Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Extreme sport(the truth behind 10)

This is my first Narrative story thru the years have past and to be honest i have no idea on the first place because i have no clue on how to connect all the details about myself, just like my friends always said to me before " just write a story about yourself and don't stop until the end" thanks to his positive compliment i know i can do it.

Enjoy Reading





ang totoo wala talagang dahilan kung bakit ko sinubukan ang extreme sport na gusto ko
pero isang bagay lang ang masasabi ko na kahit sino man ay hindi parin ako maiintindihan kahit ano pang paliwanag ko :sigh:
simple lang "iba kasi ang pakiramdam pag nabuo mo na yung trick na gusto mo kahit ilang beses ka pang bumagsak babangon at babangon ka parin kahit anong mangyari!"
yan ang sagot ko sa tanong na yan :yes: kahit hindi ko alam kung pano ko sisimulan ang kwento ko eh bahala na, bahala na talaga si batman basta huwag lang sumama si joker :lmao:


sa dami ng sports na napapanood ko dati sa tv eh dalawang sport lang ang nagustuhan ko, walang iba kundi ang skateboarding at aggressive inline skate tama ang nabasa mo :yes:
bakit? kasi kahit alam kong mahirap yung mga stunts na ginagawa nila eh hindi sila tumutigil kahit ano pang mangyari sa kanila, mapilayan, gumulong ng mala stuntman, dumugo ang ulo at ano ano pang parte ng katawan nila
kasi extreme eh :yes: pagkatapos ko makanood ng ganong klasing sport eh naisip ko bigla na bakit hindi ko subukan yung ganong sport dahil nung mga panahon na yun basketball lang sport ko kahit alam kong hopeless nako :slap:
nung mga panahon na nauso ang inline(rollerblades) eh late nako nagkaron nun kasi nanghihiram lang ako dati sa kaklase ko nung una hirap ako tumayo dahil naglalayo ang dalawang paa ko, andon yung punto na may tutulak sayo ng hindi mo alam tapos pagtatawanan ka pa :sigh: pero sa isip ko nakapagdesisyon agad ako
pinangako ko sa sarili ko na matututunan ko rin siya kahit ilang beses ako bumagsak, kahit yung ibang kalaro ko may inline yung iba roller skate pa nga eh kaya medyo naiinggit ako kasi gusto ko din subukan yung mga ginagawa nila kaya nakiusap ako na manghiram kahit hindi ako marunong :slap:salamat sa isang kaibigan ko na nagpahiram sakin ng pares ng roller skate na sapatos lang ang kailangan para magamit mo :yes: halos araw-araw ko suot yun sa una mahirap para kasi siyang inline
pero :thanks: sa isang kalaro ko na mabait at willing magturo sakin dahil nagtiyaga siyang magturo sakin kahit hirap ako matuto pero sa awa ng diyos natuto ako na halos inabot ng tatlong linggo :dance:
nung time na aalis ang tita ko papunta sa ibang bansa para mag out of the country eh nagpabili agad ako ng sarili kong inline at nung paguwi niya eh tuwang tuwa ako dahil kasama ko nung sinundo namin siya sa airport at nung pagbaba ko ng sasakyan eh ginamit ko na agad kasi excited :naughty: pero nanibago ako bigla dahil iba yung feeling nung inline ko kasi mabilis at magaan siya :slap: kaya ang ginawa ko pumasok nako sa bahay at natulog kinabukasan nung pumasok ako sa school at pinakita sa mga kaklase ko yung bago kong inline maraming namangha pero hindi ko inisip na may inggit sila sakin dahil wala naman akong pakialam sa nararamdaman nila basta ang sakin eh masaya ako dahil may sarili nakong inline sa wakas :yes:
yung time na sinubukan ko ulit yung bago kong inline at nagpaandar may nagbalak na naman akong itulak pero nung ginawa niya yun eh hindi ako natumba at tinawanan ko lang siya :giggle:. halos araw-araw ko suot yung inline ko dati kasi pag bata ka andon yung urge mo matuto ng kahit anong bagay, mahirap o hindi willing ka matuto :approve: dumating yung time na napahinto ako sa inline dahil may nangyaring hindi maganda, hindi ko alam kung katangahan ba yun o hindi pero huli na ng malaman kong mali yung ginawa ko nung nangyari na sakin simple lang linggo ng gabi yun pauwi nako naandar ng mabagal tapos may sasakyang papunta sa harapan ko ang ginawa ko dali dali akong napatakbo agad para pumunta sa bangketa pero hindi ako nakapunta agad kasi pagkalampas palang ng sasakyan eh
nag stock yung unahang gulong ng inline ko sa linya ng kalsada kaya natumba ko bigla, yung patumba nako wala nakong choice nun dahil takot akong magkagalos sa mukha kaya ang ginawa ko tinukod yung kaliwang braso ko na akala ko nabali kasi naramdaman kong masakit buti nalang hindi pero sa tuwing binebend ko para siyang bali :slap:


itutuloy.....:hilo:


ps:TSE!
 
Last edited:
Re: extreme sport(the truth behind 10)

9th part on process




ps:TSE! :beh::belat::taunt::lmao:
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

Tinanggap ko na ang sinapit ng una kong inline, naisip ko na kung ano ang nagagawa kong trick sa roller derby ay gagawin ko rin sa blade runner kaso hindi naging madali para sakin, medyo nangapa ako ng konti dahil naninibago talaga ko sa gamit ko dahil hindi ako masyadong komportable dahil parang mabigat ng konti ang gamit ko dahil nasanay ako sa unang kong gamit kasi magaan siya at saktong lang sakin ang size kaya nagiging madali sakin ang lahat, wala nakong oras at panahon para gamayin ang inline ko dahil gusto ko ituloy-tuloy ang aggressive inline dahil wala pa sa isip ko ang magpalit ng sport kaya laro lang ako ng laro kasama si boy Roces, dalawang araw na kaming dalawa lang naglalaro sa gilid ng skating rink, tira lang tira sa na nagamay na trick hanggang sa mapagod.

Dumating ang hapon, oras ulit ng non-stop aggressive session good mood kaming dalawa ni boy Roces sakto dumating yung mga kalaro namin, nagulat sila nung makita nilang bago ang gamit kong inline, inasar pa nga nilang “it’s the S” dahil parang skechers ang style ng inline ko kasi purong sintas at walang strap, natawa nalang ako sa sinabi nila at pati ako sumasabay sa pang-aasar nila, pagkatapos ng konting asaran tapos ready to roll na kaming lahat, sa bawat out ko sa aking favorite trick lagi kong binabanggit ang “it’s the S kaya nabubuo ko”, natatawa nalang sila sa sinasabi ko kahit ilang ulit ko sinasabi sa kanila.

One time niyaya kaming dalawa ni boy Roces na kami naman ang dumayo sa lugar nila para maiba ng environment, pumayag kami dahil gusto din namin maglaro sa ibang lugar, napadpad kami sa lugar ng mga kalaro namin alas 3 palang ng hapon nandon na kami sila naghahanda palang bago umalis kaya naghintay muna kami ng ilang minuto, umalis na agad kami pagkatapos naming maghintay ng ilang minuto para puntahan sa bahay yung kakilala nila kung saan don nila tinatago yung tubo na ginagamit nila sa aggressive inline.

Alas 4 na kami nakapaglaro dahil sa gilid ng kalsada kami pwede maglaro dahil daanan ng sasakyan ang naging pwesto namin kaya medyo kinakabahan ako, may mga nanonood din bata samin na nang-aasar kapag hindi kami nakakabuo ng trick pero sa isip ko “in your face kapag nakabuo ako ng trick”, nagkakamali ako minsan pero hindi ako tumitigil hanggang sa nabubuo ko yung trick na lagi kong ginagawa kaya yung mga nang-aasar samin tumatahimik dahil wala silang nakitang sumesemplang.

Natapos ang inline session namin ng madilim na ang paligid at nagkakatamaran na kaya umuwi na kami ni boy Roces, dumating ang byernes ng hapon akala namin maglalaro yung mga kasama namin sa skating rink pero nabigo kami kaya no choice ulit kami ni boy Roces, 1 on 1 na naman kaming dalawa pero okay lang, hindi rin kami nagtagal dahil medyo wala sa mood kaya umuwi kami agad, sumapit ang dilim alas 7 palang biglang nag-ring ang telepono, nang sagutin ko akala ko si boy Roces yun pala yung isang kalaro namin.

“pre pwede kayo pumunta mamayang alas 8 kung gusto niyo maglaro” sambit ng nasa kabilang linya.
“ganon ba? sige punta nalang kami mamaya” sambit ko sabay baba ng telepono.

Pagkatapos ng maikling pag-uusap tinawagan ko agad si boy Roces para sabihin sa kanya ang sinabi sakin ng isang kalaro namin, pumayag agad siya dahil medyo nabitin ang laro namin nung hapon, saktong alas 8 nandon na sa bahay ng isang kalaro namin nagulat kami ni boy Roces pagkat wala kaming nakitang naglalaro pero nandon yung tubo na gamit nila, lumapit kaming dalawa kung saan nakapwesto yung tubo nang makalapit na kami sa tubo nakita namin yung isang kalaro namin na may kasama na hindi namin kilala, nagulat kami ni boy Roces akala namin nagi-inline din pero nagulat kami dahil skateboard ang gamit niya kaya napaisip ako bigla na subukan ko naman ang skateboarding pag nagsawa nako sa aggressive inline, hiniram ko saglit sa kakilala ng kalaro namin yung skateboard na gamit niya kaya nasubukan ko, nakita ko sa kanya kung pano niya paangatin sa ere yung board kaya nagtanong ako kung ano tawag sa ginawa niya, don ko nalaman yung word na “ollie”, nung susubukan ko naman mag-ollie akala ko mapapaangat ko ng mataas pero hindi pala, napa-angat ko sa ere per hindi ganon kataas naka-ilang tries pako pero bigo parin ako kaya binalik ko nalang sa may-ari yung board tapos saka ko sinuot yung inline na dala ko kaya naglaro nalang kami ni boy Roces, isang oras lang kami naglaro tapos saka umuwi dahil medyo late narin ang oras.

Dumating ulit ang lunes, sa skating rink ulit kami naglaro ni boy Roces akala namin kami na namang dalawa ang nauna sa lugar pero nagulat kami dahil ang aga dumating nung mga kalaro namin pero hindi pa sila naglalaro kasi may kinakabit yung dalawang kalaro namin sa gilid ng inline nila, yung isa walang kinakabit pero binabaligtad niya yung gulong ng inline niya dahil medyo pudpod na, nung nakabit na yung bagay sa gilid ng inline nila napansin ko na medyo kumapal yung sa gilid dahil sa kinabit nilang bagay kaya nagtanong ako kung ano yung kinabit nila na parang frame ang itsura.

“soul grind plate ang tawag dyan” sambit ng isa.
“para saan yung soul grind plate?” patanong kong sabi.

“para lock agad pag titira ka ng trick kaya ganyan ang itsura, kung malapad ang boot ng inline mo at nakaka-grind ka ng walang kahirap-hirap eh hindi mo na kailangang magkabit ng ganito pero kung hindi malapad ang boot ng inline mo pwede mo lagyan ng soul grind plate pero makakapag-grind ka parin kahit walang soul grind plate pero dapat bend na bend ang paa mo” paliwanag nung isa.
“ah ganon ba? hmmmmmmm…….mukhang kailangan ko bumili ng kagaya ng sa inyo kasi yung inline ko parang mahihirapan ako mag-soul kasi pag pinapatong ko sa tubo kahit madiin na yung paa ko eh kumakalas kahit anong gawin ko” paliwanag ko.

“ganon ba? mukhang kailangan mo nga bumili ng kagaya ng nakakabit sa inline namin para maka-pag soul grind ka na” sambit ng isa.
“ahmmmmm……magkano pala yung soul grind plate?” sambit ko.

“575 lang sa toby’s meron” sambit nung isang kalaro namin.
“kuya yung sakin kailangan pa ba lagyan ng soul grind” sambit ni boy Roces.

“teka tignan ko nga kung kailangan pa” sabay kilatis sa inline ni boy Roces.

Pagkatapos kilatisin ang inline ni boy Roces saka nagsalita yung kalaro namin.

“hmmmmmmmmmm….kahit hindi na, malapad kasi yung boot ng inline mo saka iba yung frame ng sayo, pag nilagyan mo ng soul grind yung sayo ang sagwa na tignan ng gamit mo” paliwanag kay boy Roces nung kalaro namin.
“nako kailangan ko pala yan hehehe….kung walang ganyan sa inline ko hindi ako makakapag-soul grind kaya kailangan ko makabili ng ganyan a.s.a.p.” sambit ko.

