Did Jesus Really Rise from the Dead?
Ayon kay Dr. Gary Habermas meron apat na katotohanan na tinatanggap ng karamihan sa mga scholars na nagsaliksik patungkol sa resurrection (90 percent of all scholars). Itong apat na ito ay pinaniniwalaan ng karamihan sa mga kalaban at kaibigan ng Kristiyanismo. Para sa kanila ang apat na ito ay historical o totoong nangyari. Paano nalaman ni Dr. Gary na 90 percent ang naniniwala na historical ito? Ayon sa kanya, nagresearch siya ng mahigit 3400 sources o mga books na napublished in French, German at English. Ito ay mga major publications na related sa kamatayan, pagkalibing, at pagkabuhay muli ni Jesus. Tinignan niya sa mga books na ito ang pananaw o views ng mga scholars patungkol sa resurrection.
4 Minimal Facts of the Resurrection
1. Si Jesus ay namatay sa krus at inilibing.
2. Ang libingan ni Jesus ay walang laman at wala ni isa ang nakapaglabas ng katawan niya.
3. Naniwala ang mga alagad na nakita nilang nabuhay muli si Jesus mula sa patay.
4. Nagbago ang buhay ng mga alagad ni Jesus matapos makita ang muling pagkabuhay nito.
Kung mapapansin ninyo, wala sa mga apat na ebidensyang ito ang nagsasabi na totoong bumangon mula sa patay si Jesus. Meron ilang paliwanag ang mga skeptics sa apat na ebidensyang ito.
Una…Nagkamali ang mga alagad na patay na si Jesus
Sinasabi ng ilang skeptics na maaring nagkamali ang mga alagad tungkol sa pagkamatay ni Jesus sa krus. Ayon sa kanila posibleng naligtasan ni Jesus ang bugbog na sinapit niya at pagkapako. At nagpakita siya sa kanyang mga alagad pagkatapos niyang makarecover.
Ang mga problema…
Ipinapaliwanag ng teoryang ito na kaya walang laman ang libingan, at kaya nakita nilang muling nabuhay si Jesus pati na rin ang biglang pagbabagong buhay ng mga alagad ay dahil sa nagkamali ang mga alagad na patay na si Jesus at ito pala ay nakarecover. Kaso bigo ang theorya na ito na ipaliwanag ang naobserbaan ng mga alagad ng ibaba nila mula sa krus si Jesus.
Kung mahal ng mga alagad si Jesus, diba ang unang titignan ichicheck nila ay kung may pulso pa si Jesus? Kung si Jesus ay humihinga pa ba? Itong test na ito ay simpleng gawin at epektibo, kahit sino ay kayang gawin ito. Tatlong kondisyon rin ang maliwanag na mapapansin sa katawan ng patay na tao: pagkawala ng temperature, tumitigas, nangingitim. Nawawalan ng init ang taong patay, malamig kapag hinawakan. Tumitigas at nanatili ang shape nila nung sila ay mamatay. Panghuli, kapag tumigil sa pagtibok ang puso, magpopondo ang dugo sa katawan dahil sa force of gravity. Resulta nito ay purple discoloration sa bahagi ng katawan na malapit sa lupa. Ibig pong sabihin, iba ang hitsura, pakiramdam sa isang taong patay kumpara sa buhay na tao. Ang patay na tao kapag hinawakan ang sugat niya hindi dumadaing. Makatwiran ba na maniwala tayo na yung mga nag-alis kay Jesus mula sa krus, nagdala sa libingan niya, at gumugol ng oras para ibalot ang kanyang katawan ay hindi napansin ang anuman sa mga kondisyon na ito na karaniwan sa taong patay?
Karagdagan din dito, sinasabi sa Gospel na sinaksak si Jesus at lumabas mula sa kanyang katawan ang dugo at tubig. Ito ay magandang obserbasyon, lalo na’t hindi naman mga doctor ang mga sumulat ng gospel. Ayon sa mga doctor kapag ang isang tao ay nainjured at tuluyan namatay, kadalasan daw nakakaranas sila ng “circulatory shock” bago mamatay (dahil ang kanilang organs at body tissues ay hindi na nakakatanggap ng dugo). Ito daw ay minsan nagreresulta sa “pericardial effusion” (increased fluid in the membrane surrounding the heart) o kaya naman “pleural effusion” (increased fluid in the membrane surrounding the lungs). Nang si Jesus ay ipinako ng nakatayo pagkatapos latiguhin, asahan daw na mangyari itong klase ng effusion dahil sa circulatory shock na naranasan niya bago mamatay. Ibig sabihin, patay na si Jesus bago pa siya sinaksak sa tagiliran.
Ito pa ang ilan sa mga problema sa teorya na hindi talagang namatay si Jesus sa krus.
