Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Dilim

Dilim

Prologo​

Sa isang sulok sa may kadilimang iskinita sa Ciudad Endra sa San Antonio, sa may kalayaun sa mga tao ay may isang babaeng lakad-takbo ang ginagawa. Bagamat isa itong ciudad, alas nwebe palang ng gabi ay mapapansing kakaunti na ang mga tao.

Tagaktak ang pawis ng babae kung kayat nagkalat sa kanyang mukha na parang mantsa ang itim nyang make-up.

Palingon-lingon ito sa kanyang likuran. Nang mapansing wala na ang anino na kanina pa sumusunod sa kanya, isang maluwang na paghinga ang kanyang pinakawalan. Ang takot na namuo sa kanyang dibdib ay unti-unting napawi.

“Hayyyyy, salamat” sambit ng kanyang mga labi.

Ilang saglit lang ang nakakaraan ng may isang lalaki ang lumitaw sa kanyang kaharapan. Nagulat ang babae at napaatras sa takot kasabay ng nag-uunahang pagtunog ng kanyang pulso pero para syang nabunutan ng tinik nang makilala ang lalaki.

“Kala ko kung sino na. Ikaw pala yan kuya…”

Pero hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang isang matigas na bagay ang tumama sa kanyang ulo na naging dahilan ng pagkawala ng kanyang malay.


Nagising ang babae nang maramdaman ang malamig na likido na tumama sa kanyang mukha at sa kanyang hubad na katawan. Hindi na nya alam kung ilang beses syang hinimatay sa sakit na kanyang dinanas sa taong naaninag nyang nakatayo sa kanyang harapan. Ang mga sugat nya na dahilan ng pagtama ng latigo na animo isang kutsilyo na humihiwa ng laman at ang hapding dulot nito na parang sa bagang ng apoy.

“Kuya, parang awa mo na, pakawalan mo ako dito,” ang sigaw ng babae sa lalaking nakatayo sa kanyang harapan na nakasuot ng itim na roba. Ang mukha nitoy natatabigan ngunit kilala nya ang lalaki sa pustura palang nito.

“Parang awa mo na please,” muli niyang sigaw pero tanging ungol lang ang lumalabas sa kanyang bibig dahil sa telang nakapasak sa kanyang bibig. Tiningnan nya ang kanyang kaliwang kamay na sa bandang pulsuhan ay nakagapos sa isang kahoy. Pilit niya itong pinapakawalan pero sa kanyang ginagawa ay nararamdaman niya ang kakaibang sakit na dulot ng pako na nagdikit sa kanyang palad at sa poste. Nakadipa sya sa isang poste na parang sa agila. Maging ang kanyang mga paa ay nakapako din.

Muli tumulo ang kanyang mga luha at humalo sa kanyang sipon. Awang awa sya sa kanyang sarili pero wala syang magawa.

“Gayon ma'y pinalagpasan ang kaniyang tagiliran ng isang sibat ng isa sa mga kawal, at pagdaka'y lumabas ang dugo at tubig,” narinig nyang sambit ng lalaki. At mula sa lupa ay yumuko ang lalaki at pinulot ang isang sibat.

Lumaki ang mata ng babae. Lumakas pa lalo ang kanyang ungol. Hanggang naramdaman nya ang pagtama ng sibat sa kanyang puso kasabay ng pagdilim ng lahat.
 
1 Kabanata

“Ang bawat isa ay makasalanan! Walang sinumang humahanap sa Dios. Ang lahat ng tao ay ginagawa kung alin ang sa tingin niya ay mabuti sa kanyang sarili. Umiinom ng alak! Naninigarilyo! Nambababae! Nanlalaki! Nakikiapid! Nagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan para purihin ng tao! Lahat ng iyan ay ginagawa ng tao para sa kanyang pansariling kapakanan.

“Ang Dios ay nalungkot sa kaganapang ito. Siya ay lubhang nalungkot. Pero dahil mahal niya tayo, pinadala niya ang kanyang bugtong na anak para mamatay sa krus!

“Kung ikaw ay may nag-iisang anak na sadyang iyong mahal na mahal. Kaya mo bang ialay para mamatay para sa marami?