Saktong nasa mall ako dahil nabanggit ko sa tita ko na may bibilin akong accessories na para sa inline ko, dumiretso agad as toby’s at hinanap ang pakay ko pero hindi ko agad hinanap ang pakay ko dahil may nakakuha ng atensyon ko sa mga naka-diplay sa loob, nakita ko yung pro model na inline ni Chris Edwards na naka-display at sinuri ko yung buong inline niya, may naka-kabit sa gitnang frame na parang plastic na puti pero napansin kong walang soul grind plate dahil hindi na kailangan dahil malapad naman ang boot niya pero doon ako sa presyo napailing, ang presyo eh dadagdagan mo nalang ng 75 cents para saradong 10,000, natawa nalang ako sa sarili ko dahil hindi ko akalain na mahal pala ang pro model ng inline ng Rollerblade.

Naisip ko na hindi naman kailangan ng mahal na inline dahil ang importante, may nagagamit ako na maayos at umaandar.
Pagkatapos kong pagmasdan ang inline na naka-diplay saka ko hinanap ang mismong pakay ko sa loob ng toby’s, kung saan-saan ako nakatingin para lang makita yung hinahanap ko, tumitingin ako sa rack na purong salamin pero wala don ang pakay ko, tumingin ako sa mga nakasabit malapit sa rack na salamin at nakita ko agad yung itsura ng soul grind plate kaya lumapit ako at pinagmasdan maigi, nang nakilatis ko na tama ang nakita ko eh tinitigan ko ulit, nang sigurado nako sa nakita eh sinabi ko sa clerk na kukunin ko yung soul grind plate, habang kinukuha yung soul grind plate eh tumingin tingin ako sa rack na salamin para tignan kung ano pa yung mga naka-diplay doon, may nakita akong plastic na kagaya nung nakalagay sa inline na nakita ko nung kakapasok ko palang, doon ko lang nalaman na grind plate pala ang tawag sa plastic na yun pero wala akong idea kung para saan yun, tinignan ko ang presyo halos pareho lang ng soul grind plate.

Pagkatapos ko bayaran ang nabili saka ako umuwi dahil sa sobrang excited, nang nakarating nako sa bahay binuksan ko agad yung soul grind plate na nabili pagkatapos kinuha yung inline tapos saka ko kinalas yung mga nuts kaso nabigo ako, saktong ika-kabit ko na yung soul grind plate sa gilid ng frame ng inline ko eh napansin ko na parang hindi sakto yung yung isang butas sa butas nung frame ng inline kaya napaisip ako saglit, sinubukan kong lagariin ng konti yung isang part sa binili ko, nang nagawa ko na yung naisip kong idea saka ko pinantay yung soul plate sa frame ayun naging okay siya kaya kinabit ko agad yung soul plate sa frame tapos saka ko kinabit yung mga nuts na libre.

Tinawagan ko agad si boy Roces para maglaro at para narin masubukan yung soul plate na binili ko, napansin ko na lumapad tignan yung kanang boot ng inline ko dahil sa soul plate na kinabit ko, nung una parang ang pangit tignan pero sa isip ko naninibago lang ako sa itsura kaya tinuloy ko parin ang balak na makapaglaro, nung saktong andon na kaming dalawa sa skating rink parang nabading ako hindi ko pa nasusubukan ang soul grind kaya naisip kong gawin ay subukan ko muna i-stall sa tubo bago ko gawin ng umaandar, nung una medyo nakakatakot dahil konting pagkakamali lang sigurado plakda ka o kaya hahampas ang alulod mo sa tubo o di kaya’y hahampas ang dibdib mo kaya inunti-unti ko ang trick na gagawin ko, nung na-stall ko ng maayos yung trick saka ko sinubukan ng umaandar kahit mabagal si boy Roces tuloy-tuloy lang sa paglalaro, salitan parin kami sa pagtira sa tubo, minsan kundi soul ang gagawin ko royale pagkatapos halos ganon lang ginagawa ko pati si boy Roces isang trick lang ang ginagawa.

Dumating ang kalahating taon ng sophomore year ko, bihira nalang kami maglaro ni boy Roces kaya ang madalas solo akong pumupunta sa skating rink para maglaro kahit minsan tinitignan lang ako ng mga taong nakakasalubong ko at nakaka-kita pero ako okay lang sakin dahil hindi ako nagpapaapekto sa kanila, sa tuwing naglalaro ako mag-isa lagi kong ginagawa ang soul grind ng mabagal hanggang sa masanay ako minsan ginagawa ko ng mabilis pero hindi ko ina-out dahil gusto ko maramdaman ulit ang pakiramdam ng nasa ibabaw ng tubo habang nadulas kaya ganon lagi ang ginagawa ko.

Dumating ang hapon at solo na naman akong nagpunta sa skating rink para maglaro ulit, hindi ko na tinawagan si boy Roces dahil wala siya sa kanila saka alam kong tinatamad narin siyang maglaro kaya hindi ko na siya kinulit pa, habang papunta ko sa skating rink don ko naisip na tumigil nako sa aggressive inline at subukan naman ang skateboarding pero naisip ko na alam kong mas mahal ang whole set-up ng skateboard pero sa isip ko.

“makakagawa din ako ng paraan” dahil walang imposible lalo na kung ginusto mo,.

Nang andon nako sa skating rink wala akong sinayang na oras, bawat minuto hindi ko nilubayan ang tubong tinitirahan namin nung panahon na may kasabay pako sa aggressive inline, konting mali bangon agad tapos tuloy ulit as gagawing trick hanggang sa mabuo ko na , sinulit ko talaga ang pagkakataon na ako lang mag-isa kaya sa tuwing pumupunta ko sa skating rink soul grind lang ang ginagawa kong trick pagkatapos ko magwarm-up ng royale yun na agad ang next trick ko hanggang sa dumilim ang pagilid tapos uuwi na.

Nasa Junior year nako pero hindi nako naglalaro madalas dahil naging busy ako sa mga activities ko sa school, minsan 3 weeks hindi nakakapaglaro minsan pa nga eh mahigit 2 buwan kahit minsan gusto ko maglaro pero hindi ko maaya si boy Roces dahil busy narin siya sa school at simula nung lumipat siya ng school eh hindi ko na siya nakakausap kaya ang naging desisyon ko pansamatala munang tumigil sa inline at unahin muna ang studies kaya tinabi ko muna sa isang sulok yung inline para kapag naisipan kong maglaro ulit pwede ko siya gamitin anytime, may time na minsan nakakapaglaro ako kapag naisipan ko o kaya kapag wala akong magawa sa bahay pero hindi na kagaya ng dati na non-stop sa paglalaro dahil naisip ko na kaya lang ako naglalaro ulit ay para may magawa ako, sa tuwing nakakapaglaro ako sinasariwa ko ang lahat ng nangyari sa buhay ko at ang magandang experience ko sa extreme sport na minahal ko at hindi ko tinantanan hanggang sa matuto ako kahit madami akong natamong galos, bali at iba pa kahit sabihin natin na kasama yun, oo andon nako kasama talaga sa isang sport ang mapilayan ka, ang gumulong ng ilang beses at magkaron ng maraming sugat sa katawan pero napaisip ako at tinanong ang sarili ko
“hanggang kailan ako magi-inline?”
“masaya ba ko sa ginagawa ko?”
“may mabubuo pa kaya kong ibang trick bukod sa soul grind at royale?”
ang sagot ko “hindi ko alam”

Dahil hindi pako pwede tumigil hangga’t kaya ko pang ma-enjoy ang isang bagay na gusto ko kaya napagdesisyunan ko na titigil lang ako kapag nagsawa nako sa ginagawa ko.

Tuluy-tuloy parin ako sa aggressive inline kahit ako nalang mag-isa ang naglalaro pero tumal parin ang laro ko dahil minsan nakakalimutan ko o kaya tinatamad ako maglaro kaya ang madalas nasa bahay lang ako at nanonood ng tv hanggang sa maisipan kong lumabas para magpahangin hanggang sa dumating ang araw na kailangan ko na magdesisyon, ang tumigil na ng tuluyan sa aggressive inline skate.



 
Last edited:
Re: extreme sport(the truth behind 10)

10th part on process and the skateboarding part




ps:TSE! :beh::belat::taunt::lmao:
 
Last edited:
Re: extreme sport(the truth behind 10)

anyare syo?

may na.dislocate? :wow:
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

@tnow

nope, nakomang lang yung kaliwang braso ko :yes:
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

:punish:

reckless

di ka dapat basta basta sa ginagawa mo

tsk tsk

:no:
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

baliw, minalas lang talaga ko :punish::chair:

kasama sa isang sport ang maaksidente bruha ka talaga :no:



TSE! :beh::belat:
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

baliw ka

may regla ka nanaman :laugh:
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

bruha ka naman :beh:



TSE! :belat::taunt::lmao:
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

Patapos na ang school year ng Junior year ko, nasa bahay nako tanghali palang bigla kong naisipan na maglaro pagdating ng hapon dahil wala naman akong gagawin sa gabi kaya nagdesisyon akong mag-inline ulit pero sa sarili ko pagsasawaan ko ng 2 hanggang 3 araw ang inline ko bago ko tuluyang tumigil kaya buo na talaga ang pasya ko na tuluyan nang tumigil sa aggressive inline para ma-foucs sa studies, kaya pagdating ng hapon pumunta agad ako sa skating rink at walang sinayang na oras, nilagyan ko agad ng kandila yung tubong tinitirahan namin para madulas at mahaba ang grinds, pagkatapos ko lagyan ng kandila yung tubo sinimulan ko na agad ang paglalaro ko, tumira agad ako ng royale pero hindi ko agad nabuo kaya hindi ko agad nagawa yung soul grind dahil sa royale, pagkatapos ng ilang tries nabuo ko rin sa huli yung royale pagkatapos nun ay sinubukan ko na agad yung soul grind, kagaya parin ng nauna kong ginawa sa unang trick na nabuo ko hindi ko agad nakuha ng 1 click dahil kinakapos ako ng talon at kung minsan ay kinapos sa bwelo kaya’t nang susubukan ko ulit nagawa ko ng malinis at maganda yung soul grind sa tubo ng ubusan at pagdating sa dulo saka ako tatalon para i-out kaya laking tuwa ko nung ma-out ng walang hirap ang trick na ginawa ko, minsan kahit alam kong soul grind ang gagawin kong trick pag tatalon ako aksidenteng one foot lang ang nakapatong sa tubo, yung isang paa ko naka-hang sa ere na akala ko dati ang tawag don ay one foot soul grind kaya tinuloy ko lang ang ginagawa kong trick sa tubo, minsan soul grind ang nabubuo ko minsan nagiging one foot dahil hindi ko agad napapatong yung isang paa ko sa tubo kaya lumalabas na one foot grind.

Pagkatapos kong pagsasawaan ang sport na gusto ko saka lang ako umuwi na hindi sigurado sa naging desisyon dahil nandon parin yung urge ko na gumaling at makabuo pa ng ibang trick pero sa naging desisyon ko na hindi sigurado tinuloy ko parin ang balak kong pagtigil kaya’t tuluyan nakong tumigil dahil nawalan na talaga ko ng gana at wala nakong makalaro na kapareho din ng trip na gusto ko. Pagkatapos ng nangyari doon ako nalungkot dahil tuluyan ng namatay ang inline scene sa lugar namin kaya nagpasiya akong huwag ng ituloy ang sport na nagmulat sakin ng aggression at kung ano-ano pa.

Dumating ang Senior year sa high school, tuluyan nakong huminto sa aggressive inline dahil nawalan ako ng interes dahil gusto ko naman subukan ang ibang sport na alam kong wala akong talent pero pinilit ko parin kahit anong mangyari kagaya ng basketball, sa una masaya pero sa bandang huli tinigil ko rin dahil hindi ako makasabay sa mga ka-batch ko dahil karamihan sa kanila matatangkad kaya bihira lang ako makasali sa whole court, kapag hindi ako nakakasali ng whole court nanonood nalang ako, nakakainggit minsan dahil imbis na ako yung naglalaro sa court eh ibang tao, habang pinapanood ko yung mga ka-batch ko na nasa court bigla kong naisip na bakit hindi ako bumalik sa aggressive inline skate pero naisip ko na “kung maglalaro ulit ako sigurado magiging katawa-tawa lang ako” kaya nagpasiya ako na huwag na ituloy ang bagay na nasa isip ko.

