Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Dear Doc | ang thread para sa mga katanungang medikal

mcghers69

Recruit
Basic Member
Messages
11
Reaction score
1
Points
18
Dear Doc,
Ako po ay diabetic, itong dalawang paa ko halos wala nang feelings hehe, di na po makaramdam at kadalasan ay sumasakit sya. Ano po gagawin ko para manumbalik sa normal.
Salamat po..
 
foxtrot25

Symbianize Chieftain
Advanced Member
Messages
1,280
Reaction score
0
Points
26
Doc ano best vitamin sa laging puyat at sa mga male na medyo may edad na at nagkaka wrinkles...
 
imba_kan

The Ultimate Symbianizer
Advanced Member
Messages
3,170
Reaction score
694
Points
228
Heartthrob of the Month
Soul Stone
Space Stone
Power Stone
Reality Stone
Time Stone
Perfect Health
Eternal Love
Royal Wisdom
Solid Family
Ultimate Endurance
Divine Faith
doc anong pwdeng gawin sa mga sumasakit na likod at kasukasuan,
 
Weisz Steiner

Professional
Advanced Member
Messages
188
Reaction score
62
Points
148
Reality Stone
Time Stone
Power Stone
Soul Stone
Mind Stone
Space Stone
Dear Doc,
Ako po ay diabetic, itong dalawang paa ko halos wala nang feelings hehe, di na po makaramdam at kadalasan ay sumasakit sya. Ano po gagawin ko para manumbalik sa normal.
Salamat po..
Ang tawag sa condition mo is diabetic neuropathy. Dahil malapot ang dugo (dahil sa ?mataas na sugar), unti-unting "nababakbak" ang mga nerves natin. Dahil dito, hindi makakarating ang pain signals ng maigi sa utak.

Ito ang karaniwang sanhi ng diabetic foot. Minsan kasi hindi nararamdaman ng isang diabetic na may sugat pala sya sa paa, hanggang sa lumala ito at pwedeng ikaputol ng para.

Ang tanging paraan para naayos ang diabetic neuropathy ay ang agarang pagcontrol ng sugar. Mas maigi na kumonsulta sa iyong internal medicine doctor (preferably diabetologist), para ma-guide ka kung paano gagamutin ang current condition mo.
Post automatically merged:

Doc ano best vitamin sa laging puyat at sa mga male na medyo may edad na at nagkaka wrinkles...

1. "Best vitamin sa laging puyat"
Actually, if balanced naman diet mo (half of plate is carbohydrate), 1/4 of plate is meat, 1/4 of plate is fruits and vegetables, then hindi mo na kailangan ng vitamins, actually. Binibigay lang ang vitamins talaga if ever may makita man yung duktor na nagkululang sa katawan ng pasyente. Kung hindi balanced ang diet mo, actually, any vitamin brand will do, kahit yung generic okay lang naman.

2. "Nagkaka-wrinkles"
- ang biggest contributor sa wrinkling ng isang tao, especially sa pagtanda is UV light exposure, kaya ang suggestion ng mga dermatologist, (bago magka-wrinkles at habang bata pa) ay gumamit ng sunscreen always, lalo na kapag lumalabas.
- vitamin E is an antioxidant so makakatulong din to kahit papano, but will not reverse the wrinkles
- some opt for Botox injections para mawala temporarily yung wrinkles, but not exactly a cure.
 
Rogue

Apprentice
Advanced Member
Messages
89
Reaction score
0
Points
26
may problema ako sa snoring doc, and tingin ko sleep apnea na sya
ayaw ko nman po mag machine kasi tingin ko kahit gumamit ako nun magsasawa rin ako kagaya s mga nababasa ko sa reviews they prefer na hayaan nlng ung snoring instead s pagpapahirap s gumamit ng cpap

should i opt for tonsillectomy poba doc???
 
Weisz Steiner

Professional
Advanced Member
Messages
188
Reaction score
62
Points
148
Reality Stone
Time Stone
Power Stone
Soul Stone
Mind Stone
Space Stone
doc anong pwdeng gawin sa mga sumasakit na likod at kasukasuan,
Does your work entail sitting most of the day?

