Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Extreme sport(the truth behind 10)

This is my first Narrative story thru the years have past and to be honest i have no idea on the first place because i have no clue on how to connect all the details about myself, just like my friends always said to me before " just write a story about yourself and don't stop until the end" thanks to his positive compliment i know i can do it.

Enjoy Reading





ang totoo wala talagang dahilan kung bakit ko sinubukan ang extreme sport na gusto ko
pero isang bagay lang ang masasabi ko na kahit sino man ay hindi parin ako maiintindihan kahit ano pang paliwanag ko :sigh:
simple lang "iba kasi ang pakiramdam pag nabuo mo na yung trick na gusto mo kahit ilang beses ka pang bumagsak babangon at babangon ka parin kahit anong mangyari!"
yan ang sagot ko sa tanong na yan :yes: kahit hindi ko alam kung pano ko sisimulan ang kwento ko eh bahala na, bahala na talaga si batman basta huwag lang sumama si joker :lmao:


sa dami ng sports na napapanood ko dati sa tv eh dalawang sport lang ang nagustuhan ko, walang iba kundi ang skateboarding at aggressive inline skate tama ang nabasa mo :yes:
bakit? kasi kahit alam kong mahirap yung mga stunts na ginagawa nila eh hindi sila tumutigil kahit ano pang mangyari sa kanila, mapilayan, gumulong ng mala stuntman, dumugo ang ulo at ano ano pang parte ng katawan nila
kasi extreme eh :yes: pagkatapos ko makanood ng ganong klasing sport eh naisip ko bigla na bakit hindi ko subukan yung ganong sport dahil nung mga panahon na yun basketball lang sport ko kahit alam kong hopeless nako :slap:
nung mga panahon na nauso ang inline(rollerblades) eh late nako nagkaron nun kasi nanghihiram lang ako dati sa kaklase ko nung una hirap ako tumayo dahil naglalayo ang dalawang paa ko, andon yung punto na may tutulak sayo ng hindi mo alam tapos pagtatawanan ka pa :sigh: pero sa isip ko nakapagdesisyon agad ako
pinangako ko sa sarili ko na matututunan ko rin siya kahit ilang beses ako bumagsak, kahit yung ibang kalaro ko may inline yung iba roller skate pa nga eh kaya medyo naiinggit ako kasi gusto ko din subukan yung mga ginagawa nila kaya nakiusap ako na manghiram kahit hindi ako marunong :slap:salamat sa isang kaibigan ko na nagpahiram sakin ng pares ng roller skate na sapatos lang ang kailangan para magamit mo :yes: halos araw-araw ko suot yun sa una mahirap para kasi siyang inline
pero :thanks: sa isang kalaro ko na mabait at willing magturo sakin dahil nagtiyaga siyang magturo sakin kahit hirap ako matuto pero sa awa ng diyos natuto ako na halos inabot ng tatlong linggo :dance:
nung time na aalis ang tita ko papunta sa ibang bansa para mag out of the country eh nagpabili agad ako ng sarili kong inline at nung paguwi niya eh tuwang tuwa ako dahil kasama ko nung sinundo namin siya sa airport at nung pagbaba ko ng sasakyan eh ginamit ko na agad kasi excited :naughty: pero nanibago ako bigla dahil iba yung feeling nung inline ko kasi mabilis at magaan siya :slap: kaya ang ginawa ko pumasok nako sa bahay at natulog kinabukasan nung pumasok ako sa school at pinakita sa mga kaklase ko yung bago kong inline maraming namangha pero hindi ko inisip na may inggit sila sakin dahil wala naman akong pakialam sa nararamdaman nila basta ang sakin eh masaya ako dahil may sarili nakong inline sa wakas :yes:
yung time na sinubukan ko ulit yung bago kong inline at nagpaandar may nagbalak na naman akong itulak pero nung ginawa niya yun eh hindi ako natumba at tinawanan ko lang siya :giggle:. halos araw-araw ko suot yung inline ko dati kasi pag bata ka andon yung urge mo matuto ng kahit anong bagay, mahirap o hindi willing ka matuto :approve: dumating yung time na napahinto ako sa inline dahil may nangyaring hindi maganda, hindi ko alam kung katangahan ba yun o hindi pero huli na ng malaman kong mali yung ginawa ko nung nangyari na sakin simple lang linggo ng gabi yun pauwi nako naandar ng mabagal tapos may sasakyang papunta sa harapan ko ang ginawa ko dali dali akong napatakbo agad para pumunta sa bangketa pero hindi ako nakapunta agad kasi pagkalampas palang ng sasakyan eh
nag stock yung unahang gulong ng inline ko sa linya ng kalsada kaya natumba ko bigla, yung patumba nako wala nakong choice nun dahil takot akong magkagalos sa mukha kaya ang ginawa ko tinukod yung kaliwang braso ko na akala ko nabali kasi naramdaman kong masakit buti nalang hindi pero sa tuwing binebend ko para siyang bali :slap:


itutuloy.....:hilo:


ps:TSE!
 
Last edited:
Re: extreme sport(the truth behind 10)

:boo:

mag update ka kung ayaw mong :hunter:


HAHAHAHAHA :rofl:
 
Last edited:
Re: extreme sport(the truth behind 10)

@kissie baliw! :punish::chair:



ps:TSE!
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

on process na yung karugtong, konting hintay lang po :yes:
:dance::alright:




ps:TSE!
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

eto na po yung karugtong :yes:


Lumipas ang isang lingo pagkatapos ng nangyari sa braso ko at tuluyan na siyang magaling, balik na ulit ako sa inline :yes: pero ginagawa ko pa rin yung mga delikadong stunts :slap: umaandar ng mabilis tapos tatalon sa isang bagay, tatalon tapos 180 sa ere minsan 360 pero hindi ko pa siya ganong consistent nung mga panahon na yun kasi takot ako mag 360 dati :naughty: pero sa tuwing nakakabit sa paa ko yung inline eh pinapractice ko siya pag kasama ko mga kalaro ko :yes: kahit abutin pa kami ng dilim sa labas okay lang kasi nageenjoy kami sa ginagawa namin, may time kung saan saan kami nakakarating dahil gusto namin mag downhill pero ang nakikita naming kalsada sa isang lugar hindi ganon katarik pero sinusubukan parin namin kahit anong mangyari, nakapunta lang ako sa lugar na yun nung iba’t ibang tao na nakakasalamuha ko dahil sa inline kasi halos lahat ng kakilala ko eh malapit lang din samin kaya ganon ka simple ang pagkikita pag sumapit na ang hapon. Nung first time ko makarating sa lugar na sinasabi ko eh tingin ko mga lima o anim kami, 1 ang pinaka matanda samin na poste ang height yung iba halos kasing laki ko lang pero ayos lang isama mo na yung isang kalaro ko na medyo mahangin :sigh: although ganon siya samin eh okay lang kasi sanay na kami sa kanya :yes: yung time na andon kami sa isang lugar na nabanggit ko eh naandar pa lang kami ng mabagal eh yung pinka matanda samin eh biglang bumilis ang andar kaya ako sumunod na sa kanya tapos yung ibang kasama namin sumunod narin sa ginawa ko habang pababa kami feel na feel naming yung bilis kahit naiisip naming na baka gumulong kami dahil sa isang bato at maging tocino ang balat namin kasi purong aspalto yung daan kaya feel na feel namin yung bilis ng mga bearing namin na nakakabit sa inline :yes: nung matapos makarating sa kalsadang hindi na pababa eh masaya kaming lahat kasi iba talaga ang feeling :yes: kaya inulit pa namin :naughty: pero mas mabilis na ginawa namin para mas feel talaga :alright: kaya namin ginawa yun gawa sa impluwensiya nung airborne na palabas hehehe…:naughty: halos araw-araw kami magkakasama ng mga kalaro ko nung panahon na yun kasi summer kaya ayun negro ako :slap: pero okay lang masaya naman kami sa ginagawa namin :yes: lumipas ang ilang linggo nagplano yung isang kalaro ko na pinakamatanda samin na bumalik ulit kami sa lugar na kung saan may downhill para maexperience ulit namin :excited: hindi na kami nagisip nun kasi gusto talaga naming bumalik sa lugar na yun kaya nagdesisyon agad kami na “sige punta ulit tayo don” kaya ang nangyari tuloy ang plano namin, bumalik kami don at nag downhill ulit pero hindi na naghintayan kung sino ang unang magpapaandar ng mabilis kaya ang nangyari naguunahan kaming lahat pababa sa kalsada :yes: nung nasa baba na kami may nakita kaming ibang grupo ng inliner na parang ang yabang ng asta samin bale 3 o 4 sila, kami nakatingin lang sa kanila, lumapit sila samin at nagtanong kung taga saan kami yung pinaka matanda samin sa grupo yung humarap at kumausap pagkatapos ng konting usap bigla niyang inaya yung mga lumapit samin na sumama sa trip na ginagawa namin. Sumama nga sila at ginaya yung trip namin, yung pinaka matanda samin naunang umandar ako sumunod at nagaabang kung susunod yung ibang grupo at kung hahabol samin ang nangyari humabol samin pero hindi umabot samin :no: pano mas mabilis ang mga bearing namin :lmao: nung nakarating na kami sa patag na kalsada, nagpahinga ng konti dahil lahat kami hinihingal at pawisan biglang nagpaalam samin yung grupo na sumama sa trip namin at umalis na, kami nagpapahinga parin at nabawi ng lakas habang ganon ang ginagawa naming biglang nagsalita yung pinaka matanda samin “akala nung isa wala tayong ibubuga, napahiya yun kaya umalis agad sila ” ako walang pakialam sa sinabi ng kasama ko kasi iba ang iniisip ko nung mga oras na yun, sa isip ko gusto kong magdownhill sa ibang lugar naman para may thrill at masubukan ko talaga ang bilis ng bearing ko.
Nakilala ko yung ibang tao na nagiinline din na malapit lang din samin kasi nung panahon ng 90’s kasagsagan talaga ng inline pero uso narin ang skateboarding at bmx nun kaso bihira ka lang makakita dahil hindi mo alam kung saan sila matatagpuan kumbaga coincidence kung sakaling makakita ka, araw-araw ko kasama yung mga bago kong kasama sa inline, kanya-kanya kami ng specialty may marunong mag 360 ng malinis, may marunong gumap ng bike, may marunong mag 540 ng 1 click :yes: ako isa lang ang specialty ko sa inline dati :slap: surfing ang tawag ko bakit naging surfing?
Kasi aandar ako tapos yung dalawang paa ko pang sakang ang posisyon na magkahiwalay tapos minsan ginagawa kong magkadikit yung paa ko para mas may dating :lmao: ang corny no? eh wala akong magagawa kung bakit yun lang ang nagagawa ko kasi sakang talaga ko maglakad dati hehehe…..:lmao: hindi lang yun may ibang trick pakong nagagawa dati kagaya ng tip toe na manual tignan at ang favorite kong trick ang power break kaso sa tuwing ginagawa ko yun mabilis maubos ang gulong ko :sigh: halos yun lang ang ginagawa ko sa tuwing naglalaro kami kasi masaya nako kung anong trick yung kayak o kahit panay ang push sakin ng ibang kakilala ko na hindi ko naman sinusunod kahit may konting kantyaw okay lang kasi mahina talaga loob ko dati lalo na pag pinapatalon nila ko sa bike hindi ko ginagawa kasi malakas ang kaba ko pero sa humps kahit gano pa siya kalapad tatalunna ko talaga, wala akong pakialam kung sesemplang ako o hindi basta buo ang loob ko :yes:.
Isang gabi habang nagpapahinga kami biglang nagyaya yung isang kasama ko na subukan namin puntahan yung sinasabi nilang “devil’s backbone” lahat sila game pati ako pumayag narin dahil namiss ko magdownhill, kinabukasan alas 6 palang ng umaga nagkita kita na kami, nung unang punta namin 4 lang kami dahil yung iba hindi nakasama dahil hindi nagising ng maaga siguro puyat sila :unsure umaga nun habang tinatahak namin ang lugar papuntang “devil’s backbone” nung makarating na kami, halong kaba at excitement ang naramdaman ko samantalang yung isang kasama namin hindi takot na magdownhill kahit sobrang tarik pababa sa diretsong kalsada kasi aspalto lahat ng daan simula pababa hanggang sa pinakataas tapos sa gilid may bangin pa kaya nakakatakot talaga, habang paakyat kami sa “devil’s backbone” tagaktak ang pawis namin pero okay lang, lahat nagmamadaling makarating sa taas para masubukan ang isang bagay na minsan lang darating sa buong buhay mo :yes: tatlo kaming huminto sa banding gitna dahil pagod na kami yung isang kasama namin inakyat yung pinakatuktok kami naghintay sa pagbaba niya para doon kami sasabay sa ginagawa niyang downhill :yes: nung nakita naming pababa na yung isang kasama namin ang ginawa namin eh bumaba narin kami :excited: nung nasa baba na kami ng “devil’s backbone” umakyat ulit kami pero hindi na naming inulit yung ginawa namin pero sa taas na kami nagdownhill kahit hindi ganon katarik yung taas okay lang pero tuloy-tuloy ang andar namin :alright: nang matapos na yung trip na ginawa namin nagpahinga kami saglit habang nainom ng ice tubig na binili sa tindahan at nagkukulitan :yes: habang nagpapahinga kami nagdesisyon agad na bumalik ulit sa “devil’s backbone” para maenjoy pa naming lalo ang thrill na naramdaman :excited: at maging memorable saming lahat ang adventure na ginawa namin sa lugar :approve:


itutuloy.....



ps:TSE!
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

ah inline palang...wala pa yung skateboarding. saan na ba spot ngayon sa skateboarding sa pinas?? last time may nakita akong chick sa malate church linggo yun mga 5pm nanggaling sya dun sa tambayan sa tapat ng aristocrat na resto. sayang hindi ko dala deck ko sana may kasama na akong chick magpadyak. ay kagandang chick pa naman, na love at first sight ata ako.
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

:madslap:
itutuloy pa rin? :chair:
bilisan mo yung kasunod :rofl:

lagi na lang bitin :no:
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

@kissie 2 page na nga mahigit yung part 3 eh :slap: pero on process na yung kasunod pero wala pako sa kalahati kasi madami akong tinatapos :weep::panic:
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

hahaha. sige unahin mo muna yun. alam kong mas mahalaga yun :salute:
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

unti-untiin ko na lang kahit matagal di ba? :yes::salute:
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

:thumbsup: ts ! agree ako sayu :) skateboarder po ako tamang tama ang mga sinabi mo heheh na ka relate ako nyahahah
 
Last edited:
Re: extreme sport(the truth behind 10)

@tetewc nasa inline part palang ako :yes: wala pako sa skateboarding part kasi medyo mahaba yung tungkol sa inline :yes:

:thanks: sa pagbisita :salute:
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