Nakagraduate ako ng high school, wala parin akong balak bumalik sa aggressive inline kaya nagbago ang life style ko, school, tambay, gala at kung ano-ano pa kaya naging boring ang buhay ko. Nasa freshman year nako sa college habang palabas ako campus kasama ang mga classmate ko ng bigla akong may nakitang hand rail sa gilid bigla kong naisip ang mga ginagawa ko dati, nang dahil sa isang tubo bumalik lahat ng alaala ko sa aggressive inline, naisip kong maglaro ulit para malaman kung marunong pako o hindi, pagkauwi ko galing school hinanap ko agad yung inline na ginamit ko pero nabigo ako dahil hindi ko na makita pero hinanap ko parin pero sumuko narin ako kakahanap dahil hindi ko na talaga siya nakita kaya naisip ko bigla na hihinto na talaga ko dahil wala nakong inline, dahil sa panibagong desisyon doon ko na-realize na subukan na talaga ang skateboarding.
 
Last edited:
Re: extreme sport(the truth behind 10)

(Skateboarding part)

After 3 years saka lang ako nag-start pag-aralan ang skateboarding kahit alam ko ang basic trick hindi naging madali sakin dahil nung naguumpisa palang ako, wala akong sariling set-up dahil nanghihiram lang ako sa kaibigan kong si Bokya kaya mabagal ang progress ko, saka lang ako nakakapaglaro kapag tapos na si Bokya , halos ganon lagi ang ginagawa ko sa tuwing naglalaro siya kasama ako, una siya ang maglalaro tapos kapag pagod na siya ako naman kaya inabot ng taon bago ko nakuha yung basic kasi minsan tinuturo niya sakin pero minsan hindi ako nakikinig sa kanya dahil nagmamadali akong matuto kaya ang madalas eh lagi akong pinapagalitan ng kaibigan kong si Bokya, minsan nasasabihan na niya ko ng hindi magagandang salita, inis ang nararamdaman ko sa tuwing magsasabi siya ng hindi maganda tungkol sa ginagawa ko pero sa huli naintindihan ko kung ano ang gusto niya iparating sa sinabi niya.kaya nakinig ako sa bawat sasabihin niya, ilang buwan ko ginawa ang mga advice niya kahit minsan nasasaktan nako dahil nagkakamali ako pero isang bagay ang sinabi niya na gumising sa pagkatao ko.

“nasaktan ka lang susuko ka na, huwag ka na mag-skate kung takot ka masaktan lahat ng sport hindi pwedeng hindi ka masasaktan dapat alam mo yan bago ka pa nag-skate”

Pagkatapos kong marinig ang salitang yun galing sa kanya doon ko napatunayan sa sarili ko na kaya ko pala, kulang lang ako sa sermon bago kumilos.

Nagkaron ng pagkakataon na nakabili ako ng sariling kong deck pero ang set-up ko sa baba ay hindi maganda dahil blanks ang trucks ko na walang dating pati narin yung gulong dahil ma-bounce kaya ang resulta lagi akong naba-bail kaya nag-tyaga ako sa set-up ko tutal naguumpisa palang naman ako kaya tiniis ko kahit alam kong mabagal ang progress ko kung pangit ang set-up ko kaya nag-strive parin ako, minsan nagagawa ko ng maayos yung basic trick ng malinis minsan naman hindi pero okay lang, part kasi yun ng isang sport.

Lumipas ang tatlong buwan, nagkaron ng pagkakataon na may nagbenta ng set-up sa baba kay Bokya, nagkataon na may budget siya kaya nabili niya agad at kinabit agad sa deck niya ako naman eh medyo nainggit dahil bago na yung set-up niya sa baba naisip ko na kailangan ko narin talaga magpalit ng pambabang set-up para mabilis ang progress ko sa skateboarding pero hindi naging madali kasi wala akong pambili saka ang medyo mabigat sa bulsa kahit second hand kaya nagtiis nalang muna ko para kung sakaling magkaron ako ng budget eh bibili agad ako.

Nagkaron ng pagkakataong ibenta sakin ni Bokya ang lumang set-up niya kaya natuwa ako, nagkaron din ng pagkakataon na magkaron ng budget para mabili yung old set-up niya sa baba kaya after ko mabili kinabit ko agad at sinubukan, sa una medyo nanibago ako kasi nasanay ako sa dati kong set-up kahit hirap ako kaya kinundisyon ko muna ng isang linggo, pagkatapos kong sanayin ang sarili sa bagong set-up sa baba saka ko tinuloy yung basic trick na ginagawa ko pero hindi parin naging madali para sakin kahit gumaan ang set-up ko dahil hindi ko ma-consistent ang ollie ko dahil pag focus ako hindi ko mahatak ng husto yung front foot ko papunta sa nose pero kapag nilalaro ko lang yung ollie doon lang siya tumataas, may mga times pa na umaangat nga yung deck pero mababa parin na kahit langgam kayang abutin dahil sa baba, dahil sa ganon kababa ang ollie ko nung naguumpisa palang ako doon ako nakatanggap ng kutya at kung ano-ano pa, sa una nakakainis kasi kahit alam nila na todo practice ka parang wala lang sa kanila dahil pinupuna agad nila yung pagkakamali hindi yung oras at panahon na ginugol ko pero tinuloy ko parin ang ginagawa ko at hindi ako tumigil.

Lumipas ang tatlong taon pero hindi ko inisip na mag-progress dahil wala pa sa isip ko, sa tuwing maglalaro ako at kapag andon na sa spot gap at ollie ang ginagawa ko dahil hindi ako kuntento sa height ng ollie ko kaya nag-focus ako, nung time na okay na para sakin doon nako nag-aral ng ollie pero running dahil napansin ko na nung una palang na mabagal ang progress ko, sa una nakakatakot dahil naiisip ko yung aksidenteng nangyari sakin dati nung inline pa sport ko kaya nung skateboarding na sport ko naging maingat ako dahil may phobia parin ako kaya tuloy-tuloy ang ginagawa kong practice sa basic trick, minsan kapag napapasarap sa practice kahit gabi na naglalaro parin ako kahit minsan natataga ng deck sa paa minsan sa alulod pero sige lang laro parin kaya pagdating sa bahay masakit ang katawan minsan may mga pasa.

Habang tuloy-tuloy ang ginagawa kong practice sa skateboarding isang bagay tumatak sakin at kinalungkot ko dahil biglang sinabi sakin ni Bokya na malapit na siya umalis at mag-migrate sa davao pero may isang salita siyang iniwan sakin bago siya umalis.

“pre kahit anong mangyari don’t quit skateboarding kahit mahirap pilitin mo ma-overcome ang isang trick na gusto mo”.

“oo naman kahit ilang beses pako gumulong at mapilayan hinding-hindi ako hihinto kahit anong mangyari sakin” sambit ko.

“sige sabi mo yan ha? aasahan ko yang sinabi mo, keep in touch nalang tayo at balitaan mo ko kung ano-ano na yung mga tricks na nabuo mo” siya ulit.

“sige yun lang pala eh walang problema” sambit ko.

Kaya habang kasama ko pa maglaro yung kaibigan kong nagturo saking mag-skate sinulit ko talaga na kasama siya dahil pagtapos ng isang buwan wala na siya kaya hindi ko iniisip na aalis na siya kaya’t sinulit ko ang bawat araw na kasama siya, bawat yaya niya mag-skate at pumunta sa spot na pinaglalaruan namin sumasama ako at hindi nagrereklamo, minsan malas dahil walang bagong na-accomplish pero okay lang kaya kinabukasan ko gagawin ulit, minsan may nabanggit siyang spot na pinuntahan niya nung time na hindi ako naglaro dahil tinatamad akong lumabas kaya kinabukasan niya nakwento sakin na dumayo siya kasama yung ibang kalaro naming skater tinanong ko siya kung ano-ano yung mga obstacle don ang sabi niya yung mga normal na obstacle na madalas makita kagaya ng tubo at ledge, pagkatapos niya sabihin sakin yung tungkol don biglang may pumasok na idea sa isip ko.
 
Last edited:
Re: extreme sport(the truth behind 10)

11th part on process



ps:TSE!
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

edit ko yung ibang part kapag may time ako :yes: marami akong babaguhin kasi marami akong naisip na idea :naughty:



ps:TSE! :beh::belat::lmao:
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

“kailan ka ba pupunta ulit don?” sambit ko.
“di ko pa alam eh” sambit niya.
“ganon ba? hmmmmmmmmmmm….pag dumayo ka ulit don sama ko” sambit ko ulit.
“sige yun lang pala eh pero huwag ka mahihiya kapag nandon na tayo para makarami ng trick” sambit niya.
“bahala na” sambit ko.

Dumating ang araw na dumayo kami ng kaibigan kong nagturo sakin mag-skate, nang makarating na kami sa spot na sinasabi niya, doon nagkaron ng daga sa dibdib ko dahil kinakabahan ako at natatakot na baka mapahiya ako kapag nag-skate nako kaya nung nandon na kami nanood muna ko sa mga skater na nandon habang nanonood ako biglang may lumapit sakin na ang akala ko kasing edad ko lang pero hindi naisip agad na ganon ang edad niya dahil hindi naman ako nagtanong, doon ko nakilala si Mr. Clean.

“boy patingin nga ng set-up mo” si Mr. Clean.
“sige eto po” sabay abot ko ng aking set-up.

Pagkatapos kilatisin ni Mr. Clean ang set-up ko saka siya nagsalita ulit.

“ano tatak ng gulong mo saka bearing?” si Mr. Clean ulit.
“birdhouse po yung gulong tapos yung bearing fkd 3” sambit ko.

“ah okay ang set-up mo siguradong hindi ka mahihirapan kapag may gusto kang buoin na trick” si Mr. Clean ulit.
“ganon po ba? ahmmmmm….sana nga po” ako ulit.

“yung trucks mo ano tatak?” si Mr.Clean ulit.
“thunder po kuya, mid profile” sambit ko.
“ah okay, ayos” si Mr.Clean ulit.

Sakto pagkatapos ng pagu-sap namin ni Mr.Clean pinanood ko ulit yung mga nag-skate sa spot na napuntahan ko, nalaman ko rin na kay Mr.Clean karamihan yung mga obstacle na ginagamit doon kaya’t walang tigil sa ollie, grind, slide at gap yung mga skater na pinapanood ko habang ako nasa isang gilid at nanonood lang dahil nahihiya talaga ko, may dalawang taong umagaw ng atensyon ko sa spot na napuntahan ko walang iba kundi yung dalawang skater na mag-pinsan pala na halos pareho lang sila ng trick pero iba ang ginagawa nilang out sa bawat trick na ginagawa, yung isa malinis pero ubusan yung isa naman ay hindi ubusan pero technical dahil hindi normal ang ginagawa niyang out sa trick kundi may kasamang flip tricks kagaya ng shove it o kaya angas out kasi may dating ang pagka-out niya sa trick na ginawa niya, habang pinapanood ko yung dalawang tao na umagaw ng atensyon ko naisip ko bigla na kailangan ko na matuto agad ng bagong trick bago umalis yung kaibigan ko papuntang davao kaya’t pagkatapos maglaro ng mga tao sa spot na pinuntahan namin kasama na yung dalawang skater na pinanood ko maglaro saka lang ako tumayo at naglaro kahit nung una nahihiya ako dahil beginner palang ako pero nawala ang hiya ko dahil naisip ko bigla yung sinabi sakin ng kaibigan ko na huwag mahihiya kahit anong mangyari kaya pumadyak ako ng mabagal dahil nangangatog ang paa ko dahil hindi ko pa nakukundisyon matapos ang ilang ollie at padyak doon nako naghapit ng konti, running ollie tapos gap sa linya ng kalsada tapos kapag alam kong hindi maganda ang pagka-ollie eh uulitin ko hanggang sa ma-consistent ko yung height ng ollie ko, nang nakaramdam nako ng pagod saka lang ako tumigil dahil madilim na ang paligid at nagpalit ng malinis na t-shirt saka nagpaalam at nagpasalamat kay Mr.Clean dahil pinalaro niya kami sa spot.

Habang naglalakad kami ni Bokya pauwi bigla akong nagsalita.
“okay pala maglaro sa spot na sinasabi mo, lahat pantay-pantay walang sapawan ng trick” sambit ko.
“oo nga eh kahit nung una kong dayo doon naging komportable din ako kasi walang angasan ng trick saka okay yung mga makakasama mo maglaro” sambit niya.