1. Maraming first-century at early second century na unfriendly Roman sources (Thallus, Tacitus, Mara Bar-Serapion, at Phlegon) at Jewish sources (Josephus at ang Babylonian Talmud) ay binanggit na si Jesus ay ipinako at namatay.
2. Ang mga Roman guards ay haharap sa kamatayan kapag hinayahan nila ang isang bilanggo na mabuhay pagkatapos ipako. Hindi kaya nila sisiguraduhin patay na si Jesus bago nila ito alisin sa pagkakapako?
3. kailangan makontrol ni Jesus ang dugong nawawala sa kanya matapos siyang bugbugin, ipako at saksakin habang siya ay nakapako sa krus.
4. Si Jesus ay naglaho sa historical record pagkatapos ang napabalitang pagkabuhay niyang muli at pag-akyat sa langit at hindi na muling nakita (isa sa inaasahan natin kung siya ay nakarecover sa kanyang mga sugat at nabuhay ng higit sa edad na tatlumput-tatlo).
Pangalawa…Nagsinungaling ang mga alagad tungkol sa muling pagkabuhay ni Jesus
Ilan mga hindi Kristiyano ang nagsasabi na ninakaw ng mga alagad ang katawan ni Jesus mula sa libingan at pagkatapos ay ginawa ang mga kwento ng pagkabuhay muli ni Jesus.
Ang mga problema…
Ipinapaliwanag ng teoryang ito na kaya walang laman ang libingan at kaya nakita nila ang muling pagkabuhay ni Jesus ay dahil ninakaw ng mga alagad ang katawan ni Jesus at pagkatapos ay gumawa ng mga kwento ng pagkabuhay muli ni Jesus. Ngunit hindi nito kayang ipaliwanag ang biglaan pagbabagong buhay ng mga alagad. Kung hindi po ninyo alam, lahat ng mga alagad ni Jesus ay tumakas at iniwanan siya nung oras na hulihin na siya at ipako sa krus maliban kay Juan. Ngunit matapos nilang makita ang muling pagkabuhay ni Jesus, biglang nagbago ang kanilang buhay. Lahat sila maliban kay Juan ay namatay na mga martyr (si Juan ay namatay sa katandaan). Kaya n’yo bang paniwalaan na kaya biglang nagbago ang buhay ng mga alagad at handang mamatay ay dahil sa pagsisinungaling nila kung saan wala naman silang nakuhang pakinabang?
Ito pa ang ilan sa mga problema sa teorya na nagsinungaling ang mga alagad tungkol sa muling pagkabuhay ni Jesus.
1. Tiniyak ng mga pinunong hudyo na guwardiyado at selyado ang libingan.
62 Kinabukasan ay ang araw pagkatapos ng paghahanda. Ang mga pinunong-saserdote at mga Fariseo ay nagtipun-tipon sa harap ni Pilato. 63 Sinabi nila: Ginoo, naala-ala namin ang sinabi ng mandarayang iyon nang nabubuhay pa siya. Sinabi niya: Pagkalipas ng tatlong araw, ako ay babangon. 64 Ipag-utos mo nga na bantayang maigi ang libingan hanggang sa ikatlong araw at baka sa gabi ay nakawin siya ng kaniyang mga alagad. At sabihin nila sa mga tao: Siya ay nabuhay mula sa mga patay. Kung magkakagayon, ang pandaraya ay magiging malala kaysa una.
65 Sinabi ni Pilato sa kanila: Mayroon kayong tagapagbantay. Humayo kayo at ipabantayang mahigpit ayon sa inyong kakayanan. 66 Sa pag-alis nila, tiniyak nila na nakasara na ang libingan at nilagyan ng selyo ang bato at ipinabantayan sa mga bantay. Mateo 27:62-66
2. Malalaman ng mga taong malapit sa pangyayari na ito ay kasinungalingan (naaalala n’yo ba ang sinabi ni Pablo sa mga taga Corinto na meron pang limang daang tao ang makapagpapatotoo na nakita nilang buhay si Jesus).
3 Sapagkat ibinigay ko sa inyo itong pinakamahalagang katuruan na tinanggap ko rin: si Cristo'y namatay dahil sa ating mga kasalanan, bilang katuparan sa sinasabi sa Kasulatan; 4 inilibing siya at muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon din sa Kasulatan; 5 at siya'y nagpakita kay Pedro, at saka sa Labindalawa. 6 Pagkatapos, nagpakita siya sa mahigit na limandaang kapatid na nagkakatipon. Marami sa kanila'y buhay pa hanggang ngayon, subalit patay na ang ilan. 7 At nakita rin siya ni Santiago, at ng lahat ng mga apostol. 1 Corinto 15:3-7
3. Kulang sa motibo ang mga alagad para gumawa o mag-imbento ng kasinungalingan. Ayon sa isang pulis detective, tatlo ang kadalasan motibo sa isang pagpatay. Ito ay ang Financial Greed, Sexual or Relational Desire at Pursuit of Power.