Dumating ang alas 3 ng hapon bumalik ulit kami sa nasabing lugar :yes: para maexperience ulit ang downhill :yes: habang tinatahak namin ang lugar nagunahan kaming lahat para hindi abutan ng dilim, paandar ng mabilis, kung may makitang humps tinatalunan, yung mga kasama ko nakatalon sa na humps kasi nauuna sila sakin eh ako nasa huli kaya bumwelo ako saglit nang malapit na sa humps tumalon ako agad na akala ko sosobra yun pala hindi :slap: pagbagsak hindi ko masyado nalagay ang lahat ng weight ko sa paa kaya ang resulta semplang na parang stuntman sa pelikula :lmao: nung nakita ako ng mga kasama ko huminto sila para tulungan ako kasi antagal kong nakahiga sa kalsada, matapos ang ilang minuto kong pagkakahiga saka ako tumayo at tinignan ang sarili kung okay pa ko. :yes:

Sa kabutihang palad okay na okay pa ko pero may iniwang galos at sugat sa katawan ko dahil narin sa aspaltong kalsada, akala ko may pilay na naman ako yun pala galos lang salamat narin sa suot kong protective gear. :yes: Tumuloy parin sa aming destinasyon at ng makarating sa pakay eh hindi na agad nagaksaya ng oras dahil malapit narin lumubog ang araw kaya’t binaba ulit namin and “devil’s backbone” pero sa kabilang side kasi pagdating ng hapon maraming sasakyan ang nadaan sa nasabi kong lugar at delikado :no:

Habang tinatahak namin ang pababang lugar eh iniinda ko ang sakit na nararamdaman dahil sa tuwing nahahanginan ang sugat na iniwan lalong sumasakit :slap: kahit ganon ang souvenir ko matagumpay naming nababa ang kalsadang pababa :excited::alright:

Matapos mangyari yun ay umuwi na kami agad dahil ayaw naming abutan ng dilim,
Lumipas ang ilang araw at linggo halos ganon parin ang ginagawa namin araw-araw, walang tigil sa kakatalon at kakalaro para ma-consistent ang mga trick kahit minsan nagkakamali pero okay lang dahil kasama talaga yun sa isang sport dahil don nasusukat kung commited ka talaga o hindi.:yes: Dumating ang Semana Santa kaya pahinga kami pero hindi rin kami nakatiis dahil nung byerne santo palang nagkita kita kami pero hindi kami naglaro, tumamabay lang sa isang lugar kung saan may skating rink(pero ngayon iba na itsura ng skating rink na pinaglalaruan ko kumpara dati, paliwanag ko kung bakit sa ibang part). Habang nakatambay kami nagulat kami dahil may dumating na isang kotse at huminto sa harap ng skating rink, natahimik kami bigla kasi hindi namin kilala yung sasakyang huminto, inaabangan namin kung sino yung nakasakay sa sasakyan habang naghihintay kami sa wakas :alright: bumaba narin yung inaabangan namin, unang bumaba yung driver na alam namin na siya ang may-ari pangalawa yung mga kasama niya na alam namin na kasing edad lang nung mga kasama ko :yes: sumatutal apat silang nakasakay sa sasakyan na alam din namin na nagiinline din,:yes: habang papalapit sila samin lahat kami nakatingin parin pero ako nagiisip kung bakit sila pumunta sa nasabing lugar.:noidea:

“Matagal na ba kayong nagro-rollerblades dito?” tanong nung taong may-ari ng sasakyan.
“Opo” sabay-sabay naming sagot.

“Pwede ba namin kayong imbitahan sa linggo? Kasi opening yun ng isang building malapit sa San Pedro, kung pupunta kayo sigurado maraming taong pupunta saka may skating rink din don kaya pwede kayong maglaro don” paliwanag nung may-ari ng sasakyan.

Sandali kaming nag-isip kahit na hindi talaga ko nag-iisip nung mga panahon na yun hehehe…:naughty: pero ang mga kasama ko nakapagdesisyon agad.

“Sige po pupunta kami, mga anong oras po ba?” tanong ng isa kong kasama.
“Mga alas 3 ng hapon, dito na lang namin kayo pupuntahan para sunduin” sambit ulit nung may-ari ng sasakyan.

“Sige po” sagot muli ng mga kasama ko.
“Aasahan namin kayo sa linggo” sambit ng isang lalaki na parang mahangin ang dating.

Pagkatapos ng paguusap tungkol sa invitation umalis na sila at nagpaalam, kami nag-isip ulit kung pupunta ba talaga kami o hindi dahil parang nahihiya kaming pumunta dahil mga suot namin :noidea:

Nagplano kami sa bagay na yun kaya’t ang naging desisyon pupunta kami kahit anong mangyari, nagpasya kaming maglaro kinabukasan.:yes: dumating ang sabado de glorya alas 3 palang ng hapon naglaro na kami hindi para paghandaan ang isang invitation kundi para magpractice sa mga tricks namin hanggang sa.

“Tingin niyo invitation ba talaga yun o contest?” tanong ng isa kong kalaro.
“Contest man o invitation okay lang, wala namang mawawala kung pupunta tayo saka kung contest talaga yun ipakita natin yung mga tricks na alam natin” paliwanag ng isa.

“Kung matalo tayo kung talagang contest yun okay lang, pero kung invitation talaga yun okay lang at least nakapunta tayo sa ibang lugar medyo nakakasawa narin yung isang lugar na lagi nating pinupuntahan di ba?” paliwanag ng isa.

“Mag-enjoy na lang tayo sa mangyayari bukas” sambit ng isa ko pang kasama.
“Basta ko magsasaya kahit anong mangyari” sambit ko.





itutuloy.....
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

Dumating ang linggo(Easter Sunday), umaga palang gising na agad ako pero hindi agad nag-ready para sa mangyayari. Panay ang tawag sakin ng mga kaibigan ko sa landline para malaman kung anong oras magkikita-kita pagtapos ng napagkasunduan agad akong naghanda as in wala akong kinalimutan, damit na susuotin, protective gear etc….pagkatapos nun kumain na agad ako at naghintay ng go signal. Dumating ang tanghali tinawagan agad ako ng isang kasama ko at sinabing mga 1 pm pa lang magkita-kita na para hindi kami ma-late kaya pagkatapos ng usapan namin ng kaibigan ko sa kabilang linya eh naligo na agad ako at nagbihis.

Ready na ko at naghihintay na lang ng tawag mula sa landline sa wakas may tumawag narin, agad kong sinagot ang tawag sa kabilang linya.

“Pumunta ka na!” sambit ng nasa kabilang linya.
“Sige paalis na rin ako” sambit ko.

Nang ako’y makarating sa meeting place namin kumpleto na agad kami, may na-late ng konti pero ayos lang dahil 3 pm pa naman kami susunduin kaya nagubos muna kami saglit ng oras habang naghihintay sa susundo samin, saktong 3 pm dumating na yung may-ari ng sasakyan na pumunta nung sabado kasama yung mga teenager na nakita rin namin pero may suot ding inline pero hindi kotse ang dala kundi owner :noidea: at may kasama pang malaking megaphone.

:”Oh ready na ba kayo?” sambit ng nasa owner.
“Opo” sambit ng iba kong kasama.

“Papadyak lang tayo papunta don, okay lang ba sa inyo?” sambit ng isang teenager.
“Okay lang, sanay naman kami” sambit ng isa pang kasama ko.

