- Messages
- 5
- Reaction score
- 0
- Points
- 16
Guys pasensya na pero more on hearsay o kaya speculations ang sinasabi nyo,hal.Paano po nyo nasabi na pinagbabati ng Pangulo ang China at Japan kung purely economics ang sadya nya doon?Unless may official statement ang Pangulo,pakishare na lang po,Bagkus sa bilateral meeting nya at ni Abe nilinaw nya na walang military alliance sa China ang Pilipinas,alam naman ng Pangulo ang hidwaan nila ay tungkol sa territorial disputes ng Senkuko Island,parang unwarranted na magbigay sya ng advice o kaya pagbatihin sila kung hindi naman nila hinihingi ang payo nya,sa pagkakaalam ko Japan mismo ay hindi na pinilit pa na pagbatihin ang Pangulo at US.About naman sa hindi tayo tutulungan ng US,God forbid na sana huwag magkaroon ng war pero wala akong nakikitang ebidensya na hindi nila tayo tutulungan kundi spekulasyon lang,bagkus yung kinikilos at pananalita nila ay nagpapakita ng suporta sa pinaglalaban natin,at tapat sila sa alyansa sa atin,sa lupain mismo ng China noong si Obama ay pumunta sa China dito idiniin nya na dapat sundin ang law,kahit hindi na tayo kasali sa pagpatrolya sa WPS,dumadaan pa din dyan ang US bilang pagtutol sa claims nito sa South China Sea.Hindi ko maunawaan ang karaniwang pagbabago sa pagiisip ng karaniwan sa mga Pilipino,dati galit na galit tayo ng tinaboy ng mga Intsek ang mangingisda sa Scarborough,ngayon parang tagapagligtas na natin ang China,welcome natin ang trade sa China,tanggapin natin ang mga tulong pero huwag tayong maging naive,gusto pa din nila ang mga disputed islands kaya kung pwede lang huwag tayo bibili ng mga armas sa balang araw na pwedeng maging kalaban natin.Sa Russia na lang kung ayaw ni Duterte sa US,mas kalidad pa at nakakasabay sa gamit ng Amerika.