Malinaw na hindi pera ang motibo nila dahil wala silang nakuhang pera. Ang sabi ni Pablo
“Hanggang sa ngayon kami ay nagugutom at nauuhaw at walang mga damit. Pinahihirapan kami at walang tirahan”. 1 Corinto 4:11
“Hindi ko hinangad ang pilak, ginto o ang pananamit ng sinuman”. Gawa 20:33
“Sinabi ni Pedro: Wala akong pilak at ginto, ngunit anuman ang nasa akin, ibibigay ko sa iyo. Sa pangalan ni Jesucristo na taga-Nazaret, tumindig ka at lumakad ka”. Gawa 3:6
Malinaw din na hindi Sex o Relationship ang motibo ng mga alagad dahil si Pedro ay may asawa at may biyenan pati na ang ibang alagad.
“Nang dumating si Jesus sa bahay ni Pedro, nakita niya ang kaniyang biyenang babae na nakahiga at nilalagnat”. Mateo 8:14
“Wala ba kaming karapatang magsama ng asawang manananampalataya tulad ng ibang mga apostol at ng mga kapatid sa Panginoon at ni Cefas? 1 Corinto9:5
Malinaw din na hindi kapangyarihan ang motibo ng mga alagad dahil ayon kay Tacitus na isang Historian, lahat ng mga kristiyanong umamin na sila ay sumasamba kay Jesus ay pinapalapa sa aso, ipinapako sa krus, sinusunog. Lahat ng mga ayaw bawiin ang kanilang pagsamba kay Jesus ay pinapatay. Sa panahon din ito pinatay sina Pedro at Pablo.
Pangatlo…Nahihibang ang mga alagad
Naniniwala ang ilang skeptics na dahil sa sobrang kalungkutan at pagdadalamhati kaya naghahalllucinate ang mga ito at nakikita si Jesus na buhay. Sinasabi ng mga skeptics na ang pagpapakita ni Jesus ay simpleng halusinasyon lang dahil sa sobrang pagdadalamhati.
Ang mga problema…
1. Habang ang bawat tao ay pwedeng maghallucinate, wala pang halimbawa ng isang malaking grupo ng mga tao na may pare-parehong hallucination.
2. Pwede man mangyari na maghallucinate ng maiksi at panandalian ang isang grupo ng mga tao pero ang mahaba, matagal at detalyadong halusinasyon ay hindi pa napapatunayan at hindi makatwiran.
3. Napabalitang nakita si Jesus ng ilang beses nang ibat-ibang grupo ng mga tao sa magkakahiwalay na mga lugar.
4. Hindi lahat ng mga alagad ay nagdadalamhati at magagawang maghallucinate tungkol kay Jesus. Katulad ni Tomas na nagdududa at hindi inasahan mabubuhay muli si Jesus.
5. Kung ang muling pagkabuhay ni Jesus ay isang halusinasyon lamang, anong nangyari sa labi ni Jesus? Ang kawalan ng labi ni Jesus sa libingan ay hindi kayang ipaliwanag ng ganitong theorya. Ibig sabihin kung naghahallucinate ang mga alagad bakit wala ang labi ni Jesus sa libingan?
Pang-apat…Tama ang ibinalita ng mga alagad na muling nabuhay si Jesus
Syempre, sinasabi ng mga Kristiyano na si Jesus ay muling nabuhay mula sa patay at ito ay maayos na isinalaysay ng mga saksi sa Gospels (Mateo, Marcos, Lucas, Juan).
Ang mga problema…
Ipinapaliwanag nito na kaya walang laman ang libingan, kaya marami ang nakakita sa muling pagkabuhay ni Jesus, at biglang pagbabagong buhay ng mga alagad ay dahil totoong muling nabuhay si Jesus mula sa patay.
Mga pagtutol o objection sa claim na muling nabuhay si Jesus.
1. Ang paliwanag na si Jesus ay totoong muling nabuhay ay nangangailangan ng paniniwala sa supernatural, isang paniniwala na si Jesus ay meron kapangyarihan na bumangon mula sa patay.
Nagbigay ako ng apat na evidence which most scholars agree with (skeptics and believers), at base sa apat na ito nagbigay ako ng ibat-ibang mga teorya o paliwanag (both natural and supernatural). Kung iimbestigahan natin ito ng walang pagkiling laban sa supernatural, the
final explanation accounts for all of the evidence without any difficulty. The final explanation
accounts for the evidence most simply and most exhaustively, and it is logically consistent (if we simply allow for the existence of God in the first place).. The resurrection is reasonable.