Nung umandar na yung owner sabay-sabay kaming pumadyak paalis, kahit medyo pawisan ayos lang dahil para narin kaming nakapag warm up, habang tinatahak namin ang daan papunta sa nasabing lugar eh panay ang salita nung nakasakay sa passenger sit ng owner(yung may-ari ng kotse) hindi para magingay kundi para magimbita sa nasabing lugar para sa opening ng building. Kahit paulit-ulit ang sinasabi ng nasa owner eh okay lang dahil kami eh panay ang padyak lang namin para makarating agad sa destinasyon :yes:

Nang kami’y nakarating sa nasabing lugar eh kami’y namangha sa nakita pano kasi ang laki ng lugar tapos ang sahig puro marmol kaya madulas pero balewala samin :yes: kasi sanay kami sa kahit anong klase ng kalsada, madulas man o magaspang :naughty:

Pero medyo nadismaya kami ng konti sa skating rink na nakita namin :slap:
“Tol malaki pa yung skating rink satin kahit hindi ganong maganda yung sahig, eh dito okay sana ang lugar kaso yung skating rink parang tinipid tignan mo ang liit tapos parang hawla pa ng manok” sambit ng isang kasama ko.

“Shhhhh…huwag ka maingay baka marinig ka nung may-ari, inimbitahan na nga tayo nagrereklamo ka pa” sabat ng isa pang kasama ko.

“Kasya kaya tayong lahat dyan? Parang masikip tignan eh may space nga kaso pano kung maraming tao ang naglaro baka hindi na tayo makagalaw ng maayos” mahinahong sambit ng isa ko pang kasama.

“Oo nga eh maliit nga, pero wala tayong magagawa kung maliit talaga kesa naman magreklamo pa tayo eh nandito narin tayo” sambit ko.

Sabay-sabay kaming pumasok sa skating rink at nagpaikot-ikot sa loob, sa una medyo nakakailang talaga dahil halos lahat ng tao an nandon nakatingin lahat samin :noidea: per kami tuloy lang sa ginawa naming hanggang sa.

“Salamat po sa pagpunta sa opening ng aming building, bago po matapos ang event nais ko sana kayong imbitahan na lumapit sa skating rink at manood dahil magkakaroon po kami ng showdown sa pagitan ng mga bladers na nandito ngayon, As kaliwa ko ang mga bladers na mula sa Guevarra at sa kanan ko naman ang mga bladers ng Pacita” Anunsiyo bigla nung may-ari ng building.

Kami ng mga kasama ko ay nagulat bigla dahil hindi namin inaasahan na yung napuntahan naming event eh opening lang, yun pala showdown na pala sa pagitan ng dalawang grupo, kami laban sa kabila :think:

Lahat kabado pero hindi nagpahalata. Nagsimula ng tawagin ang kabilang grupo para magpakitang-gilas, expected namin na magagaling pa sila samin dahil karamihan ng trick na ginawa nila eh bihira lang namin gawin, may nag-wallride sa pader, may nag-360, may gumap ng monoblock at kung ano-ano pa na inabot ng halos kalahating oras, kami lalong kinabahan kahit hindi pa tapos yung kabilang grupo, nagi-isip kung ano ang gagawing trick pero sa isip namin “bahala na.”

Nung kami na yung tinawag nagpahuli ako dahil kabado ako, hinayaan kong mauna yung mga kasama ko dahil sila kaya nila minsan pa nga pangiti-ngiti pa sila :naughty: ako Hindi nagpakita ng ano mang emosyon dahil ayokong magkamali. Umikot-ikot muna kami sa buong skating rink simula sa kinatatayuan namin hanggang makabalik kami sa pwesto namin, nung naikot na namin ang kabuuan ng skating rink saka namin pinakita kung ano ang kaya naming gawin habang nanonood ang kabilang grupo.

Unang trick na ginawa naming lahat ay 360, walang nagkamali lahat sakto ang bagsak, sumonod kanya-kanyang signature trick, yung isang kaibigan ko pumihit ng tatlong sunod-sunod na 360 :yes: sakto ang bagsak, sumunod yung isa ko pang kaibigan pumihit ng 540 sakto at malinis ang pagkakabagsak, yung isa pang kaibigan ko pumihit ng 720 sketchy ang bagsak pero hindi tumumba, ako ginawa ang aking signature trick na ngayon lang nakita ng mga nanonood :naughty: Hindi ko alam kung namangha sila o hindi pero wala akong paki :no:

Hindi nakuntento ang mga kasama ko, nag-request pa sila na maglagay ng monoblock at itagilid. Medyo kinabahan ako dahil bihira lang ako gumap pero sa isip ko “kung magkamali, susubukan ko ulit hanggang sa mabuo ko”
Umarangkada ang mga kasama ko na follow the leader ang dating :slap: lahat sila naka-gap, ako umandar narin pero saktong bilis dahil inisip kong ayoko magkalat at pagtawanan, nang saktong malapit na ko sa monoblock saka ako tumake-off kahit Hindi ako sigurado pero buo ang loob ko :yes: saktong pagbagsak ko hindi ako dumulas o natumba dahil tama ang bigat na nilagay ko sa magkabilang paa. :alright: hindi nakunteto ang mga kasama ko dahil gusto nila talunan yung monoblock na may dating kayat’t bumwelo ulit sila Para gumap, may tumalon na hawak ang dalawang paa na tinatawag naming “grab” may gumap ng 180, yung isang kasama ko gumap pero may ginawa siyang hindi namin inaasahan. Gumap siya ng 360 lumagpas pero nadulas siya pagkatapos kami natulala dahil sa nangyari dahil hindi namin inaasahan na ganon ang gagawin ng kasama namin, habang nasa sahig ang isang kasama namin may nangyaring hindi inaasahan.

May lumapit na isa na galing sa kabilang grupo para alalayan siya sabay nagsalita.
“Kasama yan satournament!” sambit ng tumulong sa kasama ko.

Yung mga kasama ko parang wala lang sa kanila yung narinig nila pero ako nagpaisip bigla, inisip ko kung tournament ba talaga ang pinuntahan namin o showdown lang :think: pero kinalimutan ko agad ang iniisip ko dahil tumayo ulit yung kasama namin at bumwelo, expected na namin ng mga kasama ko na yun ulit ang gagawin niya kaya nanonood na lang kami, gumap ulit ng 360 pero sa pangalawang pagkakataon nabuo niya kaya halos lahat ng tao sa loob ng building napahiyaw at namangha.



itutuloy.....
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

update ko nalang to pag hindi na ko busy :yes:





ps:TSE! :beh::belat::lmao:
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

Lumapit kaming lima sa kaibigan namin para mag hive five dahil namangha kami sa ginawa niya, yung ibang nanonood panay bulungan sa sulok at nagpapalitan ng kuro-kuro.

Pagkatapos masaksihan ng marami ang nangyari sa loob ng skating rink ay isa-isa ng nagsi-alisan ang mga tao pero yung iba nandon parin at tumingin tingin sa ibang side dahil hindi lang skating rink ang nasa loob ng building kundi tiangge, halos lahat ng kailangan ng tao sa araw-araw andon na.

Akala ko uuwi na agad kami pagkatapos pero hindi pa pala kasi medyo nagtagal pa kami sa loob ng building at para tumingin narin sa kung anong meron sa loob, maya-maya nataka ko kung bakit wala yung ibang kasama ko kaya’t napaisip ako, mas pinili ko nalang maghintay sa pagbabalik nila.

Hindi nga nasayang ang paghihintay ko dahil pagkaraan ng 10 minuto bumalik na yung ibang kasama ko at tila parang excited sa gustong sabihin.

“Tara pabarya natin yung pera” sambit ng isa.
“Teka bakit may hawak kayong pera” inosente kong tanong.
“Sira! yan yung premyo natin” sambit naman ng isa.
“Premyo? kala ko exhibition lang yung mga ginawa natin” mahinahon kong sagot.
“Kung exhibition yung ginawa natin kanina walang premyo di ba? pero eto ang ebidensiya oh hawak hawak ko yung pera” paliwanag ng kasama ko habang pinapakita samin yung pera.