“mukhang mapapadalas ang laro ko sa spot na yun ah kasi at ease ako saka walang pakialaman kahit beginner ka o matagal ng naglalaro” ako ulit.
“ oo kasi mabait silang lahat saka masaya sila kung ano yung trick na meron sila saka hindi sila madamot magturo ng trick” siya ulit.

“doon nalang tayo maglaro madalas kasi nagasasawa narin ako sa lugar na pinaglalaruan natin eh saka hindi ako makasabay sa mga naglalaro doon” sambit ko.
“sigurado ka ba sa sinasabi mo? baka kainin mo yang sinasabi mo” siya ulit.

“sigurado ako sa sinabi ko baliw ka talaga, doon narin ako mag-aaral ng ibang trick kumbaga yun ang magiging battle grounds ko” sambit ko.
“may battle grounds kapang nalalaman dyan loko-loko, kailangan bago ako makaalis kaya mo na mag-boardslide” siya ulit.

“boardslide? yun ba yung kapag umollie ka pipihit ka ng pa-180 sa tubo tapos pag sakto ang patong ng deck eh nasa gitna mo yung tubo habang nadulas ka” sambit ko ng patanong.
“oo yun na nga, basta pag-aralan mo na agad bago ko makaalis” pagpupumilit niya.

“ganon ba? mukhang mahihirapan ako sa trick na pinapagawa mo ah hahaha…sa mababa ko muna gagawin tapos kapag medyo kaya ko na eh sa mataas ko na gagawin, step by step kumbaga” paliwanag ko.
“sige sabi mo yan ha? baka naman stir ka” sambit ng kaibigan ko.

“siraulo! magagawa ko yun palagay mo sakin weak” paangas kong sabi.
“bahala ka basta gawin mo hindi yung puro salita” madiin niyang sambit.

“just wait and see” maiksi kong sagot.
“pa-english english ka pa dyan baliw” siya ulit.

“Hehehe….” ako ulit.
“baliw ka talaga” siya ulit.
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

Pagkatapos ng asaran at paliwanagan sakto naghiwalay na kami ng landas ng kaibigan ko dahil pareho kaming pagod dahil sa skate session, nang makarating ako sa bahay natuwa ako dahil hindi ako makapaniwala dahil sa wakas napataas ko yung ollie ko at nakuha ko ang technique kung pano pataasin ng walang kahirap-hirap. Nang saktong tinablan ako ng antok saka ako humiga sa higaan at sinasariwa ang mga bagay na nangyari sa mismong araw na yun at lahat iniisip ang bawat detalye ng bagay na nagawa ko hanggang sa tuluyan akong makatulog ng mahimbing. Kinabukasan sakto nagising ako dahil biglang nag-ring yung telepono, sakto ako yung nakasagot at nagsalita.

“hello!” sambit ko.
“oi mamaya laro tayo ha?” boses ng kaibigan ko sa kabilang linya.

“saan ba tayo maglalaro mamaya?” ako ulit.
“timang saan pa ba eh di doon sa spot na pinuntahan natin, saan pa nga ba alangan namang sa dagat tayo mag-skate” siya ulit.

“ba malay ko ba kung saan spot tayo maglalaro hehehe….loko-loko ka talaga” ako ulit.
“mas loko-loko ka baliw, inaantok ka pa ata eh oh kaya naka-drugs ka na naman, pre ilang gramo na naman ba yung tinira mo kagabi at wala ka sa katinuan kung magsalita? sabi ko naman sayo itigil mo na yung droga dahil masama sa kalusugan yan” sambit ng kaibigan ko na may halong pang-aasar.

“siraulo mo loko-loko! Mas mukha ka pa ngang addict kesa sakin eh hahaha….ikaw ang dapat tumigl sa drugs dahil malala ka na” sambit ko.
“oh siya siya” siya ulit.

“siya siya? si zsa zsa padilla ba yung tinutukoy mo? timang artista yun baliw” sambit ko.
“baliw! sige na kita kits nalang mamaya” siya ulit.

“sige kita nalang tayo sa mata mamaya” sambit ko.
“pano mo ko makikita mamaya kung wala naman ang mata mo” pang-aasar ulit ng kaibigan ko.

“ewan ko sayo basta mamaya nalang sige” sabay baba ng telepono.

Natapos ang pagu-usap namin ng kaibigan ko sa telepono na may halong kulitan at asaran, ugali na kasi naming dalawa yun kahit saan kami magpunta kaya kahit yung ibang nakakalaro namin natatawa samin kapag nag-aasaran kami lalo na kapag naglalaro kami o kaya kapag nagpapahinga kami.

Dumating ang alas-tres ng hapon, kumilos ako at pumunta sa cr para maligo dahil alas-kwatro kami madalas maglaro ng kaibigan ko, nang natapos nako maligo nagmadali akong magbihis at ihanda ang gamit na dadalin ko, kalimitan dalawang extra t-shirt lang ang laman ng bag ko para hindi hassle kapag naisipan naming pumandyak papunta sa spot saka para magaan ang laman ng bag ko, minsan t-shirt lang dala ko pero nasa bulsa ng pantalon para cool tignan kahit papano.

Saktong nasa spot na kami at naglalaro biglang unti-unting umaambon dahil nung panahon na yun medyo makulimlim ang langit kaya maya-maya bumuhos ang ulan, kami huminto sa paglalaro pero may naisip na magandang idea yung isang kalaro namin na si Kuya Hans.

“sa court nalang tayo maglaro tutal naulan naman saka malabo na tumila yan kasi tignan mo walang tigil ang ulan” paliwanag ni Kuya Hans.
“wala tayong choice eh saka sayang din ang araw kung titigil tayo pero teka pano yung obstacle?” sambit ni Manong.

“dalin nalang natin yung obstacle na magaan para hindi hassle kapag binalik na natin mamaya” sambit ni Major Pain.
“sige tulong tulong nalang tayo mamaya ibalik yung obstacle” si Kuya Hans ulit.

“teka anu-ano ba yung dadalin nating obstacle?” tanong ni Bokya.
“kahit dalawang tubo okay na yun, dalin narin natin ang isang dos por dos na kahoy na may angle bar para lahat nakakatira” sambit ni Komang.

Sa napagkasunduang desisyon isa-isa naming binitbit ang mga obstacle na dadalin sa court dahil sa panahon, swerte kami dahil covered yung court kaya pwede kami maglaro kahit masama ang panahon masasabi ko ring swerte dahil walang naglalaro ng whole court kaya malaya naming naipwesto ang mga obstacle na dala namin sa gitna, yung iba sa gilid para may space ang bawat obstacle, saktong naka-pwesto ang lahat ng dala naming obstacle kaya’t kanya-kanya kaming laro kunwari galit-galit muna dahil lahat focus sa laro at maka-boundary ng trick, yung iba sa mataas na tubo tumitira pero ako sa dos por dos na may angle bar ako nag-aaral ng bagong trick dahil bigla kong naisip na kailangan ko ng bagong trick sa skateboarding dahil matagal-tagal din ako nag-focus sa basic kaya inumpisahan ko na mag-aral ng ibang trick, unang trick na pumasok sa isip ko boardslide dahil yun ang madali pero sa inisip kong madali nga talaga ang trick na yun nagkamali ako dahil unang try ko palang ayaw dumulas pero sumasakto yung patong ko at kapag alam kong parang ma-out of balance ako sinisipa ko palayo yung deck sa paa ko para iwas disgrasya, naka-ilang try din ako na laging ganon ang patong ng deck ko sa dos por dos pero hindi naging hadlang sakin ang ganong bagay dahil wala sa bokabularyo ko ang sumuko basta-basta kaya’t tinuloy ko parin hanggang sa nagulat nalang ako na dumulas na yung deck habang nasa ibabaw ako, nagulat din ako sa mga reaksyon ng mga kalaro ko dahil halos rinig na rinig sa buong court ang sigaw nila.


“yeah!” sigaw ni Major Pain.
“nice!” sigaw ni Kuya Hans.

“wow! medyo mahaba yung dulas” sambit ni Manong.
“bilisan mo pa ng konti para ma-out mo” sambit ni Komang.

“alam mo na kung ano ang gagawin para ma-out mo yung boardslide, bigatan mo ng konti yung paa mo tapos kapag naipatong mo na medyo i–relax mo para hindi ka ma-bail” paliwanag sakin ni Komang.
“ganon ba? sige try ko” sambit ko.

Sinunod ko yung tips na sinabi sakin kaya pumandyak ako ng medyo mabilis, nung saktong malapit nako sa titirahan ko saka ako umollie ng konti pagka-ollie ko sakto yung pagkapatong ng deck, mahaba ang dulas niya at na-balance ko ng maigi akala ko na-out ko na pero sa sobrang excited ayun na-bail ako an una pwet kaya tumayo agad ako, akala ko bali na naman yung kamay ko kasi natukod ko na naman pero yung kanan naman kaya hinawakan ko agad pero iba ang nasa isip ko habang hinahawakan ang kanang kamay ko, hindi ako makapaniwala sa nangyari dahil hindi ko inaasahan na mapapadulas ko ng ganon yung deck, habang nagiisip sa mga nangyari biglang nagsalita yung isang kalaro namin.

“Whoa! sayang yung boardslide mo muntik mo na ma-out pero maganda ang kapalit ng bail mo, malapit mo na mabuo yung trick na ginagawa mo” paliwanag ni Komang.
“ganon ba? hmmmmmmmm…..sana nga tama ang sinabi mo pero masakit ang pwet ko eh” reklamo ko.

“ano ka ba normal lang ang ma-bail kaya go lang para may bago ka ng trick, hindi yung puro basic lang saka napansin mo na nakakasawa narin mag-aral ng basic di ba? pero mas maganda parin kung may basic ka para hindi ka mahirapan kapag naisipan mo bumuo ng bagong trick” paliwanag ulit Komang.

“sabagay pero saka nako mag-aaral ng ibang trick kapag nabuo ko na yung boardslie, sayang naman kung titigil ko eh” sambit ko.
“okay sige lang ipagpatuloy mo lang yung ginagawa mo” sambit ulit ni Komang.

Ilang beses ko ginawa ng ginawa yung trick na gusto kong mabuo pero nabigo ako dahil hndi na kinaya ng powers ko dahil ramdam na ramdam ko narin ang pagod ko kaya tumigil nako at umupo malapit sa kahoy na tinitirahan ko at nagpahinga, sakto tumigil narin yung ibang kalaro ko pati yung kaibigan kong nagturo sakin mag-skate, habang nagpapahinga panay ang kwentuhan tungkol sa skateboarding at mga trick, ako nakikinig lang sa pinaguusapan nila pero nagsasabi rin ako ng comment ko sa mga trick na ginagawa nila kasi masasabi kong pantay-pantay lahat kami na naglalaro sa iisang spot.

“ayos yung nollie 5-0 mo kanina ang linis saka ubusan pa” sambit ni Kuya Hans kay Bokya.
“naka-tsamba lang ata ko kasi hirap ako gawin yun ng ubusan dati kaya nagulat ako nung na-out ko kanina ng ganon kaganda” paliwanag ni Bokya.

“at least ngayon kaya mo na ng ubusan yung trick, bihira lang kasi ko makakita ng nollie trick eh” sambit ulit ni Kuya Hans.
“sana lang hindi mawala agad para tuloy-tuloy ” si Bokya ulit.

Pagkatapos mag-usap ni Bokya at Kuya Hans biglang nagkaron ng panibagong usapan about parin sa skateboarding pero ngayon ako na yung kinausap nung isang kalaro namin na saksi sa ginawa kong trick.

“pre sayang yung boardslide mo kanina pero okay lang yan sa susunod mabubuo mo na yun” sambit ni Manong.
“oo nga eh pero hanggang ngayon ramdam ko parin yung bail ko gawa masakit parin ang pwet ko” sambit ko.

“normal sa skate ang ma-bail pero mas maganda parin yung bihira ka lang ma-bail kasi pag once na na-frustrate ka sa pinag-aaralan mong trick may posibilidad na hihinto ka dahil ayaw magpabuo sayo” paliwanag niya.
“wala pa naman ako sa stage ng sinasabi mong frustration kasi sa ngayon nae-enjoy ko naman mag-skate kahit papano saka masaya ako sa ginagawa ko” sambit ko.

“sa umpisa hindi nakakasawa pero habang tumatagal eh mararamdaman mo nalang bigla yung sinasabi ko kasi may ibang nag-skate na ganon ang nangyayari sa kanila” si Manong ulit.
“hmmmmm…..ewan ko lang ha? kung mangyari man yung sinasabi mo sana marami nakong tricks bago tuluyang huminto para hindi ako manghinayang sa naging desisyon ko” ako ulit.

