Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Extreme sport(the truth behind 10)

This is my first Narrative story thru the years have past and to be honest i have no idea on the first place because i have no clue on how to connect all the details about myself, just like my friends always said to me before " just write a story about yourself and don't stop until the end" thanks to his positive compliment i know i can do it.

Enjoy Reading





ang totoo wala talagang dahilan kung bakit ko sinubukan ang extreme sport na gusto ko
pero isang bagay lang ang masasabi ko na kahit sino man ay hindi parin ako maiintindihan kahit ano pang paliwanag ko :sigh:
simple lang "iba kasi ang pakiramdam pag nabuo mo na yung trick na gusto mo kahit ilang beses ka pang bumagsak babangon at babangon ka parin kahit anong mangyari!"
yan ang sagot ko sa tanong na yan :yes: kahit hindi ko alam kung pano ko sisimulan ang kwento ko eh bahala na, bahala na talaga si batman basta huwag lang sumama si joker :lmao:


sa dami ng sports na napapanood ko dati sa tv eh dalawang sport lang ang nagustuhan ko, walang iba kundi ang skateboarding at aggressive inline skate tama ang nabasa mo :yes:
bakit? kasi kahit alam kong mahirap yung mga stunts na ginagawa nila eh hindi sila tumutigil kahit ano pang mangyari sa kanila, mapilayan, gumulong ng mala stuntman, dumugo ang ulo at ano ano pang parte ng katawan nila
kasi extreme eh :yes: pagkatapos ko makanood ng ganong klasing sport eh naisip ko bigla na bakit hindi ko subukan yung ganong sport dahil nung mga panahon na yun basketball lang sport ko kahit alam kong hopeless nako :slap:
nung mga panahon na nauso ang inline(rollerblades) eh late nako nagkaron nun kasi nanghihiram lang ako dati sa kaklase ko nung una hirap ako tumayo dahil naglalayo ang dalawang paa ko, andon yung punto na may tutulak sayo ng hindi mo alam tapos pagtatawanan ka pa :sigh: pero sa isip ko nakapagdesisyon agad ako
pinangako ko sa sarili ko na matututunan ko rin siya kahit ilang beses ako bumagsak, kahit yung ibang kalaro ko may inline yung iba roller skate pa nga eh kaya medyo naiinggit ako kasi gusto ko din subukan yung mga ginagawa nila kaya nakiusap ako na manghiram kahit hindi ako marunong :slap:salamat sa isang kaibigan ko na nagpahiram sakin ng pares ng roller skate na sapatos lang ang kailangan para magamit mo :yes: halos araw-araw ko suot yun sa una mahirap para kasi siyang inline
pero :thanks: sa isang kalaro ko na mabait at willing magturo sakin dahil nagtiyaga siyang magturo sakin kahit hirap ako matuto pero sa awa ng diyos natuto ako na halos inabot ng tatlong linggo :dance:
nung time na aalis ang tita ko papunta sa ibang bansa para mag out of the country eh nagpabili agad ako ng sarili kong inline at nung paguwi niya eh tuwang tuwa ako dahil kasama ko nung sinundo namin siya sa airport at nung pagbaba ko ng sasakyan eh ginamit ko na agad kasi excited :naughty: pero nanibago ako bigla dahil iba yung feeling nung inline ko kasi mabilis at magaan siya :slap: kaya ang ginawa ko pumasok nako sa bahay at natulog kinabukasan nung pumasok ako sa school at pinakita sa mga kaklase ko yung bago kong inline maraming namangha pero hindi ko inisip na may inggit sila sakin dahil wala naman akong pakialam sa nararamdaman nila basta ang sakin eh masaya ako dahil may sarili nakong inline sa wakas :yes:
yung time na sinubukan ko ulit yung bago kong inline at nagpaandar may nagbalak na naman akong itulak pero nung ginawa niya yun eh hindi ako natumba at tinawanan ko lang siya :giggle:. halos araw-araw ko suot yung inline ko dati kasi pag bata ka andon yung urge mo matuto ng kahit anong bagay, mahirap o hindi willing ka matuto :approve: dumating yung time na napahinto ako sa inline dahil may nangyaring hindi maganda, hindi ko alam kung katangahan ba yun o hindi pero huli na ng malaman kong mali yung ginawa ko nung nangyari na sakin simple lang linggo ng gabi yun pauwi nako naandar ng mabagal tapos may sasakyang papunta sa harapan ko ang ginawa ko dali dali akong napatakbo agad para pumunta sa bangketa pero hindi ako nakapunta agad kasi pagkalampas palang ng sasakyan eh
nag stock yung unahang gulong ng inline ko sa linya ng kalsada kaya natumba ko bigla, yung patumba nako wala nakong choice nun dahil takot akong magkagalos sa mukha kaya ang ginawa ko tinukod yung kaliwang braso ko na akala ko nabali kasi naramdaman kong masakit buti nalang hindi pero sa tuwing binebend ko para siyang bali :slap:


itutuloy.....:hilo:


ps:TSE!
 
Last edited:
Re: extreme sport(the truth behind 10)

bitin mr.suplado (:
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

@iksenim post ko yung karugtong after 2 days :yes:
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

extreme sleeping ang sports ko :lmao: ituloy na ito bitin e :lol:
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

OK Brother! Bitin nga lang.... :weep:
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

nasimulan ko na yung part 2 ng kwento ko pero wala pa ko sa kalahati :slap:




ps:TSE!
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

tse... Bitin. :lmao: tapusin mo na... Ps: tse! :lmao:
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

Ohmaygad may magandang dilag :lmao:

nasaan na ang kasunod tse? :rofl:
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

kulit nung tags oh mr. tse sampu :lmao:


ituloy mo na mandy.. para may mga chick pang dumating :lol:
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

gawin ko muna sa manuscript tapos post ko dito pasensiya sa mga naghihintay ng karugtong :peace:




ps:TSE!
 
Last edited:
Re: extreme sport(the truth behind 10)

Wow writer na si tse! :rofl: keep it up bro

ps.hmp!
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

@demon :thanks:

ninja mode muna may sinusulat lang ako :yes:




ps:TSE!
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

Pagkatapos ng nangyari nung gabing yun pumunta ko sa tindahan, nagisip kung pano ko itatago sa tita at sa nanay ko ang pilay na natamo ko pero sa kamalasan hindi ako nakapagisip dahil natataranta ako :panic: kaya ang ginawa ko umuwi na lang, nung nasa bahay na ko ingat ang mga kilos ko dahil ayokong makita nila yung nangyari sa braso ko pero sa pagiingat na ginawa ko nabuking parin ako dahil napansin ng isa kong tita na kapatid ng nanay ko yung braso ko sa tuwing binebend ko napansin niyang parang may fracture ako at kahit anong tanggi ko wala akong magawa dahil nung sinabi yun ng kapatid ng nanay ko eh andon ang tita at nanay ko na sakin nakatingin at tinanong kung anong nangyari sa braso ko pero ako todo dahilan dahil takot akong malagyan ng semento ang kaliwang braso ko dahil kung mangyari man yun pano ko makakapagsulat nun kasi kaliwete pa naman ako :slap: pero wala nakong nagawa nung sinabi ng tita ko na pupunta kami sa orthopedic para ipa x-ray yung braso ko kahit medyo late na ang oras. Habang tinatahak namin ang daan papuntang clinic tinanong ako ng tita ko kung ano talaga nangyari sa braso ko, pinalawanag ko ang buong nangyari pero pagkatapos ng pagpapaliwanag ko eh nasermunan parin ako :slap: at sinabing “sige ulitin mo ulit yan para tuluyan ka ng mabalian” pagtapos sabihin sakin yun ng tita ko hindi ako nagsalita dahil maling mali talaga ko at iniinda ang sakit na nararamdaman sa braso :sigh: nung nakarating na kami sa clinic tinanong agad kami kung ano nangyari ang sabi ng tita ko sa nagtanong samin “parang bali yung braso niya paki x-ray kung kailangang ipasemento” pagkatapos sabihin yun ng tita ko eh inasikaso agad ako nung nagtanong, naghintay ng ilang minuto para ihanda yung x-ray machine nung