mas pipiliin kong mag-imbestiga. Hahayaan ko siyang magtatalak hanggang maubusan ng hininga.


Mahina at halos pabulong lamang ang side comment ni Kathy kahapon kaya nasa radius lamang namin ang pwedeng gumawa ng caricature na magkayakap. Kung may paghihinalaan ako una sa listahan ang katabi ni Kathy na si Recci. Minsan din siyang naging member ng editorial cartooning kaya posibleng sa lapis din siya nag-umpisa. Hindi naman siguro siya mahirap maging kaibigan. Ilang red horse kaya ang kailangan ko bago siya mapatumba at mapaamin? Sunod kong pinaghihinalaan si Enrico. Siya ang nasa unahan ko at walang ginawa kundi tumawa sa tuwing nadidinig niya ang asaran namin. Gusto ko na ngang sakalin. Siguro natuwa kaya gusto pahabain ang ikwentro. Nasa dugo niya ang pagiging visual artist kaya kailangan ko ng matinding surveillance. Ang huli ay si Erika dahil maaga siyang pumasok.


"Posible kayang maging maamo ang kanyang mukha?" tanong ko sa sarili. "Siguro naman may pag-asa pa." Hindi ako pamilyar sa mukha ni Kathy Belarmino kaya hanga ako sa gumawa ng caricature dahil narecognize niya agad physical qualities namin.

Sinundan ko ng tingin ang bawat lakad ni Ms. Reynaldo sa unahan para hindi mahalatang sinusulyapan ko si Kathy Belarmino. Hindi naman siguro masama kung makipagtunggali ako sa gumagawa ng caricature. Matagal na din akong hindi nakapagdrawing, ang huli pa yata ay sa upuan ng JAC Liner bus.

Nasa chin ang isang kamay ni Kathy habang ang isa ay may hawak na lapis. Ganun pala ang itsura n'ya kapag tahimik hindi katulad kanina na parang galing sa planet of the apes. Sinimulan kong gumawa ng doodle para maging pattern ng kanyang itsura. Dahil nakikinig din ako sa mga sinasabi ni Ms. Reynaldo hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin ang kanyang petite na pangangatawan, manipis na kilay na tila magkakasalubong lamang na langgam, kulot na dulo ng buhok, maputing batok, mga kukong may hugis puso, Dolce and Gabbana na scent at brasong may Herbs and Beauty Lotion. May kalalalim kasi ang discussion ni Ms. Reynaldo sa painting ng four horsemen ni Darius I kaya nawalan ako ng oras para obserbahan siya.


Mission 101: Kaibiganin si Recci at lasingin para umamin.

"Matindi ang tama mo! Inlove ka!" wika ni Recci habang tinatapik ang aking balikat. Kung nakatagal-tagal pa ay tatamaan na din siya sa akin. "Bagay kayo ni Kathy!"

"Malabo 'yan! Ang tipo niya ang hindi ko magugustuhan!" Tinapik ko din siya sa balikat para makaganti naman. "Kung may sequel ang godzilla pwede siyang bida."

"Denial 'dre? Hindi makakalampas sa akin ang mga kilig moments na iyan! Ganyan din ang sinabi sa napanood kong Crazy Thing Called Love! Ilang araw mula ngayon makikipagbuno ka na sa pana ni kupido. Ewan ko lang kung makailag ka."

Sabi ni Newton, an object will remain at rest unless acted upon by a moving force. Ano kayang klaseng force ang dapat kong ibigay sa kausap ko para mag-remain at rest habang buhay?

"Itigil mo na ang panonood ng TV, masama sa'yo." Kumuha ako ng isa pang bote ng Red Horse sa chiller habang inuumpisahan ni Recci na lagyan ng ketchup ang paborito kong hotdog sa 7-eleven. Kita ko kung paano sumablay sa paglalagay ng mayonaise ang aking unang suspect. Lasing na. Sana. "Okay ang sketches mo dito ah? wika ko habang binubuklat ang lumang album sa ilalim ng mesa. Inabutan ko pa siya ng isang bote para tuluyang mawala sa sarili.

"Wala 'yan. Luma na iyan!"

"Family mo? Galing ah. Hawig don sa caricature sa Art Class ang istilo."

"Aling iyong magkayakap kayo ng syota mo? Ganda ba? Pilit mo talagang binalik sa chicks ang usapan."

"Oo. Ano kayang medium ginamit don?"

