Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Dream Interpreter

pandot

Amateur
Advanced Member
Messages
138
Reaction score
9
Points
28
Dati active ko na ginagawa
ang Dream Interpreting sa mga forum
ng mga mobile site. Ngayon eh, since
nakahanap ako ng magandang forum board
for this eh, iniinvite ko kayo na mag-sangguni ng
inyong mga nadanas na panaginip. May mga panaginip na
sobrang palasak o "common" at yun yung mga tipong
may kinalaman sa "bagabag" o anxiety kung kaya ang
nagiging laman ng panaginip natin halimbawa ay namatay
sa panaginip mo ang isa sa mga napakahalaga sa iyo na
miyembro ng pamilya gaya ng magulang. Sabi nga nila ay
kabaligtaran ng panaginip ang totoong buhay at eto naman
ay mapapatotohanan natin. Kaugnay ng una kong halimbawa
ay labis mo lang na minamahal ang iyong magulang [o ang taong
nasa panaginip], ito ang isa sa pinaka-naiisip mong bagay na
ayaw mong mangyari sa totoong buhay.

Ilan pa sa mga palasak na uri ng pangitain sa panaginip ay ang paglipad, hinahabol ng kung sino, umuulan ng tae, pagkabungi o pagkalagas ng mga
ipin, nasa isang masikip na espasyo o mga naglalakihang bagay na ga-gusali ang laki kahit na sa totoo ay kaya mo itong hawakan sa isang palad. Ang mga ganyang panaginip naman ay bunga ng mababang kompyansa sa sarili, nawalan ng companion, frustrated at anu pang maii-ugnay sa sariling "pagkayamot"


Ilan lamang yan, pero syempre may mga panaginip
na kung ituring natin ay "unique" o katangi-tangi. Bagamat tayo
ay pare-pareho lang naman na nagdadaan sa bawat yugto ng buhay gaya halimbawa sa pag-ibig, pagkabigo, pagtatagumpay, pagtangis, pagkalumo at kung anu-ano pang kundisyong pang-estado na damay ang ilang salik sa ating pagkatao ay masasabi pa nating tayo ay magkakaiba sapagkat ang bawat tao ay may katangi-tanging pagkatao.

Ang pagtugon ko sa inyong mga pagsangguni ay magbabatay mula sa aking kaalaman at karanasan na rin. Kung kaya wala ding kasiguruhan ang magiging paghihinuha ko sa inyong mga sangguni.


Upang maging epektibo ang aking gagawing paghihinuha sa inyong isasangguning panaginip ay nais kong humingi ng kaunting detalye mula sa inyo gaya ng Edad, Kasarian, Status (Relasyon at Kalagayang panlipunan; trabaho) at syempre ang pinakamahalaga sa lahat ay ang inyong panaginip sa inyong
pinakamahusay na pagkakatanda. Sisikapin ko din po sa abot ng aking makakaya ang paghinuha sa inyong sangguni.

SALAMAT PO!
 
Ang mga sumusunod ay ang mga post ko sa dating thread sa mga mobile site

Magandang araw sa lahat ng nagagawi sa aking muling pagbubukas ng paksang ukol sa mga panaginip. Nauna ko na ding maibahagi ang aking masasabing kaalaman sa pagbibigay linaw at kahulugan ng mga elemento ng panaginip.

Muli ay inaanyayahan ko ang lahat na magsangguni ng kani-kaniyang mga panaginip at akin itong susuriin at ibibigay ang ibig ipakahulugan base sa aking pang-unawa't maaabot ng aking isipan.

Kung tutuusin ay lahat tayo'y may kakayahang magbigay ng paliwanag ng ating panaginip. Subalit yaong mga taong naglalaan ng kaukulang oras upang isiping mabuti at iugnay sa kanilang pagkatao lamang ang mas nagiging madali ang pagsasagawa nito.

Isang paraan na nga ang lubos na pagkilala sa ating mga sarili. Kung alam mo ang mga bagay na ikinagagalit mo at ikinasisiya, o kaya nama'y naaamin ang mga mabibigat na pagkakasala ay masasabi kong handa ka na upang magbigay ng linaw sa samu't saring elemento ng panaginip.

Kung inyo namang mapapansin ay halos lahat ng panaginip ay may kaugnayan sa pagkabagabag ng ating kalooban, maging ito man ay masama o mabuti. Subalit kung susuriin ang mga panaginip ay yaong mga katanungang para sa "gising na diwa" na hindi natin makayang sagutin sapagkat kahit ang mismong sarili natin ay hindi natin mapagkatiwalaan ng mga lihim na ito.

