Dalawang Oras
Hindi ko kilala ang aking kasama,
Sapagkat bago pa lamang kami magkakilala
Hindi ko alam kung bakit agad siyang sumama
Ayan tuloy ako’y nataranta.
Sa ganda at amo ng kanyang mukha,
Bibig ko ay hindi makapagsalita.
Ano ba itong naramdaman ko,
At bigla akong nalito.
Naging ayos rin ang lahat
Nagpatuloy kami sa pagtahak
Daan na sana ay walang hangganan,
Subalit si oras ang aming kalaban
Lugar na aming inasam na puntahan
Para ito ang maging sandigan
Pagkakaibigan na sana’y makabuluhan
Pag-ibig na aking inaasam
Kanyang kamay aking hinawakan
Sobrang saya aking naramdaman
Subalit ako’y kanyang binitiwan
Bakit ganito, Pag-ibig nga naman.
Dalawang oras na aming pinagsamahan
Na gusto kong balikan kahit kelan.
Pagkakaibigang nabuo sa harap ng karagatan,
Nauwi lang sa salitang, PAALAM.
Hindi ko kilala ang aking kasama,
Sapagkat bago pa lamang kami magkakilala
Hindi ko alam kung bakit agad siyang sumama
Ayan tuloy ako’y nataranta.
Sa ganda at amo ng kanyang mukha,
Bibig ko ay hindi makapagsalita.
Ano ba itong naramdaman ko,
At bigla akong nalito.
Naging ayos rin ang lahat
Nagpatuloy kami sa pagtahak
Daan na sana ay walang hangganan,
Subalit si oras ang aming kalaban
Lugar na aming inasam na puntahan
Para ito ang maging sandigan
Pagkakaibigan na sana’y makabuluhan
Pag-ibig na aking inaasam
Kanyang kamay aking hinawakan
Sobrang saya aking naramdaman
Subalit ako’y kanyang binitiwan
Bakit ganito, Pag-ibig nga naman.
Dalawang oras na aming pinagsamahan
Na gusto kong balikan kahit kelan.
Pagkakaibigang nabuo sa harap ng karagatan,
Nauwi lang sa salitang, PAALAM.