If yes, then you may have problems with your positioning. Ang common suggestion namin is to stretch every 5-10 mins while at work and usually sitting. Yung iba naman, if abot sa budget, they usually buy yung height-adjustable table, so minsan upo sila tapos kapag nangalay na, tayo naman.
Post automatically merged:

Doc may tanong po sana ako kaya lang nakakahiya kasi
Pweds naman po kayo mag-message if nahihiya. :)
Post automatically merged:

may problema ako sa snoring doc, and tingin ko sleep apnea na sya
ayaw ko nman po mag machine kasi tingin ko kahit gumamit ako nun magsasawa rin ako kagaya s mga nababasa ko sa reviews they prefer na hayaan nlng ung snoring instead s pagpapahirap s gumamit ng cpap

should i opt for tonsillectomy poba doc???
Obstructive sleep apnea is a medical condition na kapag napabayaan may lead to serious consequences like hypertension, coronary artery disease (bara sa ugat ng puso), arrhythmias (may problema sa conduction ng kuryente sa puso) and heart failure (paghina ng puso).

I know a friend who uses a CPAP and hindi sya abala. It actually helps with sleep.

Who suggested tonsillectomy? Sinilip ba yung lalamunan mo before they suggested it? Mas maganda sana if makita ng ENT para ma-assess ng maayos. While tonsillectomy is relatively safe naman and can help with OSA, pero syempre, surgery pa din sya, so we need to make sure na inooperahan ka for the right reasons.
 
dati po nung 2019 nagpacheckup po ako sa tonsillitis ko tinanong ko na din tungkol sa snoring(sinabi ko na mala sleep apnea)

sabi ng ent doc mag pa sleep study daw ako kung may sleep apnea tlga and mag opt for tonsillectomy since my kissing tonsil daw po ako at sinabi ko na plagi ako nagkaka tonsilitis or sorethroat pero dapat daw mapapayag ko daw yung doctor( dun sa pinag consult ko hindi daw sya nag susurgergy ng ganun), pero from 2020 po prang isang beses ako nagkatonsilitis

may nasearch po ko ngayon Sleep Dentistry, ano po tingin nyo dito?
https://www.gaocdental.com/services/sleep-dentistry

saka doc totoo poba na hihina resistensya mo kpag wala na yung tonsil mo?
 
Weisz Steiner

Professional
Advanced Member
Messages
188
Reaction score
62
Points
148
Reality Stone
Time Stone
Power Stone
Soul Stone
Mind Stone
Space Stone
dati po nung 2019 nagpacheckup po ako sa tonsillitis ko tinanong ko na din tungkol sa snoring(sinabi ko na mala sleep apnea)

sabi ng ent doc mag pa sleep study daw ako kung may sleep apnea tlga and mag opt for tonsillectomy since my kissing tonsil daw po ako at sinabi ko na plagi ako nagkaka tonsilitis or sorethroat pero dapat daw mapapayag ko daw yung doctor( dun sa pinag consult ko hindi daw sya nag susurgergy ng ganun), pero from 2020 po prang isang beses ako nagkatonsilitis

may nasearch po ko ngayon Sleep Dentistry, ano po tingin nyo dito?
https://www.gaocdental.com/services/sleep-dentistry

saka doc totoo poba na hihina resistensya mo kpag wala na yung tonsil mo?
Sleep study is done by neurologists, as far as I know. Pwede ka kumonsulta sa mga private hospitals and ask if may sleep study package sila. And yes, sleep study is suggested for patients na may suspected sleep apnea.

As for immunity (resistensya), no. The tonsils help with immunity, yes, pero if you search for Waldeyer ring, you'll know na aside from the tonsils na usual nating alam, meron pang ibang tonsils na nakapalibot sa daanan natin ng hangin. They will take over once natanggal na yung tonsils natin. Actually, I had mine removed na nung bata pa lang because of recurrent tonsillitis, and di naman humina resistensya ko.
 
zerohour1320

Salty Salmon Slice
Star Member
Rare Diamond Member
Messages
2,112
Reaction score
455
Points
908
Perfect Health
Endless Happiness
Absolute Peace
Good Luck
Eternal Love
Enormous Fortune
Royal Wisdom
Solid Family
Ultimate Endurance
Divine Faith
Mind Stone
Space Stone
May ganitong thread pala dito. Congratulations ts! Naaalala kita, active ka dati sa health and fitness thread.

May katanungan ako ts

Around September, nagkaron ng difficulty in swallowing yung girlfriend ko. More on solid food, pero wala syang problema mag swallow ng liquid. Bale feeling niya merong natitirang pagkain everytime na nagsswallow sya.

Nagpacheckup kami, and to rule out cancer, na esophago-gastro-duodenoscopy siya. Clear naman. Nag undergo din sya ng barium swallow to rule out neurologic pathology. Clear din.

Na diagnose siya ng gerd. Though wala siyang naffeel na regurgitation o pangangasim ng sikmura, malaking symptom naman yung difficulty in swallowing. Naprescribe sakanya lanzoprazole na orodispersible kasi di niya matolerate yung paglunok ng normal capsule ng omeprazole or lanzoprazole. Continuous siyang nagtake for one month. Kasabay din ng gaviscon.