“basta skate for fun lang at huwag lalaki ang ulo, kahit may makalaro kang mayabang eh magpakatotoo ka lang sigurado ko maraming makikipag-kaibigan sayo” siya ulit.
“eh kahit naman nung una palang eh skate for fun lang talaga ko at wala akong balak maging pro saka hanggang pangarap lang yun no” ako ulit.

Pagkatapos ng ganong usapan nagpasya na kaming lahat na umuwi dahil parang lumalakas pa lalo ang ulan at walang balak tumila, sabay-sabay kaming umalis bitbit yung mga obstacle na dala at binalik sa mismong spot pagkatapos ay umuwi narin kaagad.




 
Last edited:
Re: extreme sport(the truth behind 10)

Habang naglalakad kami ni Bokya pauwi ay hindi mawala sa mukha ko ang ngiti dahil magkakaron nako ng new trick sa skateboarding, kahit naririndi na yung kaibigan ko dahil paulit-ulit ako sa sinasabi ko.

“huwag ka muna magsaya porket magkakaron ka na ng new trick sa skate” sambit niya.
“eh bakit ba eh masaya lang ako kasi di ko akalain na kaya ko pala, akala ko madali lang yun pala mahirap din pala” sambit ko.

“akala mo lang madali pero kapag sinubukan mo na doon mo malalaman na mahirap pala” siya ulit.
“oo nga eh akala ko madali talaga yun pala hindi, naloloko din pala yung mata ng tao” ako ulit.

“anong pinagsasasabi mong naloloko eh talagang loko-loko ka naman talaga” siya ulit.
“baliw kung loko-loko ako mas loko-loko ka kesa sakin” siya ulit.

Pagkatapos ng asaran naghiwalay na kami ng kaibigan ko para umuwi sa kanya-kanyang bahay para magpahinga dahil sa pagod na naramdaman sa maghapon, Hindi nagbago ang daily routine naming dalawa hanggang sa dumating yung araw na aalis na siya papuntang davao, nalungkot ako dahil wala nakong kasabay magpunta sa spot para mag-skate at naisip ko na ano na kaya ang mangyayari sakin ngayong wala na yung nagturo sakin mag-skate, naisip ko rin na pano ko makakabuo ng ibang trick inisip ko nalang sa sarili ko na “bahala na, maraming pwedeng magturo sakin kahit hindi ko sabihin”

Lumipas ang isang buwan, tuluy-tuloy parin ako mag-skate kahit wala na si Bokya pero doon ako naglalaro sa spot na kung saan niya ko dinala, habang tumatagal naging close ko na si Mr.Clean pati yung mag-pinsan na si Major Pain at si Manong, nung time na hindi pa umaalis yung kaibigan ko naging kasundo ko narin dahil silang dalawa ang madalas ko nakakalaro minsan tatlo o lima kasama na si Kuya Hans at Komang, kasama din yung medyo mahangin at ayaw magpatalo pero kahit ganon siya hindi nalang namin pinapansin kaya Condura ang naging bansag ko sa kanya, Hindi ko narin iniisip sa bawat laro ko kung may mabubuo bakong trick o wala basta ang mahalaga may exercise kahit ano pang mangyari.

Nagdaan ang ilang buwan na halos silang tatlo ang nakakalaro ko sa spot ni Mr.Clean ng hindi ko namamalayan, halos matagal-tagal ko narin pala silang nakakasama kaya pati mga sikreto sa isa’t isa nasasabi ng walang rason. Lahat ng hilig at trip sa buhay nasasabi nalang basta-basta kaya halos maubusan na ng sasabihin kaya recharge muna ng ilang araw pagkatapos kwento na naman ulit.

Dumating ulit ang hapon, kalaro ko na naman ulit si Condura, Manong at Major Pain sa spot ni Mr.Clean na akala ko apat kami yun pala madami kaming naglaro, minsan may kulang, pero sa tuwing naglalaro ako nakakasabay na ko sa ginagawa nila dahil gusto ko matuto talaga kaya hindi ako nagpa-apekto sa kung anong meron ako, Hindi ko narin inisip kung beginner ako o marunong dahil alam ko sa sarili ko na kaya ko kahit hindi ko pa sinusubukan, halos lahat ng obstacle sa spot ni Mr.Clean ginagamit kagaya ng ledge na mataas at sobrang bigat, Hindi tinitigilan mag-grinds si Major Pain at si Manong kahit ilang beses sila makabuo ng trick, si Condura panay practice ng flip tricks niya mapa-switch o normal stance ganon din ang ginagawa niya, ako naga-attempt tumira ng 50-50 sa ledge na mataas na sa tingin ko hindi ko abot dahil mataas pero may isang bagay na sinabi sakin si Major Pain nung napansin niyang nabigo ako.

“ollie ka lang ng mataas, isipin mo na gap lang ginagawa mo tapos isakto mo sa mismong angle bar para mag-grinds” sambit niya.
“ganon ba? hmmmmmmmm…..sige try ko” sambit ko.

Sinunod ko yung sinabi sakin ni Major Pain kaya, nung malapit nako sa ledge umollie ako bigla, umabot sa ibabaw ng angle bar pero hindi siya sumakto kaya ang madalas mangyari lumalagpas yung deck ko sa angle bar kaya hindi ako makapag-grind ng maayos, nung napansin ni Major Pain yung nangyari may sinabi siya agad kung ano ang mali.

“bilisan mo ng konti kasi kinakapos yung ollie mo, saka pag alam mong malapit ka na sa ledge tumalon ka na agad” sambit niya.
“di ko kasi alam kung saan ko ipu-pwesto yung front foot ko kung malayo ba sa nuts o malapit kasi kung malayo yung front foot ko sa nuts eh parang nahihirapan akong hatakin pataas yung front foot ko para umabot sa nuts” paliwanag ko.

“ilayo mo ng konti yung front foot mo sa nuts kahit mga one inch lang para mahatak mo ng maayos pero ang nangyayari eh hindi mo mahahatak ng maayos pero kung matagal ang hang time ng ollie mo sa ere effective parin yun pero mas maganda kung malayo yung front foot mo sa nuts para mahatak mo ng mas mataas yung deck” siya ulit.
“ ganon ba? sige try ko, walang namang masama kung susubukan ko” sambit ko.

Ginawa ko yung sinabi sakin ni Major Pain pero nung sinubukan ko na, bigo parin dahil hindi ko mahatak ng maayos, minsan kinakapos minsan naman eh nagagawa ko pero hindi ko ma-out yung grinds dahil humihinto na agad bago dumating sa dulo ng ledge.

Nung hindi ko magawa yung sinasabi sakin ni Major Pain nag-focus nalang ako sa trick na pinag-aaralan ko, sinubukan kong gawin yung boardslide sa mababang dos por dos na kahoy na may angle bar ang maganda sa nangyari eh alam ko parin ang gagawin sa trick pero may nangyaring hindi ko inaasahan.

Dumayo ako kasama sina Manong at Major Pain sa isang spot na malapit samin, nung susubukan ko na yung boardslide sa mababang tubo natatakot akong tapakan yung deck ko dahil hindi ako sanay sa tubo kaya ang nangyari puro attempt ang ginagawa ko, yung ibang nandon na karamihan sa kanila mga kalaro namin dati ni Bokya kaya hindi ako naiilang, nung hindi ko talaga maisampa yung deck ko sa tubo nag-practice na lang ako ng basic para hindi masayang yung punta namin hanggang sa magdilim na.

Habang pauwi kaming tatlo biglang may sinabi si Major Pain sakin.

“anong nangyari sayo? bakit di mo ma-boardslide yung tubo eh mababa lang yun” sambit niya.
“ewan ko ba eh kaya ko naman kaso ang problema di ko pinag-aralan yun ng may kasamang ollie, yun ang mali ko ” sambit ko.

“sloppy kasi yung ginagawa mo doon sa kahoy na may angle bar, dapat ollie muna bago mo ipihit yung katawan mo ng 90°” paliwanag niya.
“ganon ba? yun pala ang kulang ko kaya hindi ko maisampa sa tubo yung boardslide dahil sloppy ang ginagawa ko, pag-aaralan ko muna yung boardslide na may kasamang ollie para kapag dumayo ulit tayo eh kaya ko na” sambit ko.

“okay sabi mo yan, basta practice lang ng practice kaya mo yan” si Manong.
“ wala namang imposible kung sa isang bagay kung kaya mo talaga di ba? takot madalas ang nangingibabaw sa isang bagay na gusto nating gawin, imbis na matakot tayo lagpasan natin yung takot para mawala” sambit ko.

“oo tama yun!” sambit nila pareho.
“pag-aaralan ko talaga yun para new trick na talaga” ako ulit.

“okay sabi mo eh” sila ulit.
“oo naman, ako pa hehehe….” ako ulit.

Pagkatapos ng ganong usapan naisipan muna naming tatlo na tumambay sa tindahan para mag-relax at uminom ng malamig na tubig o kaya ng softdrinks para mawala ang pagod na nararamdaman sa katawan dahil sa maghapon na laro, minsan nasisingit sa kwentuhan yung tungkol sa skate pero minsan hindi. Nang nasa bahay na ko at nakahiga hindi ko makalimutan yung mga nangyari nung naglaro kami sa ibang spot dahil nadismaya ako, akala ko magkakaron na ko ng new trick pero nagkamali pala ko dahil sa isip ko kulang parin ako sa practice na kulang na lang maiyak ako dahil sa pagkadismaya at pakiramdam ko nabigo ko yung pangakong binitawan ko sa taong nagturo sakin mag-skate, habang iniisip ko ang pagkabigo ko nagkaron agad ako ng desisyon sa pagkatao ko, ang ituloy parin ang bagay na nasimulan ko na, bakit ko nasabi? andami ko ng napagdaanan sa skateboarding tapos ngayon pa ko titigil, dapat sa umpisa paling nung nasaktan nako tumigil na agad ako pero hindi eh tinuloy ko parin dahil masaya ako na kahit ano pa sabihin ng ibang tao tungkol sa skater wala nakong pakialam dahil hindi nila naranasan kung gaano kasaya ang skateboarding na kahit ipaliwanag ko pa sa kanila hinding-hindi parin ako maiintindihan pwera nalang kung malawak ang pag-iisip ng kausap ko.


Dumating ulit ang panibagong araw para sakin, tanghali na nagising mula sa higaan dahil sa kakaisip ng mga bagay-bagay nung nagdaang gabi, tuliro parin sa mga naganap sa isang bagay na ayaw ko talaga tigilan, ang sport na nagbibigay saya sa pagkatao ko, habang nakahiga at nag-iisip parin sinariwa ang naging desisyon simula kagabi napagtanto ko na ituloy parin kahit sabihin ng iba na ako’y nasisiraan na ng bait.

Natapos ang aking pagmuni-muni sa higaan at ako’y bumangon para maghanda dahil pagdating ng hapon skate session na naman, saktong nagkita-kita kaming tatlo nila Manong at Major Pain kasama narin si Condura sa tapat ng bahay ni Mr.Clean at sinimulang i-pwesto lahat ng obstacle para maglaro ulit, nagkataon na hindi naglaro yung isa pa naming kasama dahil may pinuntahan pero kahit ganon pa man eh tuloy parin ang ligaya kahit kulang kami dahil marami kaming naiisip na trick na wala pa kami lalo na ako na focus lang sa trick na pinag-aaralan ko, lahat gusto makabuo ng panibagong trick kaya minsan galit-galit muna para hindi ma-distract minsan pinapaliwanag sa bawat isa kung ano yung mali sa ginagawa.

May nakakagawa ng trick na one click minsan naman mga five attempts bago mabuo pero kahit ganon pa man eh part yun ng laro na hindi naiintindihan ng iba kasi kalimitan sa ibang nag-skate eh hindi lang mabuo yung trick umaaayaw na dahil sa kakaibang mind set nila pero ako iba ang mind set ko, kung ayaw magpabuo sa ibang araw na lang saka practice ng practice hanggang sa makuha dahil wala namang pinanganak na magaling.

Isang gabi nung pumunta kami sa bahay nung isang kalaro ko na Oso ang tawag namin na kilala din ni Major Pain at Manong pero ang kasama namin ni Major Pain ay si Komang at madalas din siyang maglaro sa spot ni Mr.Clean may nakita kaming mababang ledge na may angle bar, habang naagaw ang atensyon namin sa bagay na yun biglang nagtanong si Major Pain sa dati kong kalaro mag-skate.