“Kayo, bilang mga magulang, kaya nyo bang tingnan ang inyong mga anak na nagdurusa para sa ibang tao? Kaya nyo bang Makita na siya ay pinapahirapan, dunuduraan, at pinagtatawanan, hinuhubaran sa maraming tao at saka papatayin? Ang Dios na makapangyarihan sa lahat, kinaya nya yan. Ang kanyang nag-iisang anak ay kanyang sinugo para sa mga makasalanan. Para ang taong tumalikod sa kanya ay magkaroon ngpagkakataong maligtas.

“Si Hesus, ang anak ni Maria at ni Jose, lumaking isang karpintero ay ipinako sa krus para sa kasalanan ng sanlibutan….”


Naputol ang kosentrasyon ni Marco sa pakikinig ng sermon ni Padre Lunaco nang maramdaman nya ang paggalaw ng kanyang telepono sa loob ng kanyang pantaloon. Inabot niya ito para silipin kung sino ang nagtext.

Deborah Calling ang nakarehistro sa screen ng kanyang telepono. Inikot nya ang kanyang paningin sa loob ng simbahan. Madaming tao. May mga nagbubulungan, may mga nakahawak ng telepono, may mga nagdarasal at may mga nakikinig. Puno ang simbahan at marami pa ang nakatayo sa may likuran. Linggo iyon ng umaga. Unang misa.

“Excuse me,” bulong nya habang isinisiksik nya ang kanyang katawan sa maraming tao na nakaharang sa kanyang daraanan patungo sa may pintuan palabas ng simbahan. Alam niyang mahalaga ang dahilan kung bakit tumawag si Deborah. Hindi iyon mang-iistorbo ng ganun kaaga kung hindi importante. Halos alam na kase ni Deborah ang kanyang pang-araw-araw na Gawain. At dahil lingo ang araw na iyon, alam nyang alam ni Deborah na nasa simbahan sya. Pero tinawagan parin siya. Ibig sabihin, may mahalaga itong impormasyon para sa kanya.

“Hello!” sambit ni Marco pagkapindot ng answer button sa kanyang telepono.

“Andito ako sa Barangay Peor. May isang babaeng pinatay dito,” wika ng babaeng nasa kabilang linya, “alam kong magiging interesado ka dito.” Ang Peor ay isang barangay ng San Antonio.

“Sige, punta na ako dyan,” wika ni Marco bago tuluyang pinatay ang kanyang telepono.


“Isang babae ang nakitang nakapako sa krus dito sa Barangay Peor isang milya lang ang layo sa simbahan dito. Ang babae ay kinilalang si Ms. Rose Punsalan, nasa mga edad 23-28 taong gulang. Siya ay nagtatrabaho sa opisina ng budget and finance. Sa kasalukuyan, hindi parin matukoy ng mga pulis kung ano ang motibo…”

Nilampasan ni Marco ang isang babaeng reporter na may katabaan sa labas ng simbahan at dere-dertso lumapit sa crime scene. Pero bago pa sya tuluyang nakapasok sa loob ng dilaw na harang na may nakatatak na STOP! DO NOT ENTER, CRIME SCENE, ay hinarang na siya ng isang pulis. “Kay P02 Deborah Masagkal,” wika ni Marco sabay nguso kay Deborah na noon ay napansin sya na kausap ang isang pulis na nagbabantay sa may crime scene.

Si Deborah ay nakasuot ng yunepormeng pulis na humapit sa maganda nitong katawan. Ang kanyang itim na mahabang buhok ay naka pony tail. Morena ang kanyang balat. Maganda at maliit ang kanyang mukha pero binagayan ito ng medyo singkiting mga mata at mahabang ilong. Wala siyang ka make-up make-up. Napakasimple nyang tingnan pero lumalabas parin ang natural nyang ganda.

Naramdaman ni Marco ang mabilis na pagpintig ng kanyang puso ng isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Deborah na naging dahilan para makita niya ang pantay-pantay nitong mga ngipin. Ilang taon na ba ang nakakaraan pero hindi parin nagbabago ang epekto ng ngiting iyon sa kanya. Huminga sya ng malalim bago ngumiti pabalik kay Deborah.

“Kasama ko sya,” narinig niyang binanggit ni Debora sa pulis na humarang sa kanya at hinayaan na syang makapasok sa crime scene.

Tiningnan ni Marco ang babaeng nakapako. Sa kabila ng karumal-dumal nitong itsura ay nakilala parin niya ito. Si Miss Rose Punsalan. Nakakwentuhan niya ito paminsan-minsan kung pumupunta sya sa Opisina ng Budget para manghingi ng gagamitin sa mga proyekto. Hubot hubad si Miss Rose at hindi parin ito ibinababa mula sa pagkakapako sa krus. Ang katawan ay nangingitim sanhi ng mga latay ng kung ano man. Madami din itong sugat sa katawan. May malaki at mukhang malalim itong sugat sa may tapat mismo ng kanyang puso.