Masakit para sa kalooban ng mga taong di sanay sa pag-amin ng kanilang mga kamalian sa buhay, kung kaya't ang ating "diwang-tulog" ang nagbibigay ng panandaliang haplos ng pagkalinga sa sugatan nating damdamin.

Kung tutuusin napakadali lang naman maibsan ang lahat ng pasakit na ito. Sa pamamagitan lamang ng pagsangguni sa isang matalik na kakilala na tiyak mong sa iyo'y makaiintindi. Takot lamang tayong gawin ito dahil sa pangunahing dahilan: ANG TAKOT. Mawawala lang ang takot kung ikaw ay magtitiwala.

PAGKABUNGI
Unahin na natin ang isa sa pinaka-karaniwang uri ng panaginip. Ang PAGKA-BUNGI o pagkalagas ng ipin. Noon, ang nagisnan nating paniwala ay indikasyon o signos daw ito na may mamamatay sa ating malalapit na kaanak. Iyan naman ay isang haka-haka lang, ang totoong ibig lamang ipakahulugan nito ay isa kang taong "LONER" o laging mapag-isa. Inilalayo ang sarili sa pamilya at mga kaibigan dahil sa kahihiyang dulot na gawa ng masama mong gawi o ugali. Dahil nga dito ay tumatak na sa puso mo na wala nang kumikilala sa bahaging mabuti sa pagkatao mo. Gusto mo mang ipabatid sa lahat na nagbago ka na ay mahirap para sa iyo kung paano sisimulan. Ang tendency tuloy ay naghahanap ka ng bagong tropa, pero dahil sa maituturing na "unfinish business" gaya ng reconcilation sa mga taong malalapit sa puso mo ay 'di mo naman magawang makahanap ng ibang tropa. Gaya nga ng naunang nasabi ko sa introduction ko, IWAKSI ANG TAKOT. Malamang natatakot kang "ma-reject" ng mga taong gusto mong makasundo muli. Wag mong ilayo ang sarili mo.

TAE
Ang isa pang kakaiba ngunit pangkaraniwan ding elemento sa panaginip ay ang "TAE". Basta may tae sa panaginip mo ay isa lamang ang pinaguugatan nito. Ito ay dahil sa may taong nakalalamang sa iyo at nagbunga ito ng inggit. Halimbawa sa klase nyo eh, kilala kang pinakamagaling mag-drawing then isang araw may isa kang kaklase na tipong 'di pansinin' ang mas nakahigit sa kakayahan mo, at dahil dito ay natuon ang buong atensyon ng mga kaklase mo sa kanya. Para din siyang rejection, but this time mas masakit dahil damay ang EGO mo.

Pano ba madermine ang EGO ng isang tao? Simple lang ang definition ng EGO. EGO is one's INTEREST. Yung 'NAIS o GUSTO' ng isang tao. Kapag naagaw o napintasan ang "INTEREST" ng isang tao, yan na yung tinatawag na "nasaktan ang EGO"
 
Last edited:
salamat sa napagandang salaysayin, medyo ok naman tama ka, bali may napansin nga ako sa section na ito, 3 Tay0ng may thread sa panaginip pero alin ang kakaiba? Ang pananaw! Tama ka nga siguro iba iba tayo diba . Pls .check this 0ne para makita mu po ang pagkakaiba natin,Ang Panaginip at Ang Kahulugan nito ! salamat
 
@1989matanghari2012 oo napansin ko din na tatlo nga tayo na may ganitong thread bago ko pa man simulan tong akin. Basta ako wala akong pormal na isinagawang pag-aaral tungkol sa pagbabasa ng panaginip. Although ang dapat pundasyon ng mga ganito ay mga nag-aaral ng
numerology, astrology, cosmology at sacred geometry. Basta ang akin lang ay base sa karanasan.
 
Eto pa ang ilan sa mga sangguni na sinubok kong bigyan ng pagpapakahulugan


1. Dalawang Elepante sa dulo ng isang napakakipot na daan.

Sabi sa panaginip na ito ay may dalawang elepante sa dulo ng isang makipot na daan. At yung daan na yun ay parang hanging bridge na gawa sa bato. Yung dalawang elepante ay pagkalalake at pagkakaiitim ng anyo; ang isa ay nagbabadya na aatake kung susubok kang tumawid at ang isa ay animo'y sumesenyas na "sige tumuloy ka" sa pamamagitan ng pagkawag ng ilong nito na parang nag-aanyaya.