Pagkatapos ng diskusyon saka lang kami nagpaalam sa may-ari ng building at nagpasalamat as ginawa niya samin, Hindi ko inaasahan na tournament yung pinuntahan namin, akala ko exhibition game lang pero nagkamali ako pero ganon pa man ang nangyari masaya narin ako sa magandang resulta. Masasabi ko sa aking sarili na yun ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko kahit sa murang edad palang.

Nang nakaalis na kami sa building saka kami naghanap ng tindahan na pwede bilhan para mapabarya yung perang napanalunan naming lahat.

Pagkatapos ng nangyari samin balik parin kami sa dating ginagawa namin araw-araw habang bakasyon pa kaya sulit na sulit namin, tuluy-tuloy parin kami pagpa-practice ng kung anu-anong tricks na gusto mabuo at minsan may mga araw talaga na ayaw talaga magpabuo kaya ang ginagawa namin eh titigil muna tapos kinabukasan saka ulit gagawin tapos sa bandang huli mabubuo parin.

Dumating ang araw ng pasukan, halos lahat naging busy sa pag-aaral kaya’t bihira lang kami magkita-kita at makumpleto. Yung iba hindi ko na nakikita dahil narin sa pagiging busy ko sa school, yung iba himala ko nalang makita pag may pagkakataon konting usap tapos maya-maya uuwi na. Tuwing sabado nalang kami naglalaro na kumpleto kami pero ako pagkatapos ng klase ko diretso uwi agad para makapaglaro, konting talon sa humps at practice sa ibang tricks na alam ko, minsan may pinagaaralan na bagong tricks para hindi mangalawang halos lahat ng trick na gusto kong gawin pinagaaralan ko pero Hindi yun naging madali para sakin dahil ang hirap matuto ng isang trick kung ikaw lang mag-isa dahil mabagal ang progress hanggang sa dumating sa punto na ako nalang mag-isa naglalaro dahil yung mga kalaro ko ay may kanya-kanya ng pinagkakaabalahan, may tambay at kahit anong yaya ko ayaw na talaga maglaro dahil tinatamad na, may sobrang busy sa school, may nagdadahilan ng kung ano-ano para hindi makapaglaro hanggang sa hindi ko na sila kinulit dahil baka mabwisit lang sila sa kakapilit ko.




(Elementary days ang nabasa niyo)
 
Last edited:
Re: extreme sport(the truth behind 10)

on process na ang part 7, mahirap mag-isip ng pwede ilagay kaya konting hintay lang sorry kung late ang update :yes:






ps:TSE! :beh::belat::lmao:
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

(High school days)

Pagka-graduate ko ng elementary at nakatuntong ng high school, tuloy-tuloy parin ako sa sport na hinahanap-hanap ng katawan ko pero minsan bigla kong naisip na huminto narin at subukan ang ibang extreme sport na walang iba kundi ang skateboarding. Nung unang taon ko sa high school lagi akong may nakikitang higher batch sakin na laging may dalang skateboard sa school kahit oras ng recess dala-dala parin niya pero Hindi niya sinasakyan, naisip ko na kung skateboarding ang magiging sport ko eh alam kong mas mahal pa sa inline kasi sa mga parts palang ang laki na ng gagastusin, huminga ako ng malalim at nagisip ulit sa gagawing desisyon mga ilang minuto saka ako nakapagdesisyon ulit, nagdesisyon ako na saka ko na susubukan ang skateboarding hanggang sa magsawa ako sa inline. Tuwing hapon ako naglalaro pagkatapos ng klase ko kahit ako lang magisa ang pagala-gala sa kalsada pero hindi ko iniisip na iniwan nako ng mga kasama sa sport na kung saan kami nagkakilala na kahit may iba akong nakilala sa sport na nagbigay sakin ng galos at sugat kasama narin yung aksidenteng nangyari sakin na muntk na masementuhan ang kaliwang braso ko.

Sa umpisa mahirap maglaro ng solo dahil mabagal ang progress kung guto mo matuto ng isang trick, halos ganon lagi ang routine ko minsan mga dalawang araw pahinga tapos pag sinipag laro na naman ulit, freshman ako nung panahon na yun hanggang sa sophomore year ko tuluy-tuloy parin ang ginagawa ko sa sport na gusto ko, minsan mga bandang hapon habang naglalakad ako papuntang skating rink para tignan kung ganon parin ang itsura ng dating pinaglalaruan namin ng mga kasama ko pero nadismaya ako sa nakita, kulang kulang na yung mga tubo kahit alam ko na laging may nagbabalak bawasan ang mga nakakabit na mahabang tubo sa gilid in short unti-unting kinakahoy yung mga tubo dahil napabayaan na yung skating rink na dati ay madaming naglalaro don tuwing summer, nakakalungkot isipin kung kailan naging high school nako saka naging malungkot ang inline scene sa laguna pero wala pa sa isip ko na tumigil sa bagay na gusto ko dahil doon ako naging masaya, hindi nagbago ang lifestyle ko hanggang sa tuluyan na talaga kong tumigl pansamantala sa inline skate pero sa bawat araw na dumadating hindi ko parin nakakalimutan ang isang bagay na nagbigay sakin ng magandang experience.

Time flies ika nga pero ganon nga talaga ang buhay, may mga bagay-bagay na bigla mo nalang makakalimutan lalo na kung sobrang busy, masasabi kong isa ako sa mga ganong tao pero hindi naman super busy in short sakto lang.

Lumipas ang 3 hanggang 4 na buwan, hindi parin ako naglalaro pero lagi akong nanonood ng ESPN at laging inaabangan ang x-games, inline skate lang ang madalas kong panoorin at na-amaze ako sa mga contestant at don ko nakita na pwede palang mag-slide at grind sa tubo at bench, wala pakong kilala at idol sa mga contestant nun nung nanonood nako ng ganong sport at nalaman ko na hindi rollerblades ang tawag nila sa sapatos na may gulong kundi inline o kaya skate, don ko rin nalaman na ang ginagawa nila sa inline ay aggressive inline skate kaya kabilang siya sa pagiging extreme sport, sa kakanood ko ng x-games nung panahon na yun isang tao ang nagbigay sakin ng inspirasyon para mag-level-up ng adrenaline, walang iba kundi si Arlo Eisenberg.

Sa tuwing inaabangan ko ang x-games sa ESPN hindi ko nililipat ang channel dahil ayokong may ma-miss akong highlights sa sport na lagi kong sinusubaybayan kasama na yung run ni Arlo. Habang naa-addict ako sa kakapanood ng x-games eh nag-desisyon ako na subukan na ang aggressive inline para maiba dahil alam ko sa sarili ko na kaya ko dahil mas malakas ang loob ko kumpara nung bata ako, masasabi ko na mahirap sa umpisa pero kung may tyaga may nilaga, hindi naging madali para sakin ang aggressive inline dahil walang pwedeng magturo sakin kaya ang ginawa ko kinundisyon ko ang sarili, practice ng basic at kung ano-ano pa hanggang sa may nakilala akong bagong lipat na malapit samin, itago nalang natin sa tawag na boy Seneca at boy Roces(name ng rollerblades). Nung una kong nakilala si boy Seneca eh medyo may konting yabang siya pero carry naman kahit papano dahil nagkakaintindihan kami pagdating sa inline sa tuwing naglalaro kami kung saan-saan kami nakakapunta pero hindi kami napunta sa lugar na napuntahan ko nung hindi ko pa siya kilala, sa tuwing napapadaan kami sa isang kaibigan ko na mahilig sa skateboard eh konting kamustahan at kulitan at biglang naisip ng kaibigan kong skater na gusto niyang subukan ang inline dahil tingin niya enjoy dahil marami siyang nakikitang nagi-inline sa lugar namin.