“Yun ba ang dahilan ng kanyang pagkamatay?” tanong ni Marco kay Deborah at kanyang itinuro ang sugat sa tapat ng kanyang puso.

“Yan din ang alam naming pero hinihintay pa naming ang medical team na dumating. On the way na sila,” paliwanag ni Deborah.

Tumango-tango si Marco at inilabas mula sa kanyang bulsa ang isang maliit na notebook at nagsulat.

“E ang ginamit pantusok sa puso?” tanong ulit ni Marco.

“Wala e,” sagot ni Deborah. “Kaninapa namin hinahanap ang maaring ginamit sa pagsaksak sa puso ng biktima pero hindi namin makita.

“Halika tingnan mo ito,” at hinila ni Deborah si Marco sa isang banda ng crime scene. “Kaya kita tinawagan ay dahil baka makatulongka sa pagbibigay linaw kung ano itong ginuhit na ito at kung anong ibig sabihin nito.”

Tiningnan ni Marco ang guhit. May isang malaking bilog na nahati sa apat na tatsulok. Sa pinakababang tatsulok ay may maliit na bilog.

“Ano sa tingin mo yan?” tanong ni Deborah kay Marco.

“Wala pa akong ideya. Pero ang masasabi ko, mukhang konektado ang mga markang iyan sa krimeng nangyari.”


ang markang ginuhit:

 

Attachments

  • 1symbol.jpg
    1symbol.jpg
    11.6 KB · Views: 133
Last edited:

Kabanata 2


Gabi.

“Ano? Magwewelga daw sila?” sigaw ni Pedro sa kausap sa telepono. “Mga anak ng puta, mga walang utang na loob!”

“Oo, boss,” ang mahinang sagot ng nasa kabilang linya. “Yan po ang mga sabi-sabi dito ngayon.”

“Hayaan mo sila! Kung hindi sila sang-ayon sa pamamalakad ko, umalis sila sa lupa ko!” Lumalabas ang mga litid sa leeg ng Don dahil sa galit. At pinatay na niya ang kanyang telepono.

Si Pedro ang may pinakamaraming lupa sa Barangay Dis Pater. Marami sa mga tiga barangay ang nakikisakahan sa kanya. Pero nitong mga huling buwan at taon, marami ang nagrereklamo sa kanyang pamamalakad. Keso daw masyadong malaki ang kinukuha nyang ani ng mga magsasaka.

“Mga anak ng puta,” bulong ni Pedro sa kanyang sarili. “Kung ayaw nila, e di umalis sila. Hindi ko sila pinipilit na sakahin ang lupa ko.”

Huminga siya ng malalim at hinanap ang kanyang baril sa kanyang bag saka lumabas sa kanyang hotel. Nasa bayan siya ngayon para makipulong tungkol sa makabagong teknolohiya sa pagsasaka.

Habang syay naglalakad sa medyo hindi karamihang tao sa labas ng hotel, may tumabi sa kanya na isang lalaki.

“Boss, baka pwedeng makisinde?” tanong ng lalaki.

Iniabot ni Pedro ang kanyang may sinding yosi sa lalaki.

“Salamat,” narinig niyang wika ng lalaki. Ilang segundo lang nag nakalipas, may naramdman siyang tusok sa kanyang batok.

“Tang-i---” nagdilim na ang kanyang paningin.
--------------

Tok! Tok! Tok!

Mula sa pagkakatulog ay naalimpungutan si Marco. Pakiramdam niya ay lanta syang gulay. Pagod sa kung ano mang dahilan. Pero muli ay ipinikit niya ang kanyang mga mata, hindi pansin ang mga katok.

Tok! Tok! Tok!

Muli ay mga tunog sa pintuan. Mukhang walang balak ang kumakatok na umalis hanggat hindi napagbubuksan. Nag-inat si Marco saka inabot ang kanyang relo na nakapatong sa lamesa sa tabi ng kanyang kama. Alas nwebe! Napasarap ata ako ng tulog.