Paliwanag:

Yung dalawang elepante ay ang "fear" (anxiety o bagabag na din). Yung nagsangguni nito ay
nagdadalawang isip kung tutuloy magpunta ng Middle East para mag-trabaho. Nakumpleto na nya lahat ng papeles at paalis na sya. Pero palaging nauudlot dahil sa takot na mapunta sa
nakakatakot na amo.

Basta ang isang panaginip ay kinatatampukan halimbawa ng "paglipad" o ng tubig o ng daan (masalimuot na daan/sanggandaan), basically ay patungkol sya sa travel o career move.
O sa kabuuan ay parang milestone o turning point ito na kahit anong mangyari ay kailangan mong mag-decide "against your will". Ito ay nagpapahiwatig na kailangan mo nang iwanan ang iyong "comfort zone". Grow up kid! You are no longer a student! You must put you education to a test!

So, bukod sa elepante at yung daan ay naipaliwanag na din ang "paglipad, paglangoy, pagtahak sa daan na masalimuot/sangandaan"

Tanong: Paano kung tubig lang o kaya daan lang ang nasa panaginip?

Ibig sabihin ay immature ka pa in most of your life aspect.
O kaya ay: BORING KANG TAO!
Wala kang pwedeng i-share na karanasan.
Lahat ng alam mo eh, kwentong barbero lang! Meaning, nadinig mo lang sa
mga kaibigan mo! Underdog ka at wala pang maituturing na identity.

Well, lahat naman tayo ay nakadadanas nyan kaya lang magkakaiba tayo kung kailan
ito natatakda mangyari.

Kung maranasan mo to mula 13y/o up to 22 ay okay lang. Yung 23 to 25y/o medyo okay pa. Pero kung 26, 27, 28, 29 at lumapas ka pa ng 30. Ay sus! Personality Disorder na yan at mismong Super-Ego mo na ang nagsasabi sa iyo na kumilos ka! Malamang ay isa kang TROLL! Isa kang "FOREVER ALONE" na nilamon na ng inferiority complex mo!
 
Hi boss pwd q ba ishsre yun panaginip ko dito last time nanaginip ako sa lugar na kinalakihan ko na nilubog daw ng baha lahat ng bahay at tumutulay ako sa dslawang kawayan patawid sa kabilang bubong dahil lubog nang tubig ang mga bahay tapos yun ikalawang panaginip ko matass na baha nanaman lahat ng bahay nakalutang tpos yun bahay na kinaroroonan ko may tubig at maraming isdang dagat gaya ng telapia bangos at malalakibg isda tapos ng tumaas lalo ang tubig nabiyak un sahig may naapakan daw akong malapad na kahoy at dnala ako sa kabilang bahay nakarating daw ako sa luagr na batobg bahay tapos nakikita ko lahat ng tao na naka tayu nalang sa malapad na kahoy na nakalutang pag tayu ko sa kabiñang mataas na batobg bahay nagising nalang ako bigla..
 
Hi boss pwd q ba ishsre yun panaginip ko dito last time nanaginip ako sa lugar na kinalakihan ko na nilubog daw ng baha lahat ng bahay at tumutulay ako sa dslawang kawayan patawid sa kabilang bubong dahil lubog nang tubig ang mga bahay tapos yun ikalawang panaginip ko matass na baha nanaman lahat ng bahay nakalutang tpos yun bahay na kinaroroonan ko may tubig at maraming isdang dagat gaya ng telapia bangos at malalakibg isda tapos ng tumaas lalo ang tubig nabiyak un sahig may naapakan daw akong malapad na kahoy at dnala ako sa kabilang bahay nakarating daw ako sa luagr na batobg bahay tapos nakikita ko lahat ng tao na naka tayu nalang sa malapad na kahoy na nakalutang pag tayu ko sa kabiñang mataas na batobg bahay nagising nalang ako bigla..


try mo sir hanapin yung mga details sa dreammoods.com :)
 
Magandang araw sayo TS gusto ko sana magtanong tunkol sa panaginip na lumilipad. Basta lumilipad ang sariling katawan na parang si Peter Pan, walang ibang tao, hayop, o eksena kung saan kailangan may dapat kang gawin basta lumilipad ka lang sa hangin sa kung saan mo gusto. Kung minsan ang paglipad ay sa gabi kung minsan sa araw pero karamihan ay sa gabi at makikita sa malayo ang konting liwanag ng araw sa malayo. Thanks in advance.
 
Dream

lahat ba ng panaginip ay may meaning?

share nio naman mga alam nio guys :)
 
Back
Top Bottom