Lumipas ang isang buwan sa wakas nakabili narin ng sariling inline ang kaibigan ko na mahilig sa skateboard, nang sinubukan niya ang bagong sport na ginagawa namin ay hindi naging madali sa kanya dahil hindi siya marunong mag-balance at magpa-andar kaya ang ginawa ko tinuruan ko siya kung pano mag-balance at magpa-andar, salamat sa tulong ng ibang kalaro ko na nagi-inline din kaya’t hindi ako nahirapang turuan ang kaibigan ko na newbie. Nang matuto siya halos siya na ang madalas magyaya samin mag-inline at minsan pa nga tatawag siya para papuntahin ako at ang iba pang kasama namin para maglinis ng bearing para ma-maintain ang bilis at hindi mangalawang, every two or three times a week namin ginagawa ang maintenance sa mga bearing namin after nun gagamitin na namin sa hapon para masubukan kung bumagal o bumilis ang mga bearing namin, madalas sa subdivision lang kami naglalaro at wala pa sa isip namin ang pumunta ulit sa ibang lugar dahil nage-enjoy naman kami kahit papano.

Lumipas ang dalawang buwan at naging tumal na ang inline session namin dahil yung iba wala ulit oras, ako bihira na ulit maglaro dahil walang pwede ma-aya hanggang sa nagkita kami ni boy Seneca.

“Uy pre kamusta na, nagi-inline ka pa ba?” sambit ni boy Seneca.
“Eto okay lang, bihira nalang din ako maglaro gawa minsan wala akong kasama kaya minsan tinatamad narin” sambit ko.
“Minsan laro ulit tayo pag may oras” si boy Seneca ulit.
“Siga ba, yun lang pala eh basta tawag ka lang sa bahay kung kailan” sambit ko ulit.

Tatlong araw palang ang lumipas simula nung naglaro ulit kami, nang saktong umabot ang pang-apat na araw na maglalaro na kami eh nagulat ako, sapagkat hindi na Seneca ang gamit niyang inline kundi Roces na kaya’t todo puri siya sa bago niyang inline, yung sa akin Roller Derby parin dahil wala pa sa isip ko ang magpalit ng bagong inline, naisip ko na saka nako magpapalit pag nasira na yung gamit ko, binida rin ni boy Roces sa isang kaibigan namin na kakaumpisa palang mag-inline kaya abot hanggang tenga ang ngiti ni boy Roces pero para samin okay lang ang attitude na inasal niya dahil yun na talaga ang nature niya, simula nung nagpalit ng inline si boy Seneca eh halos siya na ang nagyayaya sakin maglaro kahit minsan tinatamad ako pero no choice ako kaya’t nakakapaglaro ako, mabuti narin siguro yun para hindi mawala ang mga tricks na alam ko.

Nang minsan nung nanood ulit ako ng x-games sa EPSN para panoorin ang mga contestant sa inline skate medyo nadismaya ako dahil hindi ko na nakikitang sumasali si Arlo Eisenberg dahil nag-retire na pala siya kahit alam kong wala pa siya sa edad na 30 sa pagkakaalam ko pero sikat parin siya sa inline scene kahit nag-retire na. habang pinanonood ko yung isang run ng contestant sa tv nagulat ako dahil commentator na pala si Arlo sapagkat pinapakita sa tv screen ang pangalan ng commentator pero may isang bagay na umagaw ng atensyon ko habang nagsasasalita ang commentator, Roadhouse pala name nung contestant na nakita kong naglalaro at nagulat ako na apprentice pala yun ni Arlo kaya hindi ako magtataka na magaling din siya.

Pagkatapos ko mapanood ang run ni Roadhouse sa x-games doon na talaga ko nagpasiya na subukan na talaga ang aggressive inline skate kahit alam kong walang magtuturo sakin pero isang bagay ang tumatak sa isip ko ng mga oras na yun “Bahala na”

Kaya’t nag-isip ako ng paraan kung paano paga-aralan yung mga grinds sa aggressive inline pero walang pumapasok na sakin pero hindi parin ako nawalan ng pag-asa dahil alam kong darating ang pagkakataon, nang minsan ng mapadaan ako sa skating rink na dati na laging kong pinupuntahan nung elementary pako dahil may nakikita akong nagi-inline, gusto ko mang lumapit para magtanong pero hindi ko nagawa dahil nahihiya ako at alam kong mas matanda sila sakin dahil sa mga height nila kaya hindi nalang ado lumapit, nang mapansin ko kung ano ang ginagawa nila sa inline bigla kong naalala na pang aggressive inline ang mga ginagawa nilang tricks sa tubo na sakto lang ang height, may time na hindi ko nakikita kung anong trick ang ginagawa nila dahil sa sobrang bilis ng andar nila, pagkatapos kong makitang may nag-a-aggressive inline ay don ko naisip na meron nang pwede magturo sakin ng mga tricks sa aggressive inline kaya nung napadaan ulit ako sa skating rink para makita ulit ang ginagawa nila eh mas tumindi ang interes ko na subukan na talaga ang aggressive inline kaya’t nagmadali akong umuwi pero hindi nako bumalik sa skating rink, lumabas ako pero gabi na at pinuntahan si boy Roces para ikwento sa kanya ang nakita ko nung hapon sa skating rink. kinuwento ko na may naglalaro sa skating rink ng inline pero hindi flatland ang laro nila kundi aggressive na, nung una wala siyang idea kung ano yung sinasabi ko, sa huli naintindihan din niya nung pinaliwanag ko na ang ibig kong sabihin kaya’t sa huli nagkaron narin siya ng interes na subukan ang aggressive inline, sa isip ko “sa wakas may kasabay nako mag-aggressive inline, mabuti narin yun kesa sa wala” dahil mas bata sakin si boy Roces eh mabilis ko siyang napapayag sa panibagong experience na gusto ko hanggang sa tanungin niya ko.

“araw-aaw ba sila naglalaro sa skating rink?” sambit ni boy Roces.
“ang alam ko araw-araw kasi madalas ko silang makita sa skating rink pag napapadaan ako don” sambit ko.

“puntahan natin yung mga naglalaro don pag nandon sila tapos magpaturo tayo para may kasabay tayo maglaro basta walang mahihiya sating dalawa” si boy Roces ulit.
“sige pre walang problema” sambit ko.
 
Re: extreme sport(the truth behind 10)

8th part on process :yes:



ps:TSE! :beh::belat::taunt::lmao:
 
Last edited:
Re: extreme sport(the truth behind 10)

Nang napagusapan na naming dalawa ni boy Roces ang plano, nagdesisyon kami na pumunta sa skating rink pagkatapos ng klase. Nagkataon kasing pang-umaga ang klase ko ganon din si boy Roces, alas dos ng tanghali biglang nag-ring ang landline.

“pre, mamayang alas tres punta tayo sa skating rink” si boy Roces sa kabilang linya.
“sige pre kita kits mamaya” sambit ko sabay baba ng telepono.

Dumating ang alas tres ng hapon kaya’t umalis na agad ako sa bahay, saktong nagkasalubong kami ni boy Roces at agad na dumiretso sa skating rink, nang nakarating na kami sa skating rink sakto andon yung mga nag-a-aggressive inline na nakita ko nung huling napadaan ako.

“pre walang mahihiya ah” paalala ulit ni boy Roces.
“oo naman” sambit ko.

Dumiretso na agad kami pagkatapos ng usapan at sakto nung nakita kami nung mga naglalaro don eh yung isa nakaupo at nagpapahinga, yung dalawa eh tuloy lang sa practice ng mga tricks, napahinto lang sila nung andon na kaming dalawa ni boy Roces sa pwesto nila, umupo kami sa isang bench na sementado malapit sa pwesto nila.