"Charcoal lang iyon 'dre tapos oil para buhay ang dating." Medyo nabubuhayan ako ng loob. Mukhang makikilala ko na ng salarin. Motibo na lang ang gusto kong malaman.

"Bilib din naman ako at mabilis mong natapos ang drawing."

"Alin ba pinag-uusapan natin? Iyan ba o ang sa Art Class."

"Sa Art Class."

"Gulo mo naman kausap. Huwag mo nga akong lokohin, gusto mo lang purihin kita sa drawing mo! Nagpapaimpress ka lang kay Kathy! Type ka nun! Saten lang 'to ha, kita ko si Kathy gumagawa ng sketch mo napatigil lang kasi akala nakatingin ka sa kanya kanina. Sinundan mo lang pala ng tingin si Ms. Reynaldo. Muntik pa nga siya mapatili."

"Ano?"

"Bingi? CR lang ako dre." Tumayo si Recci dahil may tama na medyo nawalan siya ng balanse. Aksidenteng natabig ang bag ko at sumambulat ang laman.

Pinulot niya ang sketch pad ko at nakita ang doodle ko kanina. "Positive. Asintado si kupido."

itutuloy...
 
Last edited:
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 3

Mission 101 :rofl:
tawang tawa ako dun ah...wahahaha
ang galing talaga worth waiting ang storya ng pag ibig nila:clap:

bitin na naman:more:
 
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 3

Recci wag muna magsuka, shot pa :laugh:
 
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 3

lasing na si crodua :rofl:

astig, aabangan ko to :salute:
 
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 3

dami kong tawa papa P :lmao: gusto ko yung at rest habang buhay tsaka yung ayaw mo yun sumisikat ka dahil sakin :lmao:


pero the best yung doodle :lmao:
 
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 3

astig :lol: comedy ka din pla sumulat :lol: tawa ko ng tawa habang binabasa:thanks: ang galing mo talaga antay mode ulet sa kasunod:thumbsup:
 
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 3

big twist yung next update..

Sana magbigay saken ng doodle.. Kahit dalawang paper doll. Wala na ko time magdrawing e.. Hehe
 
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 3

:more: next na panjo.. :excited:
excited much na naman ako.. :lmao:
nabuhay uli ang dugo ko sa pagbabasa ng short stories.. :rofl:
 
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 3

ano kaya ang twist na yun??:think:

baka maging bida na si Recci sa kwento:lmao:

MAS lalong na excite :excited:
 
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 3

ok to ah! ngayon ko lang nakita.. galing naman, aabangan ko ito. share ko rin sa iba para mabasa din nila. aabangan ko talaga to. Nagbabalik memories ng college days. Thanks for this :clap:
 
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 3

Nice job TS..
sana ganyan din ako mag gawa ng story!
Like 100%
 
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 3

lasenggero si recci :laugh:

ako din natatawa at labas ang mga ipin.

:more:
 
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 3

pipilitin kong makapag update agad. may tinatapos lang akong design ng isa ko pang blog. :D
 
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 3

Starring si idol ah. :lol:

Boss panj, pakitingnan kung ok na tong gawa ko. Gagawin ko din siya gumagalaw para mukhang nagtatalo talaga. Haha medyo magaspang. Sa selpon ko lang ginawa

a.jpg


Pa-OT ate jefiner, pano mo po ginawa yung siggy mo na JEFFY ang ganda. :)
 
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 3

Starring si idol ah. :lol:

Boss panj, pakitingnan kung ok na tong gawa ko. Gagawin ko din siya gumagalaw para mukhang nagtatalo talaga. Haha medyo magaspang. Sa selpon ko lang ginawa

a.jpg


Pa-OT ate jefiner, pano mo po ginawa yung siggy mo na JEFFY ang ganda. :)

ganda boss.. kunin ko na ha. lagay ko sa blog ko.. salamat.. :thumbsup::salute:
 
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 3

Sige boss panj. Kasalukuyan kong pinapagalaw. Medyo mabagal yung outcome. Pabilisin ko muna. :D
 
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 3

naexcite ako! nailagay ko na agad sa blog ko..
 
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 3

boss salamat sa mga gawa mo nakakapagpabago ng pagkatao...haha.. sana maupdate, kahit medjo busy ka...:salute:
 
Re: Chicken Adobo - A Love Story - 3

parang may naaamoy akong update... :laugh:
 
Back
Top Bottom