After one month, walang improvement. Nagdecide kaming umuwi ng pilipinas for second opinion.

Na recommend sakanya magpa MRI and ct scan para makasiguro. Ginawa dn namin. Binigyan dn sya ng dexlanzoprazole in lieu of lanzoprazole, then domperidone para sa swallowing. Ginawa niya to for 2 months.

Na wean din siya for ilang weeks bago siya nag discontinue ng dexlanzoprazole. Nagimprove yung nararamdaman niya and nawala yung dysphagia.

Ngayon nakabalik na kami, probably around three weeks after ng regimen, nagsisimula na naman ulit yung nararamdaman niya.

Ang tanong ko ts, ano pa ba ang pwedeng gawin? Aside from proper diet like pag iwas sa fatty foods, caffeine, anything acidic, etc. which is ginagawa na rin niya. Ano maaadvice mo? Meron pa naman sya siguro 30 tablets nung dexilant kasi inisip namin for emergency baka magamit namin. Pero di rin kasi siya pwedeng gawing long term.

Nag consult dn pala kami sa ent and sa neurology wala dn sila mairecommend.

Thanks ts
 
Fico

The Saint
Veteran Member
Messages
920
Reaction score
110
Points
178
Power Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
Bookmark ko lang muna to dito Doc. Pwede ba magtanong sa inyo about sa baby?
 
I think your girlfriend has an esophageal dysmotility disorder, nagawan na ba ng esophageal manometry? It can be triggered by a lot of things actually. Although I'm sorry I cannot comment further kasi medyo may out of my league na sya, pasyensya na. May gastroenterologist ba sya?
Post automatically merged:

Bookmark ko lang muna to dito Doc. Pwede ba magtanong sa inyo about sa baby?
Of course, pwede naman po.
 
Xynz

The Patriot
Advanced Member
Messages
667
Reaction score
525
Points
343
Good Luck
Perfect Health
Eternal Love
Enormous Fortune
Royal Wisdom
Solid Family
Ultimate Endurance
Divine Faith
Endless Happiness
Absolute Peace
Mind Stone
Space Stone
Hello Doc. I've been vomitting blood, I drink and smoke, every three days eh nag iinom kami ng mga tropa ko since nung November 2022. Nag start nanaman siya ulit last January 2nd week.

Hindi naman first time mangyari to, actually, circa 2016 first time na nangyari to. Same routine, halos araw araw kaming nasa Club sa Morato.

Two Fistful of blood ang naisuka ko kaninang umaga. Last medical ko was January and wala naman mali sa katawan ko except don lang sa sigarilyo at vape na pinapaalis na sakin ng Family Doctor namin.

I know something is wrong with me. Hindi naman po ako highblood, actually nga po anemic ako nad my highest bp was 110/80 and the lowest was 90/60.
 
Erasiapariv

Proficient
Advanced Member
Messages
279
Reaction score
10
Points
28
Dear Doc,
Ano po bang gamot (longterm relief) sa laging nag-aacidic ang tiyan? Nakakaranas ako ng pagsikip ng paghinga kapag naka-kain ng bawal na pagkain, minsan nakakaranas din ng pagsakit ng ulo. Nakonsulta ko na din po sa Doctor at nirestahan po ako ng omeprazole 20mg twice a day at ciprofloxacin. Recurring pa din tuwing nakakakain ako ng bawal at sa tuwing na sstress ako. Tinigil ko na ang softdrinks nung inatake ako at dinala ako sa emergency last November. Sana mabigyan mo ako ng advice kung ano gagawin ako at kakainin ko. Gusto lang sana mabalik kung ano ako dati at gusto ko lang sana uminom ng alak:toast:

Maraming salamat po
 
I think this is a problem worth looking at face-to-face by a physician. I would suggest going to an internal medicine specialist since a lot of problems may be manifested by vomiting of blood, like gastric ulcer, TB, or bleeding esophageal varices, among others. Ideally kapag ganito, need investigate kaagad kung ano ang possible cause.
Post automatically merged:

Dear Doc,
Ano po bang gamot (longterm relief) sa laging nag-aacidic ang tiyan? Nakakaranas ako ng pagsikip ng paghinga kapag naka-kain ng bawal na pagkain, minsan nakakaranas din ng pagsakit ng ulo. Nakonsulta ko na din po sa Doctor at nirestahan po ako ng omeprazole 20mg twice a day at ciprofloxacin. Recurring pa din tuwing nakakakain ako ng bawal at sa tuwing na sstress ako. Tinigil ko na ang softdrinks nung inatake ako at dinala ako sa emergency last November. Sana mabigyan mo ako ng advice kung ano gagawin ako at kakainin ko. Gusto lang sana mabalik kung ano ako dati at gusto ko lang sana uminom ng alak:toast:

Maraming salamat po
Ang hyperacidic, may stay hyperacidic pa din in the long run, kaya ang suggestion talaga ay pag-iwas sa bawal. After mo ba mag-gamot, bumalik ka uli sa duktor mo?