Bigla kong napansin na parang familiar ang mga itsura nila nung pagkakita ko sa kanila, biglang kong naalala don din pala sila napasok sa school ko pero higher batch sila sakin ng two years.

“tara laro tayo!” yaya nung nakaupo sa kabila.
“kuya hindi kami marunong nung ginagawa niyo eh” sambit ni boy Roces.

“di tuturuan namin kayo para hindi lang kami ang marunong saka madali lang yung ginagawa namin” paliwanag saming dalawa ni boy Roces.
“parang nakakatakot pag sumemplang ka kasi tubo yung titirahan mo” sambit ni boy Roces.
“kaya nga extreme ang tawag kasi delikado pag hindi ka nag-ingat” paliwanag nung isa.

sa isip ko may punto nga siya, kung hindi ka talaga magi-ingat eh disgrasya aabutin mo pag nagkataon kaya nung tanungin ulit kaming dalawa ni boy Roces kung gusto namin matututo mag-grinds, hindi na kami nagdalawang isip at sumang-ayon kami sa gusto namin mangyari.

“patingin nga nung gamit niyong inline kung pwede sa aggressive” tanong nung isa.

pinakita naming dalawa ni boy Roces ang gamit naming inline, ilang saglit nagsalita ulit yung nagtanong samin.

“pwede sa aggressive yung mga gamit niyo” sambit niya.
“pwede pala akala ko hindi eh” sambit ko.
“anong trick ang gusto niyo matutunan?” tanong saming dalawa ni boy Roces.
“kuya anong tawag don sa ginagawa nung isa, yung naka-dikit yung isang paa sa tubo tapos yung isa naka-patong lang?” tanong ni boy Roces.

“soul grind ang tawag don” sambit nung isang naglalaro.
“ah soul grind pala, sige kuya turo mo sakin yun” si boy Roces ulit.
“sige turo ko na sayo ngayon” sambit niya.
“kuya ano naman tawag sa trick tapos parang nakatayo ka lang sa tubo pero nadulas?” sambit ko.
“royale tawag don sa trick na sinasabi mo” paliwanag sakin.

“ah royale pala hehehe…mukhang nakakatakot gawin yun ah” sambit ko.
“sa una lang nakakatakot pero once na napadulas mo at na-out mo sa tubo eh balewala na yung takot” paliwanag ulit sakin.

Nawala ang pangamba ko nung pinaliwanag sakin kung ano talaga ang sikreto sa aggressive inline kaya’t naging kampante ako, tinuruan ako kung pano gagawin ang trick na gusto ko, unang advice na sinabi sakin ay stall ko muna kaya yun muna ang una kong ginawa, once na na-stall ko na subukan ko naman ng umaandar kahit konti kaya ginawa ko, inabot ako ng three to four tries bago ko mapadulas yung inline ko sa tubo kasi akala ko madali lang pero hindi pala, nung pang-limang try ko na doon ko lang napadulas ng malinis pero humihinto bago ko ma-out.

“bilisan mo ng konti para ma-out mo, kinakapos ka sa bilis eh” paliwanag sakin nung nagtuturo.
“ganon ba? sige bilisan ko ng konti” sambit ko.

Umaandar ako ng may saktong bilis, tumalon ako bago ko makalapit sa tubo sakto ang take-off ko kaya napadulas ko ng mahaba at dinama ko ang feeling ng nasa ibabaw ng tubo habang nadulas kaya’t ng malapit na huminto ang pagdulas ng aking inline ay di ko inaasahan na kusa akong tatalon para ma-out ko.

“nice! ang haba nung grind mo” puri sakin nung isa.
“hehehe….okay pala yung royale na trick, ulitin ko pa nakaka-addict eh” sambit ko ng may kasamang excitement.

Sakto nakita kong na-out rin ni boy Roces yung soul grind kaya napa-palakpak ako dahil pareho kaming nagkaron ng trick sa aggressive inline, pati yung mga nagtuturo samin natuwa dahil ang bilis namin matuto kahit alam nila nung una palang kabado kami.

Ilang beses namin ginawa ni boy Roces ang aming new trick sa aggressive inline, hindi kami tumigil hangga’t hindi kami napapagod kaya tuloy-tuloy lang kami at nakakasabay kami sa mga nagturo samin ng trick, may time na nagkakamali minsan meron namang hindi kasi nage-enjoy talaga kaming lahat, minsan nagugulat kami boy Roces sa mga ginagawa ng mga kalaro namin kasi hindi namin alam ang tawag sa mga trick na ginagawa nila.

“kuya anong tawag don sa ginawa niyang trick na naka-cross ang paa?” tanong ni boy Roces.
“unity tawag don” paliwanag nung isa.
“kuya next time turo mo sakin yung unity pag gamay na gamay ko na yung soul grind” si boy Roces ulit.
“sige yun lang pala eh” sambit ng taong gumawa ng trick.

“kuya pag nagamay ko yung royale, turo mo sakin yung soul grind” sambit ko.
“sige, ayos hahaha grabe kayo ang bilis niyo matuto” sambit nung isa.
“eh enjoy mag-grinds sa tubo, sa una lang pala nakakatakot” ako ulit.

Napansin naming magdidilim na kaya nauna na kaming umuwi ni boy Roces at nagpaalam sa mga mentor namin, habang pauwi eh di namin maitago ang sayang dinulot ng aggressive inline, akala namin uuwi kaming may pasa at bali sa buto yun pala kabaligtaran ang nangyari, mas lalo namin na-enjoy ang kakaibang trip.

Nang nakarating nako sa bahay at magtatanggal ng inline sakto nag-ring ang telepono.
“pre, bukas laro ulit tayo” sambit ni boy Roces sa kabilang linya.
“sige pre dating oras ulit” sambit ko sabay baba ng telepono.
Pagkatapos ng konting pagu-usap sa telepono, bigla kong binuksan ang tv para tignan kung may x-games pero bigo ako, ibang sport ang pinakita kaya kinuha ko ulit ang inline ko sa isang sulok at pinagmasdan, kita ko ang mga gasgas at kung pano nalaspag sakin sa araw-araw kong gamit pero ayoko pa magpalit ng bago dahil hangga’t buo pa ang gamit kong inline hinding-hindi ako magpapalit, hahayaan kong tuluyan siyang masira bago ko magpalit ng bago.

Pagkatapos mabuo ang desisyon, doon lang ako natulog dahil ramdam ko ang pagod sa buong katawan.

Kinabukasan pagkatapos ng klase ko ay umuwi na agad ako para makapagpahinga kahit saglit para may lakas pagdating ng hapon, saktong alas-tres nag-ring ang telepono.

“pre daan ka na dito sa bahay” sambit ni boy Roces sa kabilang linya.
“sige pre punta nako” sambit ko sabay baba ng telepono.

Pagkatapos ng maikling usapan saka lang ako naghanda bago pumunta sa bahay ni boy Roces, nung nandon nako sa harap ng bahay nila tumawag ako saglit, pagkatapo ng ilang segundo bigla siyang lumabas at dumiretso na kami agad sa skating rink para maglaro at magpa-pawis. Akala namin kami yung huling dumating yun pala kami yung nauna kaya natawa nalang kami dahil hindi namin inaasahan na mauuna pala kami kaya hindi na kami nagsayang ng oras at sinimulan na naming maglaro kahit wala pa yung mga kalaro namin na nagturo samin ng panibagong experience sa inline, salitan kami ni boy Roces sa trick na ginagawa namin sa iisang tubo hanggang sa mapagod kami, nagulat yung mga nagturo samin ng bigla silang sumulpot dahil ang aga namin sa lugar para maglaro.