“pre ginagamit niyo pa ba yung ledge?” sambit ni Major Pain.
“hindi na eh bakit trip niyo iuwi?” sambit ni Oso.

“kung hindi mo na ginagamit okay lang ba na dalin namin sa spot?” si Major Pain ulit.
“sige walang problema tutal nakatambak lang naman yan dito sa bahay saka kalat lang yan eh, iuwi niyo nalang para may ledge kayong mababa sa spot” si Oso ulit.

“salamat pre” si Major Pain ulit.
“sige lang” si Oso ulit.

“magaan lang ba to?” sambit ko.
“try mo buhatin” si Oso ulit.

“subukan nga nating dalawa kung kaya natin” sambit ni Komang.
“sige” sambit ko.

Sinubukan nga naming buhatin yung ledge na mababa pero nagulat kami dahil mabigat siya kahit mukhang manipis lang kaya medyo natatawa samin yung kalaro ko dati.

“langya anong klasing kahoy to bakit ang bigat?” reklamo ko.
“eh purong narra yung kahoy na ginamit kaya mabigat” si Oso ulit.

“di mo man lang sinabi na narra pala, sira ka talaga” sambit ko.
“eh di ko naman kalasanan kung mabigat yan, hindi ka naman nagtanong eh” si Oso ulit.

“eh malay ko ba kung normal na kahoy lang yan, di mo naman sinabi eh” sambit ko.
“ay narra pala yung kahoy kala pala mabigat” sambit ni Komang.

“sigurado ka na okay lang na dalin namin yung ledge mo?” si Major Pain.
“oo naman, saka hindi ko narin nagagamit yan kaya dalin niyo nalang pauwi” si Oso ulit.

“sige pre mauna na kami at mahaba-haba pa ang lalakarin namin” si Major Pain.
“salamat sa donation mong ledge” sambit ko.

“hehehe….kahit maulanan yan hindi yan lalambot” paliwanag ni Oso.
“ay oo nga narra nga pala yung ginamit mong kahoy kaya sigurado tatagal to samin” si Major Pain.
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

Pagkatapos ng kwentuhan at asaran nagdesisyon kami ni Major Pain at ni Komang na umuwi kasama yung ledge na binigay samin, habang naglalakad kami panay ang tingin samin ng mga nakakasalubong namin sa daan pero deadma lang kami kahit tingin nung mga nakakakita samin eh ninakaw namin yung bitbit naming kahoy sa ibang lugar, habang naglalakad kami panay ang reklamo ko dahil sa buhat-buhat naming kahoy.

“langya ang bigat nga talaga, parang bumubuhat ako ng semento” sambit ko.
“puro ka reklamo buti nga mabait siya at binigay satin yung ledge niya saka tayo rin naman ang makikinabang nito eh” sambit ni Komang.

“oo nga kaya huwag ka na magreklamo kahit mabigat tutal malapit narin tayo eh” si Major Pain.
“sige sabi mo eh hehehe….tiisin ko nalang yung bigat hanggang makarating tayo” sambit ko.

Nang nakarating na kami sa spot ni Mr.Clean nilapag namin agad yung ledge na dala-dala namin dahil sa sobrang bigat at ngalay na ngalay kami at tagaktak ang pawis naming tatlo dahil sa mga daan na tinahak namin.

“hay salamat, natapos din ang kalbaryo natin” sambit ko.
“oo nga eh langya ang sakit ng balikat ko” si Komang.

“ayos dalawa na yung ledge natin, sigurado maraming matutuwa dahil marami tayong obstacle” si Major Pain.
“basta huwag lang masira agad para tumagal” sambit ko.

“narra yung ginamit na kahoy kaya sigurado tatagal satin yan” si Komang ulit.
“sabagay hehehe….kaso kailangan pa natin kabitan ng paa yung ilalim para madala natin pag lumipat tayo ng pwesto na maliwanag” sambit ko.
“hahayaan ba natin na walang paa yan? kung may extra pang kahoy madali lang lagyan ng paa yan sa ilalim” si Major Pain.
“sabagay” sambit ko.

“bukas nalang natin pag-usapan kung anong oras natin lalagyan ng paa yan dahil medyo late narin” si Komang ulit.
“sige kita kits bukas, hapon ulit” si Major Pain.

Pagkatapos ng pag-uusap naming tatlo sabay-sabay na kaming umuwi dahil kokonti nalang yung nakikita naming tao sa daan at medyo inaantok narin kami, si Major Pain at yung isang kasama namin malapit lang ang inuuwian samantalang ako medyo malayo kaya mahaba-haba ang lalakarin ko.

Kinabukasan bago ang skate session naligo na agad ako dahil excited sa bagong ledge na dinala namin at para masubukan narin ang 50-50 grind kaya’t nagmadali akong pumunta sa spot ni Mr.Clean, nang makarating nako sa spot andon na agad yung mga kalaro ko dahil malapit lang sila sa spot ni Mr.Clean samantalang ako kailangan pang maglakad para pagdating wala ng warm-up at diretso laro na, nilapag ko lang sa isang sulok yung extrang damit ko at diretso skate na dahil wala akong sinasayang sa tuwing naglalaro, as usual dating gawin parin kami kapag naglalaro galit-galit muna pansamantala, mag-aaral ng ibang tricks na hindi pa nasusubukan sa ginagawa namin araw-araw may nangyaring hindi inaasahan na naman, habang pinag-aaralan ko yung 50-50 grind sa mababang ledge nagulat ako dahil na-out ko bigla pero mabagal ang approach ko pero malaking achievements parin yun para sakin kaya lahat ng kalaro ko na present eh napasigaw ng wala sa oras.

“yun oh!” si Major Pain.
“bilisan mo ng konti” si Manong.

“sige kaso huwag sana ma-bail” sambit ko.
“hindi yan, nagawa mo na nga eh kaya alam mo na kung ano yung mali mo kapag sumemplang ka” si Major Pain ulit.

“sige, tignan natin hehehe…..” ako ulit.
“sige go!” si Major Pain ulit.

Lumayo ako ng konti sa ledge para subukan ng tamang bilis ang 50-50, nang napansin kong malapit na ko sa ledge saka ako umollie kahit hindi ko na iniisip na sasakto yung talon ko o hindi, sumakto yung ollie ko sa ledge at ramdam ng dalawang paa ko yung kiskisan ng dalawang bakal sa ilalim ng deck ko, nang malapit na ko sa dulo ng ledge nataranta ko kaya hindi ko na-out ng maayos.

“i-manual mo kapag malapit ka na sa dulo” si Major Pain.
“parang ang hirap eh” sambit ko.

“kaya yan basta huwag mo kalimutang i-manual kapag malapit ka na sa dulo para ma-out mo” si Major Pain ulit.
“sige” sambit ko.

Sinubukan ko ulit yung trick at sinunod yung sinabi sakin ni Major Pain, kaso sa sobrang excited mabuo yung trick nawawala sa isip ko na i-manual kapag malapit na ko sa dulo kaya ang nangyayari ganon parin pero sa pagpupursige ko nagkaron din ng nilaga ang paghihirap ko sa wakas.

“yun oh!” si Major Pain.
“nice! may 50-50 na, ayos” si Manong.

“whew! kala ko hindi pa magpapabuo sakin eh hehehe…..kailangan pang pilitn eh” ako ulit.
“basta lagi mong tatandaan na kapag malapit ka na sa dulo angat mo lang yung nose
para ma-out mo lagi” si Major Pain.

“okay hehehe….yes may 50-50 na ko tara na sa tindahan at mag-celebrate tayo” sambit ko.
“bakit ano gagawin natin sa tindahan?” si Major Pain.

“ano pa eh di bibili ng malaking pop para ma-relax naman tayo, maghapon tayong talon ng talon eh” ako ulit.
“sige pero balik muna natin yung obstacle bago tayo bumili” si Major Pain ulit.

“sige tara na!” ako ulit.
“bilisan na natin ang pagliligpit hahaha….nanunuyo na lalamunan ko” si Manong.

Niligpit namin agad yung mga obstacle at dumiretso na sa tindahan para mag-relax, Nang nakabili na kami biglang nagtanong si Major Pain.

“di pala naglaro si Komang” sambit niya.
“oo nga no, akala ko nga susunod siya eh” sambit ko.

“baka may pinuntahan kaya hindi naglaro” sambit ni Manong.
“siguro nga, baka bukas maglalaro yun o kaya tinamad na” ako ulit.

“siguro nga” si Major Pain ulit.
“hehehe….ang sarap ng tulog ko nito mamaya” sambit ko.

“dahil ba naka-buo ka ng 50-50 kaya nasabi mong masarap ang tulog mo?” sambit ni Manong.
“hindi ka nagkakamali hehehe….” ako ulit.

“sunod mo naman yung boardslide, malapit mo narin mabuo yun eh” si Major Pain.
“ay oo nga no, nawala sa isip ko yung trick na yun hehehe….sige i-consistent ko muna ng one week yung 50-50 tapos subukan ko ulit at baka mawala pa eh” sambit ko.

“sige sabi mo eh” si Manong.
“sabi mo yan ha? baka naman makalimutan mo” si Major Pain.

“sus! ako pa hehehe…kaya ko naman eh” sambit ko.
“ikaw bahala” si Major Pain ulit.

Nang maubos na yung iniinom naming pamparelax ay hindi pa kami agad umuwi dahil tinatamad pa kami at maaga pa ang oras kaya nag-ubos kami ng oras sa tindahan sabay diretso malapit sa spot ni Mr.Clean para magkwentuhan, as usual dating gawi parin kung anu-anong pwedeng sabihin para may mapagusapan kahit papano kagaya ng mga pangarap sa buhay dahil may mga plano din sa kanya-kanyang buhay, hindi yung habang buhay ka na lang mag-skate at ibabaon nalang yung mga pangarap sa buhay dahil ang skateboarding ay masasabi kong pampalipas oras lang depende na lang kung gusto mo gawing career pero masasabi ko lang kung gusto mo gawing career ang skateboarding promise hindi ganon kadali yun dahil taon-taon maraming umuusbong na pangalan pagdating sa sport kaya swertihan na lang kung ma-recognize ka kaya skate for fun na lang at gawin mo kung ano ang bagay na magbibigay ng saya sayo.

Pagkatapos naming magkwentuhang tatlo nag-desisyon na kaming umuwi dahil tinatamad narin kami at gusto na magpahinga, sa bawat araw na dumadating sakin minsan hindi maalis sa isip ko kung ilang tricks ba ang kaya kong mabuo o talagang sagad na ang alam ko, iniisip ko lang sa tuwing naglalaro ako kundi mag-enjoy lang matuwa sa kung anong trick ang mabuo at higit sa lahat huwag ma-frustrate kahit anong mangyari, hindi man mabuo ngayong araw ang trick bukas ko na lang subukan ulit dahil minsan ang isang bagay kapag ayaw talaga huwag pilitin dahil sigurado disgrasya ang aabutin.

Hindi ko iniisip kung ilang taon na kong nag-skate pero ang alam ko tatlong taon na simula nung nag-skate ako, three years after ko makilala sina Major Pain, Manong, Condura, Komang, Mr.Clean, Drew at Kuya Hans pero masasabi kong almost naka-5 years nako simula nung nag-start ako, Hindi ko rin namalayan na sobrang tagal na pala ng deck na ginagamit ko dahil inabot ng isang taon at pitong buwan at halatang luma narin dahil blade na ang nose at tail at wala ng masyadong graphic sa ilalim pero okay lang dahil nage-enjoy parin ako at wala pa sa isip ko na magpalit ng bago kaya tuloy ang ligaya.

Dumating ulit ang hapon, ang oras ng skate session, Ako, si Major Pain, Manong at Condura ang kalaro ko dahil hindi naglaro si Komang pero tuloy parin ika nga eh “The Show must go on”.

Napansin namin na may naka-park na sasakyan sa bandang pwesto nila Mr.Clean kaya hindi kami nakapaglaro kaya’t nilipat agad namin yung obstacle pero tubo lang ang dinala namin dahil mabigat yung ledge na mataas tapos yung ledge na mababa hindi narin namin dinala dahil hassle lang, nilagay namin yung tubo sa gilid ng kalsada na malapit sa gutter para kung sakaling may sasakyang dadaan, matatanggal agad namin saka para iwas abala.