Narinig nya ulit ang mga katok sa pintuan. Kahit na inaantok ay pinilit narin niyang bumangon. Kinuha ang isang tuwalya at ibinalot sa hubad na katawan at tinungo ang pintuan. “Nariyan na!” sigaw niya.

“Oh sweetheart, kaw pala,” sambit ni Marco pagkakita kay Deborah na nakatayo sa bungad ng pintuan. Nginitian niya ito.

Humalik si Deborah sa labi ni Marco. “Pasensya ka na kung naistorbo kita,” ang paumanhin ni Deborah kay Marco. Hindi din kasi sya nakapagpasabi na darating sya. Hindi nga siya sigurado kung maabutan nya ang boyfriend nya sa tinitirhan nito o hinde. Madalas kase ay nasa library sa bayan at naghahanap ng kung anu-anong mga libro.

“Ayus lang.” At tuluyan ng binuksan ni Marco ang pintuan at pinapasok si Deborah. Pagkalapat ng pintuan, niyakap niya sa likod si Deborah. Hinalikan sa batok.

“Umaga na Marco,” saway ni Deborah sa kasintahan.

“Wala namang batas na bawal sa umaga sweetheart,” paanas na bulong ni Marco sa tainga ni Deborah habang kinakagat-kagat niya ito. Pinaikot nya paharap si Deborah saka hinalikan sa labi. Di na din pinigilan ni Deborah si Marco, bagkos ay lumaban na din ito ng halikan. Naramdaman niya ang mga kamay ni Marco na naglalaro sa kanyang mga dibdib.Naramdaman din niya nang buhatin siya ni Marco at dinala sa kama.
-------------

“Kumusta na pala ang kaso sa pagpatay kay Miss Punsalan?” tanong ni Marco. Nakahiga sila sa kama, magkaharap.

“Yun ang pinunta ko dito,” pangiting sabi ni Deborah. Hinawakan niya at pinisil ang ilong ni Marco. “Pero na detour ako,” dugtong niya. Bumangon siya sa kama at nakahubad na pinulot ang envelope na dala niya kanina. Umupo si Marco sa kama.

“Dumating na ang autopsy report niya. Ang cause of death nya ay ang sugat sa tapat ng kanyang puso.” Inilabas ni Deborah ang mga larawan na nasa loob ng isang sobre. Mga larawang kuha sa krimen. Hinanap ang larawang nagpapakita ng sugat sa puso saka iniabot kay Marco.

“Diamond-shape ang ginamit na bagay sa pagpatay. Double-sharp-edged. Parang espada, pero hindi din. Matalim ito dahil diretso at malinis ang pag ka-cut ng laman at ng buto. Mga 6-7 inches ang haba at 2 and a half ang diametro.”

“May lead nab a kung sino ang gumawa ng krimen?” tanong ni Marco.

“Wala pa nga e,” sagot ni Deborah. “E yung marka, may report ka na ba kung ano iyon?”

“Wala paring improvement ang research ko tungkol sa marka sa krimen. Nahalungkat ko na ang mga maraming libro sa mga sigil o marka pero wala akong maitang ganon. Ang nakita ko lang na kaparehong guhit ng marka ay ang marka ng panood na x-men. Pero hindi din sila magkapareho dahil may maliit na bilog sa ibabang tatsulok ng marka sa krimen. Pero patuloy padin ako sa pagreresearch. Sinubukan ko din ang triangle, pero maliban sa phytagorian theorem, wala na akong ibang nakita,” mahabang paliwanag ni Marco.

Tumango-tango si Deborah. “Nga pala, may bago nanamang krimeng nangyari. Pareho sa nangyari kay Miss Rose. Nangyari ito sa Barangay Dis Pater. Mayroon ulit marka pero iba sa naunang marka.” Inilabas ni Deborah ang isang larawan at ibinigay kay Marco.

Tiningnan ni Marco ang larawan. Tinitigan ng ilang segundo.


“My God! I know this mark! And if I am correct, alam ko na din ang ibig sabihin ng naunang marka!” ang biglang sambit ni Marco.
 

Attachments

  • symbol_2.jpg
    symbol_2.jpg
    14.9 KB · Views: 129
pamarka po sir.dagdag sa mga aabangan ko at pampaalis inip :D
 
ok to. pero parang may putol ung kabanata 2. Siguro nasa AZ. Hehehe.
 
ngayon ko lang nabasa ng buo ito.
Ansakit ng pagkabitin sir.sam update na po :)
 
Kabanata 3

Tiningnan ni Deborah si Marco. Inaarok kung totoo ang sinasabi nito. Napansin nya ang kaseryosohan ng kanyang katipan.