“ang aga niyong dalawa ah, halatang hapit kayo maglaro” sambit ng isa na kakaupo palang at nilalabas ang inline.
“mas mabuti na yung maaga para makarami kami” sambit ni boy Roces.
“saka sayang ang oras kaya dapat maaga kami” sambit ko.

“buti maaga kayo ngayon kasi pag late na kayo naglaro medyo tatamarin na kayo ng tuluyan” sambit ng isa habang nagsusuot na ng inline.
“oo nga eh tatamarin ka bigla pag padilim na” sambit ko.

“ano game na? “sambit ng unang nakapuna dahil sa sobrang aga namin sa lugar.
“sige kuya tara na! ikaw pre laro na ulit” sambit ni boy Roces sakin.

“eto na nga’t tatayo na eh” sambit ko.

Apat lang kasi kaming nasa skating rink nung araw na yun, yung isang kasama nila absent pero okay lang kaya naglaro na kami, kagaya ng dati walang kapaguran, titigil lang kami kung nakakaramdam na ng pagod, minsan pag nasemplang kami eh nagtatawanan pa dahil nae-enjoy namin ang ginagawa ika nga “tumayo agad kapag nagkamali”.

Pagkatapos ng ilang oras na kakatalon at kakapadulas sa tubo at wala na kami masyadong makita sa paligid, doon kami nagdesisyon na tumigil at umuwi kaya nagpaalam na kami ni boy Roces, ganon parin ang usapan naming dalawa para sa susunod na araw dahil talagang na-enjoy namin talaga ang kakaibang trip sa inline. Kinabukasan bago dumating ang oras ng pagkikita ganon parin ang usapan naming dalawa ni boy Roces, halos dalawang linggo kaming ganon ang ginagawa pagkatapos ng klase, one time nagkataon na kaming dalawa lang ni boy Roces ang naglaro dahil wala yung tatlong nagturo samin pero okay lang tuloy parin ang happenings kaso may isang hindi inaasahang nangyari, nakapwesto ako sa malayo para tumira ng aking favorite trick, napadulas ko ang inline ko sa tubo ng ubusan at na-out ko, nang maramdaman kong nasa lapag na ang dalawang paa ko sakto may narinig akong crack sa frame ng inline ko kaya nung tinignan ko yung gilid ng frame nawala sa align yung frame ng inline dahil karamihan ng mga inline na lumabas dati eh hindi pa pwede palitan ng frame, swerte ko dahil hindi ako sumemplang pagkatapos, medyo nalungkot ako dahil hindi ako makapaniwala na masisira ang inline ko dahil sa aggressive inline.

“pre pano yan sira na yung inline mo” si boy Roces.
“oo nga eh siguro mukhang kailangan ko na talaga magpalit ng bago per kung kaya pa gawan ng paraan pwede ko parin siyang gamitin” sambit ko.

Pinagmasdan saglit ni boy Roces yung frame ng inline ko saka sinabing.
“pre magagamit mo pa yan, hindi naman nagkalamat yung frame eh nawala lang sa alignment yung frame kasi tignan mo yung mismong nuts lang ang natanggal kaya pwede pa yan” sambit ni boy Roces.

“oo nga no, may pag-asa pa palang maayos hehehe…”sambit ko.
“ganito pre, hanap ka ng nuts na pwede ilagay dyan tapos kapag may nakita ka na ikabit mo agad para makapaglaro ka ulit, sayang naman kung titigil ka kasi kung tumigil ka wala nakong kalaro araw-araw” paliwanag ni boy Roces.
“sige pre gagawan ko ng paraan tong inline ko as soon as possible” sambit ko.

Nahinto ako ng dalawa hanggang tatlong araw sa inline pero pagkatapos kong napahinga sa sport na na-enjoy ko nagawan ko na ng paraan, nakahingi ako ng nuts sa kaibigan ko na dati kong kalaro ng pinuntahan ko siya sa bahay nila para ipakita at ipaliwanag kung ano nangyari sa inline ko, nang makita niya ang itsura ng inline ko kumuha agad siya ng tools, habang kinakabit niya ang nuts sa frame ng inline ko ay pinapanood ko lang siya sa ginagawa niya dahil siya ang nakakaalam kung ano ang gagawin kaya hindi nako nakialam, nang matapos ayusin ng kaibigan ko yung inline ko todo pasalamat ako sa kanya dahil akala ko tuluyan na talaga kong titigil sa inline pero hindi pala dahil nagawan ng paraan ang sitwasyon ko, pagkatapos ma-solve ang problema ko tinawagan ko agad si boy Roces para sabihin ang magandang balita sa kanya, bago pa maayos ang inline ko ay nagdesisyon nako magpalit dahil hindi ko na nae-enjoy ang madalas kong gamit, kaya bago tuluyang magpalit nagpabali ulit ako sa tita ko para kung sakaling masira ng tuluyan ang gamit kong inline may reserba ako, tuloy-tuloy parin ang inline session namin ni boy Roces araw-araw, dumating ang sabado at sakto nasa mall kami ng tita at pinsan ko, sinabi ko na may titignan lang ako sa toby’s pagkatapos ay aalis na, sa isip ko once na pinakita ko yung inline na nakita ko sa loob ay tatanungin ako kung gusto ko o hindi, habang nasa loob kami ng toby’s tinignan ko agad yung inline na naka-display sa loob at tinignan ang presyo, sakto sale ang price kaya sinabi ko agad sa tita ko na gusto ko yung inline na naka-display kaya pinakuha agad ng tita ko sa sales clerk yung naka-display at pinasukat agad sakin, akala ko sobrang luwag sakin yun pala sakto lang yung size kaya hindi nako nagdalawang-isip kaya sinabi ko agad sa tita ko na gusto ko yung inline na nakasuot sa paa ko kaya’t binayaran agad ng tita ko sa cashier at kami’y umuwi na.

Nang nakauwi na kami ay pinagmasdan ko ang bagong inline, napaisip ako bigla pagkat parang hindi pwede sa aggressive yung nabili naming inline kasi pang street hockey yung design at kokonti lang ang may gamit ng ganong inline, blade runner ang pangalawang inline ko, nung panahon na yun sa isip ko tingin ko pwede ko parin siya gawing aggressive kahit ang frame niya ay medyo manipis at medyo matigas ang pagka-plastic ng frame, nang sinukat ko ulit siya at handa ko nang binyagan eh tinawagan ko agad si boy Roces sa kanila at niyaya kong maglaro kahit sa kalsada lang.

Nang nagkita na kami nagulat siya dahil bago na ang gamit kong inline at sinubukan kung mas mabilis ang bearing ko kesa sa kanya per nagkamali ado, mas mabilis parin ang bearing ng gamit niya kahit hindi linisin mabilis parin, yung lumang inline ko tinambak ko sa isang sulok para magamit ko yung bago at para masanay ako, nung nasanay nako sa pangalawang inline ko nagdesisyon akong gamitin ulit yung lumang inline kaso nabigo ako, hinahanap ko kung saan ko siya tinambak pero hindi ko parin siya makita, lumabas ako sa bahay at tinignan yung sinisigang papel, plastic at iba pa sa harap, hindi ko napansin agad kung ano-ano yung nasunog sakto wala ng apoy yung siga kaya isa-isa kong pinagmasdan yung mga nasunog na papel at plastic, nalungkot ako nung may nakita akong violet at itim na plastic dahil tandang-tanda ko kung kulay ng lumang kong inline, nalungkot ako dahil ang hinahanap ko ay isa na palang maliit na plastic.
 
Back
Top Bottom