Usually kasi, kapag may GERD (more medical term, gastroesophageal reflux disease), yung parang "pinto" ng sikmura from the esophagus papunta sa mismong stomach ay maluwag, so yung stomach acid ay umaakyat pabalik ng esophagus. Minsan kapag sobrang luwag ng "pinto" na to, kailangan syang operahan para maisara ng maayos.

In the meantime, pwede mo muna gawin mga to:
- umiwas sa bawal, mamantika, maanghang, maasim na pagkain, carbonated drinks
- mag-maintain ng upright position hanggang 3-4 hours pagkatapos kumain (wag muna humiga pagkatapos kumain)
- iwasan ang mabibigat na trabaho like weightlifting (kasi pinapataas nito ang pressure ng sikmura kaya aakyat talaga ang acid)
- kapag natutulog, pumwesto na nakaharap sa kaliwa
 
Last edited:

SuperZheL

Sweet but Psycho
Prime Member
Advanced Member
Messages
14,486
Reaction score
3,079
Points
268
Eternal Love
Royal Wisdom
Good Luck
Enormous Fortune
Space Stone
Mind Stone
Power Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
Doc normal lang po ba makaramdam ng kirot sa surgical scar lalo na kapag malamig ang panahon kahit matagal ka ng naoperahan?
 
roeljay111

The Martyr
Advanced Member
Messages
798
Reaction score
1
Points
28
magandang araw po doc, nag tatake po ako ng vitamins na Ling zhi(may steroids content kasi eto) kaya dito ako gumanang kumain at tumaba.... matagal napo ako nag take nito since 2015 pa until now.. plano ko sana e stop to dahil di na normal ang pagtaba ko, naging bloated na ang pisngi ko at yung tiyan ko ay subrang laki na, ang problema lang ay sumasakit ang ulo ko or Severe fatigue pag wala yang vitamins na yan or hindi ko sya ma maintain sa isang araw... sana mapansin mo doc, salamat
 
Erasiapariv

Proficient
Advanced Member
Messages
279
Reaction score
10
Points
28
Ang hyperacidic, may stay hyperacidic pa din in the long run, kaya ang suggestion talaga ay pag-iwas sa bawal. After mo ba mag-gamot, bumalik ka uli sa duktor mo?

Usually kasi, kapag may GERD (more medical term, gastroesophageal reflux disease), yung parang "pinto" ng sikmura from the esophagus papunta sa mismong stomach ay maluwag, so yung stomach acid ay umaakyat pabalik ng esophagus. Minsan kapag sobrang luwag ng "pinto" na to, kailangan syang operahan para maisara ng maayos.

In the meantime, pwede mo muna gawin mga to:
- umiwas sa bawal, mamantika, maanghang, maasim na pagkain, carbonated drinks
- mag-maintain ng upright position hanggang 3-4 hours pagkatapos kumain (wag muna humiga pagkatapos kumain)
- iwasan ang mabibigat na trabaho like weightlifting (kasi pinapataas nito ang pressure ng sikmura kaya aakyat talaga ang acid)
- kapag natutulog, pumwesto na nakaharap sa kaliwa
Salamat po Doc, hindi na ako nakabalik after nung gamutan po. Sa ngayon po nahihirapan ako mag-dighay pero di ko na nararanasan yung parang nahihirapan huminga. Can you suggest po any diet plan para sa mga acidic na tulad ko, yung eksaktong list of food na bawal sakin at good saakin. Yung doctor ko po kase nirecommend nya Energen is good for me po which is pinalit ko sa Milo (dati) at binawal kase saken ang saging (fresh at boiled), mansanas, and kahit yung oatmeal (na inakala ko lahat pwede sa mga acidic base sa google search ko po) along with mamantika, gata, maanghang, maaasim etc. Haiz, stress na po sa mga kakainin ko po.

Balak ko sana na mag cycling pampapawis at para na rin pang anti-stress ko. Is it good po ba?

Maraming salamat po Doc sa tugon.
 
Back
Top Bottom