Gumalaw ang kama. Tumayo si Marco at pumunta sa mga nakaimbak na nagkalat ng mga libro sa may bandang paanan ng kama. May kung anong hinahanap sa mga patong-patong na mga libro. Hindi alintana ang kahubdan. Napangiti si Deborah. “I like how you look when you wear nothing,” ang kanyang sinambit. Pero hindi iyon pinansin ni Marco na abala ang isip sa kung ano mang dahilan. Napasimangot si Deborah.

Mahilig sa Marco na magbasa at magresearch ng kung anu-ano na may kaugnayan sa relihyon. Nagbalak syang magpari noon pero nang lumabas sya ng simbahan e umibig sya kay Deborah. Hindi na nya itinuloy ang pagpapari pero patuloy parin sya sa pag-aaral at pag reresearch. Marami syang natuklasan sa kanyang pagbabasa lalo sa relihyong Krsitianismo at Hudaismo, at ang mga naunang mga relihyon. Iyon ang dahilan kung bakit lagi siyang nasa library at kung bakit madaming mga librong nagkalat sa loob ng kanyang kuarto.

Lumapit si Marco kay Deborah nang makita niya ang kanyang hinahanap. May bitbit siyang isang libro. “Ito ang markang ipinakita mo sakin,” turo ni Marco sa isang larawan na nasa libro.
Tiningnan ni Deborah ang larawan. “Parang magkaiba, Marco,” pansin niya. “Ang larawang ito,” tinuro niya ang larawang kuha sa krimen, “ay may parang cross o eks at ang nasa libro ay wala.”
“Tama ka sweetheart,” sagot ni Marco. “Kung tatanggalin natin ang cross na simbolo ang kalalabasan nito ay ang simbolo ni Mammon, isa sa mga pitong prinsepe ng hell.”

Lumayo ulit si Marco kay Deborah at naghalungkat sa mga libro at bumalik na may dalang isa nanamang lumang libro. Ipinakita ang larawan kay Deborah. “Look. Ang isang ito ay ang simbolo ng naunang marka sa first victim. Isang malaking bilog at isang maliit na bilog. Ito din ay simbolo ng isa sa mga prinsepe ng hell, si Belphegor. Pero ang larawang ito,” ipinakita ni Marco ang litratong kuha sa unang biktima, “ay maroon ding parang cross o ekis na sign. Parang nilagay lang nila yung cross sign para maitago ang simbolo o para lituhin ang tumitingin sa larawan.”

“Oo nga ano,” pagsang-ayon ni Deborah sa mga sinabi ni Marco. “Pero…” nagisip si Deborah, “Marco, sino si Belphegor at si Mammon at ano ang kaugnayan nila sa dalawang magkasunod na krimen?”

Tumahimik si Marco. Taimtim na nag-isip. Kapagdakay nagsalita, “Originally, ang mga pitong prinsepe ng hell ay mga dios. Kabilang sila sa mga dios na lumalang sa lupa at mga tao. Pero noong pumasok ang Hudaismo at Kristianismo, ang mga dios na iyan ay ginawang mga princes of hell. And each of them represents a deadly sin. Yan ang tinatawag natin ngayon na seven deadly sins.

“Ayon sa libro ni Haring Solomon, yung nasa Biblia, noong pinapagawa niya ang kanyang templo, may mga inalila siyang mga demons para tumulong sa pagtapos sa templo. Siya din ang nagbigay ng mga orasyon at mga simbolo ng mga demons, kung papaano sila isusumon at kung papaano sila ikokontrol. Kabilang sa mga demons na ito sina Belphegor at Mammon.

“Si Belphegor ang prinsepe ng discovery and invention. Pero ang isa sa mga characters nya ay siya din ang nangte-temp sa mga tao para maging tamad. Si Mammon naman ang dios ng pera o kayamanan. Siya ay sinasamba noong unang panahon.

“Sinasabi sa Biblia na si Solomon ang naging isa sa mga pinakamatalinong hari. Siya ay namuno ng maraming taon sa Babilonia, ang tinatawag nating Iraq ngayon. Dahil sa katalinuhan niya, lumaki ang kanyang salapi. Maraming mga simbulo sa loob ng templo ni Solomon. Ang ilan sa mga simbolo ay ang simbolo ng pitong mga prinsipe. Ayon sa mga interpretasyon, si Solomon ay nag-aalay kay Mammon dahil sa kayamang ipinagkakaloob nito.