Sa kabilang side naka-pwesto si Manong, Major Pain at Condura samantalang ako solo sa kabilang side dahil pababa yung kalsada sa lugar ni Mr.Clean saka takot pa kong tumira kapag pababa yung daan kaya sa ibaba ako manggagaling para tumira, salitan kaming apat sa obstacle kahit may nakikita kaming nagdadaan sa kalsada para panoorin kami kahit panay ang kantyaw samin hindi na lang namin pinapansin dahil kami rin ang talo.

Boardslide lang ang trick na ginagawa ko nung naglalaro kaming apat dahil nabuo ko na yung 50-50 kaya panibagong trick na muna kaso hindi ko naman ma-out ng malinis dahil sa tuwing titira ko at napapadulas ko sa tubo yung deck ko humihinto sa dulo yung deck kaya ang nangyari umaangat yung tubo dahil sa weight na ginagawa ko sa deck, na-out ko ng isang beses ng fakie kaya nagulat ako.

“yun oh!” si Major Pain.
“nice!” si Manong.
“yeah!” si Condura.

Na-out ko kaso biglang kumalas sa paa ko yung deck kaya napaupo ako sa kalsada at tumayo agad para hindi nakakahiya, sinubukan ko ulit dahil alam ko na ang gagawin kaya’t hindi ko tinigilan ang trick na ginagawa pero iba ang nangyari na-out ko nga pero hindi naman ako nakakapihit ng 180 pagbagsak kaya ang nangyayari kumakalas parin sa paa ko yung deck hanggang sa biglang napauwi yung mag-pinsan kaya tumigil muna ko kasama si Condura, nagpahinga muna kami saglit pero ako tumayo agad para subukan ulit, sa ilang attempt ko sa trick ng hindi inaasahan na-out ko ng fakie pero walang roll-away kaya nagulat na lang si Condura sa nakita.

“ayun na-out mo rin” sambit niya.
“whew akala ko hindi magpapabuo eh, ilang araw na ko hindi makatulog dahil sa trick na yan” sambit ko.

“dahil nabuo mo na makakatulog ka na ng mahimbing mamaya” siya ulit.
“hehehe…oo nga eh” sambit ko.

“huwag ka maingay sa dalawa na nabuo ko na para ma-surprise sila” sambit ko.
“oo i-secret mo muna” siya ulit.

“hehehe…oo ba yun lang pala eh” siya ulit.
“yes may boardslide na ko sa wakas” ako ulit.

“gawin mo lang ng gawin para masanay ka” siya ulit.
“oo ba yun lang pala eh saka baka mawala eh lagi kong gagawin” ako ulit.


 
Last edited:
Re: extreme sport(the truth behind 10)

Isang hapon ng ako’y papunta sa spot ni Mr.Clean, may isang bagay akong ikinagulat ko dahil wala pa si Manong at Major Pain sa spot at tanging nandoon lang ay si Condura at si Kuya Hans na pinupwesto ang ibang obstacle kaya tumulong ako para mabasawan ang oras na nasayang, Nang nakapweseto na ang ibang obstacle ay biglang dumating si Manong at Major Pain at ang ikinagulat ko ay may dala silang tubo kaya hindi ko naiwasang magtanong sa kanilang dalawa.

“uy ano yan, bagong tubo?” sambit ko.
“hindi matagal nato, eto yung dating tubo ni Manong na pababa pinaayos lang namin” si Major Pain.

“ay ganon? parang ngayon ko lang ata nakita yan” sambit ko.
“naabutan mo yung dating itsura nyan” si Major Pain.

“hindi talaga eh, baka si Bokya yung nakakita ng dating itsura nyan” sambit ko.
“siguro nga” si Major Pain.

“pero ang taas ah, mukhang di ko kaya yan” sambit ko.
“kaya mo yan, ikaw lang nagi-isip na di mo kaya kasi hindi mo pa sinusubukan” si Major Pain ulit.

“pre subukan mo muna kasi bago ka magreklamo” sambit ni Manong.
“hmmmmmmm..tignan ko mamaya hehehe….” sambit ko.

“langya parang ayaw niyo ata pagamit samin yang tubo eh” si Kuya Hans.
“lahat tayo magagamit yan, ganyan naman ang standard height ng tubo eh” sambit ni Manong.

Pagkatapos mag-usap ni Manong at Kuya Hans nilapitan ko yung tubo at sinukat kung hanggang saan ko, Hindi na ko nagtataka dahil sa malayo palang eh alam kong mataas talaga, nung nakapwesto na ko sa gilid ng tubo eh halos nasa baba lang ng tuhod ko yung height nung mataas na tubo kaya naisip ko na kaya ko nga kahit hindi ko pa nasusubukan, Nang matapos kong sukatin ang height ng bagong tubo saka ako naglaro pero sa mababang ledge ako tumira para hindi mawala yung 50-50 grind, salitan kaming dalawa ni Kuya Hans sa mababang ledge minsan natira din siya sa mataas na ledge tapos natira ng boardslide sa isa pang tubo na sakto lang din ang height, nung medyo nagsawa ako sa ledge sinubukan kong tirahan ng boardslide yung mataas na tubo, nung una hindi ko ma-shift pataas yung deck dahil naiilang ako, ilang attempt din ang ginawa ko eh nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na maipapatong ko ng maayos sa tubo yung deck na gamit ko kaya nagulat si Major Pain at Manong sa nakita.

“yun oh!” si Major Pain.
“nice! kaya naman pala eh” si Manong.

“aw nagulat ako don ah pero hindi ko na-out eh pero okay narin kasi napadulas ko naman kahit saglit” sambit ko.
“bilisan mo ng konti para ma-out mo” si Major Pain.

“ayoko baka humalik ako sa tubo, saka na lang” sambit ko.
“okay ikaw bahala” si Major Pain.

Pagkatapos ng konting pag-uusap naming dalawa ni Major Pain sa kabilang tubo naman ako tumira pero kagaya parin ng dati hindi ko parin ma-out, iniisip ko tuloy na nakatsamba lang ako nung si Condura ang kasama ko nung time na kaming dalawa lang ang naglaro nung umalis ng maaga ang mag-pinsan pero hindi ako nagpaapekto sa nangyari kaya tinuloy ko lang ang ginagawa ko, may times na muntikan ko ma-out ng may roll away may times na hindi pero okay lang dahil nagtyaga parin ako.

Nang napagod na si Kuya Hans sa kakalaro umupo siya malapit sa tubo na tinitirahan ko kasama si Manong samantalang si Major Pain ay tumitira din sa tubong tinitirahan ko kaya may kasabay ako sa iisang tubo, napansin bigla ni Kuya Hans na parang hirap ako sa gamit kong deck kaya kinausap niya ko.

“hindi ka ba nahihirapan sa gamit mong deck?” sambit niya.
“okay lang kuya nung una nahihirapan ako pero ngayon parang hindi na eh kasi nasanay na ko habang tumatagal” sambit ko.

“pero baka manibago ka kapag nagpalit ka ng deck kasi yung gamit mo junior size eh, yung sakin kasi eto ang standard size” sambit niya sabay pakita ng gamit niyang deck.

Kinuha ko yung deck niya at hinawakan, sinukat ko sa gilid ko tapos kinilatis ko lahat ng nakakabit sa gamit niya, pagkatapos ay.

“parang medyo mabigat ang set-up mo kuya pero parang sakto lang sakin yung lapad niya pero sapul ang balls ko kapag nagkamali ako” paliwanag ko.
“yun lang ang problema pero yan talaga ang standard size ng deck, iwasan mo na lang na huwag tumama sa balls mo yung deck kapag gumawa ka ng trick pero bihira tumama sa balls mo yung deck, mas madalas eh sa flip tricks ka madadali” sambit niya.

“ay oo nga no sigurado masakit kapag sa balls ka tinamaan” ako ulit.
“sinabi mo pa kaya bihira lang ako mag-flip tricks kasi yun din ang iniiwasan ko” sambit niya.

“pero kuya okay ang set-up mo” sambit ko habang hawak ko parin.
“try mo pre malay mo mabuo mo yung boardslide gamit yung deck ko kasi malapad yung sakin saka mahaba kaya mahahatak mo ng maayos” sambit niya.

“sige kuya try ko hehehe….testing ko” ako ulit.
“sige lang” siya ulit.

Lumayo ako ng konti sa tubo para makabwelo, binaba ko yung deck sabay pumadyak ng saktong bilis, nang malapit na ko sa tubo tumalon agad ako para mahaba ang dulas, parang tumigil ang paligid ko lahat ng kalaro ko nakatingin sa aking gagawin, nang naisampa ko na ang deck na gamit saka bumalik sa dati ang paligid ko dahil parang mabilis ang dulas siguro dahil sa pababa ang kalsada na pinaglalaruan namin kaya ganon ang nangyari siguro nga pero hindi na mahalaga yun, nang malapit na ko sa dulo ng tubo hinanda ko ang mga paa ko at binagatan para hindi ako ma-bail sakto ng na-out ko sa tubo pa-fakie ang andar pero saglit lang kaya lahat ng andon nagulat.

“nice!” si Kuya Hans.
“kaya mo naman pala eh” si Major Pain.

“nice boardslide” si Condura.
“whew nagulat ako don ah” sambit ko.

Pagkatapos ng tagpong yun umupo ako malapit kay Kuya Hans dahil nakaramdam ako ng pagod dahil sa kakatalon, hindi parin sila makapaniwala na mgagawa ko yung trick na pinag-aralan ko ng ilang buwan.

“pag na-consistent mo yung fakie out try mo naman yung normal out para may dalawang klasi kang out sa boardslide” si Kuya Hans.
“ganon ba? sige kuya pero papagandahin ko muna yung fakie out hehehe….gagawin kong angas out para masaya” sambit ko.

“ayos angas out talaga ang gusto hehehe….” siya ulit.
“hehehe…minsan lang naman eh” ako ulit.

Habang nagu-usap kami ni Kuya Hans biglang sumingit si Major Pain sa usapan.

“pre okay na yung take-off mo saka yung pihit mo ng 180, ang gawin mo para hindi kumalas sa paa mo yung deck eh isama mong ipihit yung katawan mo kapag na-out mo na, pag first time talagang nabubuo yung trick common na out don fakie pero yung iba normal out agad basta iba-iba eh” paliwanag niya.
“sige tatandaan ko yung sinabi mo” sambit ko.

“okay ikaw bahala” siya ulit.
“malay mo isang araw magawa ko ng swabe yung boardslide with matching angas out pa” pagmamayabang ko.

“sige gawin mo ha?” siya ulit.
“angas out talaga ang gusto” si Kuya Hans.

“lupit mo naman pre, angas out ang gusto mo” si Manong.
“wow angas out, ayos yun ah” si Condura.

“malay natin nagawa ko na kahit hindi pa ko nagpapalit ng deck” sambit ko.
“pwede naman kung gugustuhin mo talaga” si Major Pain.
“sabagay oo nga no pero ayaw pa ata magpabuo ng malinis kahit gustuhin ko talaga” paliwanag ko.

“huwag mo kasing isipin na ayaw, nagkataon lang na minamalas ka kasi minsan swerte ka minsan hindi ganon lagi mong iisipin” si Major Pain ulit.
“oo nga no huwag ko nga muna gawin ng isang araw yung isang trick, malay natin ma-one click ko kapag sinubukan ko na” sambit ko.

“depende yun sa mood mo eh kahit sabihin mong nasa mood ka eh tapos ayaw magpabuo sayo eh talagang hindi mo mabubuo” siya ulit.
“bahala na ganyan naman talaga ang skateboarding eh” sambit ko.

“basta yung sinabi mo huwag mong kalimutan” si Kuya Hans.
“oo naman” sambit ko.

“yeah magkaka-boardslide na siya” pang-aasar ni Condura.
“hehehe…oo nga eh” sambit ko.

“pero may aaminin ako” sambit ko.
“ano naman yun?” sabay-sabay nilang binanggit.

“naalala niyo last time na umuwi agad kayong mag-pinsan?” paliwanag ko.
“oo” sabay nilang sambit.

“ang totoo eh nung umuwi kayong dalawa eh tinuloy ko parin yung ginagawa ko habang si Condura nagpapahinga, kahit siya nagulat sa nakita kasi di niya expect na mabubuo ko bigla yung boardslide pero walang roll away pero masaya narin ako kasi na-out ko parin” paliwanag ko.
“sus okay lang yun at least nabuo mo” si Major Pain.

“oo nga eh hindi ko inaasahan ang mangyayari, akala ko hindi na ko makakabuo ng trick simula nung nag-skate ako inline talaga ang unang sport ko dati pa eh tinamad ako kasi na-bored ako gawa wala na akong kalaro kaya eto nag-switch ako sa skateboarding saka for a change narin” sambit ko.
“inline as in rollerblades?” takang tanong ni Major Pain.