handa na tinawag ako at dali-dali akong lumapit para ipatingin yung braso ko, pinalapat ng diretso yung braso ko na nakapatong sa saktong sukat na plywood :noidea: akala ko okay na yung ginawa ko pero hindi pala kasi malayo sa pinaka lens ng machine kaya nilapit ko ng konti at presto :alright: sakto na tapos may pinindot sa machine yung nagooperate, naramdaman ko yung radiation na parang mainit akala ko nga tinutusta na yung buong braso ko kasi medyo mainit eh :panic: habang ganon ang ginagawa sakin sa isang banda kitang kita ko ang nanay ko na todo dasal dahil ayaw niya talagang masementuhan ang braso ko, nawala na lang yung ganong pakiramdam nung natapos na yung ginagawang pagsusuri sa braso ko kaya ang ginawa ko tumayo na ko at umupo tapos naghintay kami ng resulta ng x-ray, makaraan ang ilang minuto lumapit samin yung nagsuri pero habang papalapit siya samin eh tumayo na agad ang tita at nanay ko para tanungin kung ano na lagay ng braso ko kung kailangan ba sementuhan o hindi samantalang ako nakaupo sa isang sulok at hawak hawak ang braso at iniinda parin ang sakit :unsure: walang sinabing bad news ang sumuri sakin pero pinaliwanag niya samin kahit hindi ko ganong maintindihan :noidea: pero may isang parte akong naintindihan sa sinabi nung nagsuri, hindi masesementuhan ang braso ko dahil hindi siya nabali :praise: pagkatapos marinig yun ng nanay ko ay nagpasalamat siya sa itaas dahil hindi ako tuluyang nabalian ng braso salamat sa gatas na pinapainom sakin ni nanay gabi gabi bago matulog :yes: hindi ko akalain nag anon ang mangyayari kasi akala ko talaga bad news ang sasabihin samin yun pala hindi masaya ko kahit konti nung marinig ko ang good news kasi nadaan sa gatas ang nangyari kaya hindi tuluyang nasementuhan ang braso ko pero iba ang sinabi ng tita ko “pasalamat ka at hindi nasementuhan yang braso mo kaya huwag mo na uulitin yung ginawa ko kasi kapag inulit mo pa yan sa susunod may semento na yang braso mo” sa sinabing yun ng tita ko kinabahan ako pero sa isang banda masaya parin ako kasi hindi talaga bali ang kamay ko kundi na komang lang :sigh: pagkatapos marinig ang good news nagpasalamat ang tita at nanay ko sa sumuri sakin samantalang ako tumayo lang :naughty: at kami’y umuwi na.

itutuloy....



ps:TSE!
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

:slap: may kasunod pa pala :slap: bitin ka na naman :panic: ... PS! Tse :lmao:
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

@kisses parang pantalon lang yan kapag bitin ibig sabihin tumangkad ka na :naughty: nasimulan ko na yung third part pero wala pa ko sa kalahati hehehe....:excited:




ps:TSE! :beh::belat::lmao:
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

bitin! nu ba yan.
paki tapos na please :lmao:
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

@kissie loko-loko

:punish::chair::madslap:





ps:TSE!
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

aabangan ko kadugtong nyan.
kaya bilisan mo ah :chair:

hahahahaha :rofl:
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

@kissie kahti magabang ka pa magdamag hehehe.....:naughty:

:beh::belat::taunt::lmao:

ps:TSE!
 
Back
Top Bottom