“Noong salakayin ni Cyruz the Great ang Babilonia, nasira ang templo. Sinubukan itong ipatayo ulit ng mga Hudyo pero hindi nila magawa-gawa. Pagkalipas ng 70 taon, sa pamumuno ni King Darius the Great, muling naipatayo ang templo, gamit ang ilan sa mga orihinal na bato na ginamit sa unang templo.

“Ayon sa mga historian, tinapos ito ni Herod ang hari ng Herusalem, ang bansang Israel. Makikita ang mga simbolo sa loob ng templo at sa altar. Pero hindi nagtagal ang templo dahil sinira ito ng mga Romano.”

Tumango-tango si Deborah sa paliwanag ni Marco. “Ano sa tingin mo ang konkesyon nila sa mga patayang naganap? Bakit mayroon silang mga simbolo sa dalawang biktima? Isang kulto kaya ang gumagawa nito?”

“Wala padin akong maisip na dahilan,” sagot ni Marco, “pero I need to go to the library para mag research ulit.”
 
Si Belphegor pala ang dahilan ng pagiging tamad ko! Masabi nga sa nanay ko. Heheh.. Ayos! mas Lumalalim na yung kwento, mas lalong nagiging interesante. nakakasabik ng basahin ung kasunod!
 
Si Belphegor pala ang dahilan ng pagiging tamad ko! Masabi nga sa nanay ko. Heheh.. Ayos! mas Lumalalim na yung kwento, mas lalong nagiging interesante. nakakasabik ng basahin ung kasunod!

agree ako dito habang tumatagal nagiging interesante ang kwento
 
salamat sa pagbasa mga tol :)
 
hindi pa. pag natuklasan nila kung sino ang pumapatay, yun dun na matatapos...

it would be exciting to know the connections of the characters to the event
and the connections of the sigils/symbols to their lives....

more to come...
 
Kabanata 4

Dapit hapon. Barangay Taninim.

“Pare, kumusta?” tanong ni Marco kay Toni. Nakaupo noon si Toni sa bangko sa harap ng bahay nila. Tila ang lalim ng iniisip.

“O, pre, kaw pala!” Nasa mukha ni Toni ang pagkagulat ng makita si Marco sa kanyang harapan. “Anong ginagawa mo dito sa amin?”

“Galing ako diyan sa simbahan pre, may hiniram akong libro. Alam mo na, sa nature ng propesyon ko,” paliwanag nito. “Kumusta ka naman pre? Mukhang pasan mo ang buong mundo ah. Halos di mo ako napansin ng lumapit ako sa iyo.”

“Parensya ka na pre, dami kasing problema,” paghingi ng paumanhin ni Toni. “Si misis kase…”

“Wag mong sabihing hindi ka nanaman pinagbigyan ni misis kayat namomroblema ka? Ganyan talaga minsan mga babae pre, moody,” natatawang pagputol ni Marco sa iba pang sasabihin sana ni Toni.

Natawa na din si Toni sa kalokohan ng kaibigan. “Kumusta ka naman nadin pre?” tanong niya kay Marco.

“Ayus padin naman pre,” inilabas niya mula sa bag niya ang isang alak. “Inum tayo pre, tagal na din tayong hindi nagbonding.”

Pumayag naman si Toni. Inilabas niya ang isang maliit na lamesa mula sa loob ng bahay.

Habang umiinom ang dalawa, lumabas si Tifanny, ang asawa ni Toni. Maganda parin si Tifanny sa paningin ni Marco. Nakaduster ang babae na maiksi. Nakakaakit parin ang kanyang itsura. Suot nito ang kanyang alahas at abubot sa katawan.

“O mareng Tifanny, kumusta?” pansin ni Marco dito.

“Mabuti naman pare,” at nakipagkwentuhan na din si Tifanny sa dalawa hanggang nagpaalam na ito para matulog.

---------------

“Ganda parin ng misis mo pre, swerte mo sa kanya,” wika ni Marco kay Toni. Tumitig si Toni kay Marco at umiiling iling. May tama na sila ng alak. Nakalahati na din nila ang isang long neck na Emperador.