“yup rollerblades pero aggressive inline ang tawag kapag tumitira ka sa tubo” sambit ko.
“ayos rollerboys ka pala dati” si Kuya Hans.

“oo hehehe….” ako ulit.
“okay lang yan ang mahalaga nage-enjoy ka” si Major Pain.

Pagkatapos nila malaman ang tungkol sa dati kong sport ay naging okay parin ang lahat, si Manong at Condura parang walang narinig pero okay lang ang mahalaga alam nila kung ano yung ginagawa ko dati bago ko pa sila nakilala, siguro kung hindi ako niyaya ni Bokya mag-skate malamang wala akong sport na gusto maliban na lang kung common sport na alam ng lahat.

Nagkaron ng pagkakataon na sumama ako sa tita ko na pumunta sa Divisoria pero bago kami pumunta nagsimba muna kami at sinama niya ko sa mga lugar kung saan may ukay-ukay lalo na sa bandang Quaipo, halos malula ako sa dami ng ukay-ukay na nakita ko, pagkatapos akong i-tour ng tita ko sa mga ukay-ukay sa Quaipo sa Recto naman kami pumunta kung saan marami akong nakita na kung ano-anong bagay sa paligid, tinanong ko yung tita ko kung saan yung raon ang sabi niya raon na yung nilalakaran naming lugar sa kahabaan ng Recto kaya medyo nagtaka ako kasi alam ko yung raon na sinasabi ng tita ko kasi nakarating na kami doon nung bata pa ko pero nung tumanda na ko halos di ko na matandaan talaga yung lugar pero kilala ang raon dahil doon ka makakabili ng murang gamit na kailangan mo.

Habang tinatahak namin ang nasabing lugar sinabi ko sa tita ko na gusto ko maghanap ng skateboard dahil gusto ko narin magpalit ng bago dahil sobrang tagal na sakin nung ginagamit kong deck kaya naghanap kami ng tita ko dahil mga tanghali pa lang noon, nagtanong kami sa mga malalaking store don ng bike nung una wala kaming nakitang binbentang deck pero as huling pinuntahan naming store eh may nakita agad kami dahil may naka-display na whole set ng skateboard sa labas ng store kaya pumasok kami agad sa loob ng store at nagtanong kung magkano yung skateboard sa kanila.

“sir yung naka-display po sa nasa 1,500” sambit nung bantay.
“ganon ba? miss magkano po kapag skateboard lang” sambit ko.

“sir 975 po” sambit ulit nung bantay.
“ganon ba miss, pwede bang tignan” sambit ko.

Pagkatapos ko sabihin sa nagbabantay yun eh pinasunod niya kaming dalawa ng tita ko malapit sa counter at may kinuhang tatlong deck, akala ko graphic deck ang ipapakita yun pala blank deck pero original, nung una nagduda ako kung original canadian maple yung pinakita samin kaya kinilatis ko saglit yung tatlong deck at saka ko binalik sa nagbebenta, nung binalik ko na yung tatlong deck bigla akong may nakitang deck na naka-display sa salamin na alam kong original din kasi may graphics at Think ang tatak na mismong yun din ang gamit kong deck pero yung sakin blade na, nung hindi pa kami nakakaalis ng tita ko sa nasabing store tinanong niya agad ako.

“ano bibilin mo ba? sambit niya.
“saka na po siguro okay pa naman yung gamit ko, hintayin ko na lang mabali” sambit ko.

“ikaw bahala tara na” sambit niya.
“sige po” sambit ko.

Pagkatapos ko magdesisyon saka kami umalis ng tita ko sa store ng bike at dumiretso sa Divisoria para samahan siyang mamili, napaaga ang uwi namin dahil ayaw ng tita ko abutin ng dilim sa manila, alas-tres pa lang ng hapon umalis na tutal weekends mabilis ang biyahe namin kaya nagkaron pa ko ng pagkakataong mag-skate, kinuwento ko agad kina Manong at Major Pain yung nakita ko sa manila at nagulat silang dalawa sa presyo ng nakita kong deck.

“975? mura na yun pre” si Major Pain.
“sa mall nasa 1,500 yung deck blanks pa lang yun” si Manong.

“teka anong tatak nung deck na nakita mo?” si Major Pain.
“canadian maple” sambit ko.

“okay na yung canadian maple pre, sana binili mo na” si Major Pain ulit.
“eh hindi ako sigurado kung original o hindi eh kasi yung nakita kong canadian maple na gamit nung iba eh nasa ibabaw yung ukit ng tatak eh kaya hindi muna ko bumili saka iba ang sukat eh” sambit ko.

“sira! original yung nakita mo, teka hanggang saan mo ba yung deck na nakita mo” si Major Pain.
“sayang pre dapat binili mo na para bago na yung deck na gamit mo” si Manong.

“malapit na sa beywang ko saka hindi agad mawawala yun kasi marami silang stock don nung nagpunta kami ng tita ko” sambit ko.
“may nakita kang graphic? ano tatak saka magkano” si Major Pain.

“di ko natanong kung magkano yung presyo eh, think ang tatak pero ibang kulay naman tapos ganon din ang sukat tingin ko nasa tatlong libo ang presyo nun” sambit ko.

“pag bibili ka na ng deck pasabay na lang kami tol” si Manong.
“sige sabihan ko na lang kayo agad kung kailan kami babalik don” sambit ko.

Pagkatapos naming mag-usap tatlo saktong lumabas si Mr.Clean, akala namin eh nasa mall siya kasi ugali niyang gumala kapag weekends para maka-bonding ang pamilya niya. Sinabi agad ni Major Pain ang magandang balita sa kanya at tinanong ako medyo nanghinayang siya ng konti na halong biro dahil sa ginawa ko.

“sayang yung deck dapat binili mo na” si Mr.Clean.
“eh kuya mahaba po yung deck saka lagpas sa paa ko eh” sambit ko.

“sira! yun ang standard size ng deck, sigurado 7.5 yung size na nakita mong deck” si Mr.Clean ulit.
“ganon po ba? di ko po kasi alam eh” sambit ko.

“bilin mo na agad kapag bumalik kayo ng tita mo don, baka maubusan ka kasi swertihang makakita ng murang deck ngayon” siya ulit.
“sige po hehehe…..sisiguraduhin ko po” sambit ko.

Pagkatapos akong kausapin ni Mr.Clean naglaro na agad kaming tatlo dahil si Condura wala at hindi namin alam kung nasaan pero buo na ang plano ko kapag nagpunta ulit kami ng tita ko sa Recto, ang makabili ng bagong deck para mapagaralan narin yung ibang trick dahil maraming panahon ang nasayang habang tumatagal.

Dumating ang sabado, nagkaroon ng pagkakataon na nakasama ulit ako sa tita ko papuntang Manila para bilin na yung deck na nakita namin, sakto binigay sakin nung mag-pinsan yung pambili nila ng deck dahil sinabay na lang nila sakin para hindi na hassle sa kanila at para narin makatipid sila, wala akong inaksayang oras nung nakarating kami ng tita ko sa store na pinuntahan namin nung huling punta namin doon, pagkakuha ng tatlong deck binayaran ko na agad pagkatapos umalis na, akala ko magtatagal pa kami ng tita ko sa Manila dahil habit na niya lagi ang dumiretso sa Divisoria sa tuwing pumupunta siya sa Manila kasama man ako o hindi pero nagkamali ako kasi expected ko talaga na didiretso pa kami sa Divisoria pero niyaya niya lang ako kumain ng tanghalian, tinanong ko siya ulit kung pupunta pa kami sa Divisoria ang sinagot niya lang sakin ay.

“sa sweldo na lang saka wala naman akong bibilin don” sambit niya.
“okay po kayo bahala” sambit ko.
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

Pagkatapos naming kumain naglakad-lakad kami saglit habang ako nasa likod niya habang bitbit ko yung deck na binili namin sa Recto, habang tumatagal unti-unti kong naararamdaman na mabigat kasi nakaka-ngalay dahil tatlong deck na magkakapatong ang bitbit ko habang naglalakad, nang mapansin kong wala ng titignan ang tita ko sa mga nakikita niya ay sumakay na agad kami ng jeep papuntang Lawton at sumakay ng bus pauwi.

Nang nakarating na kami sa bahay tinawagan ko agad yung mag-pinsan para sabihin na nakabili na ko ng deck, as sobrang excited nila bigla nila kong inaya mag-skate.

“pre huwag mo kalimutang dalin yung deck para makita narin namin” sambit ni Manong.
“uy pre kausapin ka daw ni Major Pain” sambit niya sabay pinasa yung telepono.

“uy huwag mo kalimutan yung deck ha?” sambit ni Major Pain.
“sige sige hinahanada ko na nga eh baka makalimutan ko pa hehehe….kita kits na lang sa spot” sambit ko.

“sige sige” si Major Pain.
“sige bye” sambit ko sabay baba ng telepono.

Nagpahinga lang ako saglit tapos nagbihis para pumunta sa spot ni Mr.Clean, nang makarating ako sakto andon na agad yung mag-pinsan agad nila kong nilapitan para tignan yung deck na binili ko.

“wala ng ibang kulay eh kaya yan lang yung nakita ko, pili na lang kayo ng gusto niyo” sambit ko.
“sakin tong pula” si Major Pain.
“sakin na tong itim tutal ito na lang yung natira eh” si Manong.
“teka asan yung sayo?” si Major Pain.

“saka ko na gagamitin kapag nabali na tong luma ko” sambit ko.
“uy hihintayin mo pa atang maluma yung deck namin tapos saka mo gagamitin yung sayo” si Major Pain.

“hindi naman, hindi ko lang feel gamitin hehehe….pero malay natin gamit ko na isang araw” sambit ko.
“pustahan tayo sa isang linggo yung bagong deck na yung gamit mo” si Major Pain ulit.

“ahmmmmmmmm…ewan natin hehehe….” sambit ko.
“gamitin mo na kasi yung bagong deck” sambit ni Manong.

“saka na hehehe….buoin ko muna yung boardslide sa luma kong deck bago ko binyagan yung bago” sambit ko.
“okay ikaw bahala” si Major Pain.

Pagkatapos naming magusap tatlo na parang ewan saka kami naglaro, as usual wala na naman si Condura dahil hindi namin alam kung nasaan siya, mabuti narin yun para wala kaming naririnig na puro kayabangan mula sa kanya, walang naiisip na bagong trick yung mag-pinsan kaya yung mga alam nilang trick ang ginagawa nila tapos ako tuloy lang sa pinag-aaralang trick dahil nararamdaman ko na malapit ko na talaga mabuo ng malinis ang trick na pinag-aaralan ko, nang saktong magdidilim na saka lang kami tumigl sa kakalaro dahil pagod narin kami kaya nagpahinga kami saglit tapos saka binalik yung mga obstacle na ginamit, pagkatapos magpahinga inaya ko agad yung mag-pinsan na tumambay sa tindahan para makapagrelax at makainom kasi wala si Mr.Clean sa kanila kaya hindi kami nakainom ng tubig kaya softdrinks ulit ang ininom naming tatlo, pagkatapos ng konting kwentuhan at kulitan umuwi na kami agad dahil unti-unti na naming nararamdaman ang pagod sa buong mag-hapon.

Gabi na ng nakarating ako sa bahay, nagbihis saglit sabay nanood ng tv para malibang at para narin antukin pero ang lahat ay hindi naging madali kaya’t binuksan ang pc para tuluyang antukin pero wala paring epekto sakin kaya pinatay ko na lang ang pc at humiga sa kama para tuluyang makatulog dahil unti-unti ko ng nararamdaman ang pagod dahil sa maghapon na laro at para may lakas ako kinabukasan dahil sigurado non-stop na naman ang skate session namin pagdating ulit ng hapon, habang tumatagal parang nararamdaman ko na nagsasawa na ko sa araw-araw na skate session na parang gusto ko muna magpahinga kahit isang linggo lang pero hindi ko magawa dahil madalas akong mayaya ng mag-pinsan kaya tuloy-tuloy parin ang laro ko sa skateboarding, kahit papano nawawala ang pangamba kong magpahinga ng konti dahil sa pinapakitang laro ng mag-pinsan na bumubuhay ng diwa ko para magpursige at huwag huminto kaya nakalimutan ko agad yung dating sinabi sakin ni Manong tungkol sa frustration sa isang trick.
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

na-edit ko na yung ibang part, on process na yung 13th part




ps:TSE! :beh::belat::taunt::lmao:
 
Back
Top Bottom