“Hindi din pre,” nagiging madaldal na din si Toni. “May ugali si misis na ayaw na ayaw ko. Yung masyado syang naiinggit sa ibang mga babae. Akalain mo tol, sinanla niya ang lupang pamana ng kanyang magulang sa kanya, hindi man lang sinabi sakin. At alam mo ba kung san nya dinala ang pera?” Tumagay ulit si Toni. Tumingin kay Marco. “Yung mga suot-suot nyang alahas pre, dun nya dinala ang pera. Gusto kasi niya, kung anong meron ang kapitbahay namin, siya din dapat meron. Di nga yan nagpapatalo sa kanila e.”

Tumungga din si Marco ng alak. “Kaya pala.”

“Oo pre. At hindi lang ngayon nangyari yan. Noon pa pre. Kaya ang laki-laki ng problema ko. Noong isang araw nga, buti naabutan ko sya, isasanla nanaman niya ang lupang ito at ipambibili ng kung anu-ano, buti naabutan ko siya. Pinagalitan ko. Hayun, di na nya tinuloy.”

“Kausapin mo ng masinsinan nalang misis mo pre. Malaking problema nga yan. Mag-usap kayo ng masinsinan. Pag-usapan nyo mga isyo nyo sa buhay para maayos nyo yan.”

Nakalipas pa ang isang oras ubos na nila ang kanilang alak.

“Dito ka na makitulog pre, gabi na,” sambit ni Toni. At inayos na nya ang tutulugan nila sa sala. Sabay na silang nakatulog sa sala na magkatabi.

---------

2AM

May mga naririnig na ungol si Toni. Pero ang kanyang diwa ay sadyang tangay na tangay ng antok. Pilit niyang idinidilat ang kanyang mga mata. May nakita siyang mga anino sa sala. May mga bulong siyang naririnig pero sadyang talo sya ng antok at ipinikit na din niya ang kanyang mga mata.

----------

8AM

Nagulantang si Marco nang marinig niya ang pagsigaw ni Toni. Mula sa pagkakahiga ay bigla syang napabangon sa gulat. At nanlaki ang kanyang mga mata. Nakita niya si Tifanny na nakapako sa gitnang poste ng sala ng kanilang bahay. Buhot- hubad ito. May mga sugat sa katawan. Nakapasak ang isang tela sa kanyang bibig. May malaking sugat sa tapat ng kanyang puso. “My god!” ang nakaawang na sambit ni Marco.

Umiiyak si Toni at pilit tinatanggal sa pagkakapako ang kanyang wala ng buhay na asawa mula sa poste. Kumalat na din sa katawan ni Toni ang dugo ng asawa. Lumapit si Marco at pilit pinapakalma si Toni pero hindi ito tumitigil. Hinagilap ni Marco ang kanyang telepono at tinawagan si Deborah.

Dumating si Deborah kasama ang iba pang pulis. Pinaliwanag ni Marco ang nangyari. Sa naunang pag-iimbestiga nila Deborah, may nakita silang simbulo mula sa natuyong marka ng dugo sa sahig. Isang marka na hindi na napansin ni Marco kanina dahil sa bilis ng mga pangyayari.


 

Attachments

  • mark3.jpg
    mark3.jpg
    21.6 KB · Views: 1
mabasa na nga para malaman ang istorya mo TS
 
Nako! Feeling ko si Marco ang may sala. :D :ranting:

di ako agree sa sinabi mo, although muntikan na sanang maging pari si Marco.
Nung una ang hinala ko eh isang satanist ang suspect pero parang yung pumapatay eh tinatarget niya yung mga taong nagtataglay ng 7 deadly sins.
At ang paraan niya ng pagpatay ay paniniwala niyang makakapaglitas kuno sa kasalanan. Kaya niya pinapako sa krus yung mga biktima niya.
 
di ako agree sa sinabi mo, although muntikan na sanang maging pari si Marco.
Nung una ang hinala ko eh isang satanist ang suspect pero parang yung pumapatay eh tinatarget niya yung mga taong nagtataglay ng 7 deadly sins.
At ang paraan niya ng pagpatay ay paniniwala niyang makakapaglitas kuno sa kasalanan. Kaya niya pinapako sa krus yung mga biktima niya.

Biro lang yon. Hehe! :D
 
Biro lang yon. Hehe! :D

yup i know nadadala lang tayo sa takbo ng kwento, pero nasa pang-apat na chapter palang kaya siguradong mag-iiba pa ang twist ng kwento at malay mo tama ka at mali ako. :D
 
